Chapter 3

3.3K 76 17
                                    

"IRINE, this is your desk." Turo ni Jordan sa lamesa na parehong nasa harapan nilang dalawa.

"Thank you, Jordan. Don't be too formal, mukha namang wala tayong pinagsamahan niyan." Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Irine na nakita niya ng muli ang isa sa naging malapit niyang kaibigan noon no'ng may relasyon pa silang dalawa ni Daine.

And speaking of Daine... hindi niya rin talaga inaasahan na ito pala ang magiging boss niya. Totoo na tatanggihan niya sana ang offer nito na trabaho, kaya lang, nang mabanggit kasi nito ang tungkol sa tripleng sasahurin niya bilang kaniyang sweldo, hindi na siya nakahindi pa. Kailangang-kailangan niya kasi talaga ng pera, at hindi na siya para magpaka-choosy pa.

"Welcome back, Ma'am Irine!" Napangisi na rin si Irine sa kakulitan ni Jordan.

"Kumusta ka? Naging maayos ka ba rito?"

"Okay na okay, Ma'am Irine. Kayo po? Kumusta ka?"

"I-I'm good."

"Na-miss ko pong makakwentuhan kayo, Ma'am Irine."

She smiled at him. "Ako rin, Jordan. Kaso, may bagay talaga na hindi nagtatagal. But I still hope we can get along together as if we were close friends like before."

"Oo naman po, bakit hindi?"

Matapos ang maikling usapan nila ay umupo na si Irine sa kaniyang lamesa. Nag-simula na siyang ayusin ang mga gamit niya roon. Pero bigla siyang nakaramdam na kailangan niyang mag-banyo kaya naman tumayo na siya upang hanapin ang restroom.

"Nasaan na ba ang banyo rito?" tanong niya sa sarili habang hinahanap ang restroom. Palinga-linga na rin ang kaniyang paningin sa paligid, masyadong malaki ang lugar para mahanap niya 'yon agad.

"Excuse me, ma'am? Anong hinahanap niyo?" Irine looked back at humarap sa babaeng nagtanong sa kanya.

Hindi alam ni Irine kung guni-guni niya lang ba ang nakikita niya, pero tila ba ay napatulala ang babae matapos na magkaharap silang dalawa. Napansin niya na nakatitig ito sa mukha niya. Hindi niya tuloy alam kung may dumi ba siya sa mukha o kung ano pa man. Lingid sa kaalaman niya, napatulala ang babaeng kaharap niya dahil sa kagandahan niyang taglay.

"I'm looking for the restroom." Ngumiti siya ng medyo naiilang.

"Ah, restroom? There. It's over there. Gusto mo, samahan na lang kita?" masiglang sambit nito.

"O-okay."

Sumapit na ang hapon at wala man lang nagawang trabaho si Irine kaya nakasimangot siyang napatingin sa office ni Daine na abot-tanaw niya lang. Lihim siyang napabuga nang mabigat na pag-hinga.

"Is he teasing me? Or playing a game on me?" naiinis na tanong ni Irine sa kanyang sarili. Hindi kasi 'yun ang inaasahan niyang trabaho. Gusto niya na may ginagawa siya! Hindi 'yung halos maghapon lang siyang nakaupo sa lamesa na 'yun at walang ginagawa. Secretary ba talaga siya, o figurine lang doon? Pang-display lang ba siya para masabing secretary siya ng kumpanya na 'yon? Hays.

Pero buti na lang at may hinabilin itong trabaho niya bago siya umuwi. Hindi naman niya kasi gusto na su-sweldo nga siya pero wala namang kahira-hirap ang mga gawain niya. Para sa kaniya ay unfair 'yun sa iba.

KINAGABIHAN, gising pa rin si Irine kahit na ala-una na nang madaling-araw. She wanted to finish the PowerPoint presentation for tomorrow. She felt exhausted already but still managed to type into her monitor.

"You can do this, Irine. Kaya mo 'to!" sambit niya sa kanyang sarili habang nakangiting ginagawa ang PowerPoint presentation. Danica was already in bed, sleeping soundly. Napatigil lang siya sandali upang lingunin ang kinaroroonan ng kaniyang anak. Kailangan niya ng konting inspirasyon upang magpatuloy sa kaniyang ginagawa.

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon