CHAPTER 20
THIRD PERSON
"Pagbati po, Ai Huang Gui Fei Niangniang." Tugon ni Jiao Chang Zai at tumungo.
"Ikaw pala ang bagong kinahuhumalingan ng emperor." Nakangising tugon ni Ai Huang Gui Fei.
"Kung mayroon mang kinahuhumalingan ang emperor, hindi po ako 'yon, ikaw po 'yon, Niangniang." Nakayukong sagot nito.
"Marunong kang magsalita." Komento ng Huang Gui Fei. "Tumayo ka na."
"Salamat po." Sagot nito at tumayo.
Umupo naman ito sa pwesto katabi ni Baturu Da Ying.
"Hindi ka naman gan'on kaganda." Tugon ni Batkhaan Chang Zai.
Napangiti naman si Baturu Da Ying. "Hindi lang naman mukha ang batayan upang magustuhan ang isang tao at sabihing maganda siya."
"Tulad naman ng ano?"
"Utak at puso." Simpleng sagot ni Baturu Da Ying.
Tila hindi naman nakasagot si Batkhaan Chang Zai at sinamaan na lang siya nito ng tingin.
'Wala ka kasi n'on.' Tugon ni Baturu Da Ying sa isip niya.
"Meimei, isa kang dating tagapaglingkod. Saang departamento ka tumutulong?" Nakangiting tanong ni Qiu Fei.
"Tumutulong po kami sa paghahatid ng mga gamit sa iba't-ibang palasyo, Niangniang." Magalang niyang sagot.
"Ang mga tagapaglingkod mo bang kasama ngayon ay ang mga dati mo ring kasama sa departamento niyo?" Muling tanong ni Qiu Fei.
"Opo." Nakangiti niyang sagot at tumingin sa dalawa niyang kasama, si An at Ju.
"Paglingkuran niyo siya bilang amo niyo. Hindi porke magkakasama kayo noon ay kasing uri niyo pa rin siya. Isa na siya sa mga babae ng emperor ngayon." Paalala ni Qiu Fei.
"Opo." Sabay nilang tugon at sandaling tumungo.
"Saang palasyo ka nga pala titira?" Tanong naman ni Li Gui Ren.
"Hindi pa po ako nakakalipat pero... Sa Palace of Great Brilliance po."
Tila natahimik naman ang buong bulwagan nang marinig ang sagot niya.
'Sa palasyo ni ate?' Tanong sa sarili ni Baturu Da Ying.
"Kung gan'on pala ay makakasama mo si Sheng Jiejie sa palasyo niya." Masayang tugon ni Wei Chang Zai.
"Opo. Gan'on nga po."
"Hindi na mag-iisa sa palasyo niya si Zhen Gui Ren." Sabi naman ni Min Da Ying, kasama ni Wei Chang Zai sa palasyo.
"Tama ka, Meimei." Sagot naman ni Wei Chang Zai. "Siguro ay mas magiging madali na sa kaniya ngayon na tanggapin ang nangyari."
"Bilang mas nakatataas sa akin, tutulungan ko po si Zhen Gui Ren." Paniniguro naman ni Jiao Chang Zai.
"Nakatataas?" Mahinang tugon ni Batkhaan Chang Zai. "E isang posisyon lang naman ang pagitan niyo."
"Isa nga pero mas mataas pa rin ang Gui Ren sa isang Chang Zai." Pagkontra naman sa kaniya ni Baturu Da Ying. "Mas mataas sa'yo si Zhen GUI REN pero bakit ganiyan ka kung magsalita, Batkhaan CHANG ZAI?"
"Ikaw..." Inis na tugon ni Batkhaan Chang Zai.
"Dahil naman nabati niyo na ko..." Pagsingit ni Ai Huang Gui Fei. "Maaari na kayong umalis."
Sabay-sabay naman silang tumayo at nagpaalam sa kaniya.
---
"Jiejie, anong ginagawa mo?" Tanong ni Min Da Ying kay Wei Chang Zai.
Nilapag naman niya ang tsaang dala niya sa tabi nitong lamesa.
"Ronghua. Gumagawa ako ng isang phoenix para kay Sheng Jiejie." Sagot nito habang pinagpapatuloy ang ginagawa.
[The art of making ronghua – literally "velvet flower" – dates back to the Tang dynasty and refers to the creation of not only floral displays, but also animal shapes from fine silk on a twisted wire frame.]
"Kamusta na nga pala si Zhen Gui Ren?" Tanong ni Min Da Ying at umupo sa tabi nito.
"Iba na ang trato sa kaniya ng ibang mga tagapaglingkod dahil hindi na siya pinupuntahan ng emperor." Sagot niya at tumigil sa ginagawa. "Pero gan'on pa rin siya... Gigising para magluksa sa pagkawala ng anak niya at matutulog habang hawak ang ginawa kong damit para sana sa magiging prinsipe."
"Dahil sa nangyari... Natatakot na kong mapansin at dalhin ang anak ng emperor." Tugon ni Min Da Ying.
"Pero kapag nanahimik naman tayo, malungkot lang tayong mabubuhay sa palasyo habang tinatapakan lang tayo ng ibang mga tagapaglingkod." Sagot ni Wei Chang Zai.
"Pero, Jiejie... Mukhang hindi ka naman nababahala sa nangyayari kay Zhen Gui Ren?"
"Nag-aalala ako para sa kaniya pero kung posisyon niya lang ang pag-uusapan... Alam kong gusto pa rin siya ng emperor."
"Paano mo nasabi?"
"Hindi kayo gan'on kalapit kaya hindi mo nalalaman, pero kakaiba si Sheng Jiejie. Hindi lang siya mabait at maganda, matalino rin siya, kahit na sinong lalaki ay tiyak na mahuhulog sa kaniya. Ilang buwan rin siyang sinuyo ng emperor, at hindi naman gan'on kadaling mawala ang nararamdaman ng isang tao dahil lang sa hindi siya nito pinansin."
"Matagal na siyang nagluluksa. Hanggang kailan siya magiging ganito?"
"Mahirap at masakit mawalan ng anak. Hindi gan'on kadaling tanggapin ang gan'ong pangyayari."
"Sa bagay..." Tugon ni Min Da Ying. "Ngunit sa tingin mo ba ay magiging maayos na siya gayong magkakaroon na siya ng kasama sa kaniyang palasyo?"
"Oo naman. Maganda ang pakiramdam ko kay Jiao Chang Zai."
"Hindi mo naramdaman kay Li Gui Ren 'yan, diba?"
"Ano ka ba?" Natatawang tugon ni Wei Chang Zai. "Magkaibigan na sila bago pa ko pumasok sa eksena."
"Sabi mo e..."
---
"E'nie, pagbati po." Tugon ni Prinsesa Qinyang (Sunshine of my heart) at lumuhod sa empress dowager.
"Nako, anak ko. Tumayo ka." Masayang tugon ng empress dowager at tinulungan siyang tumayo.
"Maraming salamat po." Nakangiti niyang sagot.
Magkatabi naman silang naupo sa hapag-kainan.
"Buti naman at nakabisita ka na. Matagal na kitang gustong makita." Tugon ng empress dowager habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ng prinsesa. "Kumain ka ng mabuti."
"Maraming salamat po uli." Tugon niya at tinikman ang mga pagkaing binigay sa kaniya.
"Masarap ba?" Nakangiting tanong ng empress dowager.
"Opo!" Masaya niyang sagot at nilagyan din ang plato ng empress dowager. "Dapat kumakain rin po kayo nito para lumakas po kayo."
"Syempre naman, anak."
Si Prinsesa Qinyang ang pang-apat sa pitong babae. Hindi siya tunay na anak ng empress dowager. Ampon lamang siya. Kaya naman ang posisyon niya ay gaya lamang sa posisyon ng anak ng isang concubine, ngunit siya ang paboritong anak na babae ng empress dowager.
"E'nie, parang nababahala ka?" Tanong ng prinsesa sa kaniyang ina.
"Sabi ko na at hindi ko rin maitatago sa'yo." Sagot ng empress dowager.
"Pwede kang magsabi sa akin."
"Hindi naman lingid sa kaalaman mo kung sino si Zhen Gui Ren, tama?"
"Opo. Anak po siya ng dati niyong tagapaglingkod at siya rin ang paborito ng kapatid kong emperor, hindi po ba?"
"Tama. Tama." Sagot ng empress dowager. "May alam ka talagang bata ka."
"Ano pong problema?"
"Nalaglag ang dinadala niyang anak." Malungkot na tugon ng empress dowager.
"Po?!" Gulat niyang tugon.
"Ilang buwan na ang nakalipas, ngunit nagluluksa pa rin siya."
"E'nie, gusto niyo po bang bisitahin ko siya?" Tanong ng prinsesa.
"Maganda ideya 'yan." Tugon ng empress dowager at may kinuhang kahon. "Ibigay mo rin ito sa kaniya."
Kinuha ito ng prinsesa at tinignan ang laman.
"Polseras na jade?" Tugon niya.
[Chinese parents often give their daughters or sons jade bracelets to remind them of the parents' protection and love.]
"Ibigay mo sa kaniya 'yan upang maalala niya na narito lang ako para sa kaniya sa kabila ng pinagdadaanan niya."
"Sige po." Sagot ng prinsesa at ngumiti.
"Ngunit bago ka pumunta roon ay ubusin mo muna ang mga pagkain. Alam kong paborito mo ang mga 'yan."
"Opo. Kumain rin po kayo."
---
"Lady Zhen, narito po si Prinsesa Qinyang." Balita ni Xing-Su Gonggong.
"Qinyang?" Tanong ni Zhen Gui Ren at na-upo mula sa pagkakahiga.
"Siya po ang paboritong anak na babae ng empress dowager." Sagot ni Ying Nuzi.
"Sige." Simpleng sagot ni Zhen at itinabi sa ilalim ng unan ang damit para sa sanggol na hawak niya.
"Binabati kita, Zhen Gui Ren." Tugon niya rito.
Agad naman siyang binigyan ni Ying Nuzi ng mauupuan.
"Umupo ka."
"Salamat." Sagot ng prinsesa.
"Masaya akong makilala ka, mahal na prinsesa."
"Ako rin, Zhen Gui Ren. Lalo na at magagandang bagay ang naririnig ko tungkol sa'yo." Nakangiting sagot nito.
"Gaya ng?" Tanong ni Zhen.
"Ang balat mo ay kasing puti ng niebe at kasing kinis ng porselana. Natural rin na kakulay ng rosas ang labi mo. Bagay rin ang singkit mong mga mata sa'yong pusong mukha, at tama lang ang sukat ng iyong ilong. Isa kang magandang halimbawa ng kagandahan." Pagpuri sa kaniya ng prinsesa na nakapagpangiti sa kaniya. "Hindi lang 'yon. Balita ko rin ay napakabuti ng trato mo sa iyong mga tagapaglingkod. Kaya alam kong mabuti ka ring tao."
"Maraming salamat sa mga matatamis na salita, mahal na prinsesa." Sagot niya.
"Wala 'yong halong kahit na ano. Nagsasabi lamang ako ng totoo."
"Bakit ka nga pala naparito?" Tanong ni Zhen.
"Narito ako upang bisitahin ka at ibigay ang regalo ng empress dowager." Nakangiting sagot ng prinsesa at binigay kay Zhen Gui Ren ang regalo.
Binuksan niya ito at nagulat nang makita ang polseras na jade.
"Nais ng empress dowager na malaman mong narito lang siya palagi para sa'yo." Paliwanag ng prinsesa.
Lumapit naman siya kay Zhen Gui Ren at tinulungan siyang isuot ito.
"Bagay sa'yo."
"Maraming salamat sa kabutihan ng mahal na empress dowager."
"Lady Zhen, narito po si Baturu Da Ying." Muling balita ni Xing-Su Gonggong.
Nagkatinginan naman si Lady Zhen at ang prinsesa.
"Mauuna na ko." Nakangiting tugon nito at tumayo. "Bibisita na lang ako uli."
"Salamat."
Pagkalabas ng prinsesa ay pumasok naman si Baturu Da Ying.
"Pagbati, Zhen Gui Ren." Tugon nito at tumungo.
"Maupo ka." Sagot ni Zhen at pina-upo ang kapatid kung saan naka-upo ang prinsesa kanina.
Tumingin naman si Zhen sa mga tagapaglingkod niya dahilan upang iwan siya ng mga ito kasama ang si Baturu Da Ying.
"Ilang buwan na ang nakalipas, hanggang kailan ka magluluksa?" Tanong nito.
"Kung hindi lang ito ginawa ng empress ay hindi ko kakailanganing magluksa." May hinanakit sa boses niyang sagot.
"Ate Ramielle, alam kong iniisip niyong lahat na ang empress ang may gawa nito, ngunit alam kong hindi." Seryosong tugon nito sa kapatid.
"Sinasabi mo 'yan dahil kakampi mo siya."
"Sa ganitong bagay, hindi." Tugon nito at umiling. "Kahit hindi tayo magka-ano-ano sa mundong ito, hindi ko hahayaan na magdusa ka nang ganito. Nakita ko kung paano ka naghirap sa ating dalawa nang nawala ang mga magulang natin, at hindi ko kayang makita ka uling ganito."
"Kung hindi siya, sino?" Naluluhang tanong ni Zhen. "Sinong gagawa nito sa anak ko?"
"Hindi ko pa alam, at 'yon ang aalamin natin." Paniniguro ng kaniyang kapatid. "Ngunit hindi ko rin naman hahayaan na makatakas ang empress sa mga nagawa niya noon, lalo na kay Xiaodan Pin."
"Hindi ko hahayaan kung sino man ang gumawa nito." Tugon ni Zhen Gui Ren.
Lumapit sa kaniya ang kapatid at mahigpit siyang niyakap.
"Shhh..." Pagpapatahan niya rito. "Kahit na malaman natin kung sino, hayaan natin na ang emperor ang magparusa sa kaniya o sa kanila. Hindi natin kailangang gumawa ng masamang bagay dahil lang sa kanila."
"Kung nagawa nilang gumawa ng masamang bagay sa akin ay kaya ko rin sa kanila."
"Ano bang sinasabi mo?" Nababahalang tanong ni Roxanne.
"Ikaw nga, nagawa mong umanib sa empress. Ako? Wala ba kong magagawa?"
"Nagawa kong umanib sa empress dahil kailangan ko, ngunit hindi mo kailangang ilagay ang batas sa sarili mong kamay."
Muli siyang bumalik sa kinauupuan niya.
"Oo nga pala." Pagbabago ni Roxanne ng usapan. "May makakasama ka na rito sa palasyo mo, sana mas maging masaya ka sa pagdating niya."
"At siya ay si?" Tanong ni Ramielle.
"Si Jiao Chang Zai, isa siyang dating tagapaglingkod na ginawang babae ng emperor." Sagot ni Roxanne. "Sa tingin ko, narito siya para tulungan ka."
"Kahit na narito siya para tulungan ako, naaawa ako sa kaniya." Sagot ni Ramielle. "Simula ngayon madadamay na siya sa mga nangyayari."
"Masaya akong nakapag-usap uli tayo ng ganito." Tugon ni Roxanne. "Bilang magkapatid. Sana sa susunod masayang bagay na ang pag-usapan natin."
Hinawakan ni Roxanne ang mga kamay ni Ramielle.
"Ate, huwag mong kalimutan na ikaw pa rin si Ramielle kahit ikaw na si Zhen sa mundong ito. Huwag mong hayaan na maging kagaya ka ng iba "
"Dapat sinasabi mo rin 'yan sa sarili mo."
Ngumiti si Roxanne. "Hayaan mo kong dumiskarte, ate."
---
"Kamusta ang pagkain ni Lady Zhen?" Tanong ni Xue.
"Bumalik sa dati ang pagkaing binibigay nila." Sagot ni Fen.
"Siguro nabalitaan nilang bumisita ang prinsesa dito at gusto pa rin ng empress dowager si Lady Zhen, kaya binalik nila ang dating pagkain niya." Sabi naman ni Zhi na may dala ring pagkain.
"Mga sipsip talaga ang mga tagapaglingkod dito." Reklamo ni Xue. "Maganda ang ibibigay nila sayo kapag may pabor ka mula sa isang tao."
"Sige, Xue Jiejie. Ipapasok na namin ang mga pagkain ni Lady Zhen." Tugon ni Fen.
"Sige." Sagot ni Xue at ngumiti.
"Mukhang masaya ka." Tugon naman ni Ying Nuzi sa kaniya.
"Kasi maayos na uli ang pagtrato nila kay Lady Zhen." Sagot ni Xue. "Ngunit mas maganda sana kung pabor na ng emperor ang matatanggap ni Lady Zhen sa susunod."
"Mabuti na lang talaga at nariyan ang empress dowager at ang prinsesa." Sagot ni Ying Nuzi. "Tara na sa loob. Kakain na si Lady Zhen."
---
ZHEN GUI REN
"Pagbati po, Zhen Gui Ren" Tugon ni Jiao Chang Zai at tumungo sa akin.
Pinagmasdan ko siya.
Simple lang ang ayos niya pero maganda siyang tignan, sapat na para mainggit si Ai Huang Gui Fei. Kahit naman simple lang siya, alam ko naman na kinuha siya ng emperor hindi dahil sa maganda siya, kinuha siya dahil nag-iisip siya.
Ngumiti ako sa kaniya. "Tumayo ka."
"Salamat po." Tugon niya at tumayo.
"Bilib rin naman ako sa'yo." Komento ko. "Nauna mo pa kong batiin bago ang Huang Gui Fei."
"Natural lang naman po na batiin ko ang kasama ko sa palasyo." Sagot niya sa akin.
"Hintayin mo kong mag-ayos." Tugon ko sa kaniya.
"Sasama po kayo?" Hindi niya makapaniwalang tugon.
"May problema ba?" Tanong ko.
"Wala po." Masaya niya sagot. "Maaari ko po ba kayong tulungang mag-ayos?"
Tumingin naman ako kay Ying Nuzi upang siya ang magpaliwanag.
"Maraming salamat po ngunit hindi niyo po kailangang gawin 'yan, Jiao Chang Zai. Hindi na po kayo isang tagapaglingkod, babae na kayo ng emperor."
"Sige po. Maghihintay na lang po ako sa bulwagan." Sagot niya at lumabas sa kwarto ko.
"Lady Zhen, sigurado po ba kayong babalik na kayo?" Tanong ni Xue.
"Hindi pa ko naging ganito kasigurado sa buhay ko. Ayusan niyo ko."
"Opo." Sabay nilang sagot at sandaling tumungo bago ako inayusan.
Sinuotan nila ako ng isang asul na phoenix coronet at pares ng hikaw na may pinakamatataas na kalidad ng perlas. Suot ko rin ang polseras na binigay sa akin ng empress dowager.
Pinares ko naman rito ang kulay ginto kong damit na may palamuti ng mga kulay pulang chrysanthemum, kapares ang isang simpleng kulay asul na sapatos.
"Ang ganda niyo pa rin, Lady Zhen." Puri sa akin ni Xue.
Ni hindi man lang bumakas sa mukha ko ang hirap na pinagdaanan ko.
"Tara na." Tugon ko at inalalayan ako ni Xue na tumayo.
Lumabas naman kami at sinalubong ko ang tingin ni Jiao Chang Zai. Tumango ako sa kaniya upang sabihin na sumunod siya sa akin.
Tulad ng dati ay sumakay ako sa sedan chair at nagtugo sa palasyo ni Ai Huang Gui Fei habang nakasunod sa akin si Jiao Chang Zai at ang mga tagapaglingkod namin.
Kada mga tagapaglingkod na madadaanan ko ay hindi maiwasang magbulungan kapag nakikita ako, ngunit pinanatili kong diretso ang tingin ko.
"Narito na po tayo." Tugon ni Xue at dahan-dahang binaba ang sedan chair.
Pinauna kong pumasok si Jiao Chang Zai at hinintay na matapos niyang batiin ang Huang Gui Fei, bago pumasok.
Halatang nagulat sila lahat, lalo na si Ai Huang Gui Fei nang muli akong magpakita.
"Binabati ko ang Ai Huang Gui Fei." Tugon ko at tumungo.
Hindi ko na hinintay pang patayuin niya ko at agad na kong na-upo sa pinakaunahan ng mga concubine.
"Pagbati, Zhen Gui Ren." Tugon ni Baturu Da Ying at tumungo.
Tila nag-aalinlangan naman ang iba kung gagayahin siya, ngunit wala rin silang ibang nagawa kundi ang batiin ako.
"PAGBATI, ZHEN GUI REN." Sabay-sabay nilang tugon at tumungo.
"Tumayo kayo." Nakangiti kong sagot sa kanila.
Tumingin naman ako kay Ai Huang Gui Fei na halatang gulat pa rin hanggang ngayon sa pagdating ko.
"Mukhang hindi niyo inaasahan ang pagdating ko?"
"Ano bang sinasabi mo?" Natatawa niyang tugon. "Syempre naman, inaasahan ka namin."
"Mabuti naman kung gan'on." Sagot ko. "Akala ko kasi ay masyado na kayong panatag dahil wala ako rito."
"Matagal ka ring nawala, Zhen Gui Ren. Kaya ba hindi mo na alam ang mga tamang paraan kung paano igalang ang nakatataas sa'yo?" Tugon ni Batkhaan Chang Zai.
Chang Zai na siya pero aakto akong kunwari ay hindi ko pa alam.
"At wala rin akong naaalala na maaaring sumagot ang isang Da Ying." Tugon ko.
Tila mas lalong bumigat ang hangin sa paligid dahil sa sinabi ko at halatang naiinis na rin sa akin si Batkhaan Chang Zai.
"Bakit? May nasabi ba akong mali?" Tanong ko sa kanila.
"Ah, Jiejie..." Tugon sa akin ni Wei Meimei. "Isang Chang Zai na siya ngayon."
"Chang Zai?" Nakangisi kong tugon. "Mas mababa pa rin siya sa akin ng isang antas. Bakit nagagawa niyang sagutin ako?"
"Ikaw!" Tugon niya at dinuro ako. "Ang yabang mo! Wala na sa'yo ang pabor ng emperor kaya wala ka nang ipagmamalaki!"
"Ikaw ba?" Tanong ko sa kaniya. "Kahit minsan ba napaboran ka ng emperor? Baka nga itinaas niya lang ang antas mo dahil naaawa siya sa'yo."
"Zhen Gui Ren." Tugon naman ni Qiu Fei. "Sabihin na natin na hindi ka maaaring sagutin ni Batkhaan Chang Zai, ngunit paano mo ipapaliwanag ang pagbastos mo kay Ai Huang Gui Fei?"
"Pagbastos?" Tugon ko at tumingin kay Ai Huang Gui Fei. "Kung minamasama niya ang mga kilos ko, maaari niya kong parusahan."
"Huang Gui Fei, bagay sa kaniyang tusukin ang dila niya nang paulit-ulit upang hindi na siya makapagsalita pa ng kung ano."
Tumayo naman ako na naging dahilan ng pagbaling ng atensyon nila sa akin.
"Ang isang Huang Gui Fei, makikinig sa sinasabi ng isang Chang Zai?" Natatawa kong tugon. "Kung sa ating dalawa, mas bagay sa'yo ang parusang 'yan. Napakaingay mo at napakarami mong sinasabi."
"Tama na." Tugon ni Ai Huang Gui Fei. "Pinasasakit niyo ang ulo ko. Umalis na kayo."
"Sige." Sagot ko at sandaling tumungo bago umalis sa palasyo niya.
"Jiejie." Pagtawag sa akin ni Wei Meimei. "Kinabahan ako para sa'yo."
"Wala namang nangyari. Kaya huwag kang kabahan." Sagot ko.
Napatingin naman kami kay Batkhaan Chang Zai na tumigil sa harap namin.
"Bumalik ka lang, mayabang ka na." Nangangalaiti niyang tugon.
"Mayabang? Kailan ba ko nagmataas?" Nakangiti kong tugon. "O baka naman talagang nabababaan ka sa sarili mo?"
"Walang hiya ka!"
Akmang sasampalin na niya ko nang pigilan siya ni Xue at ng tagapaglingkod ni Wei Meimei.
"Anong ginagawa mo?! Tinatangka mo bang saktan ang isang Gui Ren?!" Galit na tugon sa kaniya ni Wei Meimei.
"Gui Ren?! Ano ngayon kung mas mataas siya ng isang antas?! Hindi na siya gusto ng emperor, kaya wala na rin siyang kwenta!"
"Hawakan niyo siya." Utos ko sa mga tagapaglingkod.
"A-Anong gagawin mo?!"
"Natatakot ka ba?" Nakangisi kong tugon sa kaniya.
"Bitawan niya ko! Bitaw!" Pagpupumiglas niya.
"Kahit lasunin kita dito at maraming nakakakita, walang gagawin ang emperor. Alam niyang nagluluksa pa rin ako sa anak ko at wala siyang pakialam sa'yo kahit mamatay ka pa."
"Anong gagawin natin sa kaniya, Lady Zhen?" Tanong sa akin ni Xue.
Sandali akong tumingin sa langit at binalik rin ang tingin sa kaniya.
"Masyado pang maaga ngayon." Tugon ko. "Lumuhod ka dito hanggang sa tumirik na ang araw."
"B-Baliw ka ba?! Bakit ko naman gagawin 'yon?!"
"Kasi 'yon ang utos ko." Kalmado kong sagot sa kaniya. "At huwag mong isipin na makakatakas ka. Papanuorin kitang lumuhod hanggang sa matapos ka."Hindi naman talaga ako galit sa mga pinagsasabi niya sa akin, ginaganti ko lang ang ginawa niya kay Baturu Da Ying. Pasalamat nga siya, ganiyan lang e.
Binigyan naman nila ako ng upuan at sumilong sa gilid habang pinapaypayan ako ni Xue, at pinapanuod naman siya ng ibang concubine.
Ilang oras rin ang nagdaan bago tuluyang tumirik ang araw. Tumingin ako kay Batkhaan Chang Zai at mukhang hinang-hina at namumula na siya.
Dahil maagang nag-umpisa ang taglamig dito, maaga rin ang spring. Kaya naman medyo mainit na rin ngayon. Hindi ako nagtataka bakit siya namumula at hinihingal.
"Makakaalis ka na." Tugon ko sa kaniya.
"M-Maraming salamat, Zhen Gui Ren." Tugon niya at dahan-dahang tumayo habang inaalalayan siya ng katulong niya.
"Lady Batkhaan!" Sigaw ng tagapaglingkod niya nang bigla itong mawalan ng malay.
"Jiejie, anong gagawin natin?" Tanong sa akin ni Wei Meimei.
"Dalhin niyo na siya sa palasyo niya at patignan sa doktor." Utos ko.
"Opo." Sagot naman ng mga tagapaglingkod.
"Zhen Gui Ren." Tugon sa akin ni Jiao Chang Zai at tumungo.
"Bakit?"
"Mainit na rin po ngayon." Tugon niya. "Sasamahan ko na po kayo sa pagbalik sa palasyo."
Akala ko kokontrahin niya 'yong ginawa ko.
"Tama ka." Tugon ko at tumayo. "Bumalik ka na rin sa palasyo mo, Meimei." Sabi ko kay Wei Meimei.
"Jiejie, sandali." Tugon niya at may binigay sa akin. "Ginawa ko 'yan para sa'yo."
"Phoenix na ronghua." Nakangiti kong tugon.
"Sana suotin mo, Jiejie."
"Gusto mo ngayon pa e." Sagot ko.
Tinulungan naman ako ni Xue na ilagay sa gilid ng korona ko ang ronghua na ginawa para sa akin ni Wei Meimei.
"Mauuna na kami, Meimei." Paalam ko at sumunod na sa akin si Jiao Chang Zai.
---
AI HUANG GUI FEI
"Ang kapal talaga ng mukha niya para parusahan ang taong alam niyang kapanalig ko, at dito pa talaga sa tapat ng aking palasyo!"
"Niangniang, huminahon po kayo." Pagpapakalma sa akin ni Duan Mei.
"Kumalma?!" Sigaw ko. "Nakita mo naman siya diba?! Bumalik na siya at mas matindi siya ngayon!"
"Niangniang, wala na sa kaniya ang pabor ng emperor. Ang empress dowager na lang ang umaalalay sa kaniya."
Lumapit naman siya sa akin.
"Paano po kaya kung kunin niyo ang loob ng empress dowager para mawalan na ng kapit si Zhen Gui Ren?"
"Tama ka." Sagot ko. "Pero bago 'yon, kailangan natin siyang paalalahanan kung sino ang tumatayong puno ngayon."
"Ano pong plano nyo?"
"Gagamitin natin laban sa kaniya ang ginawa niya." Nakangisi kong tugon. "Tignan lang natin kung kampihan pa siya ng emperor pagkatapos nito."
"Ako na po ang bahala, Niangniang."
BINABASA MO ANG
I Become A Concubine
Historical FictionRevenge. Rivalries. Schemes. What will it takes for you to survive and be the one sitting on the throne? ____ -READ AT YOUR OWN RISK- *This is the RAW VERSION of the story. It's never been altered and it contains a lot of errors. *This is only a pr...