CHAPTER 26

996 48 0
                                    

CHAPTER 26

ZHEN PIN

"PAGBATI PO, NIANGNIANG." Bati sa akin ng mga concubine.

"Tumayo kayo." Tugon ko at agad naman silang tumalima.

"Kamusta ka, Qiu Fei?" Tanong ko sa kaniya.

"Mabati naman, Meimei." Nakangiting sagot niya sa'kin.

"Kung hindi ako nagkakamali ay limang buwan ka nang nagdadalang-tao, tama ba?" Tanong sa kaniya ni Amar Pin.

"Tama ka."

"Kamusta naman ang prinsipe, Jiao Chang Zai?" Tanong ko rito.

"Tahimik at masayahing bata ang prinsipe. Wala akong problemang alagaan siya." Sagot nito na may bahid ng saya.

"Tila yata namamaga ang mata mo, Wei Chang Zai. Umiyak ka ba?" Nakangising tanong naman ni Batkhaan Chang Zai sa kaniya.

"Namamaga ang mga mata niya dahil sinisipon siya kagabi. Kagagaling lang kanina." Nakangiting sagot ni Min Da Ying.

"Gan'on ba? Akala ko ay umiiyak siya dahil hindi siya binibisita ng emperor."

Kung may iiyakan man siya, hindi 'yon amg emperor, ang kapatid ko. Ayaw ko mang magkar'on sila ng sama ng loob sa akin pero kailangan ko silang paghiwalayin. Para naman sa ikabubuti ng lahat. Mas magandang tapusin habang wala pang ibang nakakaalam.

"Kung may iiyak man dito dahil hindi binibisita ng emperor ay ikaw 'yon, Batkhaan Chang Zai." Sagot naman sa kaniya ni Baturu Da Ying.

"Sinong nagtatanong sa isang hamak na Da Ying?" Pang-i-insulto sa kaniya nito.

"Mag-aaway ba talaga kayo sa harap ni Zhen Pin Niangniang?" Wika naman ni Li Meimei sa kanila.

Tumingin naman ang dalawa sa akin at yumuko. "Patawarin niyo kami, Niangniang."

Bumuntong-hininga ako. "Nakabati na rin naman kayo ay maaari na kayong umalis."

Nagtayuan naman sila at nagpaalam sa akin bago umalis. Naiwan sa bulwagan si Li Meimei.

"Meimei, may kailangan ka pa ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala naman, Jiejie. Nais lang kitang kausapin." Masaya at nakangiti niyang sagot sa akin.

"Nais mo bang mag-agahan? Sumabay ka na sa'kin." Pag-aya ko sa kaniya.

"Syempre naman, Jiejie."

"Pakihanda na lang lahat para makakain na kami." Utos ko sa mga tagapaglingkod ko.

Hinanda naman nila ang isang pabilog na lamesa at dalawang upuan. Umupo na kami at hinintay na dalhan kami ng mga pagkain.

"Ang sarap naman ng mga pagkain, Jiejie!" Natutuwa niyang wika habang tinitignan ang mga tagapaglingkod na ilapag ang mga pagkain sa lamesa.

"Kaya kumain ka ng marami." Nakangiting sagot ko sa kaniya.

Agad naman siyang kumuha at kumain.

"Mm! Masarap nga, Jiejie!"

"Talagang masarap 'yan, Lady Li!" Sagot naman ni Xue. "Si Niangniang na ang namamahala sa harem ngayon. Kinikilala lang nila ang posisyon niya at binibigay sa kaniya ang mga pinakamaganda."

"Xue..." Pagsaway ko sa kaniya.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo, Niangniang." Pagdepensa nya sa sarili.

Nakangiti akong umiling kay Xue.

Muli naman akong bumaling kay Li Meimei. "Huwag mong pansinin si Xue. Kumain ka lang."

"Totoo naman ang sinasabi niya, Jiejie." Sagot niya habang kumakain. "Hindi ako nagkamali nang sinabi ko sa inyo noon na hindi malabong umangat ang antas niyo dahil mahal kayo ng emperor. Wala pa nga kayong isang taon dito pero ikaw na ang namamahala sa harem."

"Talaga namang kinampihan mo pa si Xue. Kumain ka na lang."

"Ah, Jiejie..." Bigla niyang tugon. "Ginagamit mo ba ang pampagandang binigay ko sa iyo noon?"

"Oo naman. Araw-araw ko pa ngang ginagamit." Nakangiti kong sagot.

"Talaga?!" Masaya niyang tugon. "Sana nagustuhan mo, Jiejie. Ako mismo ang gumawa n'on! Sabihin mo lang sa akin kapag naubos na at gagawa pa ko."

"Sige. Sige." Pagtango ko. "Kumain ka na."

---

THIRD PERSON

"Pagbati sa mahal na emperor." Bati ni Jiao Chang Zai at tumungo.

Sumenyas naman sa kaniya ang emperor na tumayo habang nagbabasa ng mga dokumento.

"Lady Jiao, sabihin niyo po sa emperor na kumain na. Hindi pa po siya kumakain ng agahan." Bulong sa kaniya ni Zhu Gonggong.

"Zhu Gonggong, kung sa inyo nga ay hindi nakinig, sa akin pa kaya?" Tugon nito. "Hayaan niyo. Susubukan ko."

"Maraming salamat, Lady Jiao." Sagot nito at lumabas na sa silid.

"Huang Shang, mukhang abala ka." Sabi niya rito. "Bakit hindi ka muna tumigil at mag-agahan, para tuluy-tuloy na ang ginagawa mo mamaya?"

"Kamusta ang harem?" Tanong ng emperor.

"Simula nang namuno si Zhen Pin Niangniang ay wala namang naging problema."

"Kamusta si Zhen?"

"Mukhang maayos naman po."

Natigilan siya at tumingin kay Jiao Chang Zai. "Mukha?"

"Mukha naman po siyang masaya pero hindi ako siguro sa kung ano ba talagang nararamdaman niya."

Napabuntong-hininga na lang ang emperor habang minamasahe sintido niya.

"Huang Shang, kung nag-aalala ka talaga ay kakausapin mo siya. Hindi 'yong lagi mo na lang hinihintay ang balita ko."

"At kung galit siya?"

"Edi galit pa rin siya. Ang mahalaga ay kinausap niyo siya, Huang Shang."

Pareho naman silang natahimik habang hinihintay ang isa't-isa na magsalita.

Ang emperor ang unang nagsalita. "Kamusta ang prinsipe?"

"Wala akong problema sa kaniya. Masaya pa nga akong alagaan siya."

"Wala naman bang banta sa'yo mula kay Qiu Gui Ren?"

"Sa tingin ko naman ay wala na siyang lakas ng loob para magbanta pa. Napakataas din ng binagsakan niya."

"Zhu." Tawag ng emperor sa head eunuch.

Dali-dali naman itong pumasok. "Narito po ako, Huang Shang."

"Ipakalat mo ang sasabihin ko." Utos ng emperor. "Si Jiao Chang Zai ay isang mabuting kaibigan sa akin at ang bagong ina ni Prinsipe Zhang Yong ay tinataas ko sa posisyong Gui Ren."

"Opo." Sagot naman ni Zhu Gonggong at bumaling kay Jiao Gui Ren. "Magpasalamat po kayo sa emperor, Jiao Gui Ren."

Nabibigla man at hindi alam ang mararamdaman ay lumuhod siya at nagpasalamat sa emperor.

"Binabati kita, Jiao Gui Ren." Sabi ni Zhu Gonggong dito at muli namang bumalik sa emperor. "Mauuna po ako." Paalam niya at umalis na.

Tumayo naman si Jiao Gui Ren at naguguluhang tumingin sa emperor. "Bakit mo tinaas ang antas ko?"

"Kahit na mababa na ang posisyon ni Qiu Gui Ren, isa pa rin siyang Gui Ren. Mas mataas pa rin siya ng isang antas sa'yo, kaya baka ano pang gawin niya sa'yo dahil nga ikaw na ang nangangalaga sa prinsipe. Tinaas ko ang antas mo para mawalan siya ng dahilan para gawan ka ng kung ano."

"Hindi ba mas lalo lang akong pag-i-initan kapag tumaas ang antas ko?"

"Sa ngayon ay tatlong antas lang ang mataas. Fei, Pin, at Gui Ren. Mas maigi na mapabilang ka sa tatlong 'yon ngayong tahimik pa ang harem, at makasiguro tayo na walang magbabanta sa'yo."

"Naiintindihan ko, Huang Shang. Aalagaan ko ng maigi ang prinsipe at sisiguruhin ang kaligtasan namin."

Muli namang pumasok si Zhu Gonggong. "Naipakalat ko na po sa mga eunuch ang balita, Huang Shang."

"Ihanda mo ang sedan chair. Bibisitahin natin si E'nie." Utos ng emperor.

"Opo." Sagot nito at muling lumabas.

"Mukhang aalis ka na. Mauuna na rin ako." Paalam ni Jiao Gui Ren.

"Sandali lang, Jiao Gui Ren." Pagpigil sa kaniya ng emperor.

"Ano po 'yon?"

"May ipapagawa ako sa'yo."

---

ZHEN PIN

"Paniguradong matutuwa na naman ang empress dowager dahil bibisitahin niyo siya, Niangniang." Masayang wika sa akin ni Xue.

"TIGNAN MO ANG GINAWA MO!"

Awtomatikong napahinto ang sinasakyan kong sedan chair nang madaanan namin si Batkhaan Chang Zai na may sinisigawan. Nang tignan ko nang mabuti kung sino ito ay si Min Da Ying pala.

"Pipigilan ko po ba sila?" Tanong sa akin ni Xue.

"Hindi. Manuod muna tayo. Ako na ang bahala mamaya." Sagot ko habang pinapanuod ang pagtatalo ng dalawa.

"Hindi mo kailangang sumigaw, Batkhaan Chang Zai. Kung may nagawa mang pagkakamali ang tagapaglingkod ko ay ako na ang bahalang magtama. Hindi mo siya kailangang saktan." Mahinahong pagdepensa ni Min Da Ying.

Napansin ko na nagtatago pala sa likod niya ang katulong niya na namumula ang pisngi. Kahit na malayo ako ay kitang-kita ko ang bakat ng palad sa pisngi niya dahil sa malakas na pagsampal.

"AKO ANG MAGDEDESISYON! DA YING KA LANG!"

Hindi ko mapigilang iikot ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. Nagmamalaki na siya agad, e, isang antas lang naman ang taas niya.

"Pakiusap, Batkhaan Chang Zai-"

"PAKIUSAP?! SA TINGIN MO BA AY SAPAT NA ANG PAKIUSAP MO?!" Singhal nito. "GAWA SA MATAAS NA KALEDAD NA TELA ANG DAMIT KO AT DINUMIHAN LANG NAMAN 'TO NG TATANGA-TANGA MONG TAGAPAGLINGKOD!"

Sasagot na sana si Min Da Ying nang magkusa na ang tagapaglingkod niyang lumuhod at magmaka-awa kay Batkhaan Chang Zai.

"P-PATAWARIN NIYO PO KO! HINDI KO PO SINASADYA! KUNG MAGAGALIT PO KAYO AY SA'KIN PO KAYO MAGALIT!" Umiiyak nitong tugon.

"HINDI SAPAT ANG PAGHINGI MO NG TAWAD! MAS MAHAL PA ANG DAMIT KO KAYSA SA WALANG KWENTANG BUHAY MO!"

"Niangniang..." Pagtawag sa akin ni Xue, naghihintay kung sisingit na ba ako.

"Sige." Sagot ko.

"Narinig niyo si Niangniang." Sabi naman ni Ying Nuzi sa mga nagbubuhat ng sedan chair.

Pumihit sila pa-kanan, direksyon kung nasaan sila, at dumiretso. Nang malapit na kami ay agad nila akong napansin at tumungo.

"Anong nangyayari?" Tanong ko nang tumigil sa tapat nila ang sedan chair.

Sasagot na sana si Min Da Ying nang bigla na lang nagsalita si Batkhaan Chang Zai.

"Niangniang, ang tagapaglingkod niya kasi... Tatanga-tanga at nadumihan ang damit ko! Sinampal ko lang naman siya para magtanda sa susunod! Pero si Min Da Ying... Minasama niya ang ginawa ko!"

"Totoo ba 'yon, Min Da Ying?" Tanong ko.

"Inaamin ko pong totoo ang sinasabi niya, Niangniang." Sagot niya sa'kin. "Ngunit para sa akin... Sana ay hayaan niyang ako ang magparusa sa sarili kong tagapaglingkod."

"Niangniang, bilang mas mataas sa kaniya ay wala akong nakikitang masama sa ginawa ko." Madiing tugon ni Batkhaan Chang Zai. "Na-insulto niya ko kaya pinarusahan ko siya. Kung nais rin ni Min Da Ying na parusahan ang tagapaglingkod niya ay gawin niya. Pero sana ay huwag niya kong kuwestiyunin dahil ako ang naperwisyo sa nangyari."

"N-NIANGNIANG! KAHIT ANONG KAPARUSAHAN MULA SA INYO AY TATANGGAPIN KO!" Sabi naman sa akin ng tagapaglingkod at paulit-ulit na yumuko.

"Niangniang..." Lumuhod na rin si Min Da Ying. "Inaamin ko pong nagkamali siya ngunit huwag niyo po sana siyang bigyan ng mabigat na parusa. Maawa po kayo sa kaniya."

Pinagmasdan ko sila habang iniisip kung anong gagawin ko.

Totoo naman kasing hindi na kailangan pang manakit ni Batkhaan Chang Zai dahil lang sa narumihan ang damit niya. Dapat na ipa-ubaya na lang niya ang pagpaparusa kay Min Da Ying. Ngunit tama rin naman si Batkhaan Chang Zai nang sabihin niyang pinaparusahan niya lang ito. May karapatan siya dahil mas mataas siya.

Anong klaseng batas ba naman kasi ang mayr'on sa palasyong 'to? Sumasakit lang ang ulo ko.

"Wala naman akong kinalaman sa nangyari kaya wala akong karapatang parusahan ka." Wika ko sa tagapaglingkod.

"S-Salamat, Niangniang!"

"Ngunit dahil pare-pareho naman ninyong pinasakit ang ulo ko... Parurusahan ko rin kayo."

"N-Niangniang?!" Bigla nilang tugon.

Hindi naman talaga parusa. Sinabi ko lang 'yon. Ang gusto ko lang talagang mangyari dito ay pareho silang umalis para hindi na lumala pa ang gulo dahil lang sa simpleng damit.

"Bumalik kayo sa kaniya-kaniya ninyong palasyo at isipin kung ano bang mga naging pagkakamali ninyo."

"Paano ang tagapaglingkod, Niangniang?" Tanong sa akin ni Batkhaan Chang Zai.

"Nasampal mo na siya at nasigawan. Kulang pa ba 'yon?" Tanong ko pabalik.

"Huwag niyong masyadong palakihin ang away niyo." Muli kong wika sa kanila.

Bumaling ako kay Ying Nuzi. "Padalhan mo ng mga damit si Batkhaan Chang Zai mamaya."

"Opo, Niangniang."

"Salamat, Niangniang." Sagot naman ni Batkhaan, napipilitan.

Muli akong bumaling sa kanila. "Ano pang hinihintay ninyo? Bumalik na kayo sa mga palasyo ninyo."

Nagpaalam na sila sa akin at sinigurado ko muna kung naka-alis na nga ba silang dalawa.

"Tara na. Dumiretso na tayo sa palasyo ng empress." Utos ko.

"Opo." Sagot ni Ying Nuzi.

Muli niyang inutusan ang mga tagabuhat na bumalik sa daan namin kanina at dumiretso na sa palasyo.

Kada mga tagapaglingkod na nadadaanan namin ay lumuluhod. Ibang-iba sa dating hihinto lang sila at yuyuko.

Nang makarating na kami sa tapat ng palasyo ng empress dowager ay maingag na nila akong binaba. Gaya ng dati ay si Xue ang umalalay sa akin habang nakasunod naman si Ying Nuzi.

"Mapa sa inyo po ang kapayapaan, Tai Hou." Magalang kong bati sa kaniya at tumungo kasabay ni Xue at Ying Nuzi.

"Talagang masaya akong makita kang muli, Zhen. Tumayo ka at tumabi sa akin." Tugon ng empress dowager.

Ngumiti ako. "Salamat po, Tai Hou."

Tumalima na ko at tumabi sa kaniya.

"Kamusta ang pamamahala sa harem? Nahihirapan ka ba? Tinutulungan ka ba ni Amar Pin?" Magkakasunod niyang tanong sa'kin.

"Huwag po kayong mag-alala." Paniniguro ko. "Tinutulungan ako ni Amar Pin kaya hindi ako masyadong nahihirapan."

"Mabuti naman." Nakahinga siya ng maluwag. "Sabi ko na at matutulungan ka talaga ni Amar Pin."

"Salamat sa pag-alala, Tai Hou."

"Sana ay maging tahimik lang ang harem sa pamumuno mo."

"Sana nga po."

Kahit na nagkakagulo na ang dalawa kanina dahil lang sa isang damit.

"Balita ko rin ay si Jiao Chang Zai ang nangangalaga ngayon sa anak ni Qiu Gui Ren. Kamusta ang prinsipe?" Tanong niya.

Basta talaga tungkol sa mga apo niya ay inaalam niya.

"Tahimik at masayahing bata kung ilarawan ni Jiao Chang Zai ang prinsipe. Mukhang masaya talaga siyang alagaan ang prinsipe."

"Si Long Jin? Kamusta?"

"Binisita niya ko kahapon, Tai Hou. Mukhang nag-a-aral siya ng mabuti."

"Ang bata pa niya." Tugon ng empress dowager. "Dapat ay sinusulit muna niya ang pagiging bata."

"'Yan nga rin po ang sinasabi ko sa kaniya pero mas nais niya talagang mag-aral kaysa maglaro." Sagot ko. "Ngunit hindi niya naman nakakalimutang gumalaw-galaw dahil kasama niya sa paglalaro ang asong niregalo ko."

"Mabuti." Tugon niya kasabay ang pagtango.

Lumapit naman sa kaniya ang tagapaglingkod niyang si Jie at may binulong. Mukhang natuwa naman ang empress dowager kung ano man ang binulong sa kaniya.

"Tinaas na ang antas ni Jiao Chang Zai. Isa na siyang Gui Ren." Balita niya sa'kin.

"Magandang balita pala." Sagot ko.

"Sa tingin ko ay ginawa siyang Gui Ren bilang proteksyon dahil siya na ang nangangalaga sa prinsipe." Wika niya. "Mabuti naman at ganito na ang nangyayari. Napakahirap kausapin ng emperor. Kailangan ko pang magalit sa kaniya."

"Kausapin po saan?" Tanong ko.

"Ako ang nagsabi sa kaniya na parusahan na si Qiu Gui Ren at ayusin na ang mga nangyayari sa harem."

"Pati po ba ang pamamahala ko sa harem ay kayo rin ang nagsabi?"

"Oo. 'Yon ang pinaka-ulit ko sa kaniya."

Nawala ang ngiti ko sa labi nang makumpirma ang bagay na 'yon. Pero hindi na lang ako nagpahalata at pinilit na ngumiti.

Akala ko pa naman ay ang emperor na ang nag-ayos ng lahat. Inisip ko na siya ang nagparusa kay Ai Huang Gui Fei dahil alam na niyang nagkamali ito at hindi talaga ako ang gumawa noon. Inisip ko rin na kaya niya binigay ang pamamahala sa akin ay dahil may tiwala na siya. Pagkatapos... Ang empress dowager lang pala talaga ang totoong nagtitiwala sa akin.

Ilang sandali pa kaming nag-usap bago namin marinig ang anunsyo na narito ang emperor, kaya agad akong tumayo at tumungo.

"Pagbati, E'nie." Bati ng emperor at lumuhod sa empress dowager.

"Tumayo ka." Masayang sagot nito.

"Salamat po."

Tumalima siya bago lumapit sa akin at tulungan din akong tumayo. Hinawakan niya ang mga kamay ko pero agad ko rin itong inalis sa kaniya pagkatayo ko.

"Tai Hou, mukhang importante ang pag-u-usapan niyo ng emperor. Maaari na po ba akong mauna?" Tanong ko.

"Syempre naman."

"Salamat po."

Muli akong tumungo bago lumabas ng palasyo kasunod nina Xue at Ying Nuzi.

"Niangniang, kararating pa lang ng emperor. Bakit umalis na agad kayo?" Tanong sa akin ni Xue habang inaalalayan akong ma-upo sa sedan chair.

"Ang empress dowager ang pinuntahan ko, hindi ang emperor." Sagot ko. "Bumalik na tayo sa palasyo."

"Opo." Sagot ni Ying Nuzi. "I-angat ang sedan chair at bumalik na sa palasyo." Utos niya sa mga tagabuhat.

Inangat na nila ito at muling tumungo sa palasyo ko.

"Niangniang, galit pa rin po ba kayo sa emperor?" Tanong sa akin ni Xue.

"Sa mga nangyari, hindi na tanong 'yan." Sagot ko.

"Pero Niangniang..." Sagot naman ni Ying Nuzi. "Sa tagal ko rito sa palasyo, ikaw lang, maliban kay Qiu Gui Ren, ang nagagawang ipakita ang galit sa emperor."

"Mas nanaisin pa ng iba na huwag ipakita ang galit nila upang hindi rin magalit sa kanila ang emperor." Tugon ni Xue.

"Alam ninyo kung bakit?"

"Bakit po?" Sabay nilang tanong.

"Hindi emperor ang tingin ko sa kaniya."

"Po?" Naguguluhan nilang tanong.

"Simula nang una akong ipatawag ng emperor, nagkar'on kami ng kasunduan. "Zhang Fu" at "Qi Zi" ang magiging tawagan namin sa isa't isa." Paliwanag ko. "Kaya hindi emperor ang tingin ko sa kaniya. Asawa ko siya."

"Sa una pa lang ay napapayag niyo na ang emperor?" Tanong ni Xue.

"Oo. Pumayag siya dahil mukhang interisado siya sa pag-u-ugali ko."

"Ah..." Masayang tugon ni Xue. "Mukhang sa una pa lang ay minahal na kayo agad ng emperor."

Minahal?

Pasimple ako na-iling. Nang hindi na ko sumagot ay natahimik na rin sila hanggang sa makarating kami sa palasyo.

---

THIRD PERSON

"Jiao Gui Ren."

Napalingon naman ito sa tumawag sa kaniya at nakita si Fan Gui Ren na naglalakad palapit kasama ang kaniyang tagapaglingkod.

"Fan Gui Ren." Bati niya pabalik at tumungo.

Tumungo rin pabalik si Fan Gui Ren bilang paggalang, dahil pareho na sila ng posisyon sa palasyo. Muli silang tumayo matapos batiin ang isa't isa. Lumapit naman si Fan Gui Ren kay Jiao Gui Ren na pinagmamasdan ang mga namumukadkad na bulaklak sa hardin.

"Bakit ka nagawi rito, Fan Gui Ren?"

"Nais ko lang rin makita ang mga bulaklak." Sagot nito.

"May bago ka bang librong nabasa?" Tanong ni Jiao Gui Ren.

"Marami akong bagong nabasa." Sagot niya.

Bumaling siya kay Fan Gui Ren na nakatingin pa rin sa mga bulaklak. "Gaya ng?"

"Mga libro kung paano gumawa ng pampaganda."

"Bakit?"

"Dahil alam kong hindi lahat ng nilalagay sa mukha ay may magandang epekto sa katawan. Nais ko lang na mas lumalim pa ang kaalaman ko para hindi ako mapahamak."

Napatango na lang si Jiao Gui Ren sa sagot nito at muling tumingin sa mga bulaklak.

"Alam mo bang usap-usapan ka sa palasyo ngayon?" Tanong ni Fan Gui Ren. "Sinasabi ng iba na isa ka lang mababang tagapaglingkod noon, ngunit ito ka na ngayon. Higit na mas mataas pa ang katungkulan mo kaysa sa mga babaeng nagmula sa mga maharlikang angkan."

"Hindi ko rin naman inasahan na mangyayari sa akin 'to." Sagot niya. "Mula lang ako sa mababang angkan ng mga Han. Ang nais ko lang ay umabot ako ng dalawampu't limang taong gulang at umalis na sa palasyong 'to. Ngunit ngayon ay hindi na 'yon mangyayari."

[Maids could elect to leave the palace at the age of 25. Many stayed but those who left were richly rewarded for their service. (If they could survive.)]

"Ngunit ngayong kabilang ka na sa harem, hindi ka na makakaalis. Dahil asawa ka na rin ng emperor." Tugon ni Fan Gui Ren.

"Gan'on na nga."

"Sino ba ang babalikan mo sa labas ng palasyo?"

"Wala na akong babalikan." Sagot ni Jiao Gui Ren. "Nag-i-isang anak lamang ako. Sundalo ang aking ama, kaya bago pa man ako ipinanganak, namatay na siya sa digmaan. Ang ina ko naman ay namatay sa sakit nang sampung taong gulang pa lang ako. Kaya lamang ako nabuhay ay dahil kinuha akong tagapaglingkod ng isang mayamang pamilya. Nang umabot na ko sa tamang edad ay pumasok ako sa palasyo. Balak ko sanang umalis nang buhay dito, dala ang mga pabuya upang magkaroon ng bagong buhay sa labas."

"Hindi ka dapat nagpa-plano ng ganiyan. Walang imposible sa palasyo at lahat ay maaaring mangyari."

"Alam ko na 'yon ngayon." Sagot ni Jiao Gui Ren. "Wala ngang imposible..."

"May problema?" Tanong ni Fan Gui Ren nang mapansin ang paghina ng boses ni Jiao Gui Ren.

"May pinapagawa sa akin ang emperor."

Inalis niya ang paningin sa mga bulaklak at binaling ang atensyon kay Jiao Gui Ren.

"Anong pinapagawa sa'yo?"

---

I Become A ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon