CHAPTER 13

1.3K 57 0
                                    

CHAPTER 13

ZHEN GUI REN

"Pagbati po, Lady Zhen." Bati ni Doktor Zhou at nagbigay-galang.

"Tumayo ka." Tugon ko.

"Maraming salamat po, Lady Zhen." Sagot niya at tumayo.

"Alam kong nakapagbigay na ang mga doktor ng gamot sa emperor pero gusto ko sanang magluto ng pagkain na mas makapagpapabuti sa kalagayan niya."

"Zhen Gui Ren, kung gusto niyong ipagluto ang emperor, pinakamagandang ipagluto niyo siya ng lugaw. Lugaw na may luya at bawang. Mapapainit nito ang katawan ng emperor at mapapalabas ang pawis, mainam ito para sa mga may lagnat." Nakangiting sagot niya sa akin.

"Kung pwede ba ay kumuha na kami ngayon ng mga matataas na kalidad ng sangkap?" Tanong ko.

"Opo. Wala pong problema. Ako na po ang kukuha." Sagot niya at lumabas para kumuha ng mga sangkap.

"Lady Zhen, mukhang mabait si Doktor Zhou." Sabi ni Xue.

"Sa tingin ko ay hindi naman siya magiging kaibigan ng aking ama kung hindi." Sagot ko.

Napatingin ako sa paligid ng gamutan at nakitang may mga nakabukod na gamot na pawang hinahanda pa lamang.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Ikaw! Halika rito!" Pagtawag ni Xue sa isang tauhan na nag-aayos ng mga gamot.

"Ano po?" Tanong niya.

"Para saan 'yon?" Tanong ko habang tinuturo ang gamot sa gilid.

"Ah... Para po 'yon sa empress." Sagot nito.

"Empress? May sakit din ba ang empress?" Gulat kong tanong.

"Wala po." Kalmado nitong sagot. "Ilang taon na po itong iniinom ng empress upang lumakas ang kaniyang katawan at pag-iisip. Bumagsak ang kalagayan ng kaniyang katawan noon nang malaglag ang kaniyang anak sa sinapupunan."

Anak? Nagkaanak na siya?

"Kung ilang taon na siyang umiinom niyan, bakit hindi pa rin siya nagkakaanak ngayon?" Tanong ko.

"Sabi po ng mga doktor, masyado pong nasaktan ang empress nang mawala ang kaniyang anak. Nakaapekto po ito ng malubha sa kaniyang katawan, pag-iisip, at maging sa kaniyang kaluluwa. Ilang taon na po siyang umiinom ng ganitong gamot pero wala pa rin pong nangyayari. Sinasabihan na po siyang maging malakas upang tumalab ang gamot ngunit puno pa rin siya ng hinanakit at paulit-ulit na iniisip ang kaniyang namayapang supling maging ang sakit na nais niya ring magkaanak." Paliwanag niya.

"Sinasabi mo ba na naaapektuhan siya sa pagbubuntis ng iba?"

"Opo. Hindi po niyang maiwasang mainggit at magselos."

"Siya ang empress. Dala na niya ang bigat na 'to pagka-upo niya pa lamang sa trono. Hindi siya dapat naaapektuhan." Sagot ko.

"Madali pong sabihin dahil nagdadalang-tao kayo."

"Kung maaaring itanong ay maaari ko bang malaman kung sino ka?" Tanong ko.

"Katulong po ako dito sa ospital ng palasyo. Ako po si Ping (Quiet)."

"Lady Zhen..." Lumingon kami kay Doktor Zhou nang tawagin niya ko. "Ito na po." Tugon niya at binigay kay Xue ang mga sangkap na kailangan namin.

"Maraming salamat." Tugon ko.

"Wala po 'yon."

Muli akong tumingin sa babaeng tagapaglingkod. "Ping?

"Po?"

"Marami kang alam. Mag-usap uli tayo sa susunod." Tugon ko at sinundan si Doktor Zhou palabas.

"Doktor, kamusta nga po pala ang aking ama? May balita ka ba sa kaniya?" Tanong ko.

"Wala pa po akong naririnig mula noong gawin siyang punong ministro. May balita lamang po ako sa inyong nakatatandang kapatid." Sagot niya.

"Shen Ru Gege? Anong balita sa kaniya?" Tanong ko.

"Matagal na nagsasanay ang inyong kapatid upang mapansin ng emperor ang kaniyang galing sa digmaan, nagbunga na ang paghihirap niya. Kahit wala pa man siyang karanasan sa totoong laban ay binigay na agad sa kaniya ang posisyong jinzhou (colonel). Huwag kang mag-alala. Magaling ang kapatid mo."

[Jinzhou: This used to be the topmost officer of a regiment and was responsible for the supervision, training, and leading military operations in the regiment.]

"Kung ganoon ay pupunta ba rito ang kapatid ko upang tanggapin ang basbas ng emperor?" Tanong ko.

"Opo." Sagot niya.

"Kailan?"

"Sa isang araw po, Zhen Gui Ren."

"Pupunta pala rito ang kapatid ko at wala man lang akong nalalaman. Kung alam ko lang ay sana matagal na kong naghahanda." Tugon ko.

"Sa tingin ko ay kailangan mo ng mapagkakatiwalaang magbigay ng mensahe sa labas." Suhestiyon ni Doktor Zhou.

"Doktor, bawal ang makipagkomunikasyon sa labas ng palasyo." Sagot ko.

"Kaya nga kailangan mo ng mapagkakatiwalaan, maraming koneksyon, at tahimik." Sagot nito sa akin.

Napatingin ako kay Ping na nag-aayos sa loob.

"Doktor, sino si Ping?" Tanong ko.

"Nandito na siya noon bago pa maupo sa trono ang emperor. Bakit?"

"Kung kukunin ko siya, wala namang problema diba?"

"Wala po akong nakikitang problema." Sagot niya.

"Xue." Tugon ko sa katulong ko.

"Opo." Tugon niya at bumalik sa loob ng gamutan.

Ilang sandali niyang kinausap si Ping at pagkatapos ay lumabas na rin ito at sumunod sa akin.

"Doktor Zhou. Maraming salamat uli." Tugon ko.

"Wala pong anuman. Paalam po, Zhen Gui Ren."

Sumakay na ko sa sedan chair na kanina pa naghihintay sa akin at bumalik na sa palasyo ko kung saan nagpapagaling ang emperor.

"Zhen Gui Ren." Tugon ni Ying Nuzi at inalalayan ako sa pagbaba. "Magpahinga na po kayo."

"Magluluto pa ko ng lugaw para sa kamahalan." Sagot ko.

"Hayaan niyo na pong kami ang gumawa niyan. Magpahinga na kayo."

"Sige na nga. Magpapahinga na ko." Sumusuko kong tugon na nakapagpangiti kay Ying Nuzi.

"Ying Nuzi, ito nga pala si Ping. Bagong tagapaglingkod ko siya kaya sana turuan niyo siya." Tugon ko.

"Wala pong problema." Sagot ni Ying Nuzi.

Binigay na ni Xue ang mga sangkap kay Ying Nuzi para makapagluto na sila ni Fan. Si Ping naman ay pinagkatiwala ko muna kay Xing-Su Gonggong. Pumasok na kami sa silid kung nasaan nagpapahinga ngayon ang emperor.

Dalawang araw na ang lumipas at bumubuti na ang lagay niya. Mabuti nga at simpleng lagnat lang 'yon at wala ng iba pa.

"Zhen Gui Ren, magpahinga ka na. Bumubuti na ang lagay ko kaya naman hindi mo kailangang mapagod. Isipin mo ang sarili mo at ang anak natin." Tugon ng emperor nang makita ako.

"Huang Shang, susundin kita ngayon pero kapag nakapagpahinga na ko ay aalagaan kitang muli."

"Ang tigas ng ulo ng amo mo." Tugon niya kay Xue na pilipilit hindi matawa sa sitwasyon.

"Magpahinga ka na at huwag maging isip-bata. Aalis na ako, Huang Shang." Paalam ko at kaunting tumungo bago umalis.

Pumunta naman kami ni Xue sa isang silid kung saan muna ako tumutuloy habang nagpapagaling pa ang emperor.

"Lady Zhen, si Ping po ba ang gagawin niyong tagahatid ng mensahe?" Nag-aalalang tugon ni Xue.

"Huwag kang mag-alala. Mag-iingat ako, hindi lang para sa akin, para sa anak ko." Sabi ko at hinimas ang tiyan ko.

Hinawakan din ito ni Xue.

"Kung titignan lang po ay hindi pa po halata ngunit kapag hinawakan na ay talaga pong lumaki na rin po ang tiyan niyo." Komento niya.

"Oo nga e. Ang bilis lang. Hindi ko na napansin." Sagot ko.

"Buti hindi po kayo nagsusuka at naglilihi. Mukhang ayaw rin po kayong pahirapan ng anak ninyo." Biro niya.

"Mabuti na nga lang." Natatawang sagot ko.

"Dati po noong kayo ay natutulog at binabantayan ng inyong ama ay nabanggit niya sa akin na hindi rin daw po nahirapan sa inyo ang inyong ina. Wala po siyang naramdaman na kahit ano at hindi niya rin po alam na buntis siya. Nalaman na lang po nang mapansing tumataba na siya." Kwento ni Xue.

"Sana ay maging maayos siya." Tugon ko.

"Gagawin po namin ang lahat para protektahan kayo, Zhen Gui Ren." Determinadong sagot ni Xue na nakapagpangiti sa akin.

---

LIHUA HUANG HOU

"Huang Hou, ito na po ang gamot niyo." Tugon ni Lu Shan at inilapag ang tasa sa tabi ko.

Madali akong tumayo at binato ang tasa sa sahig. Nagkapira-piraso na ang tasa at kumalat na rin ang laman nitong gamot.

"Niangniang! Maawa po kayo sa sarili niyo, Niangniang!" Nakaluhod na pakiusap sa akin ni Lu Shan.

Agad namang nagsipasok ang iba pang mga tagapaglingkod at nilinis ang kalat.

"Pupunta tayo sa Palace of Gathered Elegance ngayon din." Mariin kong tugon.

---

"Niangniang." Bati sa akin ng head eunuch ng Palace of Gathered Elegance, Si Gonggong (God has heard).

"Sasabihin ko po nandito kayo." Magalang nitong tugon.

Ngunit hindi ko siya pinansin at hindi ko na rin hinintay na masabi niyang nandito ako. Agad akong pumasok sa loob ng bulwagan at nakitang nagtsa-tsaa si Amar Pin. Halatang nagulat siya sa pagdating ko at agad na nilapag ang hawak niya at tumayo upang batiin ako.

"Niangniang-"

*PAK!*

"Niangniang!" Nag-aalalang tugon sa kaniya ni Qi Niu (Wondrous Girl), ang dowry maid niya, matapos siyang matumba sa pagsampal.

"KASALANAN MO LAHAT 'TO!" Galit kong tugon sa kaniya.

Agad lumuhod sa harap ko ang katulong niya upang magmakaawa. "HUANG HOU NIANGNIANG, MAAWA KAYO! MAAWA PO KAYO!"

"Lu Shan!" Pagtawag ko sa kaniya.

"Po?"

"Hagupitin niyo siya ng kahoy ng limampung beses! Bilisan niyo!"

"Opo." Sagot niya.

Agad na nagsipasukan ang mga tao ko at kinuha si Qi Niu upang parusahan.

"LONG JINGHUA! MAAWA KA SA KANIYA! KUNG GALIT KA SA AKIN AY AKO LANG ANG PAGBALINGAN MO! MAAWA KA KAY QI NIU!" Nakaluhod niyang tugon.

"PINATAY MO ANG ANAK KO!" Tugon ko at naramdamang pumatak na ang luha sa mga mata ko. "PINAGKATIWALAAN KITA PERO PINATAY MO ANG ANAK KO!"

"Ako?.." Hindi makapaniwalang tugon niya at dahan-dahang tumayo.

"Alam mong hindi ako..." Tugon niya habang umiiling.

"SA'YO GALING ANG GAMOT NA ININOM KO! SA'YO NAKATURO LAHAT NG EBIDENSIYA! KAYA PAANONG HINDI IKAW?!"

"HUANG HOU! KUNG AKO TALAGA ANG PUMATAY SA ANAK NIYO AY BAKIT BUHAY PA KO?! BAKIT HINAYAAN PA KONG MABUHAY NOON NG EMPEROR?!"

"DAHIL NAGDADALANG-TAO KA RIN NOON! KUNG WALA KANG ALAS AY MATAGAL KA NANG PATAY!"

"Huang Hou... Hindi ko 'yon ginawa..."

Binuksan niya ang isang kahon na nasa tabi niya at kinuha mula rito ang isang gintong roba. Gintong roba para sa isang sanggol na may burda ng dragon.

"Matalik kitang kaibigan Jing Jiejie at napakasakit sa akin ang hindi mo ako paniwalaan... Ngunit alam mo ang mas masakit?" Tugon niya at tuluyan na ring lumuha gaya ko.

Napa-upo na lang siya habang yakap ang roba at umiiyak.

"WALA AKONG GINAWA NGUNIT GINANTIHAN MO AKO! PINATAY MO ANG ANAK KO! NAPAKALIIT AT NAPAKABATA PA NIYA NGUNIT NAMATAY SIYA UPANG PAGBAYARAN ANG KASALANANG HINDI KO NAMAN GINAWA!"

"NGUNIT MAY ANAK KA NA HABANG AKO AY NAG-IISA PA RIN! KUNG HINDI... KUNG HINDI LANG..." Nahihirapan kong tugon kaya naman inalalayan na ko ni Lu Shan.

"Alam mo kung bakit hindi mo pa rin makuhang maging masaya hanggang ngayon? Dahil hinahayaan mong kainin ka ng galit mo at hinanakit. Sa totoo lang, hindi na kita makilala. Nawala na ang dating mabait at mapagkumbabang kaibigang nakilala ko."

"Walang patutunguhan ang usapang ito." Tugon ko.

Agad na kong lumabas at nakitang pinapalo pa rin ang tagapaglingkod niya.

"May utos po kayo?" Tanong ng punong nagpaparusa.

"Paluin niyo siya...hanggang mamatay." Sagot ko.

"Opo." Sagot niya sa akin. "ITULOY LANG ANG PAGPALO!"

"Isang taong wala siyang sweldo. Sabihin niyo din sa bawat departamento na wala silang gagawing kahit ano para kay Amar Pin, kahit paglalaba, pagtatahi o ano man 'yan. Kapag hindi sila sumunod, patayin." Utos ko.

"Opo." Sagot sa akin ni Lu Shan.

---

ZHEN GUI REN

Gumaling na ang emperor at dumating na ang araw kung saan makikita ko ang kapatid ko. Tanghalian na pero wala pa ring balita tungkol sa kanila. Hindi ko tuloy sigurado kung makikita ko ba talaga si Gege mamaya.

"Lady Zhen, pinapatawag po kayo ng emperor upang magtanghalian." Balita sa akin ni Xing-Su Gonggong.

"Tara na." Tugon ko at tumayo. "Samahan niyo ko, Ying Nuzi at Xue."

Gamit muli ang sedan chair, nagtungo kami sa Mental Hall of Cultivation. Inalalayan ako ng dalawa papasok sa bulwagan at sumalubong sa akin ang tatlong lamesa na puno ng mga pagkain.

"Gege!" Pagtawag ko sa kapatid ko.

"Zhen Gui Ren." Bati niya sa akin at lumuhod.

"Gege. Tumayo ka. Ngayon na lang tayo magkikita, hindi mo kailangang lumuhod." Tugon ko sa kaniya.

"Salamat po." Sagot niya at tumayo.

"Huang Shang." Bati ko naman sa emperor at kaunting tumungo.

Mabilis rin akong tumayo nang senyasan ako nito.

"Umupo kayo at kumain tayo." Tugon ng emperor.

"Opo." Sabay naming sagot.

Naghiwalay kami ng direksyon at umupo sa magkaharap na pwesto habang nasa gitna naman ang emperor.

"Salamat at binigyan mo kami ng pagkakataong magkita, Huang Shang." Masaya kong tugon.

"Salamat po." Sagot naman ng kapatid ko.

"Zhen Gui Ren, mula nang pumasok ka sa palasyo ay hindi na kayo nagkita at wala pa kayong komunikasyon. Alam kong gusto mo ring makita ang iyong kapatid." Tugon ng emperor.

"Binabati kita, Gege! Gabayan ka nawang palagi ng mga dios." Tugon ko sa kaniya.

"Ingatan ka rin nawa. Ayaw namin na may kahit anong masamang mangyari sa'yo."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Isa pa pala. Binabati kita Zhen Gui Ren. Hiling ng buong pamilya na maging malakas at matalino ang magiging anak niyo."

"Tagayan natin ang iyong sinabi." Tugon ng emperor at sabay nilang nilagok ang hawak na baso na may lamang mga alak.

"Kumain tayo." Muling tugon ng emperor.

Nag-umpisa na kaming kumain habang ang emperor naman at ang kapatid ko ay nag-uusap tungkol sa labanan sa hilaga. Hindi ko alam kung dapat ba talagang pinag-uusapan nila 'yan sa harap ko lalo na at hindi pwedeng makialam sa politika at digmaan ang babae.

"Maraming salamat po sa pag-imbita at pagbasbas sa akin, Huang Shang." Tugon ng kapatid ko at lumuhod.

"Tumayo ka." Utos ng emperor.

"Huang Shang, kung maaari ay magkausap sana kami ng kapatid ko."

"Sige. Mauna na kayo." Tugon niya.

"Paalam po, Huang Shang." Sabay naming tugon ng kapatid ko.

Sumakay ako sa sedan chair habang siya naman ay kasabay na naglalakad nito.

"Mabait sa'yo ang emperor, kahit paano ay hindi namin kailangan mag-alala." Tugon niya.

"Shen Ru Gege, kaya ko rin ang sarili ko. Kailangan kong maging malakas para sa magiging anak ko." Sagot ko.

"Sana lalaki."

"Bakit?"

"Para may bata akong tuturuan kung paano humawak ng espada balang-araw at malay mo, baka siya pa ang maging taizi (crown prince)."

"Babae o lalaki man ang maging anak ko, mamahalin ko siya ng buong puso ko."

"Ikaw ba talaga ang kapatid ko?" Hindi makapaniwalang tugon niya.

"Bakit naman?" Natatawa kong tanong.

"Parang bata ka pa lang kahapon tapos ngayon ay parang matanda ka na mag-isip." Sagot niya.

"Siguro nga nagbago na ko, haha."

"Pero masaya akong nagbago ka ng mabuti, hindi masama."

"Nang pasukin ko ang harem, pinangako ko sa sarili ko na hindi ako gagaya sa iba. Hindi ko hahayaan na baguhin ako ng harem at magiging malakas ako para sa inyo at sa akin. Ngayon na magkakaroon na rin ako ng anak ay mas lalo pa kong kumapit sa pangakong 'yon."

"Masaya ako para sa iyo." Nakangiti niyang tugon.

"Ikaw? Kailan ka mag-aasawa?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko alam?"

"Wala ka bang nagugustuhan?"

"Wala pa sa ngayon." Sagot niya.

"Sa tingin ko hindi muna kita kailangang kulitin ngayon pero kung may nagugustuhan kay ay ilalakad kita sa kaniya." Nakangiting tugon ko.

"Sasabihin ko sa'yo pero hindi mo na kailangang ilakad ako. Ilalakad ko sarili ko."

"'Yan ang matapang." Biro ko.

Nakarating na kami sa palasyo ko at agad siyang pinaupo sa bulwagan.

"Ang ganda ng palasyo mo a." Komento niya.

"Laging pinapaayos at pinaganda ng emperor sa Household Department."

"Ikaw a. Anong ginawa mo sa emperor? Paano ka niya nagustuhan?" Tanong niya.

"Makapagsabi ka parang hindi ako kagusto-gusto. Gege, maganda ang lahi natin. Siguro mas nagustuhan niya lang ako kasi iba ko siya tratuhin." Sagot ko.

"Paano mo ba siya tratuhin?"

"Bilang asawa ko. Hindi ako natatakot at kalmado akong kasama siya pero nandoon pa rin ang respeto. Kinakausap ko siyang parang kaibigan ko pero nilulugar ko pa rin sarili ko. Ganoon."

"Naiintindihan ko ang punto mo...

Ang empress, kahit na siya pa ang ina ng mundo, takot siyang magkamali sa mata ng emperor at empress dowager. Siya mismo ang gumagawa ng pader sa pagitan nila nang hindi niya namamalayan. Sa sobrang takot niya ay nakatali na lang siya sa mga patakaran at natatakot gumalaw at kahit ang simpleng pagsasalita ay hindi niya magawa. Dahil hindi niya masabi ang saloobin niya, nawawala ang koneksyon nila mismo bilang mag-asawa.

Si Ai Huang Gui Fei naman, matapang. Sa sobrang tapang, hindi rin siya natatakot sa emperor. Gusto ng emperor ng babaeng makakausap niya ng normal pero dahil sobrang tapang niya, may mga bagay na bawal na ang ginagawa niya kapag kaharap ang emperor.

Habang ikaw... Kombinasyon ka ng dalawang pinakamakapangyarihang babae sa harem. Hindi lang ang emperor ang natutuwa sa'yo, maging ang empress dowager. Walang gugustuhin ang banggain ka." Mahabang lintanya niya.

"Hindi ka lang pala sa digmaan magaling ha at hindi lang maganda lahi natin, matalino pa." Biro ko.

"Nagiging bata ka na naman." Biro niya rin.

"Syempre. Minsan ko lang kayo makikita. Sana sa susunod, lahat na kayo."

"Lagi kang bukambibig ng kambal. Gusto ka rin nilang makita."

"Gege, may bibigay nga pala ako sa'yo."

Inabot sa kaniya ni Ying Nuzi ang isang kahon na may lamang pulang ginseng.

[Ginseng: It is commonly touted for its antioxidant and anti-inflammatory effects. It could also help regulate blood sugar levels and have benefits for some cancers. What's more, ginseng may strengthen the immune system, enhance brain function, fight fatigue and improve symptoms of erectile dysfunction.]

"Narinig kong maganda 'yan sa katawan pero may masamang epekto rin. Sana ay inumin mo lang ng tama para walang mangyari sa'yo at maging maganda ang epekto." Sabi ko sa kaniya.

Tumayo siya at lumuhod habang hawak pa rin ang kahon.

"Maraming salamat, Zhen Gui Ren."

"Ang tigas ng ulo mo. Wala sabing luluhod e."

---

AI HUANG GUI FEI

"Niangniang, nandito po si Batkhaan Da Ying." Sabi sa akin ni Hui Gonggong.

"Sino 'yon?" Kunot-noong tanong ko habang kumakain ng merienda.

"Siya po ang napabalitang nakaharap noon ni Zhen Gui Ren at hindi siya pwedeng lumabas sa silid niya ng isang buwan bilang resulta."

"Papasukin niyo siya."

"Mapa sa inyo nawa ang kapayapaan, Ai Huang Gui Fei Niangniang." Bati niya sa akin.

Hindi ko mapigilang ikunot ang noo ko sa itsura niya. Hindi ko alan kung nagpapaawa lang sya o ano. Maputla siya, walang mga palamuti, at kupas pa ang kulay ng damit.

"Niangniang, tulungan niyo po ako."

Talagang uumpisahan niya ko sa mga katagang 'yan?

"Saan?" Tanong ko sa kaniya.

"Niangniang, gusto kong umangat."

Bago ako muling magsalita ay pinagpatuloy ko munang kumain habang tinigtignan siyang nakaluhod. Alam kong nangangawit na siya at wala akong pakialam. Nanghihingi siya ng tulong kaya kailangan niyang mahirapan.

"Bakit naman kita tutulungan?"

"Kapag tinulungan niyo po ako... Handa ko pong sundin ang mga utos niyo." Sagot niya at idinikit na ang noo niya sa sahig.

"Tutulungan kita."

"Talaga po?!"

"Pero..." Tugon ko na nakapagpahinto sa kaniya. "Kapag nagawa mo na ang ipapagawa ko sa'yo."

"Ano po 'yon?"

"Diba kasama mo sa palasyo si Baturu Da Ying?" Tanong ko at ngumisi.

"Ano pong gagawin ko?"

"Takutin mo para magtanda at hindi kung sinu-sino ang binabangga."

I Become A ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon