Chapter 8

11.6K 299 13
                                    

DAINE was already in his office that early morning. Buong akala niya'y hindi na darating si Irine o hindi ito papasok ng araw na 'yun dahil nga sa mga nangyari kagabi pero nagkamali siya. She was already there at her desk. Agad itong yumuko sa kaniya nang makita siya na papasok pa lang ng kaniyang opisina; wala ang matamis na ngiti sa labi nito. Tulad ngayon, tanaw niya mula sa labas ang seryosong mukha ni Irine habang nakatingin ito sa laptop na nasa harapan. Daine restrained himself and averted his gaze. Itinuon na lang niya ang kanyang atensiyon sa monitor na nasa harapan din niya.

Mabilis lang na lumipas ang oras niya sa kaniyang trabaho. Sa buong-araw na 'yun, hindi man lang sila nag-usap ni Irine... kahit isang conversation ay wala. Wala rin siyang mga meeting na kailangang puntahan kaya hindi talaga sila masyadong nakapag-uusap. He peeked in her direction again when he got a time. Pero katulad din nang tingin niya kanina, abalang-abala lamang itong nakatingin sa laptop.

Nabago lang 'yun nang makita niya na tumayo na si Irine sa inuupuan nito, sigurado siya na pupunta ito ng pantry para siguro kumain o uminom ng kape. Dahil doon, ibinalik na lang niya ulit ang kaniyang atensyon sa natitira niyang trabaho para sa araw na 'yun.

The sun was already setting down when they decided to go home. Nasa unahan niya ang tahimik at walang imik na si Irine habang nasa likuran naman siya. Hindi mapigilan ni Daine na titigan lang ang likuran ng dalaga.

Nang makita niya na sasalubong na sa kaniya si Jordan at lalabas naman nang tuluyan si Irine ng kumpanya, bigla siyang nagsalita, "Jordan, pakihatid na muna si Ms. Montenegro."

Napansin niya ang pagkahinti ni Irine sa aktong paglabas nito at saka siya hinarap, "No. It's okay, sir. I can take a bus," malamig na sagot sa kaniya nito.

Halata ang pagiging desidido sa mukha nito na tumanggi kaya wala na siyang nagawa pa kung hindi ang sumang-ayon, "O-okay. Let's go, Jordan." Tuluyan na nga silang umalis nang magkakahiwalay ngunit nakatanaw pa rin ang mga mata niya sa papalayong likuran ni Irine.

IRINE was now walking from the side lane of the road. Tahimik lang siya at hindi niya maiwasan na mapabuga nang malalim na hininga. Iniisip kung ano nga ba ang maaari niyang gawin. Marami na nga siyang iniisip: unang-una na doon si Daine at ang nangyari sa kanilang kagabi, tapos dumagdag pa ang kaniyang kapatid na si Oliver. Gusto kasi ng kapatid niya na bumalik sa kanilang ama dahil ayaw na nito sa mahirap na buhay nila; nahihirapan daw ito.

Awtomatikong naputol lang ang malalim na pag-iisip niya nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone. Irine picked her phone as she saw her boss' name. Kumunot pa nga ang noo niya kasi halos kakahiwalay pa lang nila sa trabaho pero tumatawag na agad ito.

"Yes, sir? Do you need anything?" she asked in her low tone of voice. Wala na siyang masyadong energy pa dahil pakiramdam niya ay malapit na siyang ma-draine.

"No, I don't. I think I just dialed the wrong number," Daine said and ended the call. Irine sighed as the call ended. She then went to the coffee shop to buy some coffee. Pakiramdam niya ay kailangan niya 'yun upang kahit papaano ay ma-recharge siya,

She was about to enter the shop when her phone rang again. The corner of her lips slid upward when she saw her mom's name on the caller ID.

"Hello, 'Ma? Kumusta po kayo?"

"We're fine. Danica is sleeping already. Naghintay siya nang matagal sa pag-uwi mo, but in the end, nakatulog din siya."

"I'm sorry, 'Ma. Hindi ko man lang magampanan ang pagiging nanay ko sa anak ko. Inaasa ko lahat sa'yo, I'm really sorry."

"Ano ka ba? Ngayon ka pa ba magda-drama. Umuwi ka na para makapagpahinga ka na. Para naman kapag naalimpungatan ang anak mo, atleast katabi ka niya."

Ngumiti si Irine bago sumagot, "Opo."

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon