DAINE opened his eyes and got up from his bed. He looked before letting out a deep sigh. Habang pababa siya ng hagdan ay awtomatiko siyang natigilan nang makita ang isang pamilyar na pigura ng isang babaeng nasa dulo ng hagdan habang nakatayo ito roon at nakatalikod mula sa kaniya. Tila ay pinagmamasdan ang buong bahay niya.
Saglit lang na nakatalikod sa kaniya ang babaeng 'yun hanggang sa unti-unti na itong humarap sa kaniya. His eyes widened, and his lips parted in surprise.
"Mukha yatang hindi ka masayang makita ako muli, Daine."
"Ma? A-anong ginagawa niyo rito?" At nagmadali siyang bumaba sa hagdan upang lapitan ang kaniyang ina. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala.
"Masama ba'ng bumisita sa bahay mo?"
"I-I didn't mean that... ang ibig kung sabihin—"
His mom cut his words while raising her hands in front of him, signaling him to stop talking. "Alam mo naman siguro kung bakit ako naririto, anak. Brenda told you already, right?"
Agad na napabuntong hininga't pinaikot na lamang ni Daine ang kanyang mga mata. "That stupid marriage again!" he raged.
"Stupid? Hindi mo ba alam na malaki ang naitulong ng ama ni Brenda sa kumpanya natin?"
"This issue again, Ma? Sino ba kasing nagsabi sa'yo na humingi ng tulong mula sa pamilya nila? I never told you that. Hindi kasi kayo naniwala sa akin na kaya ko; na kaya kong i-angat 'yun na walang tulong galing sa iba!"
"You can't blame me, Daine. You had been married to a mere woman like her! I would never tolerate that, and I'll make sure that won't happen again! Sobrang kamalasan ang dinala ng babaeng iyon sa pamilya na'tin! She had ruined everything that I planned for you!" Daine sighed in disbelief. Hindi niya maintindihan ang kanyang ina kung bakit palaging sinisisi nito kay Irine ang lahat ng nangyari sa kanilang pamilya noon. "Matutuloy ang kasalang ito, Daine. Sa ayaw at sa gusto mo, itutuloy ko 'to."
His mom started to walk from the door but spoke that made her stop.
"I don't want to do it," he utters in his cold voice.
She turned her back on him, "Weather you like it or not, Daine. Matutuloy ang kasal na 'to. Mark my words!" His mom said again as she continued to walk away from him.
Isang malalim na buntong-hininga ang nailabas ni Daine. He couldn't believe what was happening right now. Una, dumating si Brenda, and ngayon naman ang kanyang ina. He couldn't think kung sino pa ang babalik at makikita niyang muli.
Dumiretso na siya sa may kusina pa uminom ng malamig na tubig, kailangan niya 'yun upang kahit papaano naman ay mahismasan ang mainit na ulo niya.
Ngunit habang umiinom siya, bigla namang pumasok si Jordan doon na tila ba ay humahangos at nagmamadali.
"Sir, may dapat kayong malaman." Tumaas ang dalawang kilay ni Daine.
"What is it?"
"It's about Mr. Velasco, sir."
NAGMAMADALING naglakad si Daine patungo sa opisina ni Martin Velasco, ang isa sa may-ari ng Black Pearl perfume company. Pinipigilan pa siya ng secretary nito na makapasok ngunit sa huli ay hindi pa rin siya nagpapigil. Malakas na pagkakabukas sa nakasaradong pintuan ng opisina ni Martin ang iginawad niya kasabay nang pabagsak na pagpatong ng kanyang mga kamay sa mesa nito.
Martin grinned while looking at him. "Mr. Mendoza? What a surprise! Hindi ko alam na pupunta ka. It would be best if you had told me beforehand para nakapaghanda ako sa pagdating mo," tila ba ay nang-aasar na sambit nito.
BINABASA MO ANG
"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)
RomanceMust read! #4 in confession 02.25.2023 Bookcover by: MissTerious Luna Blurb: A couple separated due to infidelity and misunderstood. She left her husband without letting him know that she was carrying a baby in her tummy. They parted ways, and five...