CHAPTER 15

1.2K 52 0
                                    

CHAPTER 15

ZHEN GUI REN

Kahapon ang kaarawan ni Xue at maayos kong naisagawa ang surpresa para sa kaniya. Binigay ko sa kaniya ang aking regalo at maging ang iba ay nagbigay rin sa kaniya.

Ngayon ay suot na niyang regalo kong hairpin na hugis bulaklak at may dekorasyon ng mga asul na bato.

"Maraming salamat po uli, Lady Zhen." Masayang tugon ni Xue.

"Dapat lang 'yon para sa'yo. Araw 'yon ng kapanganakan mo."

"Kahit na, Lady Zhen. Ang iba ngang tagapaglingkod ay hindi man lamang nalalaman ng amo kung kailan ang kapanganakan nila. Malaking bagay ito." Sagot ni Xue.

"Oo nga po, Zhen Gui Ren." Pagsang-ayon naman ni Ying Nuzi.

"Zhen Gui Ren." Pagbati sa akin ni Ping at tumungo.

"May sulat na?"

"Opo." Sagot niya at binigay sa akin ang sulat bago tumayo.

Agad ko itong binuksan at binasa.

'Mahal kong anak,

Nag-alala ako nang malaman kong palihim kang nagpaabot ng sulat sa akin. Alam nating pareho na bawal ito ngunit nauuwaan kita.

Sa ilang buwan na hindi ka namin kasama, hindi namin maiwasan na mangulila sa'yo. Lalo na ang kambal mong kapatid.

Usap-usapan ka ngayon ng iba. Batid namin kung gaano kang iniibig ng emperador, ngayon rin nagdadalang-tao ka.

Anak ko, lagi kang mag-iingat. Wala kami sa tabi mo upang protektahan ka. Pahalagahan mo ang sarili mo at maging ang mga taong nasa paligid mo. Wala akong ibang magagawa kundi ang magpayo sa'yo. Patawarin mo ko.

Gabayan ka nawa ng mga diyos at ng mga salita ni Buddha. Hanggang dito na lang.

Ang iyong ama.'

Hindi ko mapigilang maluha dahil sa madamdaming sulat niya sa'kin.

Hindi ko talaga mapigilang maging emosyonal kapag ang aking ama na ang kausap ko. Dahil nga wala akong mga magulang sa totoong mundo, kahit siya lang ay sapat na sa akin dito.

Masaya akong may magulang na umaalala at nag-iingat sa akin.

"Kumuha kayo ng mga papel at panulat. Susulat ako pabalik sa aking ama." Utos ko sa kanila na agad naman nilang sinunod.

'Mahal kong ama,

Huwag po kayong mag-alala. Alam ko po ang ginagawa ko.

Nais ko na rin po sana kayong makita. Sana ay kahit wala ako sa tabi niyo ay mapanatag kayo sa aking kalagayan dahil gaya nga po ng sinabi niyo ay mahal ako ng emperor, hindi niya ko papabayaan.

Ingatan niyo rin po ang mga sarili niyo, gaya ng payo niyo sa akin. Mahal na mahal ko kayo at hindi ko alam ang aking mararamdaman kung may mangyari man sa isa sa inyo.

Huwag po kayong malungkot. Ang mga payo niyo ay sapat na sa akin. Masaya na po akong iniisip ninyo ang kalagayan ko.

Muli po akong susulat upang kamustahin kayo. Huwag po muna kayong sumulat pabalik upang maiwasan natin ang paghihinala nila. Alam ko pong gagabayan tayo ni Buddha. Hanggang dito na lang po.

Ang inyong mahal na anak.'

Agad kong nirolyo ang sulat ko at inabot kay Ping.

"Mag-iingat ka." Bilin ko sa kaniya.

"Opo." Determinado niyang sagot at umalis.

Napangiti ako nang biglang pumasok sa utak ko si Batkhaan Da Ying.

"Lady Zhen, bakit po?" Tanong sa akin ni Xue.

"Pupunta tayo sa palasyo ni Qiu Fei Niangniang. Bibisitahin ko si Batkhaan Da Ying." Sagot ko.

"Lady Zhen, ngunit..." Tugon ni Xue.

Nag-aalala siya dahil baka hindi maging maganda ang mangyari, tulad ng dati.

"Kahit na magkasundo man kami o hindi, pupunta pa rin tayo. Baka ano pang balita ang kumalat sa akin kapag hindi ko siya binisita."

"Opo."

---

AI HUANG GUI FEI

"Aray..." Rinig kong daing ni Batkhaan Da Ying.

"Gising ka na pala. Buti nagising ka pa." Tugon ko at pinagpatuloy ang pagbuburda.

"Anong nangyari?" Tanong niya at tinulungan siya ng katulong niyang maupo.

Pinaliwanag ko sa kaniya ang ginawa ko.

"Ano?! Pagkatapos kong gawin 'to?! Ganoon lang ang parusa mo sa kaniya?!"

"Huwag mo kong sigawan, Batkhaan Da Ying. Hindi ko gusto ang sinisigawan." Sagot ko.

Natahimik naman siya at hindi sumagot.

"Kapag masyado ko siyang pinarusahan, makakahalata ang iba. Kaya huwag kang mag-alala, una pa lang 'yon." Sabi ko sa kaniya.

"Ano pong ibig niyo sabihin, Niangniang?" Tanong niya.

"Palalalain natin ang lagay mo." Sagot ko.

"A-Ano po?"

"Huwag kang mag-alala. Palalalain lang natin. Hindi kita papatayin."

"Ano pong plano niyo?"

"Sa tulong ng mga doktor, palalalain natin ang lagay mo. Hanggang sa maging kaawa-awa na ang dating mo at doon natin 'yon isisisi kay Baturu Da Ying. Kapag nangyari 'yon, ang emperor na ang magdedesisyon at kahit ang empress ay wala ng masasabi pa para tulungan siya."

"Ano naman ang mangyayari sa akin?"

"Mag-isip ka nga." Tugon ko at inirapan siya. "Kapag nakuha mo ang atensyon ng emperor, maaaring tumaas na ang ranggo mo. Kaya galingan mo ang pag-arte mo."

"Opo." Sagot niya sa akin.

"Niangniang, narito po si Zhen Gui Ren." Sabi sa akin ni Duan Mei.

"Papasukin mo." Sagot ko at tumingin kay Batkhaan Da Ying. "Ayusin mo ugali mo sa kaniya. Alam kong may alitan kayo dati pero wala kaming sama ng loob sa isa't-isa. Pakitunguhan mo siya ng maayos."

Dahan-dahan naman siyang tumango kahit halata namang ayaw niya.

"Mapa sa inyo nawa ang kapayapaan, Ai Huang Gui Fei Niangniang." Bati niya sa akin at tumayo.

"Tumayo ka." Sagot ko.

"Salamat po, Niangniang." Tugon niya inalalayan siya ng katulong niyang tumayo.

"Duan Mei, bigyan mo siya ng upuan." Utos ko na agad nitong sinunod.

"Salamat uli, Niangniang." Tugon niya at umupo sa upuan na binigay ni Duan Mei.

Akma namang tatayo si Batkhaan Da Ying upang batiin si Zhen Gui Ren ngunit pinigilan siya agad nito.

"Hindi mo kailangang tumungo, Batkhaan Da Ying. Batid ko ang nangyari sa'yo at naroon ako mismo ng mga panahon na 'yon."

"Maraming salamat, Zhen Gui Ren."

"Kamusta naman ang lagay mo? May nararamdaman ka ba?" Tanong ni Zhen Gui Ren sa kaniya.

Hindi ko naman maiwasang mapangisi. Hindi ko alam kung totoo bang nag-aalala siya sa lagay ni Batkhaan Da Ying o ano.

"Sa totoo lang po ay medyo nahihilo pa rin ako at sumasakit ang parte ng ulo kong tumama sa pader." Sagot naman ni Batkhaan Da Ying.

Umaarte ba siya o totoo ang sinasabi niya?

"Nais ko sanang humingi ng paumanhin sa ginawa ni Baturu Da Ying." Sabi ni Zhen Gui Ren.

"Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad sa ginawa niya, Zhen Gui Ren. Huwag mong ibaba ang sarili mo sa kaniya." Sagot ko at tinigil ang ginagawa kong pagbuburda.

Binigay ko ang mga gamit ko kay Duan Mei na agad niyang tinabi.

"Dating kaibigan ko si Baturu Da Ying at ngayon na may ginawa siyang mali, pakiramdam ko ay kailangan kong humingi ng tawad sa kaniya na hindi ginawa ni Baturu Da Ying." Dahilan nito.

"Zhen Gui Ren, ang nakaraan ay nakaraan. Kung dati mo siyang kaibigan, dati na 'yon. Hindi mo kailangang makonsensiya sa ginawa niya at ibaba ang sarili mo sa kaniya. Gui Ren ka at Da Ying lamang siya."

"Maraming salamat sa payo, Huang Gui Fei." Tugon niya at ngumiti.

Ngumiti rin ako sa kaniya.

"Magpapadala ako ng mga gamot para makatulong sa'yo. Magpagaling ka." Sabi nito kay Batkhaan Da Ying.

"Maraming salamat po uli."

"Mauuna na po ako, Huang Gui Fei." Tugon niya at nagpaalam.

Hinintay ko muna siyang makaalis sa kwarto bago muling tumingin kay Batkhaan.

"Sa nakita mo naman, hindi siya delikadong kaaway hangga't wala kang ginagawa sa kaniya." Sabi ko at tumayo.

"Siguro naman ay hindi lingid sa kaalaman mo ang kapangyarihan ng pamilya nila ngayon. Hindi rin maitatangging matalino siya at maganda. Siya rin ang paborito ngayon ng emperor.

Mabuti siyang kaibigan ngunit masamang kaaway. Alam mo 'yan. Kung ako sa'yo ay magiging mabuti ako sa kaniya."

---

ZHEN GUI REN

"Lady Zhen, saan po tayo?" Tanong ni Xue.

"Palace of Pearl Jade." Sagot ko.

"Narinig niyo si Lady Zhen." Tugon ni Xue sa mga nagbubuhat ng sedan chair ko.

Agad nilang niliko ang direksyon papunta sa palasyo ng kapatid ko.

Sumenyas ako ma tumigil sila nang makita ang empress na paalis galing sa Palce of Pearl Jade. Pinaurong ng kaunti ni Xue ang sedan chair upang hindi kami makita.

Hinintay namin na makaalis ang empress bago lumabas sa pinagtataguan namin.

"Lady Zhen, tutuloy pa po ba kayo?" Tanong ni Xue

Hindi ako sumagot at diretsong tumingin lamang sa daan. Ilang sandali akong tinignan ni Xue at niyuko ang ulo niya.

Nagsimula naman na tumungo sa harap ng palasyo ang sedan chair. Maingat nila itong binaba at inalalayan naman ako ni Xue na pumasok sa palasyo.

"Mapa sa inyo nawa ang kapayapaan, Zhen Gui Ren." Bati sa akin ni Yu Yan, katulong ng kapatid ko.

"Papasok ako. Hindi mo na kailangan pang sabihin sa kaniya." Tugon ko.

"Opo."

Agad akong pumasok at nakita siyang naka-upo sa sahig habang binubulong ang mga turo ni Buddha.

Talagang sinunod niya ang parusa sa kaniya?

Agad akong naupo sa bulwagan at pinanood lamang siya habang binubulong ang mga aral ni Buddha.

Sumenyas naman ako kay Xue na umalis at iwan kaming dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin.

"Matuto kang huminahon at isipin muna ang mga sasabihin mo. Hinuhukay mo ang sarili mong libingan sa paraan ng pananalita mo." Payo ko sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" Pag-ulit niya sa tanong.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa ugali niya. Hindi talaga sya nakikinig.

"Pumunta ako rito para makita ang lagay mo. Hindi ko inaasahan na talagang aaralin mo ang mga turo ni Buddha."

"Kapag may nakarating sa Huang Gui Fei na hindi ko sinunod ang parusa niya, paniguradong madadagdagan na naman ang parusa ko." Sagot niya at tumayo.

Lumapit siya at umupo sa tabi ko.

"Nag-iisip ka pa rin pala."

"Kung hindi ako nag-iisip, matagal na kong biktima rito sa harem." Seryosong sagot niya.

"Mas maniniwala sana ako kung hindi ka nakakulong dito ngayon."

"Mas maganda nga na nakakulong na lamang ako at walang makapagtatangka sa akin." Sagot niya.

"Sabihin mo nga sa aking ang totoong nangyari kay Batkhaan Da Ying."

"Nakita mo ang lahat. Alam mong hindi ko kasalanan 'yon pero isang bagay ang sigurado ko..." Tugon niya at kinuyom ang kaniyang kamao. "Sinadya niya ang madulas at maaksidente upang isisi ito sa akin."

"Hindi malabo." Sagot ko.

"Naniniwala ka?"

"Hindi naman ako tanga, Roxanne. Alam ko namang may mali ka rin noon ngunit hindi mawawala sa isip ko na maaari ka ring maging biktima."

"Kung ganoon ay sinadya nga niya..."

"Walang duda. Si Ai Huang Gui Fei lang naman ang binangga niyo noon."

"Paano mo nalamang si Ai Huang Gui Fei ang may pakana nito?"

"May tagapaglingkod ako na Ping ang ngalan. Malakas ang koneksyon niya at nalalaman niya ang bagay-bagay sa palasyo.

Bago ang araw ng pagbati kay Qiu Fei ay nalaman ko na pinuntahan ni Batkhaan Da Ying si Ai Huang Gui Fei. Sa kadahilanang ikaw ang huling bumangga sa kaniya, hindi malabong ikaw ang gantihan niya.

Sabihin mo sa akin, ano ang sinabi sa'yo ni Batkhaan Da Ying na kinagalit mo?"

"Noon raw ay may aso siyang pilit na hinahabol ang isang paru-paro. Naaalala niya raw 'yon kapag nakikita niya kong nakasunod sa empress."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ibig niyang sabihin ay aso ka?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

"Pero dahil sa sinabi ay alam na natin na sila nga ang may gawa nito." Sagot ko.

"Oo, dahil pinamukha pa nila sa akin na tila isa akong aso na nakasunod sa aking amo. Halatang galit sa akin at sa empress ang mga taong ito."

"Sinakyan mo naman ang nais nilang mangyari at nahulog ka sa patibong nila." Nakangiting tugon ko.

"Oo na. Mali na ako." Sumusuko niyang tugon.

Tumayo na ako. "Siguro ay mas mabuting manahimik ka muna."

Umalis na ako roon at muli na kong inalalayan ni Xue upang sumakay sa sedan chair.

"Babalik na po ba tayo, Zhen Gui Ren?" Tanong ni Xue.

"Ang alam ko ay may hardin dito sa palasyo na puno ng pulang plum blossom at maganda itong tignan sa snow. Gusto kong makita."

"Narinig niyo." Muling tugon ni Xue sa mga nagbubuhat ng sedan chair.

Dinala nga nila ako kung nasaan 'yon at ibinaba ako. Muli akong inalalayan ni Xue upang tumayo.

"Huwag niyo na kong sundan. Gusto kong mapag-isa." Tugon ko sa kanila.

"Pero-"

"Shh... Ayos lang ako."

Pumasok ako sa hardin at pinagmasdan ang ganda ng mga pulang plum blossom habang bumabagsak ang snow.

Ito ang unang beses sa buhay ko na nakaranas ako ng snow. Kaya naman sinasalo ko ang mga ito, malamig ngunit natutunaw dahil sa init ng mga kamay ko.

"Nakakatuwa ba?"

Lumingon ako kung saan galing ang boses at nakitang nakangiti sa akin ang emperor.

"Zhang Fu."

"Qi Zi, anong ginagawa mo rito mag-isa? Nasaan ang mga tagapaglingkod mo?"

"Huwag kang magalit sa kanila. Ako ang nagsabi na gusto kong mapag-isa."

Nagulat ako dahil bigla niya na lang akong niyakap.

"Hoy. Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Maka-hoy ka. Ako ang emperor."

"Ayos ka lang?" Tanong kong muli.

"Qi Zi, gagawin ko ang lahat para maging ligtas ka." Bulong niya sa akin.

"Ginagawa mo naman ang lahat ng kaya mo."

"Hindi..." Tugon niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Wala akong magawa."

"Zhang Fu, huwag mong sabihin 'yan." Tugon ko.

Aalis na sana ako sa pagkakayakap niya ngunit hindi niya ko hinayaan.

"Hindi. Huwag kang aalis. Pakinggan mo lang ako ngayon."

"Sige..."

"Nang maupo ako sa trono, alam kong hindi na magiging madali sa akin ang lahat. Hindi na ako isang prinsipe na maaaring tumakas sa pagsasanay tuwing gusto ko. Mayroon na akong mabigat na responsibilidad na kahit kailan ay hindi ko matatakasan. Bago pa man ako maging ama ng mundo, naging ama na rin sana ako, ngunit wala akong nagawa upang protektahan ang aking anak."

"Akala ko ay kapag ako na ang may hawak sa mundo, magagawa ko na ang protektahan ang mga anak ko, ngunit akala lang pala. Ama ako ng mga anak ko ngunit ama rin ako ng mundo. Hindi ako dapat maapektuhan sa pagkawala ng aking mga anak dahil ang bawat mamamayan sa bansang ay anak ko rin. Ngunit... Masisisi ba ko kung luluha ako para sa kanila? Anak ko sila at ako ang ama nila. Nakakita ka na ba ng anak na hindi kailan man tumangis para sa mga anak nila?"

Tumingin ako sa mga mata niya. Naroon ang sakit. Sakit na hindi niya pwedeng ipakita sa iba.

Niyakap ko rin siya ng mahigpit upang maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.

"Ang anak natin..." Nahihirapan niyang tugon.

"Shh... Walang mangyayari sa magiging anak natin." Pagpapatahan ko sa kaniya.

Niluwagan na niya ang pagkakayakap sa akin.

"Salamat dahil nariyan ka para pakinggan ako."

"Zhang Fu, asawa kita, kaya natural lang na pakinggan kita."

"Sa lahat ng mga babae dito... Ikaw lang talaga ang iba."

"Kaya nga gusto mo ko diba?" Nakangiti kong tugon sa kaniya.

Inabot niya ang tangkay ng puno na nasa itaas namin at pinutol ang dulong bahagi na puno ng bulaklak. Inipit niya ito sa buhok ko na bumagay sa iba ko pang mga palamuti.

"Maganda na ba ko?"

"Maganda ka naman talaga at mas maganda ka pa."

Magaang pinalo ko ang balikat niya.

"Sinasabi mo rin 'yan sa ibang babae 'no?"

"Hindi kaya."

Napatingin ako nang hawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong maglakad.

"Tara na sa palasyo mo. Magpahinga ka."

I Become A ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon