CHAPTER 8
ZHEN GUI REN
"Magandang umaga." Nakangiting bati sa akin ng emperor pagka gising ko.
Nakita kong nakabihis na agad siya para sa meeting nila kaya naman sinubukan kong gumalaw, ngunit napadaing lang ako. Napadaing ako sa sakit ng katawan ko, lalo na ang pagkababae ko.
"Huwag ka munang gumalaw." Tugon nito at inalalayan akong muling humiga.
"Zhang Fu, kailangan kong batiin ang empress." Sabi ko rito.
Umiling ito. "Qi Zi, magpahinga ka muna sa ngayon at patawad kung naging marahas ako."
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Asawa kita at tungkulin ko rin ang paglingkuran kita." Sagot ko.
"Kahit mamaya ka na pumunta para batiin ang empress, magpahinga ka muna."
"Hindi ka pa ba huli sa meeting niyo? Pumunta ka na. Inuubos mo ang oras mo sa'kin."
"Nangako akong ibibigay ko ang lahat sa'yo diba? Kasama na ang oras ko."
Napangiti ako matapos marinig ang tugon niya. Ibig sabihin ay talagang tutuparin niya ang pangako sa akin.
"Kahit na. Ikaw pa rin ang emperor at may pangako ka rin sa mundo." Sagot ko.
"Narito na nga pala ang mga babaeng tagapaglingkod mo. Pinapunta ko sila rito para dito ka na rin maghanda."
"Maraming salamat." Sagot ko sa kaniya at ngumiti.
Hinalikan niya ang aking noo at tinignan ang mga mata ko.
"Bibisitahin kita sa palasyo mo mamaya." Sabi nito.
"Magbigay ka rin ng oras mo sa iba."
"Qi Zi, mabait ka para sabihin 'yan pero ikaw ang gusto kong paglaanan ng oras. Maliwanag ba?" Pagkontra nito sa akin.
"May magagawa ba ko?"
"Pumasok na kayo." Tawag nito sa mga tagapaglingkod ko.
"MAPA SA INYO NAWA ANG KAPAYAPAAN, MAHAL NA EMPEROR." Bati ng mga ito sa kaniya.
"Napalitan na kanina ang sapin ng higaan kaya hindi niyo na kailangan pang galawin ito. Si Zhen Gui Ren na lang ang asikasuhin niyo." Rinig kong tugon nito sa mga ito.
Bago na pala? Oo nga naman. Magtataka ang mga tagapaglingkod ko kapag nakakita sila ng dugo dahil ang alam nga nila ay may nangyari na samin ng emperor.
"Opo." Sagot ng mga ito.
"Mauuna na ko." Sabi nito sa akin at umalis.
"PAALAM PO, KAMAHALAN." Sabay-sabay naming tugon.
"Tulungan niyo ko, Ying Nuzi, Xue." Tugon ko sa mga ito.
Tinulungan nila ako tumayo upang magbihis.
"Ying Nuzi, Zhi, hindi ko kailangan ng damit na mapapansin agad ng iba. Palitan niyo ng mas simple 'to." Utos ko sa kanila.
"Ito po ang utos ng emperor, Lady Zhen." Sagot ng mga ito.
Luh? Sige na nga.
Wala na kong ibang nagawa kundi tumingin habang binibihisan nila ako ng magarbong damit na ito. Pati ang panglamig na ipinatong nila sa'kin ay nakakaagaw rin ng pansin. Dahil pareho itong may disenyo ng crane at kulay ginto.
Sunod naman ay inalalayan ako upang umupo sa harap ng salamin at ayusin ang buhok ko.
"Simpleng ayos lang ang kailangan ko, Xue. Hindi mo kailangang damihan ang mga palamuti sa buhok ko." Sabi ko rito habang tinitignan kung paano niya ayusin ang buhok ko.
"Patawad po. Utos po ng emperor." Nakangiting sagot nito sa akin.
Anong trip niya? Wala ba talaga siyang idea na aawayin ako ng ibang mga concubine kapag nakita nilang ganito kagarbo ang suot ko? Gustong-gusto niya kong naaaway e.
Napamasahe na lang ako sa sintido ko habang tinitignan ang ayos ng buhok ko. Nasa anyo ito ng ruanchitou habang nakalagay rito ang napakaraming pandisenyo sa buhok, kabilang na ang pares ng asul na paru-parong dangle na binigiy sa akin noon ng emperor.
[Ruanchitou (soft wings style): This is a hairstyle worn by married woman in the early period of the Qing dynasty. It is usually styled with the woman's own hair without support frames. Hair is brushed back and divided into two, then bundled into oblong wings that frame either side of the face. The hair should make a 八-character shape.]
Isinuot naman nila sa akin ang pares ng gintong sapatos na may palimuti ring mag-asawang crane.
"Saan galing ang mga ito? Wala akong naaalalang may ganito akong mga gamit." Sabi ko sa kanila.
"Lahat po ito ay pinahanda at binigay sa inyo ng emperor, Zhen Gui Ren." Sagot sa akin ni Ying Nuzi.
"May mga palamuti po itong crane bilang tanda ng inyong pagsasama, ayon po kay Zhu Gonggong." Sagot naman ni Xue.
"Masyadong mabait ang emperor sa akin. Baka masanay ako." Tugon ko.
Pinilit kong tumayo habang iniinda pa rin ang sakit. Parang ngayon ko pinagsisihan kung bakit agad kong binigay ang sarili ko.
"Mauna na tayo sa palasyo ng empress." Sabi ko sa kanila.
Inalalayan ako ni Xue habang ang iba naman ay nakasunod lamang sa amin. Pagkalabas ko ay isang sedan chair ang bumungad sa akin.
"Hindi daw po kayo pwedeng mapagod sa paglalakad, Zhen Gui Ren. Kaya naman po binibigay po sa inyo ng emperor ang sedan chair na ito." Nakangiting tugon sa akin ni Xue.
Tinignan ko si Xue at maging ang iba kong mga tagapaglingkod. Halatang ang saya ng mga ito dahil sa mga regalong natatanggap ko mula sa emperor. Ngunit ako naman ay kinakabahan. Sunud-sunod na ang ginagawa ng iba sa akin sa palasyo, ayokong madagdagan.
"Alalayan mo ko." Sabi ko na lang.
Inalalayan ako ni Xue paupo sa sedan chair. Sabay-sabay na binuhat naman ito ng mga eunuch papunta sa palasyo ng empress. Hindi ko naman maiwasan kundi tignan na lang ang mga tagapaglingkod na lumuluhod sa tuwing dumadaan ako.
Naninibago ako! Alam ko namang nangako siya sa'kin pero hindi naman sana ganito. Kakaiba kasi sa pakiramdam. Nakakailang.
"Nandito na po tayo." Sabi sa akin ni Xue.
Dahan-dahang ibinaba ng mga ito ang sedan chair at inalalayan naman ako ni Xue upang tumayo. Pumasok na kami sa loob ng palasyo pero naninibago pa rin ako kasi kahit ang mga tagapaglingkod dito ay binabati ako.
"MAPA SA INYO NAWA ANG KAPAYAPAAN, ZHEN GUI REN." Bati sa akin ng ibang mga concubine pagkapasok ko, maliban sa empress at kay Ai Huang Gui Fei.
Luh? Anong sasabihin ko? Patatayuin ko ba sila?
"T-Tumayo kayo." Nalilito kong tugon.
"SALAMAT PO, ZHEN GUI REN." Sabi ng mga ito at nagsibalik na sa pagkakaupo.
Ako naman ang tumungo at bumati. "Binabati ko ang kamahalan. Binabati ko si Ai Huang Gui Fei Niangniang."
"Tumayo ka." Sagot sa akin ng empress.
"Salamat po, Huang Hou." Sagot ko.
Uupo na sana ako ngunit wala ng iba pang bakanteng upuan pwera sa harap ni Ai Huang Gui Fei. Hindi naman ako pwedeng umupo roon dahil Gui Ren lang ako.
"Ano pang hinihintay mo? Umupo ka na." Iritableng tugon sa akin ni Ai Huang Gui Fei.
"Opo." Sagot ko at umupo na sa upuan kaharap niya.
"Malapit na ang Moon Festival at tulad ng dati ay kaming dalawa ni Ai Huang Gui Fei ang mag-aasikaso nito. Nais lang namin na hingin ang inyong kooperasyon sa ibang bagay." Anunsyo ng empress.
[The Moon Festival is celebrated in late September and celebrates the bounty of the harvest. It is also called the Mid-Autumn Festival. It has been celebrated in Ancient China since the Zhou Dynasty. The main tradition on this day is to eat moon cakes. This tradition started during the Mongol rule of the Yuan Dynasty.]
"Ang palasyo ko na ang bahala sa mga pagkain." Sagot ni Ai Huang Gui Fei.
"Niangniang, ako na po ang bahala sa mga gamit." Sagot naman ni Wen Pin Niangniang.
"Tutulungan ko po si Wen Pin Niangniang." Pagsuporta naman sa kaniya ni Fan Gui Ren.
"Tutulungan ko po sa inyong gagawin, Huang Hou." Sabi naman ni Baturu Da Ying.
"Maraming salamat, Baturu Da Ying." Nakangiting tugon naman sa kaniya nito.
"Huang Hou, tutulong naman ako kay Ai Huang Gui Fei Niangniang." Sabi naman ni Qiu Fei.
"Huang Hou, Niangniang, hayaan niyo pong ako ang humawak sa mga magtatanghal para sa Moon Festival." Sagot ko.
"Tutulong ako sa'yo, Sheng Jiejie." Tugon naman ni Li Meimei.
"Salamat, Li Meimei." Tugon ko sa kaniya.
"Walang problema. Ako na ang bahala sa mga gagastusin para sa selebrasyon. Sabihin niyo sa akin ang plano niyo at magbibigay ako ng naaayong halaga." Sabi ng empress.
Ngayon ko lang nakitang nagkasundu-sundo kami sa harem. Dapat pala laging may mga ganitong festival para hindi kami laging naiinis sa isa't-isa.
"Bibisitahin ko ang empress dowager para humingi ng payo kaya naman maaari na kayong umalis." Paalam sa amin ng empress.
"PAALAM PO, HUANG HOU." Sagot namin at lumabas na sa palasyo.
"Binabati kita, Zhen Gui Ren." Bati sa akin ng isang concubine.
Ngayon ko lang siya nakita pero masasabi kong mahina ang katawan niya kahit pa maganda siya.
"Tumayo ka." Sagot ko sa kaniya.
"Salamat po."
"Ang ngalan mo ay?" Tanong ko rito.
"Ako po si Wei Meixing Da Ying. Mula po ako sa Palace of Purity." Pagpapakilala niya.
"Anong sadya mo?" Tanong ko.
"Hindi po ako magpapaliguy-ligoy pa. Gusto ko po ang tulong niyo, Zhen Gui Ren." Diretsong tugon nito sa akin.
Sa dami ng tulong, sa akin pa talaga? Ano namang magagawa ko rito? Gui Ren lang naman ako.
"Sumunod ka sa akin." Sabi ko sa kaniya.
Muli akong inalalayan ni Xue sa pag-upo sa sedan chair. Binuhat nila ito papunta sa palasyo ko. Habang si Wei Da Ying naman at ang tagapaglingkod niya ay naglalakad sa tabi ko.
"Sa dami ng hihingan ng tulong, bakit ako pa? Pwede naman na ang empress o si Ai Huang Gui Fei na lang." Tugon ko sa kaniya.
"Zhen Gui Ren, kahit Gui Ren lamang po ang inyong antas ay nariyan naman po ang emperor upang suportahan kayo. Ngayon din ay dala ninyo ang anak niya. Kaya alam ko pong magagawa po ninyo akong tulungan." Sagot nito sa akin.
"Tama ka. Pero kung gusto mong masiguro ang plano mo ay ang empress ang lalapitan mo o di kaya naman ay si Ai Huang Gui Fei. Pwede pang mapurnada ang plano mo sa akin."
"Ang empress po ay may anyong tupa ngunit isang mabangis na lobo ang nagkukubli sa kaniyang pagkatao. Ang Ai Huang Gui Fei naman po ay isang tigre na pwedeng manakmal sa kahit na sino at kahit na anong oras. Kung ikukumpara ko kayo ay tila isa kayong mabangis na hayop, ngunit hindi isang leon o isang tigre, matalino kayo na gaya ng isang pusa at matapang na gaya ng isang oso. Ngunit hindi kayo nanunuklaw hangga't hindi kayo kinakalaban gaya ng isang ahas. Aanhin ko ang katuparan ng aking plano kung ang buhay ko naman ang malalagay sa alanganin?" Lintanya nito sa akin.
"Tama ang lahat ng iyong sinabi. Mali ka lang na kailangan mo pa kong ikumpara sa mga hayop. Dahil ako, isang akong mabangis na nilalang na walang anyo. Kinatatakutan ako kahit pa ng dragon." Nakangising tugon ko sa kaniya.
"Patawad po, Z-Zhen Gui Ren."
"Anong mapapala ko kapag tinulungan kita?" Tanong ko.
"Ibibigay ko po ang katapatan ko sa inyo."
"Paano ako makakasiguro?" Tanong kong muli.
"Kaya ko pong ibaba ang sarili ko at halikan ang mga paa niyo, Zhen Gui Ren." Sabi nito at lumuhod.
"Lady Wei." Naiiyak na tugon naman ng kaniyang tagapaglingkod at sinamahan siyang lumuhod.
Sumenyas akong huminto sila at ibaba ako. Muli akong inalalayan ni Xue upang tumayo at lumapit kay Wei Da Ying.
"Gagawin mo ba talaga?" Tanong ko.
"Opo!" Matapang nitong tugon.
Napangiti ako.
"Ying Nuzi, tulungan niyong tumayo si Wei Da Ying." Utos ko rito.
Inalalayan sya ni Ying Nuzi at ng kaniyang tagapaglingkod tumayo.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa tagapaglingkod.
"Ako po si Huian, Zhen Gui Ren. Ako po ang dowry maid ni Lady Wei." Magalang nitong tugon sa akin.
"Alam ko naman kung ano ang tulong na hinihingi mo." Sabi ko kay Wei Da Ying. "Magpalakas ka at bigyan mo ko ng tatlong araw."
"MARAMING SALAMAT PO, ZHEN GUI REN!" Tugon nito sa akin at muling lumuhod.
"MARAMING SALAMAT PO, ZHEN GUI REN!" Tugon rin ng kaniyang tagapaglingkod.
"Tumayo kayo." Sagot ko na agad nilang sinunod.
"Bumalik na kayo sa palasyo niyo." Utos ko sa kanila.
"Opo." Sagot nila at umalis na.
"Lady Zhen, tutulungan niyo po ba talaga sila?" Tanong naman sa akin ni Xue.
"Oo. May isang salita ako." Sagot ko.
---
"NANDITO ANG MAHAL NA EMPEROR!"
"BINABATI NAMIN ANG KAMAHALAN." Sabay-sabay naming tugon ng mga tagapaglingkod ko.
Sinenyasan ng emperor na umalis ang lahat ng tagapaglingkod kaya naman naiwan kaming dalawa.
"Zhang Fu, may sasabihin ako."
"Ano?" Tanong niya at hinawakan ang kamay ko.
"Kilala mo ba si Wei Da Ying?" Tanong ko rito habang inaakay niya ko papunta sa kama.
"Hindi." Diretsong sagot niya sa'kin.
Wow naman. Asawa mo rin siya.
"Gusto kong puntahan mo siya at nasa sa iyo na kung itataas mo ang antas niya." Sabi ko sa kaniya.
"Gusto mong puntahan ko siya?"
Tumango ako.
Napasigaw ako matapos niya kong hatakin. Nakulong ako sa mga bisig niya.
"Hindi ka ba nagseselos?" Tanong nito sa akin.
Bakit naman ako magseselos?
"Asawa mo rin naman siya. Kahit naman magselos ako ay kailangang puntahan mo rin ang ibang mga concubine." Sagot ko.
"Nagseselos ka nga?" Tanong nito sa akin.
"Hindi." Sagot ko.
Nagulat ako nang bigla niya kong bitawan. Humiga siya sa kama at tumalikod sa akin.
Galit na naman siya? Parang bata naman.
"Galit ka kasi hindi ako nagseselos?" Tanong ko rito.
"Sinong nagsabi?"
Pakipot ka pa.
"Oo na. Nagseselos na ko." Sagot ko.
"Bakit parang napipilitan ka lang?"
Napahilot ako sa sentido ko.
Ano naman ngayon kung hindi ako nagseselos? Hindi naman ibig sabihin na hindi ako nagseselos ay wala na kong nararamdaman. Baka magaya pa ko sa empress at Huang Gui Fei kapag nagselos ako.
"Kung iniisip mo na kaya hindi ako nagseselos ay dahil hindi kita mahal, nagkakamali ka. Wala lang talagang puwang ang selos dito sa harem, Zhang Fu." Sagot ko.
"Tumabi ka sa akin." Utos niya.
Kaya naman umakyat ako sa kama at tumabi sa kaniya. Diretso niya kong tinignan sa mga mata kaya ganoon rin ang ginawa ko.
"Bakit gusto mong puntahan ko siya?" Tanong nito sa akin.
"Para magkaroon ako ng bagong kakampi sa harem." Sagot ko.
Hinatak niya ko palapit sa kaniya at bumulong sa tenga ko. "Gagawin ko basta para sa'yo."
"Para rin 'to sa'yo, Zhang Fu." Bulong ko.
Mahigpit niya kong niyakap at ilang sandali lang ay nakatulog na siya.
Maaga siyang gumigising at huli na rin kung matulog. Kaya naman hindi niya alintana kung sino mang babae ang tumabi sa kaniya sa gabi. Pero kahit na ganoon, ako pa rin ang hinahanap niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o ano pero mas mabuti na ito.
Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at mahigpit rin siyang niyakap. Hindi rin nagtagal ay nakatulog na rin ako sa piling niya.
---
Makalipas mismo ng tatlong araw...
"Ang ganda diba?" Tanong ko kay Ying Nuzi.
"Magaan po ang bawat sulat niyo at napaka-eleganteng tignan. Habang tumatagal ay gumagaling po kayo sa calligraphy." Puri sa akin ni Ying Nuzi.
Sa lahat kasi ng tagapaglingkod ko ay siya lang ang nakakasulat at nakakabasa, kaya naman siya ang kausap ko kapag ganitong bagay. Si Xue naman ang nagdudurog at naghahalo ng tintang ginagamit ko.
"Zhen Gui Ren." Bati sa akin ni Xing-Su Gonggong.
"Tumayo ka. Anong balita mo?" Tanong ko.
"Si Wei Da Ying po ay itinataas na po ng emperor sa antas na Chang Zai." Sagot nito sa akin.
"Mabuti." Sagot ko.
"Zhen Gui Ren, nandito po si Wei Chang Zai!" Sabi naman sa akin ni Xiao-Cong na kakarating pa lamang.
"Edi papasukin mo." Sagot ko.
"Opo."
"BINABATI NAMIN SI ZHEN GUI REN." Sabay nilang tugon ni Huian.
"Tayo." Sagot ko.
Tumayo si Wei Chang Zai at masayang lumapit sa akin.
"Maraming salamat po talaga, Zhen Gui Ren." Tugon niya.
"Magpasalamat ka sa emperor." Sagot ko.
"Mula po ngayon ay buong puso ko pong gagawin ang inyong mga utos."
"Anong gusto mong itawag ko sa'yo? Wei Meimei o Meixing Meimei?" Tanong ko rito.
Halatang nagulat ito sa naging tugon ko.
"Ako po ay tagapaglingkod niyo lamang. Hindi niyo po ako kailangang ituring na kapatid."
"Wei Meimei o Meixing Meimei?" Tanong ko uli.
"Kahit Wei Meimei na lang po, Zhen Gui Ren." Nahihiya nitong tugon.
"Sheng Jiejie. Tawagin mo kong Sheng Jiejie."
Sa sobrang bigla na nararamdaman niya ay napaluhod siya. "Maraming salamat po, Sheng Jiejie! Hindi ko po kakalimutan ang kabutihan niyo sa akin!"
"Tumayo ka." Sagot ko rito.
Nauumay na ko kakautos sa kaniyang tumayo siya.
"Aasahan kong hindi mo ko tatalikuran, Wei Meimei."
"Hinding-hindi po!"
Napangiti ako. May bago na kong kakampi.
BINABASA MO ANG
I Become A Concubine
Historical FictionRevenge. Rivalries. Schemes. What will it takes for you to survive and be the one sitting on the throne? ____ -READ AT YOUR OWN RISK- *This is the RAW VERSION of the story. It's never been altered and it contains a lot of errors. *This is only a pr...