Katatapos lang namin mag-almusal at pabalik na kami sa hotel para mag-empake. Ilan oras na lang ay magche-check-out na kami dahil kailangan pa namin bumiyahe papuntang Puerto Princesa Airport.
Nasa tabing dagat na kami at ilang metro na lang ang layo sa tinutuluyan naming hotel nang huminto ito sa paglalakad.
"Let's talk here." saad nito pagkatapos ng mahabang katahimikan.
Nagsalubong ang kilay ko. Bakit dito? Paano kami makakapag-usap kung may mga tao sa paligid. 'Di bale sana kung kami lang. Bukod do'n ay medyo maingay.
Umupo siya sa buhangin at tinapik ang tabi bilang senyales na umupo ako roon. Sinunod ko ang gusto niya para matapos na. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Ilang segundo ang lumipas ngunit hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatingin ito sa asul na dagat na para bang ang lalim ang iniisip.
"Ano ba pag-uusapan natin?" Hindi na ako nakatiis magtanong.
"I want you to be my girl." diretsong sagot nito.
Napanganga ako sa sobrang gulat. Oo nga't crush ko siya pero hindi ko naman gustong maging rebound lang. Naging vocal ako sa kanya na 'wag niya akong gamitin para lang makapagmove-on. Magiging masaya sana ako kung gusto niya akong maging girlfriend dahil mahal niya ako. Pero hindi iyon ang tingin kong dahilan.
"Is this some kind of a joke?" tugon ko nang mahimasmasan. Pumihit siya para tingnan ako sa mata.
"No. I'm dead serious." seryosong sagot nito.
Ako ang hindi nakatagal sa tigtig niya kaya ako naman ang umiwas ng tingin. Itinuon ko ang aking mga mata sa dagat.
"Alam kong nasaktan ka ni Leanne at magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasaktan sa nangyari sa amin ni Theo. Pero hindi naman yata sapat na dahilan 'yon para maghanap tayo ng ibang mamahalin. Ang sugat ay pinaghihilom ng panahon. Huwag mo naman akong gawing band-aid."
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinihit paharap sa kanya. Magkasalubong ang mga kilay nito. Hindi na niya kailangan isatinig dahil nangungusap ang kanyang mga mata.
"Band-aid. Panakip sa sugat. Nakakatulong sa paghinto ng pagdaloy ng dugo pero sa bandang huli ay itatapon din naman kapag hindi na kailangan." paliwanag ko.
Pumikit siya ng mariin at saka hinilamos ang kamay sa kanyang mukha.
"Wala na akong magagawa kung iyan ang iniisip mo. Nakatatak na talaga 'yan sa utak mo. I repeat, be my girl." inis na saad nito.
"My answer is NO. Hindi mo ba naiisip kung gaano ka komplikado ang gusto mong mangyari? Ano na lang iisipin ng kapatid mo at kapatid ko? 'Yung mga pamilya natin..."
"Wait. Don't rush things. I didn't say I wanna marry you. I said I wanna you to be my girl. I don't think we need their consent regarding you being my girlfriend." he butt in.
Parang sinaksak ako ng patalim sa sinabi niyang 'yon. He couldn't even imagine me being his wife. Is that what he wants to imply? I do believe that when you want someone to be your girlfriend or boyfriend, you're considering him or her to be your future better half. My God! He just answered the question in my head. He wants me to be 'just' his rebound."
"I just answered your question. It's a NO." mariin kong sagot.
Kahit gaano pa kita hinahangaan ay hindi ako papayag na maging panakip butas., sabi ng utak ko. Imbis na matuwa ako ay lalo lang akong nasaktan. Pinangarap kong maging nobya niya pero hindi sa ganitong sitwasyon. Gusto ko ay dahil sa mahal niya ako hindi dahil gusto niya akong gawing substitute sa girlfriend nito.
BINABASA MO ANG
Rescuing His Rebound (Hidden Desire)
RomanceHe doesn't have any idea why his girlfriend left him. They've been a couple for six years already. But when he finally decided to propose to her on his birthday he found out that she's gone. He kept looking for her, but she was nowhere to be found...