Chapter 26

5.6K 149 43
                                    

The Driver was to stunned to moved. Hindi niya sinasadya na mabunggo ang babaeng bigla na lang sumulpot sa mismong kalsada. Nakaramdam siya ng takot nang makita niya na hindi gumagalaw ang babae mula sa pagkakahiga nito sa kalsada, ngunit kahit gano'n ay mabilis siyang lumabas ng kaniyang kotse at agad na lumapit doon.

"Miss, wake up! Hey!" Pilit niyang ginigising ito pero nanatiling nakapikit ang babae. Sinubukan niya rin na pakinggan ang dibdib nito upang malaman kung humihinga pa ba ang kaniyang nabunggo at awtomatikong nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang mahinang pintig ng puso nito.

Habang hawak-hawak niya ang ulo ng babaeng walang malay, naramdaman niya ang mainit na likidong tumulo sa kaniyang kamay. Tiningnan niya ang kaniyang palad at doon nakita na may dugo roon.

"Shit!" He moved so quickly that he carried her to his car and drove to the nearest hospital. Buti na lang at may stretcher na agad ang sumalubong sa kaniya.

"Anong nangyari sa kaniya?" tanong ng doktor na sumalubong rin sa stretcher.
"I-I hit her with my car. Her head is bleeding." Tila nagpa-panic na pagpapaliwanag niya kung saan ay wala siyang kaalam-alam na hindi naman talaga siya ang dahilan nang pagdudugo ng ulo ng babae dahil ang totoo ay may dumaplis dito na bala ng baril.

"We will undergo some test. Given her state and condition, I believe she suffered a traumatic head injury. After the test, we will immediately undergo surgery."
Agad na sinimula ang operation matapos ang nakuhang resulta ng doktor. Doon ay unti-unting nadi-diskubre ng doktor na ang sugat sa ulo ng pasiyente ay hindi dahil sa pagkakabunggo ng sasakyan dito kung hindi dahil sa daplis ng bala ng baril. Nagpalala lang sa sitwasyon ang malakas na pagkakabagok ng ulo nito sa lupa na naging dahilan kung bakit may posibilidad na na-apektuhan ang ilang region ng stem na pwedeng magkaroon ng apekto sa pasiyente. Ngunit, hindi niya pa masasabi kung ano ang mga mangyayari hangga't hindi pa nagigising ito. It was an almost six-hour operation. The surgery went well, and her pulse and heartbeat went back to normal.

"She's good. Successful ang operasyon..." pa-unang sambit ng doktor sa lalaking nagsugod sa pasiyente sa ospital na 'yun. Nakahinga naman nang maluwag ang lalaki sa narinig hanggang sa magpatuloy na muli ang doktor sa pagsasalita, "Sa ngayon kinakailangan pa rin na bantayan at i-monitor ang pasiyente. Hindi ko pa kasi masasabi sa ngayon ang mga mangyayaring kumplikasyon.

THE following day, a woman slowly opened her eyes. It seems that she fell into a deep and long sleep. Ramdam niya na nakamulat na ang kaniyang mga mata ngunit wala pa rin siyang makita. Nakaramdam siya ng labis na takot at pagkabahala. Sumasabay din sa takot niya ang sakit na nararamdaman ng buong katawan niya lalo na ang ulo niya. She was holding her head when she felt something wrapped up in there.

"Nurse, gising na siya. Pakitawag ang doktor, please." Narinig niya ang isang boses ng lalaki sa kaniyang gilid na nagparamdam sa kaniya nang pagkagulat. Wala siyang makita, nasaan ba siya? Sino ba siya? Pati mga alaala niya ay wala siyang maisip. "Miss, okay ka lang?"

Naramdaman niya na may humawak sa kamay niya na naging dahilan kung bakit mabilis niyang binawi ang kaniyang kamay.

"Huwag mo kong hawakan! 'W-wag kang lalapit. Sino ka? B-bakit wala akong makita."

"Ms. You need to calm down. Hindi ka pwedeng kumilos masyado dahil baka bumuka ang tahi mo sa ulo."

"T-tahi? Sa ulo? A-anong ibig mong sabihin? Ano bang nangyari sa akin? N-nasa hospital ba ako? Hindi ko nga alam kung sino ako." Naghintay nang kasagutan ang babae sa lalaking kausap niya ngunit hindi na ito umimik hangga't sunod-sunod na pagyabag ng mga paa ang kaniyang narinig.

"Miss, I'm the doctor who performed your surgery five days ago..." Nakaramdam na naman nang kaguluhan ang babae sa kaniyang isipan nang marinig niya na limang araw na ang nakakalipas nang ma-operahan siya. "Buong-akala ko ay matatagalan pa ang paggising mo dahil baka ma-fall ka into coma, but thanks be to God that you are awake now. And, as I previously stated, this is at the very least an after effect of your traumatic injury: ang pagkawala ng iyong alaala at paningin."

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon