Chapter 29

5.4K 126 25
                                    

Irine was left at the hospital. Ayaw niya sanang maiwan doon nang mag-isa kasama ang ina ni Daine ngunit kinailangan na kasing umalis muna ng kaniyang asawa para pumunta ito sa opisina nito. Wala naman siyang magawa kung hindi ang magpahabilin doon dahil wala namang makakasama si Margarett. She looked at the old lady, who was now sleeping peacefully in her hospital bed. Nang mapansin ni Irine na hindi maayos ang pagkakalagay ng kumot nito ay nagpasya na ayusin 'yun nang dahan-dahan. Ngunit, habang abala siya sa kaniyang ginagawa, hindi niya namalayan ang pagmulat ng mga mata ng matanda na agad na nag-react nang makita siya.

"Anong ginagawa mo sa'kin!? Are you trying to kill me?" galit na sambit nito sa kaniya na medyo ikinagulat niya.

Umiling-iling si Irine, "Hindi po, 'ma. Inaayos ko lang po ang kumot niyo."

"Ma?" she scoffed. "Nagpapatawa ka ba? Huwag mo nga akong matawag-tawag na mama; hindi kita anak at hindi mo ako ina!"

"Okay po, ma'am," suko na lang ni Irine dahil ayaw na niyang makipagtalo pa rito.

Pagkatapos ng kaniyang ginagawa ay agad na kinuha naman niya ang pagkain sa bedside table nito at inabot 'yun sa matanda.

Hindi 'yun agad na inabot ni Margarett sa kaniyang kamay. She even arched her brows while looking at her. "What is this?"
"Pagkain po."
"I know; don't be sarcastic. Sigurado ka bang walang lason 'to?" Maarte na tanong nito na tila ba ay iniisip na laging may gagawin siyang masama rito.

Napa-iling-iling na lang si Irine sa likod ng isipan niya bago siya nagsalita, "Ma'am, wala pong lason 'to. Dala po it ng anak niyo."

Doon pa lang tinanggap ni Margarett ang pagkain sa kamay niya. Nakakunot pa nga ang noo nito habang hinihigop ang soup na niluto niya. Sinabi niya lang na si Daine ang nagluto no'n kahit ang totoo ay siya naman talaga. Sigurado naman kasi siya na hindi kakainin ng matanda 'yun kapag nalaman nito na siya ang nagluto; hindi naman niya gustong magutom ito kaya nagsinungaling na lang siya.

Nakita ni Irine na kahit papaano ay maganang kumain ang matanda.

"Masarap po ba, ma'am?" tanong niya.

"Oo naman, anak ko ang nagluto nito kaya walang duda na masarap talaga." Tumango na lang si Irine habang lihim na napapangiti.

Nang malapit nang gumabi ay doon na nagpaalam si Irine sa matanda, kung saan ay hindi man lang siya nito nilingon hanggang sa tuluyan na nga siyang nakaalis. Kinailangan niya na rin kasing umuwi para naman asikasuhin ang kaniyang mag-ama na siguradong naghihintay na rin sa pagbabalik niya. Nang sumapit ang umaga ay agad na rin siyang bumalik sa ospital dala-dala ang mga bagong luto niyang pagkain para sa almusal ni Margarett. Buti na lang at tulog pa ito nang dumating siya. Ngunit, hindi rin nagtagal ay nagising na rin ito nang saktong naghahain na siya ng pagkain.

"Si Daine ba ang nagluto ng mga 'yan?" nakataas pa ang kilay na tanong nito sa kaniya.

"Opo, ma'am," pagsisinungaling na lang niya ulit.

Pagkatapos ay ibinigay niya na nga ang pagkain nito at katulad kahapon ay halatang nag-enjoy naman ang matanda sa kanyang luto.

Ilang segundo ang lumipas ay bumukas ang pinto ng silid na 'yun kung saan ay pumasok doon si Daine. Sinabi kasi sa kaniya ni Daine na dadaan nga ito sa ospital pagkahatid nito sa anak nila sa eskwelahan.

"Good morning, 'ma. Kamusta ang pakiramdam niyo?"

"Maayos naman ako. Ang sarap ng mga luto mo, anak, 'yun yata ang nagpapagaling sa akin eh."

"Luto ko?"

"Oo. Ikaw ang nagluto nito, 'di ba?"

Babalaan pa sana ni Irine si Daine na akuin ang pagluluto ng mga pagkain ngunit huli na; hindi niya na ito nasenyasan pa na 'wag sabihin na siya ang nagluluto.

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon