CHAPTER 27
ZHEN PIN
"Qi Zi, gising na."
"Ayoko pa..." Inaantok kong sagot at hinila ang kumot para takpan ang mukha ko.
"Qi Zi..." Madiin niyang tugon at hinila ang kumot paalis sa'kin.
Nagmatigas ako at hinila pabalik ang kumot pero hinila niya rin ito ulit.
"Bumangon ka na, Qi Zi." Wika ng emperor habang nakikipaghilahan ng kumot sa'kin.
"Ayaw ko pa!" Sigaw ko.
Ngunit dahil sa mas malakas siya sa'kin ay tuluyan ko nang nabitawan ang kumot at nahatak na niya ito. Sa sobrang inis ko ay sinipa ko siya at padabog na bumangon sa kama. Narinig kong dumaing siya pero hindi ko na lang pinansin. Kaya gan'on na lang ang gulat ko nang hilahin niya ko pabalik sa kama.
"Ikaw talaga!" Wika niya. "Nagawa mo na nga kong sipain, nagawa mo pa kong pagdabugan. Nais mo na ba talagang mamatay, Zhen Pin?"
"Edi parusahan mo ko." Hamon ko.
Napangisi siya. "Hindi mo alam ang hinihingi mo sa'kin, Qi Zi."
Tila nagising ang diwa ko at namula sa sagot niya.
"K-Kung anu-anong sinasabi mo!" Tugon ko at hinampas siya.
Natawa siya. "Ikaw ang nag-umpisa, Qi Zi. Bakit parang kasalanan ko pa?"
"Nagising mo na ko kaya bitawan mo na ko." Mataray kong tugon at kumawala sa kaniya.
Tumayo na ko, humikab at nag-inat.
"Ikaw na nga ang ginising ko, ikaw pa ang galit."
Ngumiti ako. "Salamat, Huang Shang." Sarkastiko kong tugon.
Muli siyang tumawa. "Ganito ba talaga kayong mga babae? Kapag umaga, mainit ang ulo?"
Nagkibit-balikat ako. "Tanong mo sa iba."
"Sandali, Qi Zi..." Wika niya kaya nilingon ko siya. "Malapit na ang tag-araw, kaya mananatili tayo sa Summer Palace."
[During the hot Beijing summers, the imperial family preferred the beautiful gardens and airy pavilions of the Summer Palace than the walled-in Forbidden City.]
"Sinong mga sasama?" Tanong ko.
"Syempre, ikaw." Nakangiting sagot niya. "Nais ko rin na makasama si Amar Pin at ang prinsesa, si Qiu Fei dahil nagdadalang-tao siya, at si Jiao Gui Ren at ang prinsipe."
"Huang Shang, dahil maisasama nila ang mga anak nila, masasama ko ba si Long'er?" Tanong kong muli.
"Syempre naman." Sagot niya. "May nais ka pa bang ibang isama?"
"Nais ko sanang maisama si Wei Meimei at Li Meimei." Sagot ko at ngumiti.
"Walang problema." Tugon niya. "Mas maigi 'yon para masamahan ka nila."
"Salamat, Zhang Fu."
"Hindi ka na galit?" Tanong niya.
Inikutan ko siya ng mata at tumalikod. "Alam mo namang hindi talaga ako galit. Nag-i-inarte lang ako."
"Kasi gusto mong suyuin kita?" Pang-a-asar niya.
"Bahala ka na nga kung anong gusto mong isipin." Sagot ko at pinag-krus ang mga braso ko.
Narinig kong tumawa siya at ,hindi ko rin alam kung paano, pero naramdaman kong bumangon na siya.
"Zhu Gonggong?" Pagtawag ko rito.
Agad naman siyang pumasok habang nakayuko. "Narito po ako, Niangniang."
"Pakitulungan na ang emperor na magbihis. May pagpupulong pa sila, tama?"
"Masusunod po. Kukunin ko lang po sandali ang mga gamit ng emperor." Sagot niya at umalis.
Humarap naman ako sa emperor. "Tutulungan ka na ni Zhu Gonggong na magbihis. Sa kabilang silid na lang ako."
Tumungo ako at aalis na sana nang bigla niya kong pigilan.
"Hindi. Tulungan mo ko." Madiin niyang tugon.
"Pati ba sa pagbibihis mo ay ako pa rin? Magbibihis din ako!" Sagot ko sa kaniya.
"Syempre. Ikaw lang naman ang kailangan ko."
"Tutulungan kita... Pero tutulungan mo rin ako. Akala mo ba ay ikaw lang?"
"Ha! Napakalakas talaga ng loob mo." Sagot niya. "Pero sige. Tutulungan kita."
"Ha! Papayag din pala." Paggaya ko sa kaniya.
---
THIRD PERSON
"Maaari na po kayong pumasok." Magalang na tugon ni Ying Nuzi sa mga concubine na kanina pa naghihintay sa labas upang bumati kay Zhen.
"Buti naman." Asik ni Batkhaan Chang Zai. "Akala ko ay hahayaan niya na lang tayong tumayo dito magdamag."
"Pinapapasok na nga tayo, hindi ba? Kaya huwag ka nang magreklamo pa." Sagot ni Baturu Da Ying.
Wala namang nagawa si Batkhaan Chang Zai kundi samaan ng tingin si Baturu Da Ying. Hindi na lang siya pinansin nito at pumasok na bulwagan ng palasyo. Naupo na silang lahat habang hinihintay ang paglabas ni Zhen Pin.
"MAGBIGAY PUGAY SA MAHAL NA EMPEROR!"
Gan'on na lang ang gulat nila nang malamang nasa palasyo ni Zhen Pin ang emperor. Agad silang nagsitayo at tumungo nang lumabas ang emperor kasama si Zhen Pin sa silid nito.
"PAGBATI SA MAHAL NA EMPEROR!" Sabay-sabay nilang bati.
"MAGBIGAY PUGAY KAY ZHEN PIN NIANGNIANG!" Muling anunsiyo ni Zhu Gonggong.
"PAGBATI KAY ZHEN PIN NIANGNIANG!"
Sumenyas naman ang emperor sa mga ito na tumayo na at agad naman silang tumalima at umupo sa mga pwesto nila. Nauna namang ma-upo ang emperor at inalalayan si Zhen na umupo sa tabi niya.
Nakangiti man si Zhen sa pinapakita sa kaniya ng emperor, alam niyang masama naman sa kaniya ang tingin ng ibang concubine.
"Kamusta ang pagdadalang-tao mo, Qiu Fei?" Tanong ng emperor dito.
"Mabuti naman, Huang Shang." Nakangiting sagot nito.
"Kapag may kailangan ka, sabihin mo lang."
"Opo."
Bumaling naman ang Emperor kay Amar Pin. "Kamusta naman ang prinsesa?"
"Malusog siyang bata, Huang Shang. Huwag kayong mag-a-alala sa kaniya."
"Mas dadalasan ko ang pagbisita para malaman ang kalagayan niya." Paniniguro ng emperor.
"Maraming salamat, Huang Shang." Nagagalak na wika ni Amar Pin.
"Jiao Gui Ren." Pagtawag naman ng emperor dito. "Ang prinsipe?"
"Nasa mabuting kalagayan, Huang Shang." Diretsong sagot ni Jiao Gui Ren.
"Inaasahan kong..." Wika ng emperor at hinawakan ang kamay ni Zhen Pin. "Tutulungan niyo si Zhen para mapanatili ang kapayapaan dito sa harem. Ayaw kong mahirapan siya."
"Mukhang mahal na mahal talaga ng emperor si Zhen Pin." Masayang wika ni Li Gui Ren.
Pinilit ng iba na ngumiti at makitawa sa sinabi ni Li Gui Ren kahit na iba na ang nararamdaman nila. Sa sinabi niya ay tila mas lalo pang nagliyab ang galit ng mga ito kay Zhen Pin.
Sabay-sabay naman silang tumayo nang tumayo ang emperor.
"May pagpupulong pa kami. Kailangan ko nang mauna." Paalam ng emperor kay Zhen.
"Huwag mong masyadong sagarin ang sarili mo sa pagta-trabaho." Paalala nito na tinanguan ng emperor.
"PAALAM, HUANG SHANG!" Sabay-sabay nilang wika at tumungo.
Nagsitayuan naman sila nang makaalis na ang emperor.
"Dahil nabati niyo na ko at nakaalis na ang emperor, maaari na kayong bumalik sa inyong mga palasyo."
"PAALAM, ZHEN PIN NIANGNIANG!" Paalam ng mga ito at isa-isa nang umalis sa bulwagan.
Napatingin naman si Zhen kay Baturu Da Ying na nagpaiwan.
"May kailangan ka ba?" Tanong ni Zhen Pin.
"Niangniang, tungkol sa anak mo."
"Anong mayr'on?" Kunot-noong tanong ko.
"Alam na ng empress ang totoo." Diretsong sagot ni Baturu Da Ying.
"Ibig sabin..."
"Oo, Niangniang. Alam na niya kung sino ang gumawa."
"Xue." Pagtawag niya sa tagapaglingkod.
"Narito po ako."
"Hanapin mo si Ping. Kailangan kong malaman kung ano na ang alam niya."
"Opo."
"Gugu." Pagtawag naman niya kay Ying Nuzi. "Samahan mo ko sa palasyo ng empress."
---
ZHEN PIN
"Bilisan ninyo! Bilisan ninyo!" Paulit-ulit na wika ni Ying Nuzi sa mga tagabuhat ng sedan chair habang tumatakbo siya kasabay nito.
Nang makarating kami sa palasyo ng empress ay agad na nilang binaba ang sedan chair. Hindi ko na hinintay pang alalayan nila ako at agad nang tumayo.
"Zhen Pin Niangniang." Bati sa akin ng mga tagabantay.
"Papasukin ninyo ko." Ma-awtoridad kong utos sa kanila.
Nagkatinginan naman silang dalawa.
"Ngunit-"
"Papasukin ninyo ko." Pag-ulit ko.
Yumuko naman sila at umalis sa dadaanan ko. Pagkatapak ko pa lang sa bakuran ng palasyo ay agad akong lumuhod.
"Huang Hou Niangniang!" Pagtawag ko sa kaniya. "Lumabas kayo at kausapin ninyo ko! Kailangan kong malaman ang totoo, Huang Hou!"
"Niangniang, tumayo po kayo." Pakiusap sa akin ni Ying Nuzi.
"Hindi." Matigas kong tugon.
Wala na siyang nagawa pa at lumuhod na lang din sa tabi ko.
Hindi naman nagtagal ay lumabas ang empress kasama ang tagapaglingkod niya na naka-alalay sa kaniya.
"Zhen Pin." Madiin niyang pagtawag sa pangalan ko. "Pumasok ka." Wika niya at muling pumasok sa loob.
Agad naman akong tumayo at pumasok sa loob habang nakasunod sa akin si Ying Nuzi.
"Ma-upo ka." Wika ng empress. "Pasensya ka na at wala akong tsaa na maibibigay sa'yo."
Sumunod ako at umupo sa tabi niya.
"Niangniang, nandito lang ako para malaman ang totoo." Sabi ko sa kaniya. "Gusto kong malaman kung anong totoong nangyari sa anak ko."
"Alam ko." Sagot niya. "Ngunit nais kong maunawaan mo na hindi ako ang may gawa n'on."
"Naniniwala ako."
Diretso siyang tumingin sa akin na para bang binabasa kung totoo ba ang sinabi ko. Inalis na niya ang tingin niya at bumuntong-hininga.
"Mabuti ka pa." Wika niya. "Sana ay naniniwala rin sa akin ang emperor. Nakakalungkot lang dahil alam kong hindi."
"Niangniang, pagka sinabi mo sa akin ang nalalaman mo at napatunayan natin na hindi nga ikaw ang gumawa, malilinis natin ang pangalan mo at maibabalik na sa'yo ang pamamahala sa harem." Sagot ko.
Ngumisi siya. "Ano ngayon kung malilinis ang pangalan ko?"
Tumayo siya at tinignan ang kabuoan ng palasyo niya. Kung dati ay napakasigla ng palasyo niya at napakarami ng tagapaglingkod, ngayon ay nag-i-isa na lang ang kasama niya at napakalungkot ng paligid. Parang hindi nasisinagan ng araw at napakadilim.
"Kahit malinis mo pa— natin — ang pangalan ko, hindi na natin mababago pa ang katotohanang nabahiran na ang pangalan ko sa harem. Ilang buwan na kong nakakulong dito at nagbabayad sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Ano pang saysay ng paglinis mo sa pangalan ko?"
"Kung ayaw mo palang malinis ang pangalan mo, bakit mo pa inalam ang totoo?" Tanong ko.
"Dahil gusto kong magbayad kung sino man ang gumawa nito. Hinding-hindi ko siya patatakasin, kahit saang impyerno pa siya magtago."
Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit ang empress. Napakatalim ng tingin niya at nagngingitngit siya sa galit na para bang kahit na anong oras ay papatay siya.
"Tatanungin kita, Zhen Pin..." Wika niya at muling na-upo sa tabi ko. "Gumagamit ka ba ng pabango?"
"Oo. Madalas kong gamitin ang binigay sa akin ng emperor." Sagot ko.
"May pinagsabihan ka ba kung anong klaseng pabango ang ginagamit mo o di kaya ay pinagbigyan?" Muli niyang tanong.
"Wala akong ibang pagbibigyan dahil regalo mismo 'yon sa akin ng emperor. Kung may nakaka-alam man, ang mga tagapaglingkod ko 'yon at iba pang mga taong malapit sa akin."
"Mga taong malapit sa'yo? Tulad nino?"
"Si Li Meimei at Wei Meimei."
"Minsan ba ay pinagdudahan mo na sila?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit mo tinatanong?"
Ngumiti siya. "Kung gan'on ay nagduda ka na rin."
"Huang Hou, sinasabi mo bang-"
"Oo." Diretso niyang sagot. "Isa sa mga "pinagkakatiwalaan" mo at "malapit" sa'yo ang may gawa nito."
"Isang mabigat na paratang ang binibitawan ninyo, Huang Hou."
"Paratang nga ba talaga?" Tugon ng empress.
"Lu Shan, ipaliwanag mo sa kaniya ang nangyari." Utos niya sa kaniyang tagapaglingkod.
"Opo, Huang Hou." Sagot nito at tumingin sa akin. "Mayr'on pong mga paraan upang sanayin ang isang aso na hanapin ang amoy ng isang bagay. Kung madalas kayong gumamit ng pabango, malamang ay 'yon ang ginamit nila upang baliwin ang aso at dambain kayo."
"Sigurado ang empress na hindi basta gagawin ni Fu, ang aso, ang bagay na 'yon. Bakit? Dahil kinulong namin siya upang hindi makagulo sa kasiyahan. Sa kasamaang palad ay may nagpakawala sa kaniya at sinira ang kandado ng kulungan niya."
May nilabas siyang lalagyan at inabot sa akin. "Amuyin ninyo."
Inamoy ko ito at gan'on na lang ang pagkabigla ko nang mapagtantong ka-amoy nga ito ng pabango ko.
"Sa paghahanap namin ng ebidensya, nakita namin ang lalagyang 'yan at napagtanto na namin kung ano ba talaga ang nangyari."
Ang empress naman ang nagsalita. "Kung sino man ang gumawa nito, napakatalino niya para maisip ang ganitong bagay. Ang pagkakamali lang niya ay hindi niya ito ginawa ng maayos."
"Kung sino man ang gumawa nito, nais lang niyang maibaling sa empress ang pagkakamali niya. Kaya sana malinaw sa inyo na hindi ang empress ang gumawa nito." Wika ng tagapaglingkod niya.
"Lu Momo." Pagtawag ni Ying Nuzi rito. "Sino sa tingin ninyo ang may gawa nito."
[Momo: Lead lady-in-waiting.]
"Gugu, si Zhen Pin lang ang makakasagot ng tanong na 'yan."
Tumingin ako sa empress. "Sino sa kanilang dalawa ang pinaghinalaan mo na?" Tanong niya.
"Wala pa rin tayong sapat na ebidensya, Huang Hou." Mahinang sagot ko sa kaniya.
Muli siyang ngumisi. "Ayaw mong sabihin dahil ayaw mong tanggapin sa sarili mo na maaari ngang trinaydor ka na niya."
"Huang Hou-"
"Ayos lang." Sagot niya. "Ayos lang kahit hindi mo pa sabihin. Alam ko naman na kung sino ang gumawa nito."
"Huang Hou Niangniang, mukhang pagod na kayo. Magpahinga na po kayo." Nakangiting pag-akay sa kaniya ng tagapaglingkod niya upang tumayo.
"Lu Momo, hindi pa sila tapos mag-usap." Pagpigil ni Ying Nuzi.
"Gugu, tapos na silang mag-usap. Alam na ni Zhen Pin ang totoong nangyari at alam na rin niya kung sino ang gumawa. Wala ng dahilan pa para magpatuloy ang pag-u-usap nila."
"Huang Hou." Wika ko. "Ngayong alam mo na kung sino ang gumawa, anong gagawin mo?"
"Zhen Pin." Nakangiti niyang tugon. "Dahil sa kaniya ay wala na si Fu. Kung sa tingin ng iba ay hayop lang siya, aso lang siya. Hindi para sa'kin. Siya ang naging anak ko rito sa palasyo at ang mawala siya ay isang napakasakit na bagay sa'kin. Ngayong alam ko na kung sinong gumawa, anong gagawin ko? Sinusumpa ko sa langit... mamatay siya sa napakahirap na paraan." Wika niya at tumalikod na.
"Niangniang, kapag napatunayan kong siya nga talaga ang gumawa, ako na ang bahala sa kaniya."
"Pft..." Tugon ng empress. "Aasahan kong mabigat na parusa ang ipapataw mo sa kaniya. 'Wag mo kong biguin." 'Yon lang at iniwan na niya ko sa bulwagan ng palasyo.
"Niangniang, nanginginig ka." Nag-a-alalang wika sa akin ni Ying Nuzi.
"Ying... Siguraduhin mo na walang makakaalam na binisita natin ang empress." Bilin ko sa kaniya.
"Opo, Niangniang. Ako na po ang bahala."
---
"Xing-Su Gonggong." Pagtawag ko rito.
"Narito po ako."
Nirolyo ko naman at tinali ang listahang ginawa ko.
"Ito ang listahan ng mga makakasama sa pagpunta sa Summer Palace. Pakibigay sa emperor para matatakan na niya." Utos ko at binigay ito sa kaniya.
"Opo." Kinuha niya ito at agad na umalis.
"Niangniang." Bati sa akin ni Ying Nuzi at nilapag ang tray ng sycee sa lamesa ko.
[A sycee or yuanbao was a type of gold and silver ingot currency used in imperial China from its founding under the Qin dynasty until the fall of the Qing in the 20th century.]
"Pagka nakabalik na si Xue at nahanap na si Ping, paghatian ninyo ng maayos ang mga sycee." Bilin ko.
"Opo, Niangniang."
"Niangniang, nandito po si Doktor Zhou." Sabi sa akin ni Xiao-Daquan.
"Papasukin mo siya." Nakangiting sagot ko.
Tumango ito at pinapasok si Doktor Zhou at ang alalay nito.
"Pagbati, Niangniang." Wika nila at lumuhod.
"Tumayo kayo." Sagot ko.
"Salamat, Niangniang." Tugon ng doktor. "Titignan ko lang po ang kalagayan ninyo."
Inalis naman ni Ying Nuzi ang tray na nasa lamesa para may mapaglagyan si Doktor Zhou ng mga gamit niya. Nilapag ko ang braso ko at naglagay naman ng manipis na tela si Ying Nuzi sa pulsuhan ko. Tulad ng dati ay pinakinggan niya ang pulso ko.
"Kamusta?" Tanong ni Ying Nuzi.
Bumitaw na sa akin ang doktor at ngumiti. "Wala pong problema, Niangniang."
Nakahinga ng maluwag si Ying Nuzi. "Mabuti naman."
"Pinapayo ko po na kumain kayo ng masustansya at huwag kalimutang mag-ehersisyo." Bilin ni Doktor Zhou.
"Salamat, Doktor Zhou."
"Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Niangniang."
"Kumuha po kayo, Doktor Zhou." Wika ni Ying Nuzi at hinarap kay Doktor Zhou ang tray ng sycee.
"Hindi na po kailangan." Natatawa niyang tugon.
"Kumuha ka na. Pasasalamat ko 'yan." Nakangiting sagot ko.
"Kung 'yon po ang gusto ninyo." Sagot niya at kumuha ng isang piraso. "Salamat, Niangniang."
"Doktor, may balita ka ba sa pamilya ko?"
"Walang bagong balita, Niangniang." Sagot niya. "Ngunit may naririnig ako na... Malapit na raw mag-asawa ang nakakatanda ninyong kapatid."
"Dahil ginawa siyang jinzhou ng emperor nang nakaraan, nagkar'on ng panibagong karangalan ang pamilya namin. Talagang maraming pamilya ang naghahabol na mapangasawa ng anak nila ang kapatid ko. Isa pa, kailangan din talaga ni Gege na mag-asawa dahil kabilang siya sa militar. Kailangan niyang magkar'on ng tagapagmana na hahalili sa kaniya kung may masama mang nangyari sa kaniya sa isang laban." Wika ko.
"Tama po kayo, Niangniang." Pagsang-ayon niya. "Mauuna na po ako."
"Salamat uli." Pahabol ko bago sila umalis.
Pagka-alis nila ay muling nilapag ni Ying Nuzi ang tray sa lamesa.
"Gusto nyo po ba ng tsaa, Niangniang?" Tanong ni Ying Nuzi.
"Sige." Nakangiti kong sagot.
Nakangiti naman siyang tumango at lumabas para gumawa ng tsaa.
"Nasaan na kaya si Xue? Bakit hindi pa siya bumabalik?" Bulong ko sa sarili ko.
"Pagbati po, Niangniang." Masayang bati sa akin ni Jingyi. "Pinapunta po ako rito ni Ying Nuzi upanh bantayan kayo habang gumagawa siya ng tsaa. Hindi raw po kayo maaaring maiwa mag-isa."
"Sige." Nakangiti kong sagot. "Pakikuha nga pala si Hui sa kwarto ko. Pakakainin ko lang."
"Opo." Sagot niya at mabilis na kinuha ang ibon na binigay sa akin ng emperor.
Nilapag niya ang hawla nito sa lamesa ko. Kinuha ko naman ang supot na nakasabit sa hawla at pinakain ang mga buto ng sunflower sa kaniya. Pinapanuod ko lang siyang tuka-tukain ito at kainin.
Hindi nagtagal ay bumalik na rin si Ying Nuzi na may dalang tsaa.
Inabot niya naman ito sa akin. "Dahan-dahan lang, Niangniang. Medyo mainit pa."
"Salamat, Ying Nuzi." Tugon ko at hinipan ang tsaa bago humigop.
Nang una... Akala ko ay hindi ako masasanay sa buhay ko dito. Pero masaya akong nagawa kong makihalo. Malaking tulong sa akin si Xue at Ying Nuzi.
Dahil wala naman akong kapatid na babae sa mundong 'to, parang naging kapatid ko na si Xue. Hindi ko rin nakilala ang ina ko sa mundong 'to. Kaya naman parang Ying Nuzi na ang naging nanay ko.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin kapag may isa sa kanilang nawala.
Hindi nagtagal ay pumatak na rin ang dilim, ngunit hindin pa rin nakakabalik si Xue at Ping. Nag-a-alala na ko.
"Gugu, magpatulong kayo sa mga imperial guard at hanapin ninyo sila." Utos ko kay Ying Nuzi.
"Niangniang, i-u-utos ko na lang sa iba ang utos ninyo sa'kin. Hindi ko kayo maaaring iwan, ngayong nawawala ang dalawa sa atin." Nag-a-alala rin niyang tugon.
"Jingyi, ikaw na ang bahala." Wika ni Ying Nuzi rito.
"Masusunod, Gugu." Sagot nito at mabilis na umalis.
Lumipas pa ang ilang oras pero hindi pa rin sila nakikita.
"Anong oras na?" Tanong ko kay Ying Nuzi.
"Oras na po ng Haishi, Niangniang."
[Haishi: 9:00 pm - 11:00 pm]
"Bakit hindi pa rin sila nakikita?!"
Hindi na ko magkandaugaga sa pag-a-alala sa kanila.
"Sasama na ko sa paghahanap." Anunsiyo ko.
"Niangniang, hindi maaari! Gabi na !" Pagpigil sa akin ni Ying Nuzi.
Hindi ko na siya pinansin at madaling lumabas sa palasyo. Wala na siyang ibang nagawa kundi humabol at sumunod sa akin.
"Jiejie?" Wika ni Shen Jin. "Anong ginagawa mo rito? Gabi na!"
"Nahanap nyo na ba sila?" Tanong ko.
"Hindi pa, Jiejie. Ngunit kapag nakita na naman sila ay agad naming sasabihin sa'yo. Bumalik ka na."
"Hindi. Sasama ako sa paghahanap."
"Huwag na, Jiejie! Baka mapahamak ka!"
"Sasama ako, Shen Jin! Utos ko 'to bilang bilang concubine!" Sigaw ko. "Naiintindihan mo ba?!"
"O-Opo, Niangniang." Napipilitan niyang sagot.
"AAAHHHH!!!"
Natigilan kaming lahat nang may marinig kaming isang matinis at nakabibinging sigaw.
"Tignan ninyo kung ano 'yon!" Utos ni Shen Jin sa mga kasama niya.
"Opo!" Sagot ng mga ito at agad na tumakbo sa direksyon kung saan namin narinig ang sigaw.
"Dito ka na lang, Niangniang." Wika ni Shen Jin.
"Hindi. Susunod ako." Matigas kong tugon.Wala na siyang nagawa pa at hinayaan na lang akong gawin ang gusto ko.
Sumunod ako sa mga imperial guard at nadatnan namin ang isang babaeng tagapaglingkod na naka-upo sa sahig at nanginginig sa sobrang takot. Napatingin ako sa kung saan siya nakaturo at nakita ang isang balon.
Dali-dali akong dumiretso at tinignan kung ano ang laman n'on.
"Ha!" Bulalas ni Ying Nuzi nang makita ang laman nito. "Niangniang, huwag ninyong tignan!" Wika niya at hinila ako palayo sa balon.
"Alisin ninyo siya sa balon! Dalian ninyo!" Rinig kong utos ni Shen Jin sa mga kasamahan niya.
Nang makita kong nailapag na nila ang katawan, nagmadali akong lumapit dito. Dahil madilim ay hindi ko gaanong makita ang mukha niya. Kaya inagaw ko pa ang lampara ng isang tagapaglingkod para lang makita ko ang mukha niya. Gan'on na lang ang gulat ko nang makita ang mukha niya at makilala kung sino siya.
"Ping!" Sigaw ni Ying Nuzi.
Tinapat ko ang lampara sa katawan niya upang makita kung may kakaiba. Natigilan ako nang mapansin ang pasa pabilog sa leeg niya. Mukhang sinakal siya.
Umaasa akong buhay pa siya kahit na halos wala na siyang kulay. Kaya naman tinignan ko kung may pulso pa siya, ngunit wala na talaga.
Naramdaman kong nangilid ang mga luha ko, ngunit imbes na manginig ako sa lungkot ay nanginginig ako sa galit.
"Si Xue?! Nakita ninyo na ba siya?!"
"Hindi pa rin namin siya nakikita, Niangniang." Sagot sa akin ni Shen Jin.
"Patay..."
"Niangniang?" Paglilinaw ni Ying Nuzi sa sinabi ko.
"Papatayin ko kung sino man ang gumawa nito..." Nagngingitngit kong tugon. "Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakasigurong patay na ang gumawa nito."
Alam kong nabigla sila sa sinabi ko. Ngunit hindi na ko makapag-isip. Ang alam ko na lang ay galit ako at kailangang magbayad ng taong gumawa nito.
BINABASA MO ANG
I Become A Concubine
Historical FictionRevenge. Rivalries. Schemes. What will it takes for you to survive and be the one sitting on the throne? ____ -READ AT YOUR OWN RISK- *This is the RAW VERSION of the story. It's never been altered and it contains a lot of errors. *This is only a pr...