Chapter 32

6.2K 150 15
                                    

Lance also greeted and congratulated Irine and Daine, but after that he also went out to the event hall and prepared to leave. Kailangan na kasi niyang umalis sa party dahil may mga bagay pa siyang aasikasuhin sa kanyang pag-alis para sa isang business trip abroad. Nagpaalam na ito sa lahat maliban na lang kay Brenda.

Ngunit, sa hindi niya inaasahan ay mukhang nakita ni Brenda ang balak niyang pag-alis kaya naman namalayan niya na sinusundan pala siya nito hanggang sa makalabas siya ng venue. "Lance, teka!" tawag nito sa kanya ngunit patuloy pa rin siyang naglalakad papunta sa may parking lot kung saan naka-park ang kaniyang kotse. "Teka lang, Lance!"

Doon na siya napahinto at saka niya binatuhan nang masamang tingin si Brenda. "Ano na naman?"

"Aalis ka ba talaga?"

"Oo at bakit? Ano bang pakialam mo sa buhay ko? Matagal mo na akong nakalimutan at matagal ka ng walang pakialam sa akin, 'di ba? Ano bang nakain mo at bigla-bigla kang nagpapanggap na para bang may pakialam ka." Inis na tanong niya rito. Sa mga lumipas kasi na araw at linggo; ilang beses na siyang kinukulit ni Brenda tungkol sa pakikipag-ayos nito at pakikipagbalikan sa kaniya. Naiinis siya dahil para bang napakadali lang sa dalaga na gawin 'yun samantalang hindi nito alam kung ano ang mga pinagdaanan niya matapos nitong makipaghiwalay sa kaniya walong taon na halos ang nakakalipas. At ngayon, wala siyang ideya kung bakit ginugulo na naman siya ni Brenda.

Hindi niya gustong magulo muli ang kanyang buhay dahil sa babaeng 'to. Brenda ruined his life before. Dahil kasi sa pagka-heartbroken niya nang iwan siya ni Brenda ay natigil siya sa kaniyang pag-aaral at nasira ang mga pangarap niya. Kaya, kung madali lang para sa babae ang balewalain 'yun; pwes hindi siya.

"Gusto lang naman kitang makausap at magkabati tayo bago ka umalis. Hindi ko kailan nang sermon mo, Lance. Nais ko lang magpaalam nang maayos sa'yo bago ka tuluyan umalis."

"I don't need that. At isa pa... pwede ba, tigilan mo na ang pagpapansin sa'kin... wala nang effect 'yan eh; nakakairita lang tignan." Pagkatapos niyang magbitaw ng mga masasakit na salita na 'yun ay agad nang pumasok si Lance sa kotse niya.

Nang makasakay siya ay napansin niya na hindi pa rin umaalis sa kanyang harapan si Brenda. She stayed and stood there like a fool. Napa iling-iling na lang siya sa kaniyang sarili at ini-start na ang engine ng kaniyang kotse. Walang lingon-lingon na nagmaneho na siya paalis.

BRENDA's eyes were still on him while he drove away. Her shoulders lowered and she sighed in disbelief.

"Hindi ko na nga kailangan pang ipagpilitan pa ang sarili ko sa kanya. He's useless. Napakatigas na ng puso niya para sa akin. I don't think I can change him. I give up at hinding-hindi ko na siya guguluhin pa," desididong wika na lang ni Brenda sa kaniyang sarili at nagpasya na siyang bumalik sa loob ng event hall kung nasaan ang kaniyang anak na si Chelsea.

"You're giving up?" gulat na tanong ni Irine sa kaniya matapos niyang sabihin sa kaibigan na hindi na siya magpapatuloy pa sa paghahabol kay Lance. Tumango lang siya nang sunod-sunod kay Irine bilang kaniyang kasagutan. Ayaw niya nang ipagpilitan pa kay Lance ang kanyang sarili at ayusin ang kanilang pamilya. Ipapaliwanag na lang niya ang lahat kay Chelsea upang paglaki nito ay hindi ito magtanong sa sitwasyon nila ni Lance. Ang anak na lang niya ang pagtutuunan niya nang pansin.

"I'm sorry to hear about this, Brenda. Sigurado akong naging busy lang si Lance sa work niya." Pilit na pinapagaan ni Irine ang loob niya pero kahit konti ay hindi 'yun gumagaan dahil alam niya ang totoo. Simula nang makabalik si Lance mula sa trip nito abroad ay mas lalong nanlamig sa kaniya ang binata. Pagod na siyang intindihin ito.

Itinaas ni Brenda ang wine glass niya at ininom ang lahat ng alak sa loob noon.

"I want to drink for now, Irine. Gusto kong magpakalasing at kalimutan ang walang pusong lalaking 'yun. How could he? May anak kami pero bakit ayaw niyang makipag-ayos sa'kin, para na lang sana sa anak namin?"

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon