Epilogue

12.7K 168 59
                                    

It was the end of the month when Daine and Irine were scheduled to tie a knot again. They are having a beach wedding. Lahat ng mga taong imbitado ay mga taong naging parte ng kanilang buhay. Na-resolve na rin ang conflict nina Lance and Brenda at masayang-masaya si Irine para sa kanilang dalawa.

Irine also heard that Lance proposed to her friend, Brenda. She was so happy for her two friends that they were now, finally, happily engaged.

"I'm so happy for you, Brenda," nakangiting sambit ni Irine habang hinihimas ang kanyang tiyan.

"Thank you, Irine. Masaya rin ako para sa'yo. After all what happened, hindi ko aakalaing magiging kaibigan kita.I never thought that there was a chance for me to change, but you made me change and become a better woman and mother to Chelsea. Thank you for making me realize that I can still be a better version of myself." Naiiyak silang dalawa ng mga sandaling 'yun.

"Ano ba'yan, ba't ba ako nagpapaiyak. Masisira ang make-up mo n'yan. Tama na nga," pagpapaalala ni Brenda kay Irine dahil nasa loob na sila ng dressing room.

Patuloy pa rin ina-ayusan si Irine ng kanyang make-up artist at sylist samantalang nakatingin si Brenda sa kanya.

Malapit nang matapos na ayusan si Irine kaya mas lalong bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Gano'n naman talaga, 'di ba? Lahat ng mga bride na ikakasal ay kinakabahan at natural lang 'yun; lahat naman siguro gano'n, hindi ba?

Brenda noticed that Irine was sweating—there's a bullet of sweat on her forehead, even though the room was air-conditioned.

Agad siyang lumapit sa kaibigan, "Are you okay?"

"Kinakabahan lang ako," sagot ni Irine na may kasama pang pangingilig sa boses.

"Don't be. Alam kung magiging okay ang lahat. Huwag kang masyadong mag-isip ng mga kung ano-ano. This is your day, so we will make some special memories. Put those negative vibes away. Ano ka ba!" sermon at paalala ni Brenda sa kanya.

Huminga nang malalim si Irine at agad na iniwasang isipin ang ibang bagay. This is her day! Ayaw niyang ma stress at maging negative sa mismong araw ng kasal niya.

After fixing everything, Irine was ready. Hindi lang siya ang nakahanda na kung hindi pati lahat ng mga bisita; si Margarett, at lalo na si Daine, na ngayon ay naghihintay na sa kanyang pagdating. She was with Brenda and her dad.

"Ready?" Her eyes were drilled on Brenda; she smiled and nodded her head at her.

Hinawakan ni Brenda ang kanyang kamay habang may ngiti sa kanyang labi, "I'm so happy for you. Isipin mo... sa lahat ng mga nangyari, we're here, at ikakasal ka na sa taong mahal mo."

Kinuha ng kaniyang ama ang kaniyang kamay, ngunit bago pa sila makalakad ay agad na napayakap si Irine sa kanyang papa.

"Thank you, pa."

"For what?"

"For walking me down to the aisle."

Nakangiti lamang ang kanyang ama habang nakatingin sa kanya. He cupped his hands at her face.

"Don't cry, masisira ang make-up mo," mapagbirong anito sa kanya kaya napatawa silang dalawa.

"Shall we?" She nods her head and they started to walked.

Habang naglalakad si Irine kasama ng kanyang ama ay naisip niya na ang happy ending ay hindi lang basta fairytale na gawa-gawa ng mga tao, kung hindi ito ay isang desisyon. Mas pinili niyang magpatawad at maging masaya; gusto niyang bitawan at kalimutan ang lahat ng mga masasakit na nakaraan nila ni Daine upang magawa nilang makapagsimula muli. At 'yun nga ang ginawa niya.

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon