IRINE immediately stood up. Nakita niya kasi si Daine na paparating na galing sa pag-lunch nito. Agad na hinanap ng kaniyang mata si Brenda na kasama nitong umalis kanina ngunit mag-isa lang itong bumalik. Dinaanan lang siya ni Daine at dire-diretsong pumasok sa loob ng opisina nito. Nang dahan-dahan siyang umupo ulit sa kaniyang upuan doon niya na-realized na mukhang bad mood ang binata. Tiyak na nag-away ang dalawa at 'yun ang hinala niya. Ibinalik na lang niya ulit ang atensyon sa kaniyang ginagawa, ngunit makalipas lang ang halos sampung minuto, narinig niyang tinawag siya ni Daine.
"Come inside the office!"
Mabilis na napabalikwas siya sa kaniyang inuupuan ng dahil doon. Her chest throbbed so fast while walking inside his office. She let out a deep breath before entering.
"Catch." Nabigla siya nang inihagis ni Daine patungo sa kanya ang susi ng kotse kaya napakunot ang noo niya nang masalo niya ito.
"Para saan po ito, sir? May gusto po ba kayong puntahan?"
"Yes, and you will come with me." Hindi pa man nakapagsasalita si Irine ay bigla nang naglakad papalabas ng opisina nito si Daine. Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang sumunod na lang habang bitbit ang susi ng sasakyan nito.
Napatingin si Irine sa kotseng kaharap niya at napatingin kay Daine. Nang makita niya kasi na wala roon si Jordan ay agad niyang naintindihan kung ano ang gustong gawin ni Daine kaya siya nito isasama.
"What are you doing? Titignan lang natin 'yung kotse?"
"Magmamaneho po ako?"
"Yes. Alangan naman na ako ang magmamaneho para sa'yo? Ako ang boss mo, hindi ba?"
"Ah, o-oo, sabi ko nga. Pasok na po tayo, sir." Binuksan niya ang pintuan sa may likuran ng sasakyan para kay Daine. Afterward, she went inside the driver's seat and started the engine. Lihim siyang napabuga nang buntong-hininga. Kinakabahan siya ng konti dahil matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapagmaneho; nakakapanibago.
"Sir, seatbelt, please," pagpapa-alala ni Irine. Nakita niya pa sa rear-view mirror ang pagkunot ng noo nito pero sumunod pa rin naman sa kaniya ang binata.
"S-saan pala tayo, sir?"
"My house." Hindi namalayan ni Irine na napahigpit ang kapit niya sa manibela ng sasakyan nang marinig niya ang isinagot ni Daine. It gives her a slight panic attack when she hears and imagines the house where she used to live, and it aches her heart.
"O-Okay, sir."
Tahimik na lang na nagmaneho si Irine at matapos ang mahigit kalahating oras ay alam niyang malapit na sila sa bahay na pupuntahan nila.
"That was fast, pa'no mo nalaman ang mga shortcuts na daanan?" Daine suddenly asked her. Hindi niya akalain na mahahalata 'yon ni Daine. Siguro ay sanay ito na inaabot ng halos kalahating-oras ang biyahe pauwi kung si Jordan ang nagmamaneho. Ibang ruta kasi ang dinaanan niya kaya inabot lang ng 30 minutes ang itinagal ng pagda-drive niya.
"Kabisado ko pa po 'yung daan, sir." Like she have mentioned, she used to live on that house.
Hindi nagtagal ay tuluyan na nga silang nakarating sa bahay na 'yun. Bumaba na si Daine pero nanatiling nasa loob pa rin siya ng sasakyan. She was sitting inside, not moving, and still holding on to the steering wheel. It seemed like she didn't want to move an inch. Bumabalik sa kanya ang masasakit na memoryang dala ng bahay na 'yon kaya kahit lingunin 'yon ay hindi niya magawa.
"Uupo ka lang ba r'yan?" Agad siyang natauhan nang marinig ang tanong ni Daine. Gusto niya sanang tumanggi pero wala siyang magagawa dahil ito nga ang boss niya. Muli siyang napabuga nang hininga at saka dahan-dahang hinarap na ang bahay na 'yun. Lihim na napaigting ang kaniyang panga nang makita niya na halos walang pinagbago ang bahay; ganoon pa rin ang kulay at desenyo nito. Walang pinagbago kahit na nagdaan na ang halos limang taon.
BINABASA MO ANG
"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)
RomansMust read! #4 in confession 02.25.2023 Bookcover by: MissTerious Luna Blurb: A couple separated due to infidelity and misunderstood. She left her husband without letting him know that she was carrying a baby in her tummy. They parted ways, and five...