Chapter 27

5.6K 129 39
                                    

Irine still hasn't remembered anything from her past for the past few weeks. Bumalik na unti-unti ang kaniyang paningin pero hindi ang kaniyang alaala. Ngunit, kailangan niya pa ring magpatuloy sa kaniyang buhay kasama ang mga taong estranghero pa rin sa kaniya na unti-unting napapalapit sa loob niya. Naging mabait ang mga tao sa kanya at hindi siya pinapabayaan ng mga ito. They were always approachable and friendly. Irine couldn't wish for anything but to bring her memories back again.

"Jean?" pagtawag ng pansin sa kaniya ni Miggy. Nakikita niya na ngayon ang doktor na nag-opera sa kaniya hindi katulad noong una na wala siyang ideya kung ano ang itsura nito. Halos magkasing-edad lang sila kung tutuusin. Ito rin ang nagbigay sa kaniya nang pangalan sapagkat hindi niya pa rin mawari kung sino siya.

Lumingon siya sa direksiyon nito at ngumiti, "Yes, Doctor Miggy?"
"Hindi ba at sinabi ko na sa'yo na Miggy na lang ang itawag mo sa akin. Masyado ka namang pormal," pagpapaalala nito sa kanya at tumango lang siya.

Naninibago pa rin si Jean sa kanyang panibagong buhay ngunit pakiramdam niya ay hindi naman siya nahihirapan sa bawat araw na dumadaan dahil laging nakagabay sa kaniya si Miggy.

"Sorry, Miggy. Hindi lang kasi ako sanay na tawagin ka sa mismong pangalan mo."

"Masasanay ka rin. Ano pala ang ginagawa mo rito? Hindi ka ba lalabas at makikisalo sa pagdiriwang ng piyesta ng bayan? Gabi na at malapit na ang hapunan."

Habang tumatagal ang pananatili niya sa lugar na 'yun ay doon niya napagtanto na nasa isang probinsiya sila. Hindi niya alam kung anong lugar 'yun pero naging maluwag ang pagtanggap ng munting nayon na 'yun sa kaniya.

"Susunod na ako, magpapalit lang ako ng damit. Mauna ka na," wika niya at ngumiti pang muli dito.

"Sige." At lumabas na nga si Miggy sa kaniyang silid.

Minuto pa lang ang nakakalipas mula nang umalis ang doktor ay bigla siyang nilapitan ni Jessica na biglang sumulpot din sa kwarto niya. Nagtataka niya itong binatuhan nang tingin lalo na nang mapansin niya ang seryosong ekspresyon nito.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Oo naman. May nangyari ba, Jessica?"

"Pwede bang lumayo kana kay Doctor Miggy?"

"Huh?"
"Pwede bang dumistansya ka mula sa kanya, Jean? Nakakairita kasi," anito na siyang ikinagulat ni Jean. Hindi niya labis maintindihan ang asal na ipinakita sa kanya ni Jessica. Marahil ay dahil sa kalasingan kaya nito nasasabi ang mga bagay na 'yun sa kaniya.

"Napadami ka yata ng inom at mukhang lasing ka na. Mabuti pa siguro kung magpahinga ka na muna," sambit niya kay Jessica pero mas lalong nagalit ang dalaga.

"Hindi ako lasing! At isa pa, huwag ka ngang magkunwari na nawalan ka ng memorya. Pa-victim ka lang eh. Ginagawa mo lang 'yan para mapalapit kay Doctor Miggy." Iritableng saad nito sa kaniya.

Umiling-iling si Jean. "Hindi totoo 'yan, Jessica."

"Sinungaling ka! Kahit kailan hindi ka magugustuhan ni Miggy. I liked him more than you do, Jean. At isa pa, bago ka lang dumating sa buhay niya kaya huwag mong isipin na espesyal ka sa kanya."

Sa mga pinagsasabi ni Jessica, unti-unti nakaramdam nang pagkahilo si Jean. Nakahawak siya sa kanyang ulo habang humahakbang paatras papalayo rito. Tinakpan niya ang tenga niya habang pilit na inaalis ang nag-e-echo na mga boses sa loob ng isipan niya.

"Tama na, please... tama na," paulit-ulit na sambit ni Jean hanggang sa tuluyang nagdilim ang kaniyang paningin. Ang huling naalala na lang niya ay ang mabilis na pagbagsak niya sa sahig. And after that, everything went black.

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon