Irine and Daine were now at the resto near the company while eating their lunch together. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Irine sa ginawa ni Daine kanina lamang sa kumapanya. She was still speechless. Halos hindi niya tuloy napapansin na hindi niya nagagalaw ang pagkain niya sa kaniyang harapan dahil sa kaniyang pagiging tulala.
"Something wrong?" biglang tanong sa kanya ni Daine kung saan ay doon pa lang siya napabalik sa reyalidad.
Nag-angat siya ng ulo at sunod-sunod na umiling kay Daine. "W-wala naman."
"Eat up; your food is getting cold."
Irine just nodded her head in her approval. Nagsimula na nga siyang kumain at gano'n din naman si Daine.
Nasa kalagitnaan sila ng kanilang pagkain nang biglang dumating si Jordan. Hinihingal pa ito habang papalapit sa kanilang lamesa.
"Jordan? Tamang-tama ang dating mo, sumabay ka na sa amin ng lunch." Si Daine ang unang nagsalita. Huminto rin muna si Irine sa kaniyang pagkain upang ibaling din ang atensyon sa bagong dating.
"No, thanks, sir. I'm still full. I'm just here to tell you something important."
"What is it?"
"Your mother..."
Sabay na nagkatinginan si Irine at Daine sa balita na kanilang natanggap. Nagmamadali nilang tinungo ang ospital kung saan isinugod ang ina ni Daine. Pumasok agad sila sa silid nito ngunit awtomatikong natigilan nang makita si Brenda sa loob habang abala na inaasikaso ang matanda.
Napako lang si Irine sa kaniyang pinagkakatayuan sa bukana ng pintuan ng kwarto na 'yun habang kitang-kita niya ang paglapit ni Daine sa ina.
"Mom."
Hindi rin nakatakas sa paningin ni Irine ang paglapit din ni Brenda kay Daine.
"Daine... Inatake na naman si mom. Tumaas na naman ang dugo niya," anito. Hindi alam ni Irine kung tatalikod na lang ba siya at lalabas ng silid na 'yun lalo na at alam naman niya na hindi siya kailangan doon.
Daine looked at his mom and asked worriedly, "Mom... what happened?"
"It's because of you!" halata ang paninisi ng ina kay Daine.
"What? Why?"She put her hand on her head, massaging it gently. "Brenda's Dad cancel all the connections and partnership with us."
Natigilan si Irine sa kaniyang narinig. Sa pagkakaalam niya ay isa sa may malaking investment ang ama ni Brenda sa kumpanya ni Daine.
"And so?"
"What are you talking about?" Brenda's dad is a very important person. "How could you let this happen?"
"Mom... I told you already. I—"
"There's Irine again! It's always her!" she raged.
Nakaramdam nang pagka-estatwa si Irine nang mabanggit na ng matanda ang pangalan niya sa usapan. Siguradong hindi alam ng ina ni Daine na naroroon din siya sa silid dahil natatabunan ni Daine ang direksyon niya. Hindi nagtagal ay napalingon si Daine sa kanya kung saan ay kusang yumuko lamang ang ulo niya. Dapat pala ay umalis na siya kanina pa.
"She's here, mom. So please, watch your words."
"What?"
"I'm with Irine right now, mom. I'm with my wife."Napalunok na lang ng laway si Irine at nang unti-unti niyang i-angat muli ang paningin patungo kay Daine, doon niya nakita na medyo gumilid na ito ng konti upang ipakita sa matandang babae na naroon nga siya. Dahil nakikita niya na ngayon si Margarett, hindi tuloy nakaligtas sa paningin ni Irine na tila ba ay aatakehin na ang matanda dahil mabilis itong napahawak sa dibdib.

BINABASA MO ANG
"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)
RomansaMust read! #4 in confession 02.25.2023 Bookcover by: MissTerious Luna Blurb: A couple separated due to infidelity and misunderstood. She left her husband without letting him know that she was carrying a baby in her tummy. They parted ways, and five...