Chapter 30

5.5K 131 22
                                    

Irine started to pack Margarett's things because it was her last day at the hospital. Sa wakas ay madi-discharge na ito makalipas ang halos ilang linggo nitong pananatili roon matapos nitong ma-opera.

"You can now go, Irine."

Agad na napatingin siya sa matanda nang magsalita ito. "Po?" Nagtataka na tanong niya.
"Go and talk to your dad," wika nito sa kaniya na ikinangiti niya. Buo na rin kasi ang pasya niya na kausapin na nga ang kaniyang ama matapos niyang maliwanagan sa kanilang pag-uusap ni Margarett.

"I will, ma, thank you po."

Ngayon na okay na rin ang relasyon nilang dalawa ng kaniyang mother-in-law; alam niya ang pag-aayos na lang nila ng kaniyang ama ang kulang upang makumpleto na ang lahat. Tanging pag ngiti lang ang itinugon sa kaniya ng matanda at tuluyan na nga siyang lumabas ng silid nito para hanapin ang kaniyang dad. She looked all over the place to find him, but she failed. She has no idea where her father is now. Nagtanong na rin siya sa mga nurse na nadadaanan niya ngunit hindi nila masabi ang eksaktong lugar kung nasaan ang doktor na hinahanap niya. She sighed in disbelief. She didn't want to feel the same way as Margarett felt towards her own father. Ayaw niyang mahuli na nga ang lahat bago pa niya mahanap ang kapatawaran sa puso niya.

Irine is willing to do everything to fix their misunderstanding. Gusto niya nang makita ang ama para masabi niya rito ang nilalaman ng puso niya.

"How could I miss that opportunity to tell him that I forgive him?" anito sa kanyang sarili.

"Anak?" Awtomatikong natigilan si Irine sa aktong paghakbang niya nang marinig niya ang pamilyar na boses na 'yun mula sa kaniyang likuran. Nang lumingon siya ay doon niya nga nakita ang kaniyang ama na diretsong nakatingin sa kaniya. She smiled broadly.

"Papa." At hindi na nga nagsayang pa ng oras si Irine at agad niyang tinakbo ang pagitan nilang dalawa ng ama at saka niya ito niyakap nang mahigpit. Ramdam niya ang pagkatigil ng papa niya sa bisig niya; halatang nagulat ito sa kaniyang ginawa. Sa loob ng halos siyam na taon, ngayon na lang niya ulit natawag ng papa ang kaniyang ama at nayakap ito. Hindi niya mapigil ang mga umaagos na luha sa kaniyang mga mata at gano'n din ang kaniyang ama.

"I'm sorry, pa, I'm really sorry kung matagal kitang pinaghintay. I'm sorry kung naging matigas ako... at kung nagalit ako sa'yo," luhaan na wika niya sa pagitan nang pagkakayakap niya sa kaniyang ama.

"I'm so sorry rin, anak. I know that I am the reason why you are in so much pain. Alam ko na naging pabigat ako sa'yo at hindi na mababalik noon ang lahat ng sakit na naidulot ko sa pamilya na'tin. Pero sana bigyan mo ko ng chance na makabawi."

"I forgive you, pa. I don't want to regret anything, and I wanted to fix all things between us."
"I love you, anak."

"I love you too, pa."

Nagsalo ulit sila nang panibagong mahigpit na yakap sa isa't-isa. Irine was the happiest woman ever. Ngayon ay masasabi niya na talagang kumpleto na ang lahat sa buhay niya at wala na siyang hihilingin pang iba.

BRENDA was now slowly accepting her fate: Daine was not really the one for her. Wala na siyang habol pa sa ngayon lalo na at nalaman niyang maayos na ang pakikitungo ni Maragrett kay Irine. Buong-akala niya ay may laban pa rin siya dahil siya ang paborito ng ina ng lalaking gusto niya; pero ngayon ay tuluyan nang nawalan siya nang pag-asa. She also surrenders herself to the authority. Inamin niya na ang kasalanang ginawa niya kay Irine. Gusto niya nang magbago at makapagsimula ng bagong buhay ng maayos kasama ang kaniyang anak na si Chelsea. Gusto niyang bumawi sa kaniyang anak at maging isang mabuting ina para rito.

Buti na lang at pinatawad siya ni Irine at inurong ang kaso laban sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kabaitan at sa kabutihang-puso na taglay ni Irine sa kabila ng lahat ng mga ginawa niya rito. Sa tingin niya ay sadyang nabulag lang siya ng galit at inggit dito kaya hindi niya 'yun nakita noon.

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon