CHAPTER 10

1.5K 60 1
                                    

Chapter 10

AI HUANG GUI FEI

"Sinong pinili ng emperor ngayon?" Tanong ko habang nagbuburda.

"Si Zhen Gui Ren po, Niangniang." Sagot ni Mei.

"Hindi na nakakagulat."

"Niangniang, pinapanigan niyo po ba si Zhen Gui Ren?" Tanong niya.

Tinigil ko ang ginagawa ko at tumingin sa kaniya.

"Paano mo naman nasabi?"

"Sa tuwing may mga plano laban kay Zhen Gui Ren, hindi ka nakikisali at nanatili ka lang kalmado. Tila panig din sa kaniya ang mga sinasabi niyo." Sagot nito.

Nilapag ko ang hawak ko sa lamesa. Tumayo ako at nagpaikot-ikot sa harap niya.

"Kung may papanigan man ako, si Tuya Jiejie lang 'yon." Tugon ko. "Gagawa rin ako ng paraan pero hindi pa ngayon."

"Bakit po?"

"Gusto kong naiinis ang empress." Nakangiti kong sagot. "Ang lungkot naman kung mawawala agad ang isa niyang kalaban, diba?"

Ngumiti rin ito sa akin at sumagot. "Opo."

"Kahit pa ulanin siya ng pabor mula sa emperor at empress dowager, posisyong Pin pa rin ang pupuntahan niya. Napakalayo pa rin nito sa posisyon ko bilang Huang Gui Fei. Kaya naman ang dapat ko lang gawin ngayon ay manahimik at maging mabait. Kapag may nagawa akong pagkakamali ay magiging madali na lang para sa kaniya ang abutin ako."

"Tama po kayo, Niangniang."

"Kaya naman huwag kang magtaka kung bakit nanahimik ako. Naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon upang sumunggab."

"Niangniang! Niangniang!" Nagmamadaling tugon ni Hui Gonggong at lumuhod.

"Bakit ka nagmamadali? Anong balita?" Tanong ko rito.

"Niangniang! Namatay na po ang kanang punong ministro ng emperor! Pinag-uutos po na magluksa sa loob ng isang buwan!" Sagot nito.

[There are two types of prime minister. The left and the right. The left is considered as the senior one and the right one is the junior one. The left is greater than the right. Nabanggit sa pangalawang kabanata na ang prime minister ay ang ama ng empress. Siya ang kaliwa.]

"Ano ngayon? Edi magluksa! Bakit parang ang laking problema?!" Naiiritang tugon ko sa kaniya.

"Niangniang... Si Shen Buzhang ang gustong ipalit ng emperor sa kaniya." Kinakabahang tugon nito sa akin.

"Shen Buzhang? Ang ama ni Zhen Gui Ren?" Tanong ko.

"Opo."

"Kung gusto niya, wala tayong magagawa. Hindi naman ako maaaring makialam sa politika." Sagot ko at muling umupo. "Mukhang mas mapapabilis ang pag-angat ng antas ni Zhen Gui Ren sa harem."

"Niangniang, hindi niyo po kailangang mag-alala. Malaki rin po ang kontribusyon ng inyong kapatid sa mga digmaan." Sabi ni Mei.

"Hui Gonggong. Tumayo ka na." Utos ko.

"Salamat po, Niangniang." Sagot nito at umalis na.

"Ilang buwan na sila dito?" Tanong ko kay Mei.

"Dalawang buwan pa lang po."

"Ibig sabihin ay sa loob ng dalawang buwan ay naparusahan ang isang Da Ying, nalaglag ang anak at nawala na si Xiaodan Pin, at bumagsak ang antas ni Wen Chang Zai. Lahat may kinalaman kay Zhen Gui Ren." Natatawang tugon ko. "Tignan natin kung ano pa ang mga kasunod."

---

ZHEN GUI REN

"Binabati ka namin, Zhen Gui Ren. Binabati namin ang iyong ama." Masayang tugon ni Xue.

Ngumiti ako bilang pasasalamat sa dalawang tagapaglingkod na kasama ko ngayon.

"Zhen Gui Ren, sana hindi magtagal ay tawagin ka na rin naming Zhen Pin Niangniang." Tugon naman ni Ying Nuzi.

"Siguro, ngunit huwag muna ngayon." Sagot ko.

"Bakit po?" Tanong naman ni Xue.

"Ang bagay na mabilis na binigay ay mabilis rin nawawala." Paliwanag ko.

"Paano kung ibigay agad ng emperor, Lady Zhen?" Tanong sa akin ni Ying Nuzi.

"Tatanggihan ko." Sagot ko.

"ZHEN GUI REN!" Pareho nilang pagtawag sa pangalan ko.

"Ano? Wala namang masama."

"Maaari nilang gamitin 'yon laban sa inyo, Zhen Gui Ren. Sasabihin nila na masama kayong modelo para sa mga kababaihan upang tanggihan ang emperor. Sasabihin nila na maaari kayong gayahin ng iba at hindi sundin ang mga asawa nila." Sabi naman sa akin ni Ying Nuzi.

"Kung ganoon, uunahan ko na. Sasabihin ko sa emperor na masaya pa ko sa kasalukuyan kong antas at hindi ko pa hinihiling tumaas." Sagot ko.

"Gagana ba iyon, Ying Nuzi?" Tanong ni Xue rito.

"Kung papayag ang emperor."

"Maraming ginagawa ang emperor ngayon dahil malapit na ang taglamig. Naghahanda sila ngayon at ayaw ko siyang istorbihin."

"Ano pong gusto niyong gawin natin?" Tanong ni Ying Nuzi.

"Ubusin ang oras kasama si Li Meimei at Wei Meimei."

Napatingin kami nang pumasok si Xing-Su Gonggong.

"Zhen Gui Ren, si Baturu Da Ying po ay nandito." Sabi niya sa akin.

Roxanne?

"Paalisin mo siya." Utos ko.

"Opo."

Ngunit lalabas pa lang si Xing-Su Gonggong ay pumasok na agad ang kapatid ko.

"Hindi kita binigyan ng permiso. Bakit ka pumasok?" Taas-kilay kong tugon sa kaniya.

"Mapa sa inyo nawa ang kapayaan at biyaya, Zhen Gui Ren." Bati nito at tumungo.

"Anong kailangan mo?"

"Gusto ko po kayong batiin para sa inyong ama." Sagot niya habang nakatungo pa rin.

"Nasabi mo na. Umalis ka na." Sagot ko.

"Maaari po ba tayong mag-usap?"

"Hindi." Diretsong sagot ko.

"Sheng Jiejie!" Tugon niya sa akin.

Napahampas ako sa lamesa bago mapatayo dahil sa galit.

"Kapag sinabi kong umalis ka, umalis ka!"

Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa mga mata ko.

"Ayaw mo na ba talaga akong makausap?" Tanong nito sa akin.

"Umamin ka ngayon din. May kinalaman ka ba sa nangyari noon?"

"Meron." Sagot niya na walang pag-aalinlangan.

"Kung ganoon ay umalis ka!" Tugon ko habang tinuturo ang daan palabas.

"Paalam po, Zhen Gui Ren." Sabi nito at lumabas na.

"Zhen Gui Ren, huminahon ka." Pagpapakalma sa akin ni Ying Nuzi.

"Nagdadalang-tao ka, Zhen Gui Ren." Paalala naman sa akin ni Xue.

"Zhen Gui Ren, mas nais po akong sabihin. Patawarin niyo po ako kung hindi angkop." Sabi ni Xing-Su Gonggong.

"Sabihin mo."

"Sa tingin ko po ay sinadya niyang pumunta rito upang galitin kayo. Lalo na at mahina pa ang kapit ng bata sa mga ganitong panahon. Simpleng galit lang at maaari na itong malaglag. Ito po ay haka-haka ko lamang." Sagot nito.

Kung totoo man ang sinasabi ni Xing-Su Gonggong ay mas kailangan kong mag-ingat.

"Salamat po, Xing-Su Gonggong."

Tumingin ako sa kanilang tatlo.

"Asahan ninyo ang mga ibibigay ko mamaya. Salamat dahil inaalagaan niyo ako." Sabi ko.

"Zhen Gui Ren, pamilya na ang turing namin sa inyo. Maraming salamat po." Muling tugon ni Xue.

Humanay sila sa harapan ko at lumuhod upang magpakita ng paggalang.

"Tumayo na kayo. Maraming salamat uli."

"Sheng Jiejie."

Napalingon ako at nakita si Li Meimei at Wei Meimei na magkasama.

"Nakita namin si Baturu Da Ying galing dito. Nakasalubong namin siya." Sabi naman ni Wei Meimei.

"Binati niya ko." Sagot ko.

Muli na kong umupo habang minamasahe ko ang sintindo ko. Stress.

"Binati ka lang ba talaga niya, Sheng Jiejie?" Tanong uli ni Wei.

"Umamin siya na may kinalaman siya sa nangyari noon. Nang malaglag ang anak ni Xiaodan Pin." Paliwanag ko.

"Ibig mong sabihin ay si Baturu Da Ying ang may pakana? Bakit hindi siya naparusahan?" Tanong uli ni Wei.

"Nasa likod niya ang empress." Sagot naman ni Li Meimei.

Naiintindihan ko kung bakit wala siyang alam. Pagkarating niya palang dito ay nagkasakit na siya at nanghina ang katawan kaya wala siyang alam sa mga detalye.

"Ibig sabihin ay ang empress talaga ang may pakana?" Tanong niya uli.

"Sino pa ba?" Tanong ko naman pabalik.

"Sheng Jiejie, lagi kang mag-iingat." Paalala sa akin ni Li.

Tumango ako. "Kayo rin."

"Tatandaan namin." Sagot ni Wei.

"Bata pa lang ako noon ay sinubukan nang ipaliwanag ng aking ama kung gaano karumal-dumal ang harem, ngunit mas marahas pala talaga ito sa totoong buhay." Paliwanag ni Li Meimei.

"Napaparusahan ang mga tagapaglingkod kahit sa maliliit na bagay lamang at ang mga concubine naman ay ganoon lang kadaling mawalan ng buhay at dangal. Kung tutuusin ay maswerte pa sa atin ang mga insekto dito sa palasyo." Ani ni Wei.

"Sheng Jiejie may gumugulo talaga sa isipan ko." Tugon naman ni Li.

"Ano?" Tanong naming dalawa ni Wei.

"Ang tapang ni Baturu Da Ying para personal pa kayong puntahan dito."

"Ang sabi sa akin ng aking ina ay masama sa mga buntis ang magalit lalo na kung mahina ang katawan nito at ang kapit ng bata. Sa tingin ko ay sinadya niyang pumunta rito upang galitin si Sheng Jiejie." Sagot ni Wei.

Ibig sabihin ay totoo nga ang sinabi ni Xing-Su Gonggong.

"Kapag may nangyaring masama sa akin ay madali lang para sa kaniyang sabihin na hindi naman niya sinasadyang galitin ako at hindi niya alam na masama pala 'yon para sa mga buntis. Madali niyang matatakasan ang kasalanan niya, lalo na at kakampi rin niya ang empress. Sasabihin lang din ng empress na patawarin muna dahil wala namang alam." Paliwanag ko.

"Napakasama..." Mahinang tugon ni Li Meimei.

"NARITO ANG MAHAL NA EMPEROR!"

Sabay-sabay kaming tumungo sa kaniya. Tulad ng dati ay inalalayan niya kong tumayo at ang dalawa naman ay inutusan na lamang niya.

"Huang Shang, hindi ko alam na pupunta ka. Akala ko marami kang ginagawa." Tugon ko sa kaniya.

"Pinasabi ko lang 'yon para masorpresa ka." Sagot naman niya.

"Ang dami mong alam." Bulong ko sa kaniya.

"Nandito pala si Wei Chang Zai at Li Gui Ren." Pagbabago niya ng usapan.

"Nandito lamang po kami upang bisitahin si Sheng Jiejie." Sagot ni Wei.

"Kung ganoon ay kayo pala ang mga malalapit na kaibigan ni Zhen Gui Ren."

"Oo, Huang Shang." Sagot ko.

"Asahan niyong itataas ko rin ang antas niyo kapag naayos ko na ang kay Zhen." Paniniguro ng emperor.

"Huang Shang, kahit huwag na po. Sapat na po sa amin ang makasama si Sheng Jiejie." Tugon ni Li Meimei.

"Opo." Pagsang-ayon naman ni Wei Meimei.

"Nasabi ko na ang nasabi ko." Tugon naman ng emperor.

"Maraming salamat po..." Tugon ni Wei Meimei at tinignan kaming dalawa ng emperor. "Mauna na po kami."

Nagmadali siyang lumabas habang hatak-hatak si Li Meimei na nagrereklamong bakit kailangan na nila umalis. Natawa na lang ako sa kakulitan ng dalawa.

"May ibibigay ako sa iyo, Qi Zi." Nakangiting tugon nito sa akin.

Kinuha niya ang kamay ko at isinuot sa palasingsingan ko ang isang singsing na jade. Saktong-sakto ito.

"Paano mo nalaman ang sukat ng daliri ko?" Tanong ko rito habang namamangha sa singsing.

"Paano kong hindi malalaman ang sukat ng babaeng katabi ko sa pagtulog?" Tanong nito pabalik sa akin.

"'Yan ka na naman." Sabi ko rito.

"Totoo naman diba?"

"Zhang Fu, salamat nga pala sa pagtitiwala sa aking ama." Pagbabago ko ng usapan.

"Bata pa lang ako ay hanga na ko sa iyong ama. Kaya naman hindi na rin nakakapagtaka sa iba ang aking naging desisyon."

"Alam ko na nais mong iangat na agad ang antas ko ngunit nais kong sabihin na kung maaari ay huwag muna."

"Huh? Bakit?" Nagtataka nitong tugon.

"Dahil hindi pa panahon."

"Hanggang kailan ba ang nais mo?"

"Bigyan mo ko ng isa pang taon. Hayaan mo muna akong mailuwal ang ating magiging anak." Sagot ko rito at ngumiti.

"Kung 'yan ang gusto mo."

Ngumiti rin ito sa akin at muling hinawakan ang kamay ko habang tinigtignan ang singsing na binigay niya sa akin.

I Become A ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon