Chapter 40

5.2K 92 3
                                    

Pababa pa lang ako ng hagdan ay tumayo na si Mama mula sa sofa. Sinalubong niya agad ako nang tuluyan ng makababa. Niyakap niya ako ng sobrang mahigpit. Nilapitan kami ni Papa at nakiyakap sa amin. Hindi ko tuloy mapigilan ang maging emosyonal. Sinisikap kong 'wag tuluyang bumigay sa harap nila.

"Kumusta ka na? Okay ka lang ba?" tanong ni Mama pagkatapos kumalas sa akin at hinawakan ako sa mukha. 

"Maayos naman kami rito." sagot ko sabay sulyap kay Xander. Sinikap pigilan ang paggaralgal ng aking boses. Isang maaliwalas na ngiti ang sinukli niya nang sulyapan siya ng mga magulang ko.

"May sakit ka ba? Bakit namumutla ka yata?" tanong naman ni Papa.

 Kinabahan ako. Ayokong makahalata siya. Tiyak na magagalit siya kapag sinabi ko ang aking hinala na buntis ako.

"Pansin ko nga rin, Pa. Ang sabi niya'y okay naman siya. Pero 'wag po kayong mag-alala. Dadalhin ko siya sa doktor sa bayan." sabat ni Xander.

"What?! I-I'm absolutely fine. Gutom lang 'to." giit ko. 

"Mabuti pa'y mag-almusal ka na. Pasensya ka na't nauna na kaming kumain. Ang aga kasi naming umalis sa bahay." suhestiyon ni Papa.

"Kumain na ho kayo?"

"Pinakain na kami nitong si... ng a-asawa mo." sagot ni Mama habang iginigiya ako papunta sa kusina.

"Ako na ang bahala sa kanya." pigil ni Mama sa kanila nang tangkain nilang sumunod.

 Pinaupo ako ni Mama sa harap ng mesa. Kumuha siya ng plato at inilagay sa aking harap. Nang buksan niya ang mga pagkaing nakatakip ay bigla kong natutop ang aking bibig. Para akong maduduwal sa amoy ng bawang na nasa sinangag. Nang hindi ko na mapigilang masuka ay tumakbo ako sa sink at saka nagduduwal. Naramdaman ko ang paghagod ni Mama ang aking likod. Inilalayan niya ako pabalik sa mesa nang matapos. Inalis niya kaagad ang sinangag sa mesa at inilagay ito sa ref. Pagbalik ay may dala na siyang loaf bread. Umupo siya sa umupang nasa harap ko at ginawan ako ng egg sandwich. Inilagay niya ito sa aking plato pagkatapos ay tumayo siyang muli. Pagbalik ay may dala nang isang basong gatas. Inilapag niya ito sa aking harapan.

"Kumain ka na." saad nito pagkatapos maupong muli.

 Habang kumakain ay hindi siya umiimik ngunit alam kong may gusto siyang sabihin. Matiyaga niya akong hinintay matapos. Pagkaubos ko sa gatas ay hindi na siya nakatiis.

"Are you pregnant?" seryosong tanong nito.

"H-hindi ko po alam." naluluhang sagot ko.

"Anak naman... Tapatin mo nga ko, magkasama ba kayo sa iisang kwarto?" tanong nito.

"Opo." tipid kong tugon sabay yuko.

 Napahawak siya sa kanyang noo. Parang ano mang oras ay bibigay na siya.

"Hindi ba kabilin-bilinan namin na 'wag kayong magsasama sa iisang kwarto?" dismayadong wika nito. Naiiyak na rin siyang tulad ko.

"Ang alam niya'y mag-asawa kami, Ma." katwiran ko.

"Alam ko 'yon. Pero tingnan mo ang nangyari sa'yo. Nabuntis ka nang hindi kayo kasal." tugon niya. Parang sasabog ang dibdib ko sa paggaralgal ng boses niya. Alam kong nasasaktan siya para sa akin.

"Hindi pa naman ho sigurado." sagot ko. Nagbabakasaling mabawasan ang kanyang pag-aalala.

"Malakas ang kutob kong buntis ka." seryosong saad nito.

"Kung totoo man, Ma. Baka naman noong una pa lang na may mangyari sa amin ay nabuntis na niya ako." pampalubag-loob ko.

"Hindi sapat na katwiran 'yan para gawin niyong muli ang pagkakamaling 'yon. Ikaw ang dehado anak. Paano tayo makakasigurado na pakakasalan ka niya kapag bumalik na ang kanyang alaala?"

Rescuing His Rebound (Hidden Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon