IRINE still hasn't forgotten what happened in the past years that have passed. Lalo na ang nangyaring paghihiwalay nila ni Daine, limang taon na ang nakalilipas. Apat na taon na ang anak niyang si Danica- ang batang nabuo sa pagsasama nila noon ni Daine. Ngunit, hindi man lang niya nasabi ang kaniyang pagdadalang-tao noon sa dating kinakasama dahil nga sa mga nangyari.
Nagtatrabaho siya ngayon sa isang kumpanya. Malaki ang utang na loob niya kay Lance dahil siya ang taong tumulong sa kanya matapos niyang makipaghiwalay kay Daine. Laging naroon si Lance para sa kaniya sa lahat ng mga problemang pinagdaraanan niya.
She's a single mother and she's proud of it. Si Danica na lang yata ang nagiging inspirasyon niyang magsumikap at magpatuloy sa buhay. Her angel always makes her feel alive.
Maya-maya pa, biglang natauhan si Irine ng may yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran; it was her daughter.
"Mama? Are you crying?" tanong nito at pinunasan ang mga nagluluha niyang mga mata.
"No, baby, Mama's fine," mahinahon niyang sagot. Pinipilit ni Irine na ngumiti sa harapan ng anak niya. Gusto niyang makita ni Danica na masaya siya kahit na kulang sila.
Gusto ni Irine na ibigay sa anak niya ang lahat ng kailangan niya, ngunit alam niyang hindi pa rin 'yun sapat. Kahit anong sikap niya, talagang kinukulang pa rin.
Kahit na walang tumayong ama sa kaniyang anak, napalaki at napakain ni Irine nang maayos si Danica. Proud siya na nagawa niya lang iyon ng mag-isa; na kaya niya pala kahit wala ang tulong mula kay Daine.
Masaya si Irine na dumating sa buhay niya si Danica. She's a blessing to her. Siya ang nagbibigay ng liwanag, saya, at pag-asa, sa madilim na mundo ni Irine sa mga panahong durog na durog siya. Nabubuhay siya para sa kanyang anak at mabubuhay lamang siya para rito.
Muntik na siyang mapatalon sa biglaang pagtunog ng kanyang telepono; it was Lance. She wondered what he needs to call her that day.
"Yes, sir? What is it?" tanong ni Irine sa kabilang linya.
"Come here in the office, and I have something important to talk about with you," mahinang sagot nito.
"O-okay, I'm on my way, sir." Napatingin si Irine sa anak niyang naglalaro sa mga laruan nito. She was smiling when a tear dropped from her eyes; napapunas agad siya para hindi 'yon makita ng bata.
Agad bumaba si Irine nang matapos siyang makapagbihis. Nagtungo siya agad sa kanyang ina at naghabilin na ito na muna ang bahala kay Danica.
"May pupuntahan muna ako, 'Ma, may emergency kasi sa office. Ikaw muna bahala kay Danica," sambit niya at yumakap sa kaniyang ina bago tuluyang umalis.
"Oh, siya, mag-ingat ka." Tumango si Irine at agad na lumabas ng bahay.
(Office)
Kumatok muna siya ng tatlong beses hanggang sa marinig niya na may nagsalita ng 'come in' mula sa loob ng silid.
Agad na pumasok si Irine kung saan ay agad niyang nakita si Lance na nakaupo sa swivel chair nito. Naramdaman niya agad na mukhang hindi magandang balita ang sasabihin nito base na rin sa nakakunot nitong noo.
"Sir?" Pagtawag niya nang pansin.
"Oh, you're here. Take a seat."
Irine felt so nervous as he was being serious, it's making her feel uncomfortable.
"I have something to tell you," ani nito sa hindi masayang tono.
"A-ano 'yun, sir?"
"I'm sorry, Irine, but I have to fire you. Alam mo naman siguro na hindi maganda ang takbo ng kumpanya ko ngayon, at kailangan kong magbawas ng mga empleyado."
![](https://img.wattpad.com/cover/114319340-288-k249533.jpg)
BINABASA MO ANG
"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)
RomanceMust read! #4 in confession 02.25.2023 Bookcover by: MissTerious Luna Blurb: A couple separated due to infidelity and misunderstood. She left her husband without letting him know that she was carrying a baby in her tummy. They parted ways, and five...