CHAPTER 50

1.8K 56 0
                                    

CHAPTER 50

THIRD PERSON

Ilang taon na ang nakalilipas nang mamatay ang emperor. Ilang taon na rin ang nakalilipas nang maupo ang batang si Long Jin sa trono. Sa tulong ng angkan ng mga Shen at Lin, naging maayos naman ang pagpapatakbo sa buong imperyo. Ngayong labing-siyam na siya, siya na ang namamahala rito. Ngunit sa tagal ng panahon na tinulungan siya ng mga Shen at Lin ay nakakuha rin ang mga ito ng labis na kapangyarihan. Ngunit tapat naman ang mga ito sa kaniya kaya 'di siya nababahala rito.

Tuluyang napunta sa kaniya ang trono nang tumuntong siya sa labing-dalawang taong gulang. Kahit na bata pa ay nakitaan na siya ng galing sa pamamahala. Kaya kahit na duda ang ilang mga opisyal sa pagkamatay ng dating emperor, 'di na nila 'to inisip pa. 'Di maipagkakailang mas gusto ng mga opisyal at ng mga tao si Long Jin kaysa sa dating emperor. Kaya naman nakilala siya ng mga ito bilang Huisong.

Sa edad na labing-limang taong gulang, sa angkan ng mga Baturu nagmula ang napangasawa niya at naging empress. Ang dalawa niya pang consort ay nagmula naman sa pamilya ng mga Batkhaan at Wei. 'Di gaya ng ibang emperor, 'di na siya nagdagdag pa ng mga babae sa harem. Sa gan'ong paraan din ay nagawa niya silang pagkasunduin. Sa ngayon din ay may dalawa na siyang anak, isang prinsipe sa empress at isa namang prinsesa sa isa pang consort.

"Huang E'niang," bati ni Long Jin bago lumuhod sa empress dowager.

"Huang Di," masaya at nakangiting wika ng dating noble consort na si Zhen na empress dowager na ngayon. "Hinanda ko ang mga paborito mong pagkain."

"Maraming salamat, Huang E'niang," nakangiti niya ring tugon.

Nang mamatay ang emperor, nagsimula na ring manghina ang dating empress dowager. Ilang buwan lang ay nawalan na rin ito ng buhay. Kaya naman ang buong kapangyarihan sa harem ay napunta kay Zhen. Ngayong mayr'on ng empress ang emperor, hinayaan na ni Zhen na ito ang mamahala.

"Huang E'niang, isasama ko si Zhang Yong sa may bayan," wika ng emperor pagkaupo nila sa harap ng mesa na puno ng mga pagkain. "Titignan namin ang sitwasyon d'on."

"Basta mag-iingat lang kayo."

Si Prinsipe Zhang Yong ay malaki na rin ngayon. Si Jiao na dating concubine ay isang consort dowager na ngayon. Si Jiao Tai Fei at ang prinsipe ay sa palasyo pa rin naninirahan. Maging si Yong Tai Fei ay kasama pa rin ni Jiao Tai Fei sa palasyo.

"Napakabilis talaga ng panahon," wika ni Zhen. "Dati ay napakabata mo pa. Ngayon, kaya mo nang pamunuan ang buong imperyo. Tinatawag ka pa nilang Huisong. Matalino at makapangyarihan."

"Lahat ng 'yon ay kailangan kong ipagpasalamat sa inyo, Huang E'niang. Kung 'di n'yo 'ko tinuring na parang tunay na anak, 'di ako makakarating sa kung nasaan ako ngayon."

"Kaya mo nang pamunuan ang buong imperyo ngayon, tama?"

"Opo, Huang E'niang."

Ngiti na lang ang sinagot ni Zhen bago tinuloy ang pagkain. Nang matapos na silang kumain ay nagpaalam na rin sila sa isa't isa.

"Yue," pagtawag ni Zhen dito. "Kunin mo ang lason."

"Masusunod po."

Nang mamatay ang emperor, agad na ring nagpatiwakal si Baturu Chang Zai. Ngunit 'di 'yon agad nagawa ni Zhen dahil 'di niya pa kayang iwanan nang mag-isa si Long Jin. Kaya naman nanatili muna siya ng ilang taon para bantayan ang paglaki nito. Ngayong alam na niya na kaya na nito ang sarili niya, panahon na para gawin ang dapat niyang gawin upang matapos na rin ang lahat.

"Tai Hou," nakayukong usal ni Yue habang hawak ang maliit na bote ng lason.

"Hahayaan kitang magdesisyon," wika ni Zhen. "Maaari kang manatili rito sa palasyo at paglingkuran ang emperor hanggang sa pagtanda mo. Maaari ka rin namang lumabas ng palasyo kung nais mo at bahala na si Ying Gugu at ang emperor na hanapan ka ng mabuting asawa."

Si Ying Gugu ay nakatira na ngayon sa may bayan at may negosyo ng mga tela. Dahil may katandaan na ito, pinili na siyang ipagretiro ni Zhen at bigyan na lang ng pera, at bahay at lupa sa may bayan.

"Maraming salamat, Tai Hou."

"Ang 'wag na 'wag mo lang gagawin ay sundan ako, maliwanag ba?"

"Maliwanag po."

Alam niyang tapat na tapat sa kaniya si Yue. 'Di na bago para sa isang tagapaglingkod ang sumunod sa kaniyang kapag namatay ito. Ngunit ayaw niyang gawin ito ni Yue. Ang nais niya lang ay magkar'on ito ng maayos na buhay.

Kinuha ni Zhen ang hawak nitong lason bago ininom. Pagkainom niya rito ay tinulungan siya ni Yue na makahiga sa higaan niya. Napangiti siya nang unti-unti niya nang maramdaman ang panlalamig.

"Sa wakas..." wala sa sarili niyang wika.

'Di gaya sa lason na ininom ng emperor at ni Aiwei Huang Gui Fei, magagawa niyang mamahinga nang walang nararamdamang sakit. Nang naramdaman niyang unti-unti nang bumibigat ang mga talukap niya ay 'di niya na 'to nilabanan pa at pumikit na.

"Tai Hou?" Marahang tinapik ni Yue ang balikat ni Zhen upang malaman kung buhay pa 'to.

Nang 'di na 'to sumagot ay nag-umpisa nang mangilid ang mga luha niya. Pagkatakip niya sa mukha nito ng kumot ay agad siyang lumuhod at umiyak nang umiyak.

"TAI HOU!"

___

"Nagawa mo na," nakangiting wika ni Zhen kay Ramielle.

Napatigil si Ramielle at napatingin sa paligid. Para silang nasa gitna ng kalawakan. Kulay itim ang paligid na may kaunting bahid ng lila na nabibigyan naman ningning ng mga bituin.

"Kung gan'on... patay na ko..."

Hinawakan ni Zhen ang kamay niya. "Magpahinga na tayo."

Ngumiti si Ramielle at tumango. "Oo. Magpahinga na tayo."

"Nakita mo 'yang pintong 'yan?" Tanong ni Zhen habang nakaturo sa may puting pinto. "Kapag pumasok tayo diyan, matatapos na ang lahat."

Muling tumango si Ramielle. Nagsimula na silang maglakad papunta rito. Pagkabukas nila ng pinto, 'di nila makita kung anong nasa loob nito. Ngunit 'di na sila nagdalawang-isip pa at pumasok na lang sa loob nito. Nang pareho na silang nakapasok, sinara na nila 'to.

Dito na rin nagtatapos ang kwento.

I Become A ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon