Chapter 4

16.7K 460 30
                                    

      IRINE ran as much as possible because she was worried for her mother. Halos hindi niya nga namalayan ang pag-sunod sa kaniya ni Jordan sa kaniyang likuran.

"Mama, anong nangyari?!" Agad na tanong ni Irine nang madatnan niya ang kaniyang ina na nakasapo ang kamay sa ulo na tila ba ay nahihilo ito. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin ang nabasag na pitsel na may lamang juice na dadalhin siguro sana nito para sa kanilang bisita.

"Anong nangyari, Ma'am?" narinig niyang nag-aalalang tanong rin ni Jordan mula sa kaniyang likuran, may halong pagtataka at pagkabahala sa tono nang pananalita nito.

Lumapit agad si Irine sa kanyang ina at inalalayan itong makaupo sa upuan. "'Ma, ayos ka lang po?" tanong niyang muli.

Napangiti naman si Emilda at hinawakan ang mga kamay niya. "Okay lang ako, anak."

Hindi na nagdalawang-isip si Irine at agad na kinuha ang mga gamot ng ina sa may cabinet at ibinigay ito rito.

"Hindi niyo na naman kasi ininom ang gamot niyo sa tamang oras, 'Ma." Ramdam ni Irine na nakatingin lamang si Jordan sa kanila pero hindi niya na muna 'yon pinagtuunan nang pansin sapagkat ibinibigay niya ang buong atensyon sa kaniyang ina. Pagkatapos niyang painumin ito ng gamot ay pinilit na rin niya na pagpahingahin muna ang matanda sa kwarto nito. Buti na lang at nandiyan si Jordan na umaalalay sa kanila habang inaakyat niya ang ina sa silid nito sa taas.

"Anong nangyayari? May sakit ang mama mo?" Jordan asked. Sila na lang ulit dalawa ang natira sa living room.

Irine smiled as she faced him before sighing heavily. "May sakit si mama. She's taking medication for almost three years now," pagkukuwento ni Irine kay Jordan. Napansin niya ang pagkagulat sa ekspresyon ng binata sa kanyang sinabi. Naramdaman niya agad ang lungkot at pag-aalala ni Jordan; hindi na siya nabigla pa roon dahil alam niyang ina na rin ang turing ni Jordan sa kaniyang ina.

"I'm sorry."

Napakunot ang noo ni Irine, nagtataka, "Bakit ka naman nag-so-sorry diyan?"

"Hindi ko alam na may sakit na pala siya. She was a mother to me. Napakabuti niyang tao lalo na sa akin. I think, hindi niya deserve 'yan."

Irine smiled at him. "It's okay. Malakas naman ang resistensiya ni mama. Hindi siya sumusuko, at malakas pa naman siya hanggang sa ngayon. Kailangan niya lang talaga na i-maintain ang pag-inom niya ng gamot. Kaya nga ako nagsusumikap talaga sa trabaho."

Matapos ng kanilang pag-uusap ay nagpaalam na si Jordan. Hinahatid niya na ang binata hanggang sa labasan ng kanilang bahay ng biglang humarap ulit ito sa kaniya.

"I know this is not a big help, Irine, but I wanted to do this. Please accept this," saad ni Jordan at inabot sa kaniya ang perang nasa kamay nito.

Umiling-iling si Irine. "No, it's okay. You don't have to do this, Jordan. Kaya ko na ang gamot ni mama."

"It's not like that, Irine. Gusto ko lang tumulong kahit na kaunti lang. So, please, tanggapin mo na 'to. Hindi rin ako mapapanatag na walang gawin lalo na at alam ko na ang kalagayan niya."

Napabuga na lang nang hininga si Irine at saka tinanggap na rin ang pera mula kay Jordan. "Maraming salamat."

"I'll get going now. Tell her to get well soon."

"I will."

Bumalik na si Irine sa loob ng kanilang bahay, isinandal ang kanyang likod sa pader, at napabuntong-hininga nang malalim. Naiisip niyang muli ang kalagayan ng kanyang ina; dumagdag pa si Oliver sa kanyang mga problema. Napakamot siya sa kanyang sariling ulo dahil hindi na niya alam ang kanyang gagawin sa katigasan ng ulo ni Oliver. Ginagawa naman niya ang lahat para sa kapatid, pero bakit parang hindi pa rin 'yun sapat para rito? Higit pa ang mga kagustuhan nito na kahit kailan ay hindi niya yata matatapatan kahit na magkandakuba pa siyang magtrabaho.

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon