CHAPTER 29

920 45 0
                                    

CHAPTER 29

ZHEN PIN

"Niangniang."

Nagising ang diwa ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata upang makita siya. Bumungad sa akin ang matamis niyang ngiti at kumikinang na mga mata.

"Xue," pagtawag ko sa kaniya.

"Bakit po?"

Hahawakan ko na sana siya nang bigla siyang mawala. D'on lang nanumbalik sa akin na wala na siya. Napahawak ako sa dibdib ko nang muli kong maramdaman ang sakit ng pagkawala niya. Nangingilid ang mga luha ko habang hinahanap ko siya sa kabuoan ng kwarto, ngunit wala na talaga siya.

Ilang araw na ang nagdaan, pero walang oras na hindi siya pumasok sa isip ko. Lagi ko siyang napapanaginipan. Lagi ko siyang nakikita. Hanggang ngayon ay dinadalaw pa rin ako ng sakit na naramdaman ko noon. Sobrang sakit.

Pinunasan ko ang mga luha ko nang mapansing gumalaw si Ying Nuzi sa pwesto niya. Mukhang nagising ko yata siya.

"Niangniang, ayos lang po ba kayo?" Tanong niya sa'kin.

Tumango ako. "Anong oras na?"

"Oras pa lang po ng Yinshi. Maaari pa po kayong magpahinga."

[Yinshi: 3:00 a.m. - 5:00 a.m.]

Bumangon na ko para magbihis at mag-ayos. Tahimik lang kaming dalawa habang inaayusan niya ko. Pansin ko lang na mas mabilis na ang pagkilos niya dahil siya na lang ang umaasikaso sa akin.

Napadako ang tingin ko sa pampagandang binigay sa akin noon ni Li Gui Ren. Tinanong niya ko kung ginagamit ko 'to at sumagot naman ako ng oo. Pero isa 'yung kasinungalingan. Hindi ko 'yan ginamit kahit isang beses, dahil naghihinala na rin ako sa kaniya noon.

"Gugu," pagtawag ko kay Ying Nuzi. "Maaari mo bang ipatingin kay Doktor Zhou ang pampagandang binigay sa akin ni Li Gui Ren?"

"Sige po," sagot niya at tinago sa damit niya ang lagayan nito.

Nagawi naman ang tingin ko sa salamin nang makita ang repleksyon ng kararating pa lang na si Xing-Su Gonggong.

"Niangniang, narito na po ang mga concubine," balita niya sa'kin.

"Papasukin mo na sila at sabihing hintayin ako," utos ko rito.

"Opo," Sagot niya at agad akong sinunod.

"Ayos na po ba talaga para sa inyong tumanggap ng pagbati, Niangniang?" tanong ni Ying Nuzi.

"Tungkulin ko bilang namamahala sa harem na tanggapin ang mga pagbati at kamustahin ang kalagayan nila," sagot ko. "Hindi ko maaaring ipakita sa kanila na naaapektuhan ako sa mga nangyayari. Ayaw kong sabihin nila na hindi ako dapat sa posisyon ko dahil nagpapadala ako sa damdamin. Sapat na ang ilang araw na pahinga ko."

"Naiintindihan ko po."

Inalalayan akong tumayo ni Ying Nuzi at maglakad patungo sa bulwagan ng palasyo. Binuksan niya ang pinto, dahilan upang tumayo ang mga concubine sa pagdating ko.

"PAGBATI, ZHEN PIN NIANGNIANG!"

Na-upo muna ako bago ko sila senyasan na tumayo at bumalik sa kanilang mga pwesto.

"Meimei, nais naming sabihin sa'yo na nakikiramay kami sa nangyari," wika ni Qiu Fei Niangniang.

Ngumiti ako. "Salamat, Jiejie."

"Meimei," pagtawag naman sa akin ni Amar Pin. "Kilala nyo na ba kung sino ang gumawa nito?"

Pasimple kaming nagkatinginan ni Wei Meimei.

Umiling ako. "Hindi pa namin alam."

"Kung sino man ang may gawa nito, kailangan niyang maparusahan," Sabi naman ni Baturu Da Ying. "Hindi dapat hinahayaan ang mga gaya niya na maging malaya."

Nagawi naman ang tingin ko kay Li Gui Ren na walang imik at nakikinig lang sa usapan namin. Malamang ay natatakot siyang magsalita dahil alam naman niya sa sarili niyang siya ang may gawa nito.

Maghintay ka lang...

"Kahit na buhay lamang ng isang tagapaglingkod ang kinuha niya, magdudulot pa rin ito ng gulo sa harem. Kaya kailangan niyang mahuli kung sino man siya," Sagot naman ni Wei Meimei.

"Tama ka diyan, Meimei," sagot ko. "Hinding-hindi natin siya patatakasin."

Matunog akong ngumiti. "Tama na 'tong usapan na 'to. Nakabati na kayo kaya maaari na kayong bumalik sa inyong mga palasyo."

Sabay-sabay naman silang nagsitayuan at namaalam sa'kin. Pinanuod ko muna silang umalis bago ako bumulong kay Ying Nuzi.

"Puntahan mo na si Doktor Zhou."

"Opo," sagot niya at madaling umalis.

Pagkalipas lang ng ilang minuto ay bumalik na siya kasama si Doktor Zhou.

"Pagbati, Niangniang," pagyuko sa akin ng doktor.

"Tumayo ka," sagot ko. "Sabihin mo kung may kakaiba ba sa pampagandang binigay sa'kin."

"Opo," sagot niya at tumayo.

"Napag-alaman ko po na may ibang nakalagay dito. Hindi siya madaling mapapansin dahil nakahalo siya sa pampaganda. Kung nagamit nyo 'to, hindi rin mapapansin ng doktor na sumusuri sa inyo na may ibang gamot na sa sistema nyo."

"Anong uri ng gamot?" tanong ko.

"Isang uri po ng pampalaglag, Niangniang."

"Ha?!" gulat na tugon ni Ying Nuzi.

Napalunok ako. Hindi ko inaasahan na maglalagay siya ng gan'ong uri ng gamot sa pampagandang binigay niya sa'kin.

Bakit kailangan niyang gawin to?

"Dalawa po ang epekto ng gamot, Niangniang. Kung nagdadalang-tao kayo, maaaring malaglag ang batang dinadala nyo. Kung hindi naman, pinipigilan nito ang kakayahan nyong magka-anak," paliwanag ng doktor.

"Niangniang..." nababahalang tugon ni Ying Nuzi.

Isa lang ang bagay na naiisip ko kung bakit niya ginawa 'to...

"Wala pa kong isang taon sa palasyo pero isa na kong Pin," tugon ko. "Dahil hindi ako nagdadalang-tao, malamang ay nais lang ng taong 'yan na hindi ako magka-anak. Dahil kapag nagka-anak ako, paniguradong tataas pa ang ranggo ko. Ayaw niya lang na mas tumaas pa ang posisyon ko at maging lalong makapangyarihan sa harem."

"Anong gagawin natin, Niangniang?" tanong ni Ying Nuzi.

"Itago mo 'yan," sagot ko. "Hindi 'yan pwedeng mawala."

Bumaling ako kay Doktor Zhou. "Sumama ka sa'min sa Summer Palace," bilin ko.

"Opo, Niangniang," sagot niya.

Nag-aalaga na pala ako ng ahas sa bakuran ko, hindi ko pa alam. Kailangang mapa-alis ko na siya bago pa ko matuklaw. Hindi ko hahayaan ang sarili kong mamatay sa kamandag niya. Kung kailangan ko siyang pukpukin ng bato at durugin ang ulo, gagawin ko.

---

THIRD PERSON

"Fan Gui Ren, maaari ka nang lumabas," Wika ni Jiao Gui Ren.

Sinunod naman ni Fan Gui Ren ang sinabi nito at lumabas sa ilalim ng upuan ng karwahe kung saan siya nagtatago.

Kasalukuyan silang patungo sa Summer Palace kung saan sila maninirahan ng ilang buwan dahil sa tag-init. Mas maganda kasing tumuloy muna sa Summer Palace na mas maraming bulaklak at halaman kang makikita kaysa sa Forbidden City na sarado dahil sa mga nagtataasang pader.

Napabuntong-hininga si Fan Gui Ren bago ma-upo sa harap ni Jiao Gui Ren. Nahihirapan na kasi siyang huminga dahil kanina pa siya nagtatago d'on.

Kailangan niyang magtago dahil hindi naman siya kasama sa mga concubine na pupunta sa Summer Palace. Mga pili at paboritong concubine lang ng emperor ang maaaring makasama. Hindi siya binigyan ng pahintulot na lumabas, kaya isang malaking sugal para sa kaniya ang lumusot at sumama.

"Salamat at pumayag kang sumama," wika ni Jiao Gui Ren.

Sumilip naman si Fan Gui Ren sa kurtina para makita ang nasa labas. Puro puno na ang nakikita niya at mukhang malayong-malayo na sila sa Forbidden City.

Napangiti siya. "Nakalabas na nga tayo."

"Tila masaya kang nakalabas ka na uli sa palasyo," tugon ni Jiao Gui Ren.

"Gusto kong nasa labas. Pakiramdam ko ay nakakulong ako sa loob."

Katahimikan ang namagitan sa kanila. Nakatingin pa rin sa labas si Fan Gui Ren, habang si Jiao Gui Ren naman ay pinagmamasdan lang siya.

'Mukha siyang masaya habang nakatingin sa labas,' wika ni Jiao Gui Ren sa sarili niya. 'Ngayon ko lang siyang nakitang masaya.'

"Fan Gui Ren..." pagtawag niya rito.

Lumingon naman sa kaniya 'to.

"Ginusto mo bang maging concubine?"

"Hindi," sagot nito. "Mas gusto kong maging...sundalo."

"Sundalo?"

Mapait na napangiti si Fan Gui Ren habang inaalala ang nakaraan niya.

"Nakakatawa, 'di ba? Isang babaeng gaya ko, gustong maging sundalo."

"Bakit gusto mong maging sundalo?"

"Bata pa lang ako, alam ko nang hindi ako kagaya ng mga babaeng ka-edad ko. Imbes na ubusin ang oras ko sa pagpapaganda, pagsayaw, at pagkanta, mas gusto ko pang ilaan ang oras ko sa pag-aaral kung paano humawak ng sandata, magplano ng pag-atake, at kung paano protektahan ang dinastiyang Qing," paliwanag niya. "Noon pa man ay alam ko na gusto kong gawin, at alam ko na rin noon pa man na hindi 'yon mangyayari. Ngunit bilang babae, hindi pagiging isang sundalo ang nakasulat sa tadhana ko, kundi isang concubine."

'Kung naging lalaki kaya ako ay isa na kong sundalo?' Tanong niya sa sarili niya.

"Nagsisisi ka bang naging babae ka?" muling tanong ni Jiao Gui Ren.

Seryoso naman siyang tinignan ni Fan Gui Ren, pero iniwas niya rin ang tingin niya.

"Hindi ko alam, pero hindi ko masasabing hindi," sagot nito.

"Nagsisisi ka ba dahil gusto mo lang maging sundalo o may iba pang dahilan?"

Napakunot ang noo ni Fan Gui Ren.

"Masyado ka naman yatang maraming tinatanong," tugon niya. "Sumama ako dito para tulungan kayo, hindi para tanungin mo."

"Gusto ko lang namang malaman."

"Hindi na mahalaga 'yon," Sagot ni Fan Gui Ren. "Dahil sa oras na tulungan ko kayo at sabihin ko ang totoo, mamaalam na rin ako sa mundo."

"Hindi ka mamamatay," tugon ni Jiao Gui Ren. "Tinulungan mo kami. Paniguradong patatawarin ka ng emperor."

"Hindi porke tinulungan ko kayo ay ligtas na ko. May batas tayo. Kailangang sundin ang batas."

"Bakit mo ba sinasabi 'yan?!"

Hindi na napigilan ni Jiao Gui Ren na magtaas ng boses sa inis, dahilan naman para magulat si Fan Gui Ren.

"Hindi ka nga mamamatay!"

"Bakit galit ka?" Tanong ni Fan Gui Ren. "Para namang mawawalan ka kapag nawala ako."

"A-Ayoko lang na mapahamak ka dahil tinulungan mo kami," nauutal na sagot ni Jiao Gui Ren. "Lalo na't hindi mo naman kasalanan ang nangyari."

"Parang mas natatakot ka pa sa'kin-"

"Hindi ka ba takot mamatay?"

"Matagal na kong patay."

"Kung patay ka na pala, bakit mo pa kami tinutulungan?! Dapat nanahimik ka na lang!"

"Bakit nga ba tinulungan pa kita?" Tanong nito pabalik.

Muling napabuntong-hininga si Fan Gui Ren at napahimas sa leeg. "Hindi ko rin alam kung bakit pa ko tumulong."

"Magpasalamat ka na lang na tumulong pa ko," muli nitong tugon.

Muli na naman silang natahimik at wala nang nagtangkang magsalita.

---

ZHEN PIN

"Nandito na po tayo," rinig naming anunsyo nang tumigil na ang karwahe kung saan kami nakasakay.

Nauna akong bumaba para alalayan ang empress dowager.

"Salamat," nakangiti niyang wika.

"Masaya po akong tulungan kayo, Tai Hou."

"E'nie," bati ng emperor at lumuhod.

Tumungo naman kami sa kaniya pwera sa empress dowager.

"Tumayo ka," tugon ng empress dowager na sinunod naman ng emperor.

Hinawakan naman ng emperor ang braso ng empress dowager para alalayan siyang maglakad. Sumunod naman ako sa kanila hanggang sa makarating sa kwartong tutuluyan ng empress dowager. Na-upo sila, habang ako naman ay tumayo sa tabi ng empress dowager.

"Kakaunti lang ang silid dito sa Summer Palace, kaya hindi maiiwasan na maghati ng kwarto ang mga concubine," wika ng empress dowager. "Inaasahan kong maaayos mo ang mga silid na tutuluyan nila, Zhen Pin."

Ngumiti ako. "Ako na po ang bahala, Tai Hou."

"Bilang namamahala sa harem, hindi mo kailangang makihati ng silid. Gan'on din si Qiu Fei dahil nagdadalang-tao siya," wika ng emperor.

"Ayos lang sa'kin kahit may kahati ako," sagot ko. "Pero bibigyan ko ng sarili niya si Qiu Fei."

"Hindi magiging patas sa'yo kung may magiging kahati ka," tugon ng empress dowager. "Pumili ka ng gusto mong kwarto."

Ngumiti ako. "Salamat po, Tai Hou."

Nagpaalam naman ako sa kanila para ayusin na ang pagkakahati ng mga kwarto.

May kaniya-kaniyang kwarto ang emperor at empress dowager. Gan'on din ang mga prinsipe at prinsipe. May sarili rin kaming silid ni Qiu Fei Niangniang. Ang magkakahati lang ay si Amar Pin at Jiao Gui Ren, at Li Gui Ren at Wei Meimei.

Pinaalalahanan ko na si Wei Meimei na maging maingat kay Li Gui Ren, pero umakto pa rin siya na gaya ng dati para hindi mahalata na pinaghihinalaan na namin siya. Baka mapurnada pa ang plano namin kapag nakahalata siya.

Ang kasunod ko namang inasikaso ay si Fan Gui Ren. Hindi siya makakapagtago kay Amar Pin dahil iisa lang sila ng silid ni Jiao Gui Ren. Kinausap ko si Amar Pin na itago ang pasikretso naming pagdala kay Fan Gui Ren. Akala ko pa nga ay hindi siya papayag at isusumbong kami sa emperor, pero ngumiti lang siya at tumango sa plano namin.

Sa ngayon ay kailangan kong maging maingat kung sino ang mga taong pagkakatiwalaan ko. Hindi na ko pwedeng maloko uli. Ayos lang na magkamali ng isang beses, katangahan na kapag naulit pa.

Si Wei Meimei... Alam kong hindi siya gagawa ng kahit na anong laban sa'kin. Tumatanaw siya ng utang na loob at halata namang kaibigan ang turing niya sa'kin. Hindi rin ako nakakaramdam ng kahit ano sa kaniya.

Si Jiao Gui Ren naman ay tapat sa emperor. Hindi siya kakampi o kaaway sa'kin. Basta sinusunod niya lang ang utos ng emperor. Pero masasabi kong hindi siya kailangang alalahanin dahil kakampi ko ang emperor.

Tahimik naman si Amar Pin. Mukhang wala siyang pakialam sa nangyayari sa harem. Ang gusto lang niya ay maging maayos ang anak niya. Tumutulong lang siya sa'min minsan dahil alam niyang nasa tama kami.

Pinagkakatiwalaan ni Jiao Gui Ren si Fan Gui Ren kaya wala akong magagawa kundi ang pakinggan siya. Hindi ko alam kung kanino ba talaga siya kumakampi, pero mas mabuting alam ko na tutulong siya sa'min.

Si Qiu Fei... Kapatid siya ni Qiu Gui Ren na dating si Ai Huang Gui Fei. Kahit naman sabihing hindi lumalabas si Qiu Gui Ren sa Cold Palace, hindi masasabing wala silang komunikasyon. Ano bang malay ko kung may binabalak na pala sila laban sa'kin? Kahit na kilalang tahimik at mabait si Qiu Fei, kapatid pa rin siya ni Qiu Gui Ren.

Sino man ang maging kakampi o kaaway ko sa dulo... Ang sarili ko lang ang kakampi ko.

Napa-iling na lang sa iniisip ko habang sinusuklay ang buhok ko. Magpapahinga na ko dahil pagod na ko sa mga nangyari ngayong araw.

"Mukhang malalim ang nasa isip mo."

Napalingon ako at agad na napatayo nang marinig ko ang pamilyar na boses.

"Huang Shang," bati ko at tumungo.

Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang mga kamay ko para tulungan akong tumayo.

"Pagka tayong dalawa lamang ay hindi mo kailangang tumungo, Qi Zi," malambing niyang wika.

"Ngunit ikaw pa rin ang emperor. Kailangan pa rin kitang igalang."

"Sino bang nagsabi na kapag tayong dalawa lamang ay hindi ako isang emperor kundi asawa mo?"

Napangiti ako. "Ako."

"Mukhang pagod ka," pagpuna niya at hinawakan ang pisngi ko.

"Wala lang 'to."

Nagulat ako nang bigla niya kong yakapin, pero niyakap ko na lang din siya. Pagod na pagod na ko, pero gumaan ang pakiramdam ko dahil sa yakap niya.

'Sana ay lagi na lang siyang nandito sa tabi ko...'

"Pasensya ka na at wala ako sa tabi mo nang mga panahong kailangan mo ko. Wala akong ibang nagawa kundi bigyan sila ng maayos na libing."

"Ayos lang..." mahina kong tugon.

"Ayos ka nga lang ba talaga?"

Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging emosyonal nang tanungin niya ko. Hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko at umiyak sa mga bisig niya.

"K-Kasalanan ko..." lumuluha kong wika. "N-Namatay sila...dahil sa'kin..."

Tama si Author nang sabihin niya sa'kin na binalaaj niya ko. Pero masyado akong nagtiwala at nagpabaya. Kung nag-ingat lang sana ako... Sana ay buhay pa sila. Sana ay kasama ko pa ang anak ko. Kasalanan ko rin. May kasalanan din ako.

"Huwag mong sabihin 'yan. Wala kang kasalanan."

"Lahat kayo sinasabi 'yan...pero iba ang nararamdaman ko..."

Naramdaman kong mas humigpit pa ang pagyakap niya sa'kin. Hindi siya nagsasalita at hinahayaan lang akong umiyak para pagaanin ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ilang oras kaming nasa gan'ong sitwasyon, pero hindi siya gumalaw hanggang sa tumahan ako.

"Pasensya ka na," wika ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Saan?"

"Baka kasi nangawit ka na," biro ko.

"Hindi ako magsasawang yakapin ka," tugon niya at muli akong niyakap.

Napangiti ako at tumingala upang makita ang mga mata niya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga tingin namin. Parang ngayon na lang uli kami naging ganito kalapit.

Napapikit ako nang maramdaman ang paghalik niya. Hindi naman ako nag-alinlangan pa at tumugon sa kaniya.

Pareho kaming napapa-atras habang mas lalo pang lumalalim ang mga halik namin. Napa-upo na lang ako nang mapagtantong kama na ang nasa likuran ko.

Sa pagkakataong 'to, handa akong ibigay muli ang sarili ko sa kaniya. Pagkakatiwalaan ko siya ng buong-buo.

---

THIRD PERSON

"Sa silid daw ni Zhen Pin Niangniang tumuloy ang emperor kagabi," bulong ng isang tagapaglingkod.

"Hindi na nakakapagtaka 'yon. Si Zhen Pin ang paboritong concubine ng emperor," sagot naman ng isa pa.

Hindi nila alam ay naririnig na pala sila ni Li Gui Ren kasama ang tagapaglingkod nito.

"Lady Li, sa iba na lang tayo dumaan," wika ng tagapaglingkod niya.

"Hayaan mo," sagot niya. "Kailangan nating ipakita na masaya tayo para sa kaniya. Kapag nag-iba tayo ng daan, paghihinalaan tayo."

"Tingin nyo po ba ay hindi pa sila naghihinala?

"Sa tingin ko ay hindi pa. Hinayaan pa rin nila akong makasama sa isang kwarto si Wei Chang Zai, kaya pinagkakatiwalaan pa rin nila ako."

Pinagpatuloy naman nila ang paglalakad para maglibot sa Summer Palace. Nalilibang na sila nang makita nila si Ying Nuzi.

"Pagbati, Li Gui Ren."

"Gugu," nakangiting tugon niya.

"Pinahahanap po kayo sa'kin ni Zhen Pin Niangniang. Iniimbitahan niya daw po kayong sabayan siya sa pagkain."

Pasimple silang nagkatinginan ng tagapaglingkod niya at muling ngumiti.

"Syempre naman pupunta ako basta si Jiejie ang nag-imbita."

Ngumiti rin pabalik si Ying Nuzi. "Sumunod po kayo sa'kin."

Naglakad naman sila palayo sa palasyo. Sa isang malayong silid kung saan kakaunti lang ang mga dumadaang tao. Pinagbuksan sila ni Ying Nuzi ng pinto at pinapasok sa loob.

"Nasaan si Jiejie, Gugu?" tanong nito.

"Lumabas kayo," wika ni Ying Nuzi.

Lumabas naman ang mga nagtatagong eunuch sa kwarto na siyang nakapagpagulat kay Li Gui Ren.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong niya.

"Hawakan nyo si Li Gui Ren." Utos ni Ying Nuzi na agad namang sinunod ng mga ito.

"Bitiwan nyo ko!" Pagpupumiglas niya ngunit wala rin siyang nagawa laban sa kanila.

"Darating na rin si Zhen Pin Niangniang. Hintayin nyo lang po siya."

"Pakawalan nyo ko!"

Pasimple pa sanang aalis ang tagapaglingkod ni Li Gui Ren ngunit naharangan siya ng mga guardia.

"'Wag na po kayong maglaban pa at hintayin na lang si Zhen Pin Niangniang."

"Bakit nyo ba ginagawa 'to?!"

Hindi naman sumagot si Ying Nuzi at tumayo lang na tila naghihintay.

"Niangniang," bati ni Ying Nuzi nang makita si Zhen Pin.

"Sheng Jiejie!" pagtawag naman ni Li Gui Ren. "Ayaw nila akong pakawalan! Tulungan mo ko!"

"Tutulungan kita kapag nasagot mo ang tanong ko."

"Ano 'yon, Jiejie?"

"Ikaw ba ang may kagagawan ng pagkawala ng anak ko?" Diretsong tanong ni Zhen Pin.

Sandaling natigilan si Li Gui Ren.

'Bwisit! Paano niya nalaman?!'.

"J-Jiejie, ano bang sinasabi mo?"

"Sasagot ka lang ng oo o hindi. Mahirap ba 'yon?"

"Hindi, Jiejie."

Napapikit siya nang biglang ihagis sa kaniya ni Zhen Pin ang hawak nitong pabango.

"Nakita 'yan malapit sa kulungan ni Fu, ang alagang aso ng empress. Alam mo ba kung ano 'yan?"

"'Yan ang pabango mo, Jiejie."

"Kayong dalawa lang ni Wei Meimei ang nakakaalam ng ginagamit kong pabango. Paano 'to mapupunta d'on?"

"Hindi kaya... Si Wei Meimei ang may gawa?"

Napangisi na lang si Zhen Pin at marahang napa-iling dahil sa pagmamaang-maangan ni Li Gui Ren, at nagawa niya pa talagang isisi sa iba ang kasalanan niya.

"Ikaw din ba ang pumatay kay Xue at Ping?" Muling tanong ni Zhen Pin.

'Alam na rin pala niya...'

"Hindi ko magagawa ang ganiyang bagay, Jiejie! Kilala mo ko!"

"Paano kung sabihin ko sa'yo na bago mamatay si Xue ay nasabi niya pa kung sino ang may kagagawan ng lahat ng 'to?"

'Ibig sabihin ay nabuhay pa pala siya. Sinabi lang nila na hindi na siya nagising at tuluyan nang namatay para hindi ako ma-alarma.'

"Umamin ka na. Alam ko na ang totoo."

"Hehehe..." Mahinang tawa ni Li Gui Ren. "Ako nga."

I Become A ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon