CHAPTER 18
THIRD PERSON
"AAAHHHH!!!"
"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong ng empress.
"Zhen?!" Biglang tugon ng emperor at agad na bumalik sa loob ng pavilion.
"Jiejie! Jiejie!" Umiiyak na tugon ni Li Gui Ren habang nasa mga bisig niya si Zhen.
"Ang sakit..." Namimilipit na daing ni Zhen Gui Ren.
Agad na lumapit ang emperor at hinawakan ang kamay ni Zhen Gui Ren.
"Anong nangyari?!" Tanong ng emperor.
"Huang Shang, may asong dumamba kay Zhen Gui Ren! Malaki, kulay kahel, at mabalahibo!" Sagot ni Li Gui Ren.
"Huang Shang..." Tugon ni Zhen at kumapit sa braso ng emperor.
"TUMAWAG KAYO NG DOKTOR! BILISAN NIYO!" Utos nito at madaling binuhat si Zhen.
Sandaling napatigil ang emperor nang makita ang dugo sa sakit ngunit agad rin siyang bumalik sa ulirat at dinala si Zhen sa pinakamalapit na kwarto.
Marahan niya siyang binaba. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay niya habang pinapanuod siyang uminda sa sakit.
"Zhen, kumapit ka lang! Kumapit lang kayo!" Pagpapalakas niya ng loob dito.
"NASAAN BA ANG MGA DOKTOR?!"
"Sandali lamang po, Kamahalan..." Kinakabahang sagot ni Zhu Gonggong.
"Ha... Huang Shang..." Naluluhang tugon ni Zhen habang tinitiis pa rin ang sakit.
"Zhen. Zhen, huwag kang mag-alala."
"Ang sakit... Ang anak natin, Huang Shang... Ang sakit..." Paulit-ulit niyang daing.
Ilang minuto pa ang dumating bago tuluyang dumating ang mga doktor.
"Kamahalan, lumabas po muna kayo. Gagawin po namin ang lahat." Sabi ng isa.
"Siguraduhin niyo." Tugon ng emperor at agad na lumabas sa silid.
"Ipatawag niyo ang lahat ngayon. Bilisan niyo." Utos niya kay Zhu Gonggong.
"Opo."
Tumungo ang emperor sa bulwagan ng pavilion, kung saan ginaganap ang kasiyahan kanina. Muli siyang umupo sa gitna habang hinihintay na bumalik ang iba.
"Huang Shang." Bati ng mga concubine sa kaniya at tumungo.
"Umupo kayo." Tugon ng emperor.
Agad nilang sinunod ang emperor at umupo sa mga nauna nilang pwesto.
"Huang Shang, kamusta si Sheng Jiejie?!" Nag-aalalang tanong ni Li Gui Ren.
"Sa tingin ko... Hindi mo dapat tinatanong ng ganiyan ang kamahalan." Nakangising tugon ni Ai Huang Gui Fei.
Agad namang tumayo si Li Gui Ren at pumunta sa gitna upang lumuhod sa emperor.
"H-Huang Shang... Patawarin niyo ko. N-Nag-aalala lang po ako kay Jiejie."
Tumayo na rin si Wei Chang Zai upang suportahan si Li Gui Ren, at lumuhod sa tabi nito.
"SABIHIN NIYO SA AKIN KUNG ANO BA TALAGANG NANGYARI!" Galit na tugon ng emperor.
Muli sa tabi niya ay tumayo na rin ang empress at lumuhod sa gitna. Gan'on na rin ang ginawa ng ibang concubine.
"Huang Shang, kumalma po kayo!" Tugon ng empress.
Nakaluhod na umabante si Li Gui Ren.
"Huang Shang! May asong dumamba kay Sheng Jiejie! Natumba siya at tumakbo palayo ang aso! Nakita ko na lang na..." Naluluha niyang tugon. "M-May dugo na si Jiejie..."
"Anong itsura ng hayop?" Tanong ng emperor.
"Malaki, mabalbon, at kulay kahel." Pag-alala ni Li Gui Ren.
"Mabalbon?... Kahel?..." Mahinang tugon ni Amar Pin.
Napatingin naman sa kaniya ang empress na ngayon ay nanginginig na sa takot.
"May alam ka ba, Amar Pin?" Seryosong tanong ng emperor.
"Ang empress..." Tugon niya at tumingin sa empress. "May inaalagaan siyang aso malapit dito na nagngangalang Fu (Lotus). Malaki siya, mabalbon, at kulay kahel. Gaya ng sinasabi ni Li Gui Ren."
Sandaling tumingin naman ang emperor sa empress.
"HULIHIN NIYO ANG ASO NA 'YON AT DALHIN NIYO DITO. TATANUNGIN NATIN ANG EMPRESS KUNG 'YON NGA ANG ALAGA NIYA."
"Opo." Tugon ng mga tagapaglingkod at mabilis na kumalat upang hanapin ang aso.
"H-Huang Shang..." Tugon ng empress sa emperor.
Ilang sandali lang ay bumalik na ang mga ito na may dalang aso.
"Huang Shang, nakita po naman ito na patakbo-takbo malapit dito." Tugon ng isang may dala rito.
Tumayo ang emperor at lumapit dito.
"Ito ba?" Tanong ng emperor sa empress.
Dahan-dahang tinignan ng empress at agad na napatayo nang makumpirmang ito nga ang inaalagaan niya.
"HUANG SHANG! WALA AKONG KASALANAN!"
*PAK!*
Napuno ng katahimikan ang lugar matapos matumba ng empress sa lakas ng sampal ng emperor.
"WALA KANG KASALANAN?!" Galit na galit na tugon ng emperor. "PERO HINAYAAN MO ANG HAYOP NA MAKAPANAKIT?!"
Napahawak sa pisngi niya ang empress at tumingin sa emperor.
"Huang Shang..." Naluluha niyang tugon. "Hindi magagawa ni Fu ang bagay na 'to..."
"HINDI?! ANONG TAWAG MO SA NANGYAYARI?!"
"HUANG SHANG, TAHIMIK SI FU! HINDI SIYA GAGAWA NG GANITONG BAGAY! WALA RIN AKONG KINALAMAN DITO! MANIWALA KA SA'KIN!"
"Huang Shang!" Tugon ni Ai Huang Gui Fei. "Ang kasalanan ng alaga ay kasalanan ng kaniyang amo!"
"Ikaw!" Tugon ng empress.
"Huang Shang, bigyan niyo ng hustiya ang nangyari kay Sheng Jiejie!" Tugon ni Wei Chang Zai.
"Hindi ito ang una! Ginawa niya na rin ito noon kay Xiaodan Pin!" Tugon naman ni Qiu Fei.
"KAYO!" Galit na tugon ng empress at dinuro sila.
"HUANG HOU!" Pagsaway sa kaniya ng emperor.
Tumingin naman sa kaniya ang empress at d'on na tuluyang pumatak ang mga luha niya.
"Huang Shang... Wala akong kasalanan..." Mahina niyang tugon. "Nawalan na rin ako ng anak..."
Tila nagbago ang ekspresyon ng emperor nang marinig ang sinabi ng empress. Muli siyang bumalik sa pwesto niya at naupo.
"Huang Hou." Tugon niya at tinignan ang empress. "Huminto ka muna at magpahinga sa pamamahala ng harem."
"H-Huang Shang..."
"Si Ai Huang Gui Fei na muna ang bahala sa lahat habang nagpapagaling ka sa'yong sakit."
"H-Huang Shang, huwag! Wala akong sakit! Huang Shang, kaya kong pamunuan ang harem!"
"Zhu Gonggong." Pagtawag ng emperor sa head eunuch.
"Po?"
"Malala ang lagnat ng empress. Hindi siya makatayo at nagkukumbulsyon din siya. Kailangan niyang magpahinga ng isang taon. Magpahinga siya at huwag lalabas sa kaniyang palasyo."
"Mahal na empress, anong sasabihin mo?" Tanong ni Zhu Gonggong.
"M-Maraming salamat sa kabutihan ng emperor." Tugon niya at inalalayan na siya ni Lu Shan tumayo upang umalis sa pavilion.
"Ai Huang Gui Fei, narinig mo ang utos ng emperor." Muling tugon ni Zhu Gonggong.
"Nagpapasalamat ako sa mahal na emperor." Diretso niyang sagot.
"Tumayo na kayo." Utos ng emperor.
"H-Huang Shang..." Kinakabahang tugon ng isa sa mga doktor na gumamot kay Zhen Gui Ren.
"Anong ginagawa niyo dito? Diba dapat ginagamot niyo siya?" Tanong ng emperor.
"Patawarin niyo po kami at ang mga pamilya namin. Hindi po namin nailigtas ang inyong anak." Tugon ng isa at sabay-sabay silang lumuhod.
"Jiejie..." Nag-aalalang tugon ni Wei Chang Zai na tila nanglata dahil sa narinig.
Sikreto namang napangiti si Li Gui Ren at tumingin kay Wen Chang Zai, ngiti rin ang ganti sa kaniya nito. Tahimik naman silang pinagmamasdan ni Fan Gui Ren.
"Anong lagay niya?" Tanong ng emperor.
"Hindi pa rin po siya nagigising."
"Kailan siya gigising?"
Nagkatinginan naman ang mga doktor.
"KAILAN SIYA GIGISING?!"
"H-Hindi po namin alam!"
---
"Huang Shang, magpahinga na po kayo." Tugon ni Zhu Gonggong.
Ngunit hindi sumagot ang emperor. Hawak niya lang ang kamay ni Zhen habang hinihintay siyang magising.
"Zhen, gumising ka na." Mahinang tugon ng emperor at hinalikan ang kamay niya.
"Huang Shang, uminom na lang po kayo ng tsaa." Tugon ni Zhu Gonggong at nilapag ang tsaa sa lamesang nasa tabi ng kama.
"Zhu Gonggong."
"Narito po ako." Sagot ng tagapaglingkod.
"Bakit hindi ko magawang protektahan ang aking mga anak?"
"E..." Tugon ni Zhu Gonggong.
Hindi niya alam kung anong sasabihin.
"Sabi ko... Sabi ko, gagawin ko lahat para protektahan siya at ang magiging anak namin."
"Huang Shang..."
Maingat na inayos ng emperor ang kumot na nakabalot kay Zhen.
"Alam kong kaya ayaw mo muna gumising dahil hindi mo pa tanggap ang nangyari, pero kailangan kita. Gumising ka para sa'kin."
"NARITO ANG MAHAL NA EMPRESS DOWAGER!"
Binitawan ng emperor si Zhen at-saka madaling lumuhod upang batiin ang kaniyang ina.
"Tumayo ka na." Bungad ng empress dowager pagkapasok ng kwarto.
"Huang E'niang, gabi na po. Diba dapat ay nagpapahinga na kayo?" Tugon ng emperor.
"Desisyon ko ang pumunta dito. Huwag kang mag-alala. Nais ko lang makita ang kalagayan niya." Tugon nito at tumingin kay Zhen Gui Ren.
"Kawawang bata. Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Naging biktima na siya ng harem at maging ang magiging apo ko." Muling tugon ng empress dowager.
"Huang E'niang, patawarin niyo ko. Muli akong nabigo na protektahan ang aking anak."
"Wala kang kasalanan." Sagot ng empress dowager. "Talagang hindi maiiwasan na ganito ang mangyari. Nasa harem siya."
Umupo ang empress dowager sa tabi ni Zhen at tumayo naman sa likod niya ang emperor.
"Kahit ilang ulit ko pang sabihin na maging payapa ang harem, hindi 'yon mangyayari. Kaya dapat ay mas mag-ingat ka para kay Qiu Fei, dala niya rin ang anak mo."
"Huang E'niang, si Zhen..."
"Kailangan mong ipa-intindi sa kaniya na kailangan niyang maging malakas. Kailangan niyang tanggapin ang nangyari. Kailangang ituloy niya ang buhay niya at magtiis."
"Naiintindihan ko." Sagot ng emperor.
"Pagkatapos nito, nais kong ibigay mo sa kaniya ang posisyon bilang Pin at bigyan ng karapatang pamunuan ang sarili niyang palasyo at maging ang harem." Biglang tugon ng empress dowager.
"Masaya akong gagawin 'yan." Sagot ng emperor.
Tumayo na ang empress dowager at hinatid siya palabas ng emperor sa pavilion.
"Magpahinga ka na rin. Tandaan mo. Hindi lang si Zhen Gui Ren ang may kailangan sa'yo, kailangan ka ng buong imperyo."
"Susundin ko po."
---
Tatlong araw na ang nakalipas matapos ang nangyari.
"Huang Shang! Gising na daw po si Zhen Gui Ren!" Masayang tugon ni Zhu Gonggong.
Agad na tumungo ang emperor sa pavilion at dumiretso sa silid ni Zhen.
Tumungo sa kaniya ang mga tagapaglingkod nito nang makita siya.
"Huang Shang, ayaw kaming kausapin ni Zhen Gui Ren." Mahinang tugon ni Ying Nuzi sa emperor.
Tumango naman ang emperor.
Lumapit siya dito at umupo sa gilid ng kama.
"Qi Zi, nandito na ko." Tugon ng emperor.
Pero hindi siya kumikibo. Nakatagilid lang siya, nakatulala, at hindi hinaharap ang emperor.
"Qi Zi." Muling pagtawag sa kaniya ng emperor.
Dahan-dahan niyang dineresto ang katawan niya at tumingin sa emperor.
"Zhang Fu..." Mahina niyang tugon.
Kinuha ng emperor ang magkabila niyang kamay at mahigpit itong hinawakan.
"Ano? May gusto ka ba? Sabihin mo lang." Tugon ng emperor.
Sinubukang umupo ni Zhen kaya naman agad siyang inalalayan ni Xue upang maayos na makausap ang emperor.
"Zhang Fu..." Muli niyang tugon.
Hindi nagsalita ang emperor. Nakatingin lang siya sa kaniya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"A-Ang anak natin?" Nangangatal niyang tanong.
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay nito at iniwas ang tingin.
"Wala na ang anak natin." Diretsong sagot ng emperor.
Napabitaw siya sa pagkakahawak sa kaniya ng emperor at napatulala sa kaniya.
"W-Wala na?"
Hindi na magawa pang sumagot ng emperor at umiling na lamang sa kaniya.
"A-Ang anak ko..." Mahina niyang tugon.
Sinubukan siyang yakapin ng emperor pero tinulak niya ito palayo sa kaniya.
"ANG ANAK KO!"
Tuluyan na siyang niyakap ng emperor at hindi pinakawalan, kahit na ilang beses pa siyang itulak palayo.
At sa unang pagkakataon, lumuha sa harap ng iba ang pinakamataas na tao sa mundo.
Ayaw niyang nakikita siyang ganito. Ang nakikita siyang nasasaktan at nahihirapan.
"WALA NA SIYA!" Tugon niya habang patuloy na humahagulgol.
Hindi na rin mapigilang maging emosyonal ng iba, lalo na nang makitang halos pawian na ng bait kakaiyak si Zhen Gui Ren.
"Qi Zi, kailangan mong magpakatatag!" Pagpapalakas ng emperor sa kaniya.
"BAKIT ANG ANAK KO PA?! BAKIT?!"
"Q-Qi Zi..."
"AH! ANG ANAK KO!"
Nang kumalma na siya ng kaunti ay binitawan na siya ng emperor at dahan-dahang hiniga. Habang si Xue naman ay pinunasan ang mga luha niya, kahit na patuloy pa rin siya sa paghikbi.
"Hindi... Hindi ko nagawang protektahan ang anak ko." Mahinang tugon ni Zhen.
"Qi Zi, wala kang kasalanan. Hindi mo ginusto ang nangyari, kaya kailangan mong maging matatag."
"Lady Zhen, hindi mo kasalanan!" Umiiyak na tugon ni Xue. "Huwag mong sisihin ang sarili mo!"
Lumapit naman at lumuhod si Ying Nuzi.
"Huang Shang! Sabihin niyo kay Zhen Gui Ren ang totoo! Ayaw namin, kaming mga tagapaglingkod niya, na makita siyang ganito!" Pagsumamo ni Ying Nuzi.
"T-Totoo? Anong totoo?" Tanong ni Zhen.
"Ang sabi ni Li Gui Ren, isang aso daw ang dumamba sa'yo." Pagsisimula ng emperor.
"Oo." Sagot nito.
"Ang empress... Ang empress ang nag-aalaga sa kaniya."
Habang nakahawak sa kumot, hindi mapigilan ni Zhen na ikuyom ang mga kamao niya habang nanginginig sa galit.
"A-Anong parusa niya?" Tanong nito sa emperor.
"Isang taon ko siyang tinanggalan ng karapatan upang mamuno sa harem at ikinulong sa palasyo niya." Sagot ng emperor.
Napakunot ang noo ni Zhen Gui Ren nang marinig ang sagot ng emperor.
"'Yon lang?" Hindi niya makapaniwalang tanong sa emperor.
"Qi Zi, kailangan mong maintindihan na-"
"MAINTINDIHAN ANG ALIN?!" Galit niyang tugon. "NAWALA ANG ANAK KO, HUANG SHANG! ANAK MO RIN SIYA! ANAK NATIN SIYA! PAGKATAPOS ANO?! 'YON LANG?! 'YON LANG ANG PARUSANG MAIBIBIGAY MO SA KANIYA?!"
"Zhen! Siya ang empress! Kailangan kong maging malumanay pagdating sa kaniya!"
"AKO?! SINO AKO?!"
Hindi sumagot ang emperor at iniwas ang tingin sa kaniya.
"Malamang ganito rin ang naramdaman noon ni Xiaodan Pin." Biglang tugon ni Zhen Gui Ren. "Alam ng lahat na ang empress ang may gawa n'on pero walang ginawa ang emperor. Kung ako siya, gugustuhin ko rin ang mamatay."
"ZHEN GUI REN!" Gulat na tugon sa kaniya ng mga tagapaglingkod.
"Huang Shang, patawarin niyo po si Lady Zhen! Malungkot po siya dahil sa nangyari!" Pagdepensa sa kaniya ni Ying Nuzi.
"Huang Shang, hindi niya po alam ang sinasabi niya! Patawarin niyo po siya!" Tugon naman ni Xue.
Tumayo naman ang emperor at tinawag si Zhu Gonggong.
"Si Zhen Gui Ren, kailangan niya pang magpahinga. Sabihin niyo sa mga doktor na gawin ang lahat. Mauuna na ko." Tugon ng emperor at umalis.
Tumayo naman si Ying Nuzi at lumapit kay Zhu Gonggong.
"Zhu Gonggong, si Lady Zhen..."
"Huwag kayong mag-alala. Galit ngayon ang emperor pero alam kong naiintindihan niya si Lady Zhen. Alagaan niyo siya." Tugon nito at umalis na rin.
"Lady Zhen, bakit niyo naman po sinabi 'yon?! Gusto niyo na po ba talagang mamatay?!" Nag-aalalang tugon ni Xue.
"Sabihin mo sa akin, Xue... May ginawa ba kong masama?"
"Wala po. Wala." Diretsong sagot ni Xue habang umiiling.
"Sinubukan kong maging mabuti para sa akin at sa aking magiging anak... P-Pero ito ang harem!" Mapait niyang tugon.
"Hindi ko papalampasin ang nangyari. Magbabayad ang dapat na magbayad."
---
AI HUANG GUI FEI
"BINABATI NAMIN KAYO, NIANGNIANG!" Pagbati sa akin ng mga tagapaglingkod at sabay-sabay na lumuhod.
"Tumayo na kayo." Nakangiti kong sagot.
"Niangniang, ito na po ang pangtatak na pinapangalagaan ng empress." Sabi sa akin ni Duan Mei at nilapag sa katabi kong lamesa.
"Binabati kitang muli, Niangniang." Tugon ni Duan Mei.
Napangisi ako at sinandal ang braso ko sa upuan.
"Sinong mag-aakalang magiging ganito lang pala kadali na mawala sa landas ko ang dalawang 'yon?" Masaya kong tugon.
"Kayo na ngayon ang may hawak sa harem at wala na ang anak ni Zhen Gui Ren. Hindi na sila magiging abala pa sa inyo." Nakangiting tugon ni Duan Mei.
Hindi ko mapigilang matawa dahil sa mga nangyayari.
"Ngayong wala na ang mga tinik sa lalamunan ko, sisiguraduhin kong mangyayari ang mga plano. Hindi magtatagal at ako na ang magiging pinakamakapangyarihang babae dito sa harem. Mapapalaki at maproprotektahan ko na ng maayos ang anak ko at maging ang magiging anak ni Tuya Jiejie."
"Niangniang, ano pong plano niyo?"
"Kung sino man ang gumawa nito... Nakatama siya ng dalawang ibon gamit lang ang isang bato. Magaling siya."
"Ibig niyo pong sabihin...?"
"Oo. Alamin mo kung sino." Sagot ko. "Kung sino man sila, alam kong hahanapin din sila ng empress. Kailangan ko siyang maunahan."
"Opo." Tugon nito at umalis na.
"Ngayon pa lang mag-uumpisa ang lahat."
BINABASA MO ANG
I Become A Concubine
Historical FictionRevenge. Rivalries. Schemes. What will it takes for you to survive and be the one sitting on the throne? ____ -READ AT YOUR OWN RISK- *This is the RAW VERSION of the story. It's never been altered and it contains a lot of errors. *This is only a pr...