Divine Yana 'Dy' Montelibano Pov
"Look, who's happy now?!" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng magsalita si Ian, ni hindi ko na kasi siya namalayan na nasa loob na pala siya ng office ko with Stella, na nagpipigil narin na hindi matawa, sobrang Bully naman kasi nitong si Ian, nakakaasar!
Tinaasan ko siya ng kilay at nag-ayos ng upo ko, bringing back my composure.
"Ahmm, Miss Montelibano, may private meeting po kayo after 15 mins, darating po si Mr. Ortega for urgent business proposal po na—"
"Wait, Mr. Ortega?" I asked na may pagkalito,
Saka ko tiningnan si Ian na napaka-seryoso ng mukha, "Ian? Pumayag ka sa meeting na ito? Bakit? I thought—"Saka anong business proposal?, bakit urgent? May kinalaman ba to kay Lj? Alam na ba niya na? Ogawd... nagpapanic kong tanong sa isipan ko.
"It's Mr. Ortega, Dy." Ian took a deep breath "gusto ka niyang makausap," lumapit si Ian sa office table ko saka tumayo sa harapan ko.
"Actually, kahapon pa sana pero wala ka nga so, ngayun nalang siya nagpa-set ng appointment para makausap ka."saka niya sinenyasan si Stella na lumabas muna so that we could have that privacy to talk."But why? Bakit wala kang sinasabi kahapon?,is it about Lj? What about her? i mean, hindi naman dapat, bakit ba kasi—"
"Dy, relax." Lumapit pa siya sakin and gently squeezed my both shoulder, " how will you know kung hindi ka makikipag-usap?" Seryosong tanong ni Ian,
"How can i Relax Ian? It's been almost 1 and a half Year, ng last kaming mag-kausap at magkita ni Mr. Ortega, sa hindi pa magandang senaryo?"
I don't know, pero bakit ba bigla akong kinabahan, parang gusto na ngang lumabas ng puso ko sa kaba. "Alam ba ni Lj to, Ian?""I don't think alam ni Lj," saka siya nag straight ng tayo, at umiling-iling.
"W-What do you mean?"
"Kasi—" Ian got interrupted ng tumunog ang intercom, i just mouthed Ian 'wait' and press the answer button.
"Yes?" I asked.
"Miss Montelibano, naghihintay na po si Mr. Ortega sa conference room po.." said Stella on the line, I gulp when i heard Mr. Ortega's name, parang lahat na ng balahibo ko sa katawan eh nagsitayuan na lahat, sa hindi ko malaman dahilan,
Hindi naman dapat ako matakot diba?
Pero bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
Yung feeling na lumalabas ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko? Well. OA na kung Oa.
"Ok, pakisabi papunta na ako." I said and look Ian with my worried face, as in kinakabahan ako.
"Dy, take a deep breath ok? Si Mr. Ortega lang yun, sa dami ng mga malalaki, mainpluwensya, at nakakatakot na taong nakasalamuha mo na, bakit kaba kinakabahan?" Said Ian, na nagpipigil ng tawa, at halata naman sakanya na pinagtatawanan at binu-bully nanaman ako nito sa isipan niya, kaya tiningnan ko siya ng masama. He just raised his hand and umiling-iling nalang.
BINABASA MO ANG
Mysterious Marriage
RomanceIt's for you to Find out..🤫 R🔞 with matured content (read at your own risk )⚠️⚠️⚠️ May2020~sept2021