Chapter 25

6.3K 160 117
                                    

Brenda was back on track with her plan to ruin Irine's life. She was clenching her fist while looking at Irine from afar.

"I just wanted you to suffer so badly, Irine. Bakit ba na sa'yo na ang lahat? You look so happy while I am suffering and in pain. How could you!? Tiyak na magiging masaya lang ako kapag nawala na sa'yo ang lahat at kapag nawala ka na sa landas ko," wika niya sa kaniyang sarili habang napapahigpit din ang kapit niya sa manibela ng kaniyang sasakyan.

Naputol lang ang masamang tingin niya nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone na agad naman niyang sinagot.

"What? Nakahanda na ba kayo?" tanong niya agad sa kabilang linya.

"Yes, we were ready."

"That's good. Get rid of her."

"Don't worry, we will do our work clean."

"Siguraduhin niyo lang na walang makakakita sa gagawin niyo sa kanya. Ayoko ng palpak, kung hindi, kayo ang malalagot sa akin," halata ang pagbabanta sa tono nang pananalita niya.

"Copy that."

Agad na napangisi nang malapad si Brenda nang tuluyan nang namatay ang tawag. Muli niyang ibinalik ang kaniyang paningin kay Irine na ngayon ay kaharap na ang anak dahil hinahatid nito ngayon si Danica sa eskwelahan.

"This is your last time, Irine. I hope I will never see you again!" Binatuhan niya pa ito ng huling tingin bago na siya nagmaneho paalis.

Pagsapit nang tanghali kung saan ay nakatanggap siyang muli ng mensahe galing sa kaniyang tauhan; isang ngisi ang pinakawalan niya. Doon ay nagpasya na siyang puntahan si Daine sa opisina nito.

"What are you doing here, Brenda? I thought—"
"I am here to apologize," agad na putol niya sa balak pa sanang sabihin sa kaniya ni Daine. Agad niyang napansin ang pagkakunot ng noo nito habang diretso na nakatingin sa kaniya.

"What do you mean?"

"I came here to apologize to you and to Irine... but it seems that she wasn't here." Nagpanggap siya na walang alam kung bakit wala si Irine sa kumpanya. Nang hindi magsalita si Daine ay isang malalim na hininga muna ang pinakawalan niya bago siya nagpatuloy sa pagsasalita, "I know I've been so horrible to Irine. So, that's why I'm here." Pinilit niya na maging sinsero ang pananalita niya ng mga sandaling 'yun.

"I don't know if I really trust you about this, Brenda. I can feel that you're planning something again." Daine frankly said to her.

"That's really offending me," she grumbled. "Nakakasakit ka naman, Daine. I am sincere in my apologies. Alam mo ba kung gaano natatapakan ang pride ko ngayon, pero pinilit ko lang ang sarili ko dahil gusto ko na maging okay na tayo at para maging okay na rin kami ni Irine. Where is she? Where is your wife so I can personally apologize to her?"

Bago pa man makasagot sa kaniya si Daine ay na-interrupt na ang pag-uuusap nila nang biglang mag-ring ang cell phone ng binata. Sinenyasan siya nito na sandali lang at saka sinagot ang tawag.

"Hello?"
"Is this, Mr. Daine Mendoza?"
"Yes, speaking? Who is this?"

"Hawak naming ang asawa mo..."

"WHAT?!"

Napangiti nang lihim si Brenda nang makita niya ang sobrang pagkagulat sa ekspresyon ni Daine ng mga sandaling 'yun.

"How can I believe you? Is this some kind of scam or what?"

Natatawa ang lalaki sa kabilang linya, "Wala akong oras para makipagbiruan sa'yo? Sa tingin mo ba ay biro lang ito?" Agad na natauhan si Daine at naging seryoso ang kanyang mukha; halatang hindi nga nakikipagbiruan ang kaniyang kausap sa telepono.

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon