Irine and Danica were at the mall. Napagkasunduan kasi nilang mag-ina na mamasyal sapagkat weekend naman. Gusto nga sanang sumama ni Daine sa kanila kaya lang pinilit lang ni Irine ito na pumasok sa opisina sapagkat alam niya na may mga mahahalaga pa itong gagawin dahil siya ang may hawak ng schedule ng asawa. Buti nga at sumunod ito sa kaniya.
"Mama, I want that shoes po," biglang saad ng anak niya sabay turo ang isang kulay pulang sapatos naka-display sa may estante. Irine looked at Danica with a smile and nodded in approval. Tinungo nila ang loob ng boutique.
"Excuse me, miss?" pagtawag niya sa unang sales lady an nakita niya.
"Yes, ma'am?""May size ba kayo nito na kasya sa paa niya?" she asked the saleswoman while pointing at her child. Hindi agad sumagot sa kaniya ang babae, bagkus ay tiningnan muna siya nito pati na rin ang pananamit niya. She was wearing an ordinary dress that day, so she was wondering if the saleswoman was disrespecting her at that moment.
Hindi nagtagal ay ibinalik na ng saleslady ang tingin sa kaniya kaya nagkasalubong na muli ang kanilang mga mata. She even smiled at her before speaking, "We have, ma'am. But these shoes are expensive; we can offer you something."
Ikina-kunot ng noo ni Irine ang kaniyang narinig. "What?"
"This is a brand of expensive shoes. We would like to know if you can afford to buy this before trying it on your daughter."Irine scoffed in disbelief. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng saleslady sa kanya. Magsasalita na sana siya ngunit ang kaniyang anak na ang biglang umimik, "We can afford it, miss." Napatingin tuloy siya kay Danica at nakita ang naniningkit na mata nito habang nakatingin sa saleslady.
The saleswoman chuckles, regaining her attention. "I know you don't, kid, so don't pretend like you can. Mahihirapan ang mama mo n'yan."
Hindi na lalong nagustuhan ni Irine ang mapang-asar na pananalita ng babae sa kaniyang anak. Napangisi na siya at nagsalita, "Excuse me, gan'to ba talaga ang trato niyo sa mga customers niyo?"
"Hindi sa lahat. Pero, may mga taong kagaya niyo na sa tingin ko ay hindi nababagay rito. Gaya nang sinabi ko, mahal ang mga sapatos dito na hindi namin pwede basta-basta ipasukat lang lalo na kung hindi naman mabibili."
Irine smirked even more and asked, "Where's your manager? I wanted to talk to your manager." Hindi namamalayan ni Irine na napapatingin na sa pwesto nila ang ibang mga customer sa loob ng boutique na nakarinig sa paghahanap niya sa manager.
"I'm sorry, ma'am, pero masyadong busy ang—" Agad na sumulpot ang isa pang saleslady sa tabi nila kaya hindi natuloy noong unang saleslady ang mga sasabihin pa.
"Let me interfere, ma'am. What's happening here?"
Hinarap ni Irine ang bagong dating at saka sumagot: "She treated customers like me as if I were trash. I came here to shop, but I've been treated like this. I don't deserve this, especially in front of my child."
"I'm sorry for that, ma'am. Let me assist you if it is okay with you." Mahinahon ang pananalita ng bagong dating na saleslady sa kaniya. Irine took a deep breath and smiled at her.
"Yes, please. A pair of these red shoes will do," she uttered, and the saleslady nodded her head and looked for Danica's size.
Ilang minuto silang naghintay bago tuluyang makabalik ang babae. She was carrying those pairs of red shoes with a smile on her lips.
"Here are the shoes, ma'am." You can try it on your baby." Nakangiting nagpasalamat naman si Irine dito at agad niyang tinulungan ang anak na isukat ang sapatos. Habang ginagawa niya 'yun ay hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pagtingin pa rin sa kaniya noong naunang saleslady, nakangisi pa rin ito sa kaniya na para bang iniisip na hindi talaga nila bibilhin ang sapatos na 'yun.
BINABASA MO ANG
"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)
RomansaMust read! #4 in confession 02.25.2023 Bookcover by: MissTerious Luna Blurb: A couple separated due to infidelity and misunderstood. She left her husband without letting him know that she was carrying a baby in her tummy. They parted ways, and five...