Chapter 10

10K 261 43
                                    

DAINE stretched his arms when he decided to get up from his bed. The sun is bright, and the sunlight is warm and not harsh. The birds keep chirping, and the breeze is cool. The level of noise pollution in the mornings is less than at other times of the day.

When he got up, a towel from his head fell to the floor. Noong una ay natigilan siya nang makita 'yun ngunit hindi nagtagal ay unti-unting bumalik sa kanyang isipan ang pagdating ni Irine kagabi para alagaan siya, hindi niya tuloy maiwasan na mapangiti ng lihim. Lalabas na sana siya ng kaniyang silid nang mahagilap ng kanyang mata ang isang note na nakapatong sa may side table.

Kunot-noo siyang napalakad patungo roon at inabot ang papel.

"Make sure to take this," pagbabasa niya sa note. He had a bright smile after reading the note. Tila ba ay isa ang umagang 'yun sa pinakamagandang gising niya. Dala-dala ni Daine ang gamot at tubig nang tumungo siya sa kusina a. Ininit lang niya 'yung mga tirang pagkain kagabi at 'yun ang inalmusal niya.

Daine was supposed to eat when suddenly the door opened. He raised his head and immediately saw Jordan panting for air.

"Sir, are you okay? Pasensiya na at hindi ko nabasa agad ang mga message niyo kagabi," Jordan apologized.

Daine was gritting his teeth while looking at him. "Muntik na akong ma-ospital kagabi. How could you—"

"I'm really sorry, sir. Hindi na po mauulit."

Daine sighed heavily, "Forget it."

Para kay Daine, masyadong maganda ang umaga niya para sayangin 'yun sa panenermon niya kay Jordan; palalagpasin na lang niya ang nangyari dahil nga nasa mood siya ngayon.

Pinagpatuloy na lang niya ang kaniyang pag-aalmusal dahil kailangan na nilang pumasok sa kumpanya.

Nasa loob na siya ng kaniyang sasakyan para umalis na sila ni Jordan nang unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang labi ng isang bagay na naman ang bumalik sa kaniyang isipan. Unti-unting nasira noon ang kaniyang magandang mood.

IRINE was now on her desk arranging all the documents. Nang i-angat niya ang kaniyang paningin, agad na bumungad sa kanya ang mukha ni Brenda na tila ba ay sinadyang huminto nito sa may harapan niya. Brenda was grinning evilly while looking at her.

"It's not nice to see you again, but I hope you're having a good day to see me," nakangiting sambit nito sa kaniya. Napahinto si Irine sa kanyang ginagawa at tumayo muna upang harapin ang babae.

"Sorry to disappoint you, Brenda. Pero habang nakikita ko ang pagmumukha mo, umiinit at kumukulo ang dugo ko. It is also not nice to see you."

Brenda scoffed with a chuckle, "Talaga? I'm not disappointed though. Dahil ako rin naman, gano'n din ang nararamdaman ko sa t'wing nakikita kita."

"Then the feeling is mutual."

Napansin ni Irine na magsasalita pa sana si Brenda ngunit hindi na 'yun natyloy nang biglang dumating na si Daine.

"Good morning. How's your sleep?" malanding tono na tanong ni Brenda at akmang hahawakan sana nito ang mukha ni Daine nang agad na umiwas ang binata.

"I'm fine," tipid na sagot ni Daine at nagpatuloy na ito sa paglalakad papasok sa opisina nito. Doon na nga pahilim na natawa siya habang nakatingin kay Brenda. Hindi niya alam kung ba't siya natuwa sa ginawa ni Daine pero halatang napahiya ang babae dahil doon.

Pinandilatan pa siya ni Brenda habang nagngangalit ang mga ngipin nito at saka nagsalita, "Sige lang, tumawa ka lang, Irine. Malapit ka na rin namang mawala sa kumpanyang 'to. I'll make sure na hindi ka na makakabalik pa sa buhay ni Daine kahit na anong mangyari. He's mine now, and he'll never be yours again," ani Brenda sa kanya at saka ito mabilis na tumalikod at naglakad papalayo.

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon