Chapter 6

13.2K 342 34
                                    

IRINE didn't notice that she was preoccupied with where she was standing. She was in the pantry of that building while stirring her coffee. Kanina pa siya wala sa sarili simula nang makita niyang muli ang babaeng 'yun; ang babaeng sumira sa buhay niya. Parang muling bumalik ang kirot sa puso niya lalo na nang malaman niya na may ugnayan pa rin pala si Daine sa babaeng 'yun. Hindi pa sana siya mapapabalik sa reyalidad kung hindi niya narinig ang mga chismiss mula sa trabahante ng kumpanya sa kaniyang likuran.

"Oo, alam mo bang ikakasal na raw sila?"

Napahinto si Irine sa paghalo sa kanyang kape nang marinig ang mga kataga na 'yun. It seemed like her world stopped, especially since she knew who was there talking.

"So, you mean, Mr. Mendoza will going to marry that maarte na babae? Maganda nga siya pero maarte at matapobre naman." Rinig niyang sagot naman ng isa pang babae.

"Alam mo, ganyan talaga ang mga mayayaman. Gagawin nila ang lahat para lang mapanatili ang pagiging matagumpay ng kanilang negosyo."

"Kawawa naman si Mr. Mendoza. He doesn't deserve a woman like her."

Patuloy pa ring nakikinig si Irine sa kanilang usapan. Alam niyang mali ang kaniyang ginagawa, pero hindi niya alam kung bakit gustong-gusto niyang malaman ang bagay na iyon lalo na at may kinalaman 'yun kay Daine. Hindi rin naman siya nakikita ng mga ito dahil may division 'yung pantry; 'yung isa ay kung nasaan siya, at 'yung isa naman ay 'yung may lamesa kung nasaan 'yung mga nag-uusap.

"Alam niyo ba na dati na palang nagkaroon ng asawa si Mr. Mendoza?"

Nanlaki ang mga mata ni Irine sa kanyang narinig. Hindi naman siya slow para hindi niya malaman na siya ang babaeng tinutukoy nang usapan na 'yun. Hindi niya akalain na may ibang tao na nakakaalam noon samantalang hindi nila isina-publiko ang tungkol sa kasal nila ni Daine noon.

"Talaga?"

"Sino?"

"Hindi naman ibinalita iyan eh, siguro fake news 'yan."

Irine started to sip her coffee while still eavesdropping on that conversation.

"Labas kasi sa industriya ang naging asawa niya. Balita ko, mayaman din ang babaeng napakasalan niya. But later on, naghiwalay sila."

"Hoy! Saan mo naman nalaman 'yan? Baka gawa-gawa mo lang iyan," sapaw naman ng isang babaeng kararating lang sa pantry upang magkape rin.

"For your information, hindi ako nagkakalat ng mga pekeng impormasyon. I have a reliable source. 'Yun nga lang, hindi ko alam kung sino 'yung babae at kung ano ang pangalan niya. Siguro, nagpakalayo-layo na rin 'yon noong naghiwalay sila ni Mr. Mendoza."

"Ang swerte naman ng babaeng iyon. Napangasawa niya ang lalaking pinapangarap ng halos kababaihan."

"Swerte? 'Asa'n ang swerte ro'n?" hindi mapigilan ni Irine na sambitin 'yun sa kanyang sarili at agad na naglakad papalabas ng pantry.

Nadaanan niya 'yung kabilang division dahil nandoon 'yung pintuan palabas kaya naman lahat ng mga mata ng mga empleyado na nag-uusap kanina ay nanlaki ang mga mata nang makita siya. Hindi niya pinansin ang mga 'yun at nagtuloy-tuloy lang sa paglabas.

"Hoy, 'di ba siya 'yung secretary ni Mr. Mendoza? Baka magsumbong at ipagkalat niya 'yung mga narinig niya, pigilan niyo!" Narinig niya na saad ng isang boses ng babae. Magmamadali na sana siya sa kaniyang paglalakad ng biglang mapigilan na siya ng mga ito.

"Hep, hep! Teka lang, sa'n ka pupunta?" Itinataas ng babae ang kanyang kamay sa kanyang harapan.

"I'm going to my desk, working hours ngayon kaya may trabaho ako."

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon