CHAPTER 1
"GOSH! BAKIT KAILANGAN NIYANG MAMATAY?! HUHUHU!"
Sa sobrang inis ko ay kaunti na lang at maitatapon ko na ang cellphone ko.
"Ingay mo!" Reklamo naman sa akin ng kapatid kong si Roxanne.
"NAKAKAINIS KASI! MINAHAL LANG NAMAN NIYA 'YONG EMPEROR PERO HANGGANG SA DULO HINDI PA RIN SIYA PINANIWALAAN! NANIWALA SIYA D'ON SA MALANDING BABAE NA 'YON! BWISIT!"
"Sinabi ko naman kasi sa'yo na 'wag mo nang basahin 'yan, maiinis ka lang," sabi nito habang nag-s-scroll sa phone niya.
"Kung pwede lang na pumasok ako sa libro tapos sasapakin ko 'yong emperor, e!" Asik ko at kinuyom ang kamao ko.
"Yeah..." usal niya. "Tapos ay hindi ka na makakalabas sa libro kasi magagaya ka sa main character na pinugutan ng ulo."
"HMP!" Pag-irap ko sa kaniya.
"Pero sa totoo lang, Ate Ramielle, ang tragic talaga ng buhay niya. Buong buhay niya minahal niya lang naman ang emperor, pero dahil lang sa kasalanan na hindi niya ginawa, namatay siya. Ang mas masakit pa sa part niya, mas pinaniwalaan ng emperor si Concubine Zhen, ni hindi man lang pinakinggan ang side niya."
"Gwapo sana 'yong emperor kaso bobo," sagot ko na may kasamang pag-iling.
"True⁓"
"Naalala ko 'yong kaibigan niya. Nandidilim din paningin ko sa kaniya, e. Tinuring siyang kapatid ng empress pero trinaydor niya lang siya." Gigil pa rin sa nabasa ko.
"Ate, awat ka na. Story lang 'yan," pagpapakalma nito sa akin.
Napahawak ako sa magkabilang dulo ng sintido ko para bawasan ang stress na nararamdaman ko. Alam ko namang story lang 'yon pero ewan ko ba kung bakit ako masyadong affected. Nakakainis talaga.
"Sa tingin mo, 'Xanne? Kapag tayo kaya 'yong naging character magiging masaya kaya tayo sa dulo?" Biglang tanong ko sa kapatid ko.
"Hindi," diretsong sagot niya dahilan para malakas ko siyang batuhin ng unan. Sakto at tumama 'yon sa mukha niya.
"Bakit naman hindi?!" Asik ko.
"Sakit..." daing niya habang hinihimas ang mukha niya. Hindi pinansin ang tanong ko.
"Hoy! Bakit nga?!"
"Tingin mo, papasa ka sa palasyo?! Bigla kang naghahagis ng unan! Ang brutal mo!"
"Ikaw talaga–!"
"Gusto n'yo bang subukan?"
Sabay kaming napatahimik at napatingin sa isa't isa ng kapatid ko nang marinig ang isang malamig na boses.
'Hala? Ano 'yon? Creepy!'
"N-narinig mo rin yun, ate?" Nauutal at nanginginig na tanong ni Roxanne.
Dahan-dahan akong napatango at napalunok.
"Hinihintay ko ang sagot n'yo."
Nilakasan ko ang loob kong magtanong. "S-subukan ang alin?"
"Na mabuhay sa istoryang aking inakda," sagot nito.
Napatingin ako uli sa kapatid ko na dahan-dahan namang umiling. Sinasabing humindi ako.
"Bakit nga ba nagtatanong pa 'ko? Hindi ko naman kailangan ang permiso n'yo," wika niya at bumungisngis.
Natigilan ako nang biglaang mabalot ng dilim ang paligid. Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman at mapagtantong nahuhulog ako sa kawalan. Kahit na wala akong ibang makita ay ginala ko ang paningin ko at sinubukang hanapin ang kapatid ko.
"ROXANNE! ROXANNE!" Paulit-ulit kong pagtawag sa pangalan ng kapatid ko hanggang sa tuluyan na kong mawalan ng malay.
___
"Lady Shen! Lady Shen!"
Napabangon ako at agad na hinanap ang kapatid ko, ngunit hindi ko siya nakita.
"Lady Shen!"
Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko. Halos kasing edad ko lang siya. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa'kin.
'Lady Shen? Ako ba ang tinatawag niya?'
Napatingin ako sa paligid. Puno ng antigong kagamitan ang kwarto, mga bagay na nakikita ko lang sa mga Chinese historical drama.
"Lady Shen, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ng babae.
Pumikit ako at muling dumilat, umaasang babalik na ko sa kwarto kung nasaan kami ng kapatid ko, pero nandito pa rin ako.
"Lady Shen," pagtawag nito.
"Sino ka?" Tanong ko sa kaniya.
Halatang nabigla siya sa tanong ko at napasimangot.
"Lady Shen, ako po si Xue. Tagapaglingkod n'yo po ako. Kaya pa nga po ang nagpangalan sa'kin. Hindi n'yo po ba 'ko natatandaan?" Malungkot niyang tugon.
"O-oo nga pala," utal ko. "Natatandaan na kita."
Lumiwanag ang mukha niya nang marinig ang sinabi ko at matamis na ngumiti.
"Pasensya ka na. Binangungot kasi ako kaya wala ako sa sarili ko," palusot ko.
"Ayos lang po 'yon!"
"Ano pong gusto niyong kainin? Ipaghahanda ko po kayo para makakain at bumalik ang lakas n'yo."
"Kahit ano na lang."
"Masusunod po!"
Nang naiwan na kong mag-isa, isa-isa nang lumitaw sa isipan ko ang mga tanong, ngunit kahit na ilang segundo na kong tumunganga ay walang sagot na pumapasok sa isipan ko.
'Napunta nga talaga ako dito? Nasaan ang kapatid ko? Bakit ako lang ang nandito? Hindi ba siya nasama? Pero alam ko sinama siya?'
"Ang dami bang tanong pero 'di masagot?"
Napatayo ako nang muling marinig ang malamig na boses na 'yon.
"Kasalukuyang nakatigil ang oras sa mundong 'to, kaya naman kahit gaano pa tayo katagal mag-usap para ubusin ang mga tanong mo ay hindi tayo magagambala. Sa madaling salita, makakapag-usap tayo nang maayos."
"Nasaan ang kapatid ko?" Agad kong tanong.
"Nasa isang mayamang pamilya rin siya ngayon ngunit hindi kayo magkapatid dito. Masanay ka na. Magkikita na lang kayo uli sa palasyo, kapag pinatawag na kayo ng emperor para piliin na maging isa sa mga asawa niya."
'Emperor? Asawa? Kung gan'on ay napunta nga talaga kami sa loob ng story?'
"Nakausap mo na ba siya?"
"Hindi pa. Mas nauna kang nagising sa kaniya."
"Paano kami makakabalik sa mundo namin?"
"Itanong mo muna kung makakabalik pa ba kayo."
Napakunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"
Halos mapaupo ako sa kama sa sobrang gulat nang biglaang lumitaw ang isang phoenix sa harap ko. Mas lalo pa 'kong nagulat nang magsalita ito.
"Relax. Ako lang 'to."
"Ikaw?" Napatango ako nang makuha ang ibig niyang sabihin. "Anong ibig mong sabihin kanina?"
"Kapag namatay kayo sa mundo ko, mamamatay na rin kayo sa totoong mundo. Ang tanging paraan lang para makaalis kayo rito at makaligtas ay tapusin ang istoryang isinulat ko."
'Makaligtas? Ang ibig niya bang sabihin ay manalo?'
"'Wag kayong mag-alala, iba ang oras dito at oras sa totoong mundo, kaya naman kapag nakabalik na kayo r'on ay parang wala rin nangyari," dagdag niya.
"Tutulungan mo ba kami?" Tanong ko.
"Wow," natatawa niyang tugon. "Sa dami ng mga kinulong ko rito ay ikaw lang ang nagtanong kung may balak ba akong tulungan kayo. Dahil iba ka sa kanila, tutulong ako sa inyo kapag kailangan."
"Pwede mo na ba kong tulungan ngayon? Maliit na bagay lang naman to."
"Sabihin mo lang. Baka magawan ko ng paraan."
"Sagutin mo lang ang mga tanong ko," tugon ko at huminga nang malalim. "Sa tingin mo ba, mapipili ako? Kung mapipili ako, anong paraan ang pwede kong gawin para mapansin?" Magkasunod kong tanong.
'Kung kailangan ko talagang manalo, kailangang mapansin ako ng emperor.'
"Mapipili ka," diretso niyang sagot. Walang pag-aalinlangan. "Payo ko lang na maging maingat at matalino ka sa harem. Alam ko naman na maraming libro na ang nabasa mo at maraming drama na ang napanuod mo, kaya naman alam kong alam mo ang gagawin mo. Sana lang ay handa ka."
"Oo nga pala," usal ko. "'Di ba, nasa China ako at Chinese ang mga tao rito, bakit kahit Tagalog o English ang sinasabi ko ay naiintindihan nila?"
"Para sayo Tagalog, pero Chinese sa kanila. Auto translate kumbaga. Kapag nagsalita ka ay awtomatikong nababago ang wikang ginamit mo sa wikang naiintindihan nila."
"Isa pa, 'wag kang magugulat kapag malinaw mong naiintindihan ang mga Chinese character. Sa mundong 'to, Chinese ka at mula sa isang makapangyarihang angkan, normal lang na nakakapagbasa at nakakapagsulat ka."
"Ang skills ng character mo ay skills mo rin. Kung dati ay nagagawa niyang magburda, sumayaw, kumanta, at iba pa, magagawa mo rin 'yon ngayon."
Pagkatapos niyang magpaliwanag ay bigla na lang siyang naglaho. Ang sabi niya, uubusin niya pa ang mga tanong ko, pero nawala na siya. Sa bagay, wala na rin naman talaga akong itatanong. Sapat na ang mga nalaman ko. Malamang ay nababasa niya ang laman ng isip ko, kaya alam niya ang bagay na 'yon. Mukhang alam na alam niya ngang talaga ang mga bagay-bagay sa mundong sinulat niya.
"Lady Shen, ito na po ang sweet soup balls niyo⁓"
Kinuha ko 'to at nagpasalamat sa kaniya bago kumain. Hindi ako mahilig sa Chinese foods pero dahil masarap 'to ay mukhang masasanay naman ako, at kailangan ko talagang masanay, lalo na at hindi namin alam kung hanggang kailan kami mananatili rito.
___
"Ama, pinapatawag niyo raw po ako." Tumungo ako upang magbigay-galang sa kaniya.
Tinigil niya ang ginagawa niya at napabuntong-hininga. "Anak, ikaw at ang tatlong kapatid mo na lang ang mayr'on ako..."
Pinaliwanag sa'kin ni Xue na sa mundong ito, wala na ang aking ina. Nawala siya matapos ipanganak ang kambal naming lalaki. Ayaw na rin naman ng tatay ko na mag-asawa uli, kaya kaming tatlo na lang ang mayr'on siya.
"Sa inyong apat, ikaw lang ang nag-iisang babae. Ngayon ay mahihiwalay ka pa sa akin," wika niya na may halong lungkot.
Kahit na hindi siya ang totoo kong ama ay nakaramdam ako ng lungkot nang mahimigan 'to sa boses niya. Baka kaya ako nalulungkot ay dahil ito rin ang naramdaman noon ng character ko.
'Talagang mahal na mahal siya ni Shengling,' wika ko sa sarili. 'Siguro ay gan'on talaga sila kalapit, lalo na at wala na ang kaniyang ina.'
"Ama, kapag hindi ako napili ay hindi na ko muling mag-a-asawa pa at kayo na lang ng aking mga kapatid ang aalagaan ko," sinsero kong tugon. Siguro ay ito rin ang gugustuhin niyang sabihin at gawin para sa ama niya.
Napangiti siya. "Napakabuti mong anak, at dahil mabuti ka ay sigurado akong mapipili ka sa tulong ni Buddha."
"Ama..."
'Mukhang wala talagang pagpipilian ang character ko kundi mapabilang sa harem ng emperor.'
"Pinapunta kita rito para sabihin na mamaya na ang alis mo patungo sa palasyo," usal niya. "Isa ka sa mga nakapasa at napili para pumasok sa Hou Gong. Ang emperor na lang ang magdedesisyon kung makakapasok ka ba o hindi, kaya nais kong mag-ayos ka, anak."
[Hou Gong = Harem.]
"Opo."
___
"Sa unang pila ang mga Han! Sa pangalawa naman ang mga Manchu! At sa pangatlo naman ang mga Mongolian! Pumila kayo nang maayos!"
"Lady Shen, dito po," pag-alalay sa akin ni Xue.
Pumila kami kung nasaan ang mga Han. Mahilig ako sa mga Chinese drama pero 'di gan'on karami ang alam ko. Ang alam ko ay may tinatawag silang banner system na binubuo ng mga Han, Manchu, Mongolian, at iba pang maliliit na grupo. Pero hanggang d'on lang ang nalalaman ko.
Sinubukan kong hanapin si Roxanne pero sinasabihan ako ni Xue na kumilos raw ako nang naaayon. Sa madaling salita, wag akong lingon nang lingon. Nag-aalala lang talaga kasi ako sa kapatid ko, kaya gusto ko na siyang makita, at miss ko na rin siya.
Dinala muna nila kami sa isang lugar kung saan raw kami maghihintay bago humarap sa emperor. Kami lang ang maaaring pumunta. Kailangan nang magpaiwan sa labas ang mga tagapaglingkod. Ito ang naging pagkakataon ko para hanapin ang kapatid ko at 'di rin nagtagal ay nakita ko siya.
"Roxanne," mahinang tawag ko rito at kinalabit siya.
Mabilis siyang napalingon sa direksyon ko. Agad niya kong niyakap nang makita.
"Ate–"
"Shh..." pagpigil ko sa kaniya. "Hindi tayo magkapatid dito at hindi pa tayo nagkakakilala. Baka may magtaka kapag may nakarinig sa'tin."
"Naiintindihan ko. Na-miss lang kita."
"Na-miss din kita. Ako na ang nag-alaga sayo mula noong mawala ang mga magulang natin, hindi ako sanay na wala ka," mahinang saad ko.
"Ate, Han ka o Manchu?" Tanong nito.
"Han ako," sagot ko. "Ikaw?"
"Manchu," sagot nito.
Napasimangot ako sa sagot niya, hindi dahil sa hindi kami parehong Han, kundi dahil alam kong hindi pinapaboran ng emperor ang mga Manchu. Mas gusto kasi ng emperor ang mga Han. Iniisip ko pa lang na maaaring mahirapan ang kapatid ko ay nanghihina na ako.
"Ate, alam ko ang iniisip mo. 'Wag kang mag-alala, hindi ako magdurusa, mataas ang posisyon ng aking ama. Siya ang hihila sa'kin," sabi nito na nakapagpagaan sa loob ko.
"Ako nga pala si Shen Shengling, mula sa pamilya ng mga Shen. Ang ama ko ay ang Minister of Personnel, Shen Deming," pagpapakilala ko sa kapatid ko.
[Minister of Personnel: In charge of appointments, merit ratings, promotions, and demotions of officials, as well as granting of honorific titles.]
"Ako naman si Baturu Ilhaalt, mula sa pamilya ng mga Baturu. Ang ama ko ay si Baturu Mutengge Jiangjun at ang aking ina naman ay si Baturu Hairatai," pagpapakilala naman niya.
[General/Jiangjun: The army general in ancient Chinese military hierarchy was the officer who was responsible for supervision and training of army officers. The general was the top most military rank of a division and was responsible for all the military operations of that division.]
"Anong itatawag ko sa'yo?" Tanong niya sa akin.
"Sheng Jiejie," sagot ko. "Tatawagin naman kitang Ilha Meimei. Parang gaya sa mga nababasa at napapanuod natin dati. Kahit hindi naman tayo magkapatid dito, magkapatid pa rin tayo sa puso."
[Jiejie = older sister. Meimei = younger sister.]
"Sige, Jiejie."
"Pumila na kayo, Cheng Li, Cheng Liu, Zhu Guang, Chen Fan, Shen Shengling, at Zhou Chenhua!" Pagtawag ng isang eunuch.
"Good luck, Sheng Jiejie!"
"Ikaw din, Meimei," nakangiti kong tugon bago sumunod sa pila.
Nakayuko kaming huminto at humarap sa emperor at empress dowager. Gustuhin ko man na makita ang mukha nila, hindi ko magagawa. Hindi ko maiwasang mapansin na para bang napakakalmado ko kahit na ang dalawang pinakamakapangyarihan sa imperyo ang nasa harap ko. Siguro ay ganito lang talaga kataas ang confidence ng totoong Shengling para 'di makaramdam ng kaba.
"Shen Shengling, 17, anak ng Minister of Personnel!"
Inayos ko ang damit ko bago lumuhod at bumati. "Mapasainyo nawa ang kapayapaan at pagpapala, Tai Hou, Huang Shang. Ako po si Shen Shengling."
[Tai Hou = Empress Dowager. Huang Shang = Emperor.]
"Gusto ko ang boses niya. Napakalamig. Maganda sa pandinig," puri ng empress dowager sa boses ko.
Napangiti ako. "Maraming salamat po, Tai Hou."
"Naging mabuting kaibigan ko ang iyong ama na si Shen Deming. Ipaabot mo sa kaniya ang pangangamusta ko," sabi naman ng emperor.
"Makakaasa po kayo, Huang Shang. Maraming salamat po."
"Magalang ang kaniyang pananalita at napakahinhin ng kaniyang kilos. Gaya ng kaniyang ina na si Shen Shuchun. Natutuwa akong nakikita ko siya sa kaniya," sabi naman ng empress dowager.
"Kilala n'yo po ang aking ina?"
Curious ako kasi walang masyadong nakwento sa'kin si Xue. Hindi niya na rin kasi naabutan na buhay ito.
"Oo naman. Naging tagapaglingkod ko rin siya noon bago niya natagpuan ang pag-ibig sa iyong ama. Nakalulungkot lamang isipin na namatay siya matapos ipanganak ang kambal mong kapatid."
"Tama na ang tungkol sa kaniyang pamilya," wika ng emperor. "Kumusta ka? Anong mga pinagkakaabalahan mo?"
"Gaya lamang po ako ng iba, Huang Shang. Nagbabasa at nag-aaral upang mapalawak pa ang aking kaalaman, nagbuburda kapag may libreng oras, at tumutulong sa pagluluto. 'Yon lamang po, Huang Shang," magalang kong tugon. Lahat ng sagot ko ay base sa sinabi ni Xue bago magtungo rito sa palasyo. Kaya hindi ko masasabi na pagpapakitang-gilas lamang ang mga sinabi ko.
"Mapagkumbaba, matalino, at masipag. Bihira lang akong matuwa at mapangiti ngunit hindi ko mapigilan sa harap ng batang 'to. Talagang nakakatuwa siya!" Masayang tugon ng empress dowager.
"Kung natutuwa ka sa kaniya, Huang E'niang, wala akong nakikitang dahilan para hindi siya tanggapin sa Hou Gong," wika ng emperor. "Bigyan n'yo siya ng sachet."
[Huang E'niang = Empress Mother.]
"Nakapasa si Shen Shengling! Bigyan siya ng sachet!"
"Maraming salamat po, Tai Hou, Huang Shang," pagpapasalamat ko bago tumayo.
Inabot sa akin ang sachet na agad ko namang tinanggap at tinago. Madali rin namang natapos ang batch namin dahil puro bulaklak lang ang binigay sa iba.
Kapag bulaklak ang binigay sa'yo, hindi ka napili. Kapag sachet naman, napili ka.
Kailangang umuwi na ako agad at hindi ko na mahihintay pa si Roxan– I mean si Ilha Meimei. Kailangang masanay na kong tawagin siyang gan'on dahil baka magtaka ang iba kapag natawag ko siyang Roxanne.
Naghihintay sa'kin sa gate si Xue. Halata sa mukha niyang nagtatanong siya kung anong naging resulta ng pilian, kaya pinakita ko ang dala kong sachet.
"Masaya po ako para sa inyo, Lady Shen!"
"Sasama ka ba sa'kin sa palasyo?" Tanong ko rito.
Nabigla siya sa tanong ko at agad na napaluhod sa harap ko at napayuko. "Malugod ko pong gagawin ang bagay na 'yan! Pagsisilbihan ko po kayo hanggang sa dulo at hinding-hindi ko po kayo iiwan!"
"Ano ka ba?" Natatawa kong tugon. Nabigla ako sa kinilos niya. Gan'on siguro talaga kalaking bagay sa kaniya na makapasok sa palasyo. "Tumayo ka. Hindi mo kailangang lumuhod."
Hinawakan ko ang kamay niya at tinulungan siyang tumayo. Talagang loyal na loyal siya kay Shengling. Nakikita ko kung gaano siya kabait sa paraan ng pakikitungo sa kaniya ng ibang tao.
"Umuwi na tayo," nakangiti kong tugon.
Ngayon. Officially. I become a concubine.
BINABASA MO ANG
I Become A Concubine
Historical FictionRevenge. Rivalries. Schemes. What will it takes for you to survive and be the one sitting on the throne? ____ -READ AT YOUR OWN RISK- *This is the RAW VERSION of the story. It's never been altered and it contains a lot of errors. *This is only a pr...