CHAPTER 39

658 32 3
                                    

CHAPTER 39

THIRD PERSON

"Binabati ko kayo, Huang Shang," bati ng punong eunuch sa emperor. "Sa wakas ay makakapagpahinga na kayo."

"Pansamantala lamang na mananahimik ang mga ministro. Paniguradong 'di magtatagal ay muli na naman nila 'kong kukulitin," sagot nito habang binabasa ang mga naiwang dokumento sa mesa.

"Saan n'yo po nais na magpahinga ngayong gabi?"

"Sabihin mo kay Zhen Pin na pupuntahan ko siya mamaya."

Napayuko ang eunuch. "Huang Shang, patawad ngunit nakalimutan ko pong sabihin..."

"Ang alin?"

"May sakit daw po si Zhen Pin," sagot nito. "Hangga't maaari ay 'wag na raw po muna kayong pumunta sa palasyo niya dahil ayaw niya raw po kayong mahawa."

"Nagpatingin na ba siya sa doktor?"

"Opo. Mas maganda raw po kung magpapahinga muna siya."

Napaisip ang emperor. "Sige. Si Jiao Gui Ren ang papuntahin mo rito mamaya."

"Masusunod po, Huang Shang."

___

"Huang Shang," pagbati ni Jiao Gui Ren.

"Talaga bang may sakit si Zhen?"

Napakunot ang noo niya. "Pinagdududahan mo ba siya?"

"Sagutin mo na lamang ang tanong ko."

"Pinagbawalan ako ng mga tagapaglingkod niyang batiin siya. 'Di rin siya pumunta upang batiin ang empress kanina. Sa tingin ko ay may sakit talaga siya."

"May nais akong ipagawa sa'yo," wika ng emperor. "Nais kong bantayan mo si Zhen nang maigi. Sasabihin mo sa'kin ang lahat ng galaw niya."

"Anong nangyayari? Ba't gusto mong ipagawa sa'kin 'yan?"

"'Di mo na kailangan pang malaman..."

Halata man ang pagtataka sa mukha niya, 'di na siya nagtanong pa. "Nauunawaan ko."

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo. 'Wag mo sanang kalimutan kung kanino ka nangako ng katapatan. Gawin mo nang maayos ang mga ipaggagawa ko sa'yo."

"'Di ko...kakalimutan..."

___

ZHEN PIN

"Sigurado po ba kayo, Niangniang?" Nag-aalalang tanong ni Ying Gugu.

"Dalhan n'yo 'ko ng damit," utos ko. "Kailangan kong magbihis bilang isang tagapaglingkod."

"Niangniang..."

Ngumiti ako upang pakalmahin siya. "'Wag kang mag-alala, Gugu. Kailangan ko lang na makausap ang empress."

"Dala ko na po ang pinakukuha n'yo, Niangniang," wika ni Yue habang hawak ang pinakukuha kong damit.

"Yue, ikaw ang sasama sa'kin papunta sa palasyo ng empress," wika ko at kinuha ang damit. "Kailangan mo 'kong itago nang mabuti. 'Di nila maaaring malaman na lumabas ako at pinuntahan ang empress."

Bumaling ako kay Ying Gugu. "Gugu, ikaw naman ang bahala rito. Siguraduhin mo na walang makakaalam na umalis ako."

"Makakaasa ka, Niangniang."

"Salamat, Gugu."
___

"Anong itsura ko?" Tanong ko kay Ying Gugu.

"Tiyak kong 'di ka na nila makikilala niyan, Niangniang."

I Become A ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon