CHAPTER 11

1.4K 65 0
                                    

CHAPTER 11

ZHEN GUI REN

"Ang bigat niya!" Masayang tugon ko habang buhat ang mataba, cute, at black na tutang tibetan mastiff.

[The Tibetan Mastiff is a large Tibetan dog breed belonging to the mastiff family. Originating with the nomadic cultures of Tibet, China, Mongolia, India and Nepal, it is used by local tribes of Tibetans and Indians to protect sheep from wolves, leopards, bears, large mustelids, and tigers.]

"Ang laki talaga ng lahi nila." Namamanghang tugon ni Xue.

"Base sa itsura niya ay alam kong magiging malakas at matapang siya sa hinaharap." Sabi naman ni Ying Nuzi.

"Hindi ka nagkakamali." Sagot ko.

"Lady Zhen, narito na po si Prince Huiqi." Tugon ni Xing-Su Gonggong.

"Papasukin niyo siya." Nakangiti kong tugon.

Bumwelo ako upang tumayo habang buhat pa rin ang tuta habang hinehele ko siya na parang tunay na sanggol.

Pagpasok ni Prince Huiqi ay agad siyang lumuhod sa akin. "Mapa sa inyo nawa ang kapayaan, Zhen Gui Ren."

"Tumayo ka." Tugon ko na agad nitong sinunod.

Umupo kami upang mag-usap.

"Zhen Gui Ren, bakit niyo po ako pinapunta?" Magalang nitong tugon.

"May mga gusto akong ibigay sa'yo." Sagot ko rito.

Ibinigay ko ang tuta kay Xue upang iabot ito sa prinsipe.

"Binibigay niyo po siya sa akin?" Tanong nito.

"Hindi ka nagkakamali." Sagot ko sa kaniya. "Alam namin na balang-araw, ang tutang 'yan ay magiging malakas at matalino. Gaya mo."

"Zhen Gui Ren, hindi ko po ito matatanggap." Pagtanggi niya.

Umiling ako sa kaniya. "Tanggapin mo siya, alagaan mo at palakihin. Lumaki kayong magkasama at balang-araw ay proprotektahan niyo ang isa't-isa."

"Maraming salamat po, Zhen Gui Ren!" Masayang nitong tugon.

"Anong ipapangalan mo sa kaniya?" Tanong ko rito.

"Wala pa po akong kaalaman. Paano po kung kayo po ang magpangalan sa kaniya?"

"Hindi. Sa'yo siya kaya naman ikaw dapat ang magpangalan sa kaniya."

Napaisip siya.

"Paano po kung... Liang?" Tugon niya na nakapagpangiti sa akin.

"Sana ay maging mabuti siyang bantay sa iyo. Ituring mo siyang kaibigan at hindi lang isang hayop."

"Hinding-hindi ko po kakalimutan."

"May isa pa." Tugon ko sa kaniya.

Tumingin ako kay Xiao-Cong na nasa gilid ngayon ng silid at sumenyas sa kaniya.

Lumapit ito sa prinsipe at lumuhod. "Binabati kita, mahal na prinsipe! Ako po si Xiao-Cong at pinapangako ko po ang katapatan ko sa inyo!"

Halata namang nagulat si Huiqi sa naging tugon nito.

"Tanggapin mo siya. Isa siya sa mga magagaling at tapat kong tagapaglingkod."

Tumayo siya at ibinigay kay Xiao-Cong si Liang. Nagmadali naman itong lumuhod sa akin upang magpasalamat.

"MARAMING SALAMAT PO, ZHEN GUI REN! HINDI KO PO KALILIMUTAN ANG KABUTIHAN NIYO!"

Tumayo ako upang alalayan naman siyang tumayo.

"Mapagbibigyan mo ba kong tawaging ina?" Tanong ko rito.

Halatang mas lalo pa itong nagulat. Hindi nagtagal ay may mga luhang pumatak na sa kaniyang mga mata. Ilang segundo bago pumasok sa utak ko na niyakap na niya ko at hindi ako nagdalawang-isip na yakapin siya pabalik.

"Susubukan ko pong maging mabuting anak sa inyo!" Lumuluha nitong tugon habang nakayakap pa rin sa akin.

"Tama na ang iyak." Natatawang tugon ko rito.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap.

"Masaya lamang po ako... Ina. Ngayon ko lamang po naramdaman na may mag-alaga at mag-alala sa akin." Sagot niya habang pinupunasan ang mga luha niya.

"Nais kong tandaan mo ang sasabihin ko sa'yo." Seryosong tugon ko rito at hinawakan ang makabilang balikat niya.

Tumangi siya bilang pagsang-ayon.

"Hindi ang pinagmulan mo ang magsasabi kung magiging ano ka sa hinaharap."

"Opo."

Tumingin ako kay Xiao-Cong na ngayon ay buhat pa rin si Liang.

"Alagaan mong mabuti ang aking anak." Tugon ko rito.

"Opo."

"Mauna na kayo. Napakalamig na ngayon." Tugon ko rito.

"Mag-iingat po kayo, ina." Tugon nito at lumuhod sa akin bago tuluyang umalis kasama si Xiao-Cong at Liang.

---

"BINABATI NAMIN ANG MAHAL NA EMPRESS DOWAGER." Bati namin ni Xue at Ying Nuzi at tumungo.

"Tumayo kayo." Tugon ng empress dowager.

"SALAMAT PO, TAI HOU." Sagot namin.

Inalalayan naman akong tumayo at umupo ni Xue.

"Tai Hou, bakit niyo po ako pinatawag?" Tanong ko.

"Nabalitaan kong inampon mo si Prince Huiqi." Sagot nito.

"Labag po ba ito sa inyong loob?" Tanong ko.

Umiling siya. "Hindi. Masaya pa nga ako dahil nagawa mo siyang alagaan."

"Pwede ko po bang malaman ang inyong dahilan?"

"Simple lang." Sagot nito. "Apo ko siya at hindi 'yon magbabago."

"Kahit na ano pa ang pinagmulan niya... Dugo ko, dugo ng aking anak, at dugo rin mula sa makapangyarihang angkan ang nanalaytay sa kaniya. Kahit baliktarin pa ang mundo, apo ko siya."

Napatango ako. "Naiintindihan ko po kayo, kamahalan."

"Maraming salamat. Sa impluwensiya mo ay siguradong gaganda na ang takbo ng buhay niya sa palasyo."

"Tai Hou, kung may pagkakataon ay tutulungan niyo rin po ba ang prinsipe?"

"Oo, ngunit palihim. Ayokong magalit sa akin ang aking anak. Matanda na ko at walang makapagsasabi kung hanggang kailan na lang ang buhay ko, ayokong mamatay ako na may sama siya ng loob sa akin."

"Malakas pa po kayo. Huwag po kayong magsalita ng ganyan." Tugon ko.

"Walang ibang makapagsasabi ng aking nararamdaman kundi ako lang. Ayoko mang mamaalam sa mundo ito ay hindi 'yon maitatanggi. Mawala man ako ay masaya akong lilisan dahil alam kong narito ka sa palasyo at ikaw na ang bahala sa aking anak at iba pang apo."

"Opo." Malungkot kong sagot.

Nalulungkot ako sa usapan namin. Alam ko naman na mamamatay naman talaga ang tao, pero mabigat pa rin pag-usapan.

"Habang nabubuhay akong sisiguraduhin kong magiging maayos ang buhay niyo sa palasyo." Pangako niya.

"Pinapangako ko pong lagi ko po kayong bibisitahin at aalagaan." Tugon ko.

"Ginagawa mo na ang bagay na iyan. Hindi mo na kailangang mangako pa." Nakangiti niyang sagot.

"Nakita pa lang kita noon sa pilian ay alam kong ikaw na ang mangingibabaw sa kanila. Alam ko na sa iyong tindig pa lang ay mayroon ka ng paninindigan. Natutuwa akong hindi ako nagkamali."

Napangiti ako sa narinig ko.

"Maraming salamat po."

"Ilang buwan ka na sa harem?" Tanong nito sa akin.

"Tatlong buwan na po at isang buwan na po akong nagdadalang-tao." Sagot ko.

"Kamusta ang pagbisita ng emperor?" Tanong niyang muli.

"Sa loob ng isang buwan ay nakalabing-limang bisita lamang sa harem ang emperor. Anim na beses sa akin, dalawa sa empress, tatlo kay Ai Huang Gui Fei, at ang natitira pa ay sa ibang concubine." Sagot ko.

"Sana ay maintindihan mong marami siyang ginagawa."

"Naiintindihan ko po. Kung ako po ang tatanungin ay mas nanaisin ko pang alalahanin niya ang kaniyang sarili at ang bayan kaysa sa girian na nangyayari sa amin sa harem." Sagot ko.

"Isang napakalaking imperyo ang umaasa sa kaniya. Dagdag pasakit lamang sa kaniya kung may mangyayari sa harem."

"Nariyan naman po si Lihua Huang Hou at Ai Huang Gui Fei."

"Hindi magtatagal ay tutulong ka na rin sa pagsasa-ayos ng harem."

"Ngunit huwag po muna siguro ngayon." Sagot ko at hinimas ang aking tiyan.

Napangiti siya. "Alagaan mo ang aking magiging apo."

"Gagawin ko po ang lahat."

"Magpahinga ka na, Zhen Gui Ren." Tugon nito sa akin.

"Mauna na po kami." Tugon ko at sinabayan ako ng mga tagapaglingkod kong tumungo.

Lumabas na kami sa palasyo ng empress dowager at inalalayan ako ni Xue na maupo sa sedan chair. Sabay-sabay nila itong binuhat patungo sa palasyo ko.

"Zhen Gui Ren, naging tahimik ang harem ng nakaraang buwan." Tugon sa akin ni Xue.

"Shh! Baka may mangyari kapag pinansin mo ang swerte!" Pagsaway naman sa kaniya ni Ying Nuzi.

"Patawad po." Sagot nito.

Hindi ko na lang sila pinansin at nanahimik. Nakarating na kami sa palasyo ko nang salubungin ako ni Xing-Su Gonggong.

"Gonggong, bakit kayo naghihintay dito?" Tanong ko.

"Zhen Gui Ren, nalason daw po si Baturu Da Ying!" Balita sa akin nito.

Napakunot ang noo ko. "Pumunta tayo sa palasyo niya."

Gamit ang sedan chair ay tumungo naman kami sa Palace of Pearl Jade. Sa labas pa lang ay alam kong nagkakagulo na sila.

"ZHEN GUI REN." Bati sa akin ng ibang mga concubine at tumungo.

"Tayo." Sagot ko.

"Binabati ko ang empress. Binabati ko si Ai Huang Gui Fei Niangniang." Bati ko sa dalawa at tumungo.

"Tumayo ka." Sagot sa akin ng empress.

Tumayo na ko gaya ng sinabi niya.

"Nalason daw si Baturu Da Ying, totoo ba?" Tanong ko.

"Totoo. Hindi pa namin alam kung ano talaga ang nangyari." Sagot naman sa akin ni Ai Huang Gui Fei.

Napatingin kami matapos lumabas ang doktor sa silid niya.

"Anong nangyari?" Tanong ng empress.

"Napag-alaman namin na bawal pala sa mga pagkaing dagat si Baturu Da Ying. Hindi niya siguro alam na nakakain siya. Kung hindi naagapan agad ay maaari siyang mamatay." Tugon ng doktor.

Sa madaling salita, allergy lang pala.

"Mga wala kayong kwentang tagapaglingkod!" Tugon ng empress sa mga tagapaglingkod ni Roxanne.

"Niangniang, sinisiguro po namin na wala siyang makakaing kahit na anong bawal sa kaniya!" Depensa naman ni Wan.

"Kung sinisiguro niyo ay bakit nakakain siya?!" Tugong muli ng empress.

"Tama na, Huang Hou. Ligtas na siya kaya hindi na dapat pang pagkaabalahan." Walang pakialam na tugon ni Ai Huang Gui Fei.

"Opo, hayaan na nating magpahinga si Baturu Da Ying." Pagsang-ayon sa kaniya ni Qiu Fei.

"Niangniang!" Biglang tugon ng isang ngayon ko lang nakita.

May bago na pala siyang tagapaglingkod?

"Patawarin niyo po ako! Hindi na po kaya ng konsensiya ko!" Tugon nito.

"Magsalita ka." Tugon ng empress.

"Niangniang, inutusan po talaga akong maglagay ng hipon sa isa sa mga pagkain ni Baturu Da Ying! Napag-utusan lang po ako! Patawarin niyo ko!" Sagot nito.

"Sabihin mo kung sino." Utos ko sa kaniya.

"S-Si... Si..." Dahan-dahan siyang napatingin kay Ai Huang Gui Fei. "SI AI HUANG GUI FEI NIANGNIANG PO! SIYA PO ANG NAG-UTOS SA AKIN!"

Napatingin ako kay Ai Huang Gui Fei na halatang nagulat sa sinabi nito.

"Bakit naman gagawin ni Ai Huang Gui Fei ang sinasabi mo?" Tanong ko rito.

"Noong isang araw po ay nagkasalubong sila sa Imperial Garden at hindi na nakapagbigay-galang si Baturu Da Ying dahil nagmamadali na siya papunta sa palasyo ng empress. Nagalit si Ai Huang Gui Fei at patago niya kong kinausap upang gawin ang pinaplano niya." Paliwanag nito.

Sikreto akong napangisi.

"Tatanggi ka pa ba, Ai Huang Gui Fei?" Tanong sa kaniya ng empress.

"Maniniwala kayo sa salita ng isang tagapaglingkod?" Tugon naman pabalik ni Ai Huang Gui Fei.

"Huang Hou, bakit ba ang hilig mong mambintang?" Tanong ko rito na naging dahilan upang magbulungan ang ibang mga narito.

Hindi ko na lang sila pinansin at muling tumingin sa tagapaglingkod. "Bakit mo naman siya susundin na gawin ang bagay na 'yon?"

"Sinabi niya na mamamatay ang aking pamilya kapag hindi ako sumunod ngunit kapag nagtagumpay ako ay bibigyan niya ko ng pabuya at kukunin sa palasyo niya upang maglingkod! Natakot at nasilaw ako! Patawad po! Dapat po sa akin ang mamatay!"

"Tama ka." Tugon ko at ngumiti. "Dapat ka ngang mamatay."

"Zhen Gui Ren!" Pagsaway sa akin ng empress.

Tumingin naman ako sa empress.

"Huang Hou, kahit si Ai Huang Gui Fei man o hindi ang gumawa nito ay wala akong nakikitang masama. Sabihin na lang natin na ito ang parusa sa kaniya dahil binalewala niya si Ai Huang Gui Fei." Tugon ko.

Halatang di niya alam ang isasagot niya sa akin.

"Tama si Sheng Jiejie. Isa pa, buhay naman siya kaya dapat ay hindi na tayo magtalo pa." Pagsingit ni Wei Meimei.

"Huang Hou, kapag pinarusahan mo si Ai Huang Gui Fei ay parang sinabi mo na rin na maaari ka lang daan-daanan ng iba at hindi na galangin pa at parang hindi mo binibigay ang tamang hustisya para sa mataas na posisyon ni Ai Huang Gui Fei Niangniang." Nakangiting tugon ko.

"Kunin niyo ang tagapaglingkod. Tusukin niyo nang tusukin ang dila hanggang sa hindi na siya makapagsalita pa ng kung ano." Utos ng empress.

"NIANGNIANG! NIANGNIANG!" Pagtawag ng tagapaglingkod sa empress habang hinihila palayo.

"Kung tapos na ay mauuna na ko. Paalam." Tugon ko sa kanila at tumungo bago umalis kasama si Li Meimei at Wei Meimei.

Pagkalabas namin ay sinundan pala kami ni Qiu Fei.

"Zhen Gui Ren!" Pagtawag nito sa akin.

"Qiu Fei." Sabay-sabay naming tugon sa kaniya at tumungo.

"Maraming salamat sa pagtulong kay Xiuying Meimei." Nakangiting tugon nito sa akin.

Xiuying?... Ah! Si Ai Huang Gui Fei. Xiuying pala totoong pangalan niya.

"Hindi ko siya tinulungan ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama." Sagot ko.

Lalo itong napangiti sa sinabi ko. "Pareho kayo kung tumanggi ngunit maraming salamat pa rin."

"Mauuna na kami." Tugon ko.

"Bago ako magpaalam ay nais ko lang sabihin na maging malusog, malakas, at matalinong bata sana ang inyong maging anak, Zhen Gui Ren."

Nagkatinginan kaming tatlo ni Li at Wei at napangiti.

"Maraming salamat." Sagot ko.

I Become A ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon