IRINE and DAINE were sleeping together on the sofa. Nakayakap pa silang dalawa sa isa't isa habang natutulog. Irine's eyes were half-open. Maamong mukha ni Daine habang mahimbing na natutulog ang unang sumalubong sa kaniyang paningin. The corner of her lips slid upwards while watching him. Hindi niya tuloy napigilan ang kaniyang sarili na magnais na mahawakan ang mukha ni Daine; ngunit, bago pa man niya 'yon magawa, munting tinig ng kaniyang anak na si Danica ang awtomatikong nagpatigil sa kaniya.
"Mama, anong ginagawa mo?" Irine bit her lower lip. Lilingunin niya sana ang anak pero natigilan din siya agad nang mapansing kumilos si Daine mula sa pagkakahiga nito. Agad na nataranta siya kaya naman sa hindi niya malamang dahilan ay mabilis niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Naisipan niya na magpanggap na natutulog pa rin.
Napatawa naman si Daine nang mahuli niya pa ang mabilis na pagpikit ni Irine. He slowly moved and leaned his face closer to her.
"Good morning," he greeted, but Irine kept her eyes shut close.
"Papa!"
"Danica. Kamusta pakiramdam mo anak?" Dahan-dahang inayos ni Daine ang posisyon ni Irine at inilagay sa dalaga ang kumot na gamit nila kanina. Unti-unti siyang bumangon sa pagkakahiga niya at saka niya tinitigan ang nakapikit pa rin na si Irine at muling nagsalita, "You can stop pretending now. I saw it already," Daine playfully whispered in Irine's ears. Isang pilyong ngiti na naman ang kaniyang pinakawalan bago siya nagpasya na tumayo na upang lapitan ang anak sa hospital bed na kinahihigaan nito.
Doon pa lang dahan-dahan na binuksan ni Irine ang kanyang mga mata. Sinadya niya na 'wag batuhan nang tingin si Daine sapagkat nakakaramdam siya ng konting hiya at agad niyang tinungo ang banyo.
She looked at her face in front of the mirror and consciously said to herself, "Jusko, Irine. May muta ka pa, paano mo nagawang lumandi agad. Ang aga-aga," pinagalitan niya ang kanyang sarili habang napapatawa at napapailing.
Naghilamos muna siya ng kaniyang mukha bago tuluyang lumabas ng banyo. Sa paglabas niya ay agad niyang nakita ang mag-ama niya na masayang nag-uusap sa kama. Bahagyang napangiti si Irine habang tanaw-tanaw ang dalawa dalawa. That is the moment that she wanted to see every then and now: a happy and peaceful family. 'Yun 'yung gusto niya sa isang pamilya na ipinagkait sa kaniya ng tadhana noon, pero nasisilayan niya na ngayon.
Napansin ni Daine na kanina pa nakatayo't nakatingin sa kanilang direksiyon si Irine. He stared at her for a few more minutes until he remembered that he had to leave for work. Doon na siya tumayo at nagsimulang magpaalam sa kaniyang anak dahil kinailangan niya nang pumasok sa kumpanya. He kissed her on the forehead before walking away from her.
He looked at Irine and approached her with a sweet smile. "I'll be back later after work. You don't have to go to work; Jordan will be there," anito at tumango lang si Irine. "I'll get going now," dagdag pa ni Daine.
Tuluyan nang lumabas si Daine pero ang mata ni Irine ay nasa pintuan pa rin kung saan lumabas ang binata. Napabuntong-hininga na naman siya nang malalim at saka saglit siyang natigilan at natahimik. Ilang minuto ang lumipas nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa kanya ang kanyang ina.
"Ma!" masiglang tawag niya sa ina.
"Anong nangyari kay Danica? Ngayong umaga ko lang natanggap ang mensahe mo." Tila nag-aalala ang tono ng kaniyang ina.
"She's fine now, 'ma. H'wag ka nang mag-alala. She's okay." Her mother sighed in relief before walking towards Danica's bed.
"Lola!" nakangiting banggit ni Danica at yumakap sa kanyang lola.
"Kamusta na ang apo ko?"
"Okay na po ako, lola."
"Mabuti naman. Nag-aalala si lola sa'yo. Magpagaling ka pa lalo nang makauwi na tayo ng mama mo." Tumango-tango sa kaniya ang apo habang may ngiti pa rin sa labi.
BINABASA MO ANG
"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)
RomanceMust read! #4 in confession 02.25.2023 Bookcover by: MissTerious Luna Blurb: A couple separated due to infidelity and misunderstood. She left her husband without letting him know that she was carrying a baby in her tummy. They parted ways, and five...