Chapter 2

3.6K 101 8
                                    

        IRINE received an email that next morning from that company. A wide smile was drawn at her face. Nagmamadali tuloy siyang napabangon sa kanyang pagkakahiga't excited na sabihin sa kanyang ina ang tungkol sa magandang balita.

Nagkakape ang kaniyang ina sa maliit nilang lamesa nang madatnan niya ito.

"Good morning, 'Ma!"

"Iba yata ang ngiti mo ngayon, anak. Anong meron?" Irine smirked and raised her brows while looking at her.

"Natanggap ako sa trabaho, 'Ma!" masiglang sambit ni Irine sa kanyang ina na siyang dahilan nang pagngiti rin nito nang malapad.

"Talaga ba? Congrats, anak!"

"'Ma, makabibili na tayo ng gamot mo."

"Shhh!" Agad na suway sa kaniya ng kaniyang ina. "Baka marinig ka ni Oliver."

Doon naalala ni Irine na hindi pa nga pala alam ng kapatid niya na may sakit ang kanilang ina. 'Yun ang tunay na dahilan kung bakit palaging nagkukulang ang budget at allowance niya. Siya kasi talaga ang sumasalo sa gastusin ng gamot ng kaniyang may sakit na ina.

"Kailan mo ba balak sabihin sa kanya, 'Ma?" Nag-aalalang tanong niya.

"Hindi natin sasabihin."

"But he needs to know the truth."

"Alam ko, anak, pero huwag muna ngayon." Halata na ang pagiging desidido ng kaniyang ina sa desisyon nito kaya wala nang nagawa pa si Irine kung hindi ang tumango bilang pagsang-ayon, kasabay rin nang mahigpit na pagyakap niya rito.

Pagkatapos nang saglit na pag-uusap nila, naghanda na rin si Irine para sa pagpasok niya sa kompanya. The company had emailed her that she had to be in the building at exactly 8 o'clock. Dahil doon, kaya minabuti ni Irine na pumasok ng mas maaga upang maiwasan na mahuli pa siya. Kailangan niyang magbigay ng magandang first impression sa kanyang magiging boss upang matanggap siya agad.

DAINE can't help but release a playful smirk while holding Irine's resume in his office.

"Siya nga 'yung babaeng nakita ko kahapon, hindi pala ako nagkakamali," sambit niya sa sarili habang nakatingin sa papel na may litrato ni Irine.

Yesterday, Daine was walking into his office when he spotted a familiar face from afar. Dahil doon kaya awtomatiko siyang napatigil sa kaniyang paglalakad. Jordan cast a glance at him because of his sudden pause. Nakita niya sa gilid ng kaniyang mata na itinuon din ng kaniyang kasama ang tingin nito kung saan siya nakatingin; ngunit, bigo itong mahulaan kung sino ang kaniyang pinagmamasdan.

"Is there something wrong, sir?" tanong ni Jordan sa kanya.

"No, let's go," sagot ni Daine at napatuloy na sa paglalakad. Pilit na inalis ni Daine sa kaniyang sistema ang nakita sa pag-aakala na namamalik-mata lang siya.

Pero ngayon na hawak-hawak niya ang resume ni Irine, kumpirmado nga na ang dating asawa niya ang nakita niya.

A series of knocks on the door caught Daine's attention, and he raised his head. It's Jordan.

"Sir, nandito na pala si Ms. Irine," Jordan announced.

He smiled, "Papasukin siya."

Unti-unting nakita ni Daine ang imahe ng babaeng matagal na niyang hinahanap habang dahan-dahan itong pumapasok sa loob ng opisina niya. She was with Jordan. She's really here.

"Good morning, si—" Awtomatikong natigilan si Irine nang magsalubong ang kanilang mga mata. He noticed that her lips trembled while glaring at him.

"What are you doing?" Agad na tanong ng empleyado niya na si Jordan nang mapansin siguro nito ang paghinto ni Irine sa pagbati sana sa kaniya. Doon pa lang agad na bumalik sa katinuan ang dalaga.

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon