CHAPTER 9
ZHEN GUI REN
"Sheng Jiejie, tanggapin niyo po ang regalo ko." Tugon sa akin ni Wei Meimei.
Kinuha ni Xue ang regalo at binigay sa akin. Inusisa ko ito at napangiti dahil sa ganda ng yari.
"Ang ganda!" Puri ni Li Meimei na nakatingin rin sa ginawa ni Wei Meimei.
"Oo. Maganda. Napakapino ng yari. May talento ka sa pananahi." Puri ko sa kaniya.
"Maraming salamat po, Zhen Gui Ren! Masaya po akong nagustuhan niyo po ang ginawa kong damit!" Masayang tugon nito.
Ang damit na ibinigay niya ay para sa sanggol. Kulay ginto ito at may tatak ng dragon.
"Paano kapag hindi naging prinsipe ang anak ko?" Tanong ko sa kanila.
"Muli po akong gagawa ng bagong damit, Sheng Jiejie." Sagot nito.
"Kahit naman po babae ang maging anak ninyo ay magiging masaya po ang emperor." Sabi naman ni Li Meimei.
Kaso hindi naman ako buntis. Jusmio.
"Zhen Gui Ren, ayos na po ang pagtatanghal para sa Moon Festival." Balita sa akin ni Xing-Su Gonggong.
"Magaling." Sagot ko.
"Zhen Gui Ren, pinapapunta raw po kayo ng empress dowager sa palasyo niya." Balita naman sa akin ni Xiao-Cong.
"Malamang ay babatiin kayo ng empress dowager, Zhen Gui Ren." Nakangiting tugon sa akin ni Wei Meimei.
"Sino pang pinatawag?" Tanong ko.
"Si Ai Huang Gui Fei Niangniang po at ang empress." Sagot uli ni Xiao-Cong.
"Xue, Ying Nuzi, tulungan niyo kong magpalit ng damit." Utos ko sa kanila.
"Pero Sheng Jiejie, maganda na ang suot mo." Sabi naman sa akin ni Li Meimei.
Nginitian ko sila. "May plano ako."
---
"BINABATI NAMIN SI AI HUANG GUI FEI NIANGNIANG AT ANG MAHAL NA EMPRESS. BINABATI NAMIN ANG MAHAL NA EMPRESS DOWAGER." Bati namin ni Xue at tumungo.
"Tumayo ka. Tayo." Natutuwang tugon ng empress dowager.
"SALAMAT PO, TAI HOU." Sagot namin.
Inalalayan akong tumayo ni Xue at umupo sa tabi ni Ai Huang Gui Fei.
"Natutuwa akong muli kitang makita. Napakaganda mo pa rin." Sabi ng empress dowager.
Ngumiti ako. "Hindi naman po, Tai Hou."
"Binabati nga pala kita. Salamat sa pagtulong na maipagpatuloy ang imperyong angkan."
"Hindi niyo po ako kailangang pasalamatan. Karangalan po sa akin ang makatulong."
"Napakabait mo talagang bata." Puri niya uli.
Ngumiti na lang ako bilang sagot.
"Huang Hou, Huang Gui Fei, sana ay hindi magkaroon ng hindi kaaya-ayang pangyayari sa pagbubuntis ni Zhen Gui Ren. Maliwanag ba?" Tugon nito.
Agad na tumayo ang dalawa at tumugo. "Makakaasa po kayo, Tai Hou."
"Bumalik na kayo sa mga pwesto niyo." Sabi ng empress dowager.
"Opo." Sagot ng mga ito at muling umupo.
Napatingin sa akin ang empress dowager.
"Zhen Gui Ren, bakit hindi ka magsuot ng matitingkad na kulay?" Pagpansin nit sa damit ko.
"Hindi ko po alam kung bagay sa akin." Nahihiya kunwareng sagot ko.
"Bagay sa'yo lalo na sa edad mo. Sa susunod na magkikita tayo ay gusto kong makita kita sa matingkad na kulay ng damit. Maliwanag?"
"Opo."
"Bai Huan (White Joy)." Pagtawag nito sa tagapaglingkod niya.
"Po?"
"Magpadala kayo ng mga matitingkad na tela sa Palace of Great Brilliance mamaya." Utos nito.
"Hindi na po kailangan, Tai Hou!" Pagtanggi ko rito.
"Hindi ko na maaaring bawiin ang sinabi ko."
"Maraming salamat po."
"Mayroon rin pala akong ibibigay sa iyo."
Lumapit sa akin si Bai Huan at ako mismo ang tumanggap ng regalo ng empress dowager.
"Ang ganda!" Tugon ko.
Mabilis akong tumayo at tumungo sa empress dowager para magpasalamat, "Maraming salamat po, Tai Hou!"
"Hindi mo na kailangan pang tumungo. Tumayo ka."
Muli ako bumalik sa pagkakaupo at tinignan ang hairpin na binigay sa akin. Ang disenyo nito ay si Buddha na may kanlong na sanggol. Gawa rin ito sa ginto.
"Ako mismo ang nag-isip ng disenyo niyan. Hinihiling ko na ingatan ni Buddha ang mga magiging anak niyo ng emperor. Kaya isang sanggol na kanlong ni Buddha ang ipinagawa ko sa kanila." Paliwanag ng empress dowager.
"Napakabuti niyo po. Alam ko pong pagpapalain kayo ni Buddha." Sagot ko.
"Isuot mo na. Gusto kong makita na suot mo."
Kaya naman sinuot ko ito at isinuksok sa buhok ko.
"Napakaganda, Lady Zhen!" Puri sa akin ni Xue.
"Hindi nga ko nagkamali. Bagay na bagay sa'yo."
Napatingin kami nang biglang tumayo ang empress.
"Tai Hou, mauuna na po ako." Paalam ng empress at umalis na.
Hindi rin nagtagal ay sumunod namang tumayo si Ai Huang Gui Fei.
"Ako rin po." Paalam rin niya at sumunod na sa paglabas ng empress.
"Hindi talaga maiiwasan ang selos sa harem." Tugon ng empress dowager habang umiiling.
"Tai Hou, huwag po kayong mag-alala sa harem." Pagpapakalma ko sa kaniya.
"Mauna ka na rin, Zhen Gui Ren. Hindi maaaring mapagod ang buntis. Sana lang ay bisitahin mo ko palagi." Sabi ng empress dowager.
"Sisikapin ko pong bisitahin kayo sa araw-araw, Tai Hou." Sagot ko at ngumiti.
"Ligtas mo lang na mailuwal ang aking apo ay hindi ako magdadalawang-isip na sabihin sa emperor na itaas ka sa antas na Pin."
"Maraming salamat po. Mauuna na po ako." Paalam ko at lumabas na sa palasyo.
Tulad ng dati ay inalalayan ako ni Xue na maupo sa sedan chair. Sabay-sabay nila 'tong inangat at nagtungo sa palasyo ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil gumana ang plano ko.
"Lady Zhen, bakit ang saya niyo po?" Tanong sa akin ni Xue.
"Dahil maging ang pabor ng empress dowager ay nakuha ko na." Sagot ko.
"Paano niyo po nasabi?"
"Binigyan niya ko ng regalo, pinakiusapan na lagi siyang bisitahin, at pinangakuan na niya ako ng posisyon. Kung hindi pabor ang tawag doon ay hindi ko na alam." Sagot ko.
"Lady Zhen, maaari po ba akong magsabi ng totoo?" Tanong nito.
"Ikaw ang dowry maid ko, Xue. Walang problema sa akin basta totoo ang sasabihin mo." Sagot ko.
"Lady Zhen, ang mga gawa sa harem. Ginagawa niyo na rin." Sabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ginagawa niyo na po ang kaya niyo upang makalamang kayo sa iba." Sagot niya.
Hindi ako nakasagot. Lalo na at kay Xue pa nanggaling ang mga salita 'yon.
Totoo kaya? Nagbago na nga ba talaga ako?
---
"Hindi ka na naman makatulog?"
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang author na nasa anyo naman ngayon ng isang tigre.
"Bakit ngayon ka na lang uli nagpakita sa akin?" Tanong ko.
"Bakt? Kailangan mo ba ko?" Tanong naman niya pabalik.
Muli akong napatingin sa mga bituin at inalala ang iniisip ko kanina.
Talaga bang nagbago na ko? Talaga bang nagiging kagaya na nila ako?
"Ano ba sa tingin mo? Ikaw lang naman ang nakakaalam sa sarili mo." Sagot niya sa akin.
"May gusto akong itanong, author." Sabi ko sa kaniya.
"Ano?"
"Bakit..." Tugon ko habang pinipigilan na tumulo ang mga luha ko. "Bakit ako tinalikuran ng kapatid ko?"
"Hindi ko naman maaaring sabihin sa'yo ang lahat." Sagot niya.
"Sabi ko. Wala ka talagang kwentang kausap."
"Wow. Akala mo naman napakaganda mong kausap." Pambabara niya sa akin.
"Author, ikaw na lang ang nagpapaalala sa akin na galing ako sa modernong mundo." Sabi ko sa kaniya.
"Ang kapatid mo? Hindi mo na ba talaga siya balak lapitan?" Tanong nito.
"Ayoko muna. Hindi ko alam kung ano ang plano niya."
"Gusto mo bang malaman kung may nagbago na sa story?"
"Mayroon na ba?"
"Wala pa kahit isa."
"Bakit ganoon?" Tanong ko sa kaniya.
"Kasi sinusundan mo mismo ang yapak ni Zhen." Sagot niya.
"Tapatin mo ko. Bakit unti-unti kong nalilimot kung ano ang nasa story?"
"Dahil kayo na sila." Sagot nito.
"Pero makakabalik pa kami sa totoong mundo, hindi ba?"
"Oo naman." Diretso niyang sagot.
Napatahimik ako.
Syempre. Makakabalik pa naman kami e. Kailangan ko lang na matapos 'to.
"Iiwan na ba kita?" Tanong nito.
"Iwan mo na ko." Malungkot kong tugon.
"Sige..." Tugon nito at naglaho na.
---
AUTHOR
Tae. Feeling ko tuloy guilty ako kasi dinala ko sila sa mundong 'to. Ngunit anong magagawa ko? Kailangan kong tapusin ang istoryang ginawa ko.
Invisible ako ngayon habang tinitignan silang nagkakasiyahan sa loob ng isang bulwagan. Sobrang bilis lang ng panahon at ngayon ay isinasagawa na nila ang Moon Festival.
Wala akong idea kung ano ang mangyayari dito. Kahit ako pa ang author, wala akong alam sa mga pinagsusulat ko. Bad trip. Tsk.
Pumasok ako sa loob para makita kung sino ang mga taong nandito at ang emperor, empress, at ang mga concubine lang pala.
Pumunta ako sa tabi ni Ramielle para makita kung ano ang ginagawa niya ngayon.
"Lady Zhen, mukhang maayos niyo pong nagawa ang inakda sa inyong tungkulin." Sabi ni Xue.
"Oo nga. Magaling ang mga nagtanghal." Sagot naman ni Ramielle.
Pansin ko lang na nagiging matipid na siya sa pananalita. Lagi lang rin siyang nakangiti kahit iba na ang nararamdaman niya. Pakiramdam ko ay unti-unti na niyang na-a-adapt ugali sa harem. Mabuti na lang at mabait pa rin siya.
'Gusto ko na bumalik sa palasyo ko.' Reklamo niya sa utak niya.
LOL. At least alam kong may mga parte pa rin na siya ang dating Ramielle.
Napatingin naman ako kay Roxanne. Active siya habang nakikipagdaldalan sa ibang mg concubine.
Aaminin ko, mautak din 'tong magkapatid na 'to.
Pero syempre di ko sasabihin kung bakit nasabi kong mautak sila. Nang-spoil pa ko e, pero at least alam niyong may ganito pala haha.
"Mahal na emperor, si Zhen Gui Ren ang naghanda ng mga magtatanghal. Bakit kaya hindi natin siya bigyan ng pagkakataon upang magtanghal?" Suggestion ni Qiu Fei.
"Ngunit nagdadalang-tao si Zhen Gui Ren, diba?" Tugon naman ni Wen Pin.
"Ang alam ko ay magaling siyang tumugtog ng zheng. Tutugtog lang naman siya." Sagot naman ni Qiu Fei.
[The zheng or guzheng, also known as a Chinese zither, is a Chinese plucked string instrument with a more than 2,500-year history. The modern guzheng commonly has 21,25 or 26 strings, is 64 inches long, and is tuned in a major pentatonic scale. It has a large, resonant soundboard made from Paulownia.]
"Hindi ko alam na magaling ka palang tumugtog ng guzheng." Sabi naman ng emperor.
"Marunong lang po pero hindi magaling." Sagot naman ni Ramielle.
Nako. Pa-humble. Magaling naman talaga siyang tumugtog.
Tumayo siya at pumunta sa gitna, kung saan umupo siya sa harap ng zither upang tumugtog. Nagsimula na siya at nabalot ng katahimikan ang lugar. Kasalukuyan niyang tinutugtog ang "Spring River Flower Moon Night".
Halatang gulat na gulat sila sa skills niya kahit itago pa nila yung emosyon nila e. Supportive ako sa kaniya sister.
"Ang guzheng na 'yan ay mula pa noon sa mga naunang empress. Ibibigay ko na sa'yo 'yan." Sabi naman ng emperor.
'Luh?' Tugon niya sa sarili niya.
"Maraming salamat po, mahal na emperor." Sagot niya at tumungo.
"Tumayo ka."
"Opo."
Kinuha naman ni Xue ang zither at ibinigay kay Ying Nuzi bilang pagtanggap sa regalo ng emperor.
Nakakatamad naman dito. Matutulog na lang ako uli.
---
ZHEN GUI REN
Maayos na natapos nang isang gabi ang Moon Festival. Mabuti na lang at walang nangyaring kung ano pa.
Hindi ko alam saan nila nahagilap ang impormasyon na marunong ako ng guzheng pero buti na lang talaga magaling ang katawan na 'to. Kahit ako nagugulat e.
Kasalukuyan kaming nasa bulwagan ng palasyo ko upang pag-usapan ang "pagbubuntis" ko.
"Kamusta naman ang kalagayan mo?" Tanong sa akin ng empress.
"Hindi naman ako nakakaranas ng pagsusuka o ano. Hindi rin ako naglilihi. Basta lumalakas lang akong kumain." Sagot ko.
Kahit naman hindi ako buntis malakas akong kumain.
"Mayroon naman talagang ganyan. Parang sa akin noon." Sagot naman ni Ai Huang Gui Fei.
"Oo nga po, Niangniang. Kahit kayo po ay hindi niyo nalalaman na nagdadalang-tao na po pala kayo." Tugon naman ni Qiu Fei.
"Talagang nagulat ang buong harem noon." Natutuwang tugon naman ng empress.
Edi kayo na matagal sa harem. Left out kaming mga walang alam.
"Huang Shang, may nakita kaming katulong sa labas na kahina-hinala." Sabi ng isang eunuch.
"Dalhin niyo siya dito sa loob." Utos ng emperor.
Pwersahan nilang ibinagsak ang isa sa mga katulong si Kun. May dala siyang mga tela na may mga mantsa.
Teka? Dugo ba ang mga mantsa?
"Ipaliwanag mo ang sarili mo." Tugon ng emperor.
"Wala po akong ginagawang masama, kamahalan!" Depensa niya.
Wala pang sinasabi may kasanalan na agad. Tanga.
"Ano 'yang mga dala mo?" Tanong ng empress.
"I-Ito po ay..." Nagdadalawang-isip niyang tugon.
"Pwede bang tignan niyo na lang? Naiirita na ko sa babaeng 'to." Tugon ng emperor.
Kaya naman nagsilapitan ang mga eunuch at inusisa kung ano ang telang dala niya.
"Ito po ang mga telang ginagamit ng mga concubine kapag mayroon po sila." Sagot ng isa sa kanila.
"Hindi ba ikaw ay isa sa mga katulong ni Zhen Gui Ren?" Tanong ni Baturu Da Ying.
"Opo." Sagot nito.
"Bakit ka may dala niyan?" Tanong naman ni Ai Huang Gui Fei.
"I-Ito po ang mga telang pinaggamitan ni Zhen Gui Ren." Nauutal niyang sagot.
"Ngunit buntis si Zhen Gui Ren. Paano siya magkakaroon?" Tanong naman ni Wen Pin.
"Hindi kaya..." Tugon naman ni Qiu Fei.
"Ipatawag ninyo ang doktor na tumingin kay Zhen Gui Ren!" Galit na tugon ng emperor.
Ilang sandali pa ay muling dumating ang eunuch na sumundo kay Doktor Dong ngunit hindi niya ito kasama.
"Huang Shang, wala na po pati ang mga gamit niya." Sagot ng eunuch.
Okay. Time to act.
"Sino ka para siraan ako?!" Tugon ko kay Kun.
"Zhen Gui Ren, naging mabait ka sa akin kaya naman sinusunod ko ang inyong mga utos. Ngayong nahuli ka na ay gusto mong ako lang ang maparusahan?" Tugon nito sa akin.
Tumingin naman siya at lumuhod sa emperor. "Huang Shang! Totoo po ang sinasabi ko! Ginamit lang po ako ni Zhen Gui Ren upang pekein ang pagbubuntis niya! Sa kadahilanang gusto niya ang pabor niyo!"
"Zhen Gui Ren!" Hindi makapaniwalang tugon sa akin ng empress.
"Huwag muna kayong mag-isip ng kung ano. Tignan muna natin kung talaga bang nagdadalang-tao siya." Kalmadong tugon ni Ai Huang Gui Fei.
"Ipatawag niyo si Doktor Ren (Appoint)!" Sigaw ng empress.
Ilang minuto lang ay dumating na rin siya.
"Tignan mo ang kalagayan ni Zhen Gui Ren." Utos ng emperor.
Nilagyan nila ng manipis na tela ang pulsuhan ko bago niya ito tinignan. Ilang sandali lang ay tumayo na rin siya.
Ganoon lang ba talaga kabilis 'yon?
"Anong resulta?" Tanong ni Ai Huang Gui Fei.
"Wala naman pong mali. Nagdadalang-tao naman po talaga si Zhen Gui Ren." Diretsong sagot nito.
Nagkatinginan kami ng emperor dahil sa sinabi ng doktor.
Posible kaya na dahil doon?
"Ano nga pala ang sinasabi mo kanina?" Tanong ni Ai Huang Gui Fei kay Kun.
"P-Pero... Imposible..."
"Sinong nag-utos sa'yo na sirain ang pangalan ni Sheng Jiejie?! Umamin ka!" Tugon naman ni Li Meimei.
"Huang Shang, nanghihingi kami ng hustisya!" Sabi naman ni Wei Meimei.
"Sagutin mo ko ng tapat. Sinong nag-utos?" Mahinahong tanong ng emperor
"S-Si..." Nauutal niyang tugon. "Si Wen Pin Niangniang po, Huang Shang! Inaamin ko po ang kasalanan ko at nagsasabi po ako ng totoo!"
"Kanina ay si Zhen Gui Ren ang sinisiraan mo! Ngayon ay ako naman?!" Galit na tugon ni Wen Pin.
"Totoo na po ang sinasabi ko ngayon! Maniwala kayo!" Tugon ni Kun at muling lumuhod.
"Huang Shang, isang tagapagsilbi lang ang nagtuturo sa akin! Walang ebidensya!" Sabi naman ni Wen Pin sa emperor.
"Gusto mo ng ebidensya?" Tanong ng emperor sa kaniya.
Sumenyas ang emperor kay Zhu Gonggong at pumasok ang ilang eunuch dala ang nakataling si Doktor Dong.
"Sino ang nag-utos sa inyo, Doktor Dong?" Tanong ng emperor.
"Si Wen Pin Niangniang po." Diretsong sagot ni Doktor Dong.
"Ngayon na isang doktor na ang umamin ay dapat na ba kaming maniwala?"
"Huang Shang..."
"Latiguhin niyo ang tagapaglingkod hanggang sa mamatay at ipatapon si Doktor Dong sa timog. Si Wen Pin..." Tinignan muna siya ng emperor bago magsalita. "Si Wen Pin ay tinatanggalan ko ng karapatang pamunuan ang Palace of Accumulated Harmony at binababa ko na sa antas na Gui Ren- hindi, Chang Zai. Tatlong buwan rin niyang pag-iisipan ang ginawa niya at hindi ko binibigyan ng permisong lumabas." Hatol ng emperor.
"Huang Shang! Maawa kayo! Nautusan lang ako!" Sigaw ni Kun habang hinahatak siya palabas ng mga eunuch.
Si Doktor Dong naman ay sumama na lang ng payapa.
Habang si Wen Pin- Wen Chang Zai ay nawalan ng malay sa bigat ng parusang inilapat sa kaniya.
Lumapit naman sa akin ang emperor at niyakap ako.
"Buntis pala ako." Bulong ko sa kaniya.
"Edi maganda." Sagot nito at ngumiti.
"Pero paano kung..."
"Shh... Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa magiging anak natin."
BINABASA MO ANG
I Become A Concubine
Historical FictionRevenge. Rivalries. Schemes. What will it takes for you to survive and be the one sitting on the throne? ____ -READ AT YOUR OWN RISK- *This is the RAW VERSION of the story. It's never been altered and it contains a lot of errors. *This is only a pr...