Chapter 19

7.3K 203 29
                                    

IRINE didn't know where to turn her gaze inside the car, especially with Daine next to her. Matapos kasi noong nangyari sa loob ng elevator at ang biglaang pagdating ni Jordan at 'yung technician ay hindi na sila nagkausap pa ni Daine. Nagpasya na lang ang binata na magpahatid sa bahay kung saan ay sumama na lang dahil makikisabay lang siya kay Jordan sa pag-uwi. Buong biyahe papunta sa bahay ni Daine ay wala lang nagsasalita sa pagitan nilang tatlo.

Tahimik lang si Irine dahil iniisip niya pa rin 'yung mga nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Daine sa loob ng elevator. Naputol lang ang pag-iisip niya ng hindi nagtagal ay nakarating na sila sa bahay ni Daine.

Jordan was supporting Daine while walking on the stairs. Halata kasi ang panghihina ng katawan ni Daine dahil na rin siguro sa trauma nito kanina sa elevator. Nasa likod naman siya at medyo nahuhuli sa paglalakad. Umaakyat na sa may hagdan ang dalawang binata nang awtomatikong matigilan si Irine sa kaniyang natanaw. She saw their wedding photo that hung on the wall. Sa pagkakatanda niya ay wala ang litrato na 'yun noong unang beses niyang makabalik sa bahay na 'yun. Unti-unting tinakpan ni Irine ang kanyang bibig dahil sa pagkagulat. Hindi niya inaasahan na ibabalik pa ni Daine ang wedding photo nila, at 'yung ideya na hindi pa 'yun sira ay mas lalong nakagpamangha sa kaniya.

Dahil nasa litrato lang ang buong atensyon ni Irine, halos hindi niya namalayan ang pagbabalik ni Jordan matapos na ihatid nito si Daine sa kwarto. Jordan clears his throat, which grabs Irine's attention.

She looked at Jordan and asked, "Shall we go now?"

"Aren't you staying?"

Kumunot ang noo ni Irine sa katanungan na 'yun, "Ha?"

"I can take care of the company. Just be with him today," Jordan answered. Bago pa makapag-react si Irine ay tinapik pa nito ang balikat niya bago ito tuluyang naglakad papalayo at umalis ng bahay. Naiwan siya roon na kunot na kunot ang noo. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ni Jordan pero hindi na rin siya umangal pa lalo na at naisip niya na walang kasama si Daine sa bahay na 'yun.

Her eyes roamed around the house. Walang ni isang pinagbago sa bahay, ang mga desenyo at ibang mga dekorasyon ay naroroon pa rin. Five years ago, she left that house, but everything was still in place. Irine couldn't help but smile as she walked around. Naalalala niya na siya rin mismo ang nag-arrange lahat ng mga decoratives na nasa living room; hindi nagbabago kung saan iyon nakalagay.

"It's still the same as before," ani niya sa kaniyang sarili.

Inilibot pang muli ni Irine ang kaniyang paningin sa bahay at habang tumatagal na nakikita niyang walang pinagbago ito, ramdam niya ang pagkirot ng puso niya. She checks all the utensils, the kitchen island; it's all the same. Sunod na binuksan niya ang fridge na hindi rin napalitan hangggang sa laking nagulat siya nang makitang wala man lang laman ang loob noon. Ang tanging laman lang noon ay dalawang tumbler ng tubig.

Napailing-iling na lang si Irine sa kaniyang sarili. Doon ay nagpasya siya na mag-grocery muna habang nagpapahinga pa rin sa silid nito si Daine. Pagkatapos ay naglinis na rin siya ng paligid. She was smiling while mopping the floor. Naalala niya kasi kung gaano rin siya nage-enjoy na linisin ang bahay na 'yun lalo na kapag naiiwan siyang mag-isa dahil pumapasok nga sa opisina si Daine.

Irine was holding the feather duster when she started removing the dust on the bookshelf. She was humming while singing. Dahil abala siya sa kaniyang ginagawa kaya naman hindi niya namalayan na nakatingin na sa direksyon niya ang bagong gising na si Daine.

Aabutin sana ni Irine ang isang libro na nasa mataas na parte ng bookshelf ngunit hindi niya 'yun maabot. She tried her best to reach it until a hand appeared in front of her. Irine turned her back and saw Daine. Nagtama ang kanilang mga mata na naging dahilan kung bakit napalunok siya. Segundo ang itinigal nang pagtatama ng kanilang mga paningin hanggang sa awtomatikong umiwas na rin si Irine.

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon