Chapter 5

15.4K 378 25
                                    

IRINE looked around as she felt awkward. Nasa loob na sila ng resto na napili mismo ni Daine; malapit lang 'yun sa lugar na pinag-meeting-an nila kay Mr. Antonio. Sino ba naman kasi ang hindi maa-awkward kung silang dalawa lamang ang nasa table na 'yun. It seemed like they're dating which made her feel uncomfortable.

Mukhang napansin yata ni Daine ang pagtingin-tingin niya sa paligid kaya bigla itong nagtanong sa kaniya, "What is it? May problema ba?"

She shook her head. "W-wala naman."

"You keep looking around, why?"

"It's nothing."

Buti na lang at saktong dumating na ang inorder nila na pagkain kaya doon na agad nag-focus si Irine. Agad na sumubo siya sa pagkain na unang nakita niya upang hindi na makapagtanong pa sa kaniya si Daine.

"Ah!" Agad niyang pinay-payan ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang kamay dahil sa init ng pagkain.

She noticed that Daine chuckled while watching her and asked her teasingly, "Gutom ka na talaga, 'no?"

Irine just bared her teeth while looking at him. Napahiya na naman siya. Hays!

"Mainit pa iyan, kaya dahan-dahan lang," dagdag na saad pa ni Daine at saka nagsimula na ring kumain. Napalunok si Irine sa sinabi ng binata. He seemed too worried about her, the reason for her to clear her throat.

He looked at her again. Siguro ay napansin nito na huminto siya sa kaniyang pagkain. "Eat!" he command.

Tumango lamang si Irine at agad na ring nagsimulang kumain. After their lunch, he noticed Daine cast a glance at his wristwatch.

Pa-simple na rin niyang binatuhan ang kaniyang relo, doon niya nakita na halos mag-a-alas dos pa lang ng hapon, marami pang oras ang natitira bago nila ma-meet si Mr. Montilla.

"Irine."

Awtomatikong napa-angat ang kaniyang paningin kay Daine nang tawagin nito ang pangalan niya. "Y-yes, sir?"

"We have a lot of time left, I was wondering if—"

"Sir, nandito lang po pala kayo." Sabay silang napatingin sa may entrance ng resto kung saan doon nila nakita si Jordan na nakangiti habang nakatingin sa kanila.

Bago pa man makalapit sa kanila si Jordan ay ibinaling na muli ni Irine ang tingin kay Daine na ngayon ay ang sama na nang tingin kay Jordan; tila ba ay hindi na maipinta ang mukha nito.

Hindi na lang 'yun pinansin ni Irine at saka nagtanong, "Ano nga po 'yung sinasabi niyo, sir?"

"Nevermind."

Nabigla na lang si Irine sa mabilis na pagtayo ni Daine sa inuupuan nito. Naglakad na ito palabas ng resto kung saan ay nakita niya pa na dinaanan lang nito si Jordan at hindi man lang pinansin. Wala nang nagawa pa si Irine kung hindi ang sumunod sa kaniyang boss.

"Nag-away kayo ni Sir Daine?" tanong sa kaniya ni Jordan nang makalapit na rin siya rito. "Mukhang galit eh."

"Hindi 'no. Ang okay-okay pa nga namin kanina eh. Tara na nga, baka mas lalo pang magalit 'yon."

At sabay na nga silang lumabas ng resto kung saan ay nakita pa nila si Daine na papasok pa lang ng sasakyan. Muli silang nagkatinginan ni Jordan nang marinig nila ang malakas na pagkakasarado ng pinto ni Daine; tila ba ay nagdabog ito.

"Sir? Is there any problem?" Narinig ni Irine na nagtanong si Jordan kay Daine nang makapasok na rin sila ng sasakayan. Nagtataka rin niyang binatuhan nang pa-simpleng tingin si Daine. She wanted to know why he is mad right now. Dumagdag din sa gusto niyang malaman ay kung ano ba ang sasabihin nito sa kaniya kanina.

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon