IRINE was now walking towards her desk. Hinahanda niya na ang kaniyang sarili sa paghaharap nila mamaya ni Daine upang pag-usapan nga ang bagay na nangyari kahapon na hindi naman niya talaga kasalanan. Kinakabahan siya't bumibilis lalo ang kabog ng kanyang dibdib habang papalapit siya nang papalapit sa opisina ng binata.
Nakarating na si Irine sa kanyang lamesa ngunit napansin niyang wala pa rin si Daine sa loob ng opisina nito na naging dahilan kung bakit hindi niya maiwasan na mapabuga ng isang malawak na hininga. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba niya ng mga sandaling 'yon.
At dahil wala pa nga ang binata, nagawa pa ni Irine na mag-umpisa sa kaniyang trabaho para sa araw na 'yun. She was typing on her computer when Daine arrived. Muling bumalik ang mabilis na pagkabog ng puso ni Irine habang dahan-dahan na siyang tumatayo sa kaniyang inuupuan. Kusang tumigil ang binata sa harapan ng kaniyang lamesa kung saan ay awtomatikong nagsalubong ang kanilang mga mata.
"G-good morning, sir."
"Into my office now!"
Napalunok si Irine bago pa siya naglakad patungo sa opisina ni Daine. Nakayuko lang siya habang unti-unti na siyang pumapasok sa silid nito.
"What happened yesterday? Why did you push her?"
"Sir, I-I didn't push her. It was never my intention to do that. B-believe me, I-I didn't do any—"
"Enough! What's my schedule right now?"
"Ah. Y-you have a meeting at 3 pm with Ms. Kath," she said.
"Katherine Diaz?"
"Yes, sir."
"Cancel it!" Walang pagdadalawang-isip na desisyon ni Daine na naging dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ni Irine.
"P-pardon?"
"I said, cancel that meeting," walang emosyon na pag-uulit ni Daine sa kaniya habang nakatingin na ito sa may computer.
"Sir, but Ms. Kath said that—"
"Sundin mo na lang ang utos ko. Mahirap ba 'yun?"
"S-sorry, sir. Sige po, ica-cancel ko na."
Lumabas na sa office si Irine at agad na tinawagan ang secretary ni Ms. Kath na cancel ang meeting nila. After the call, Irine lets out a deep breath, shaking her head while looking at Daine in his office.
The sun was setting down; Irine organized her things before she took her bag and her phone. Bigla niyang naalala ang anak na si Danica na kailangan niya palang sunduin mula sa school nito dahil may mahalagang pinuntahan ang service nito ng araw na 'yun. Nagmamadaling naglakad palabas ng kumpanya si Irine at sumakay na sa taxi patungo sa school ng anak niya.
Irine called Danica's homeroom teacher on the phone until the call was activated.
"Hello, Ms. Irine?"
"Is Danica still there, ma'am?"
"May sumundo na po sa kanya kanina, Ms. Irine. Sabi niya, siya po raw ang ama ng bata."
Awtomatikong natigilan si Irine sa kanyang narinig. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Agad niyang pinagmadali ang driver ng TAXI upang makarating siya agad sa school ng anak. Hindi nagtagal ay nagmamadali na nga siyang bumaba ng sasakyan at agad na nagtungo sa room ni Danica. Ngunit, wala na nga roon ang kaniyang anak. Inilibot niya ang kanyang mga mata, nagbabakasakali na makita niya roon si Danica ngunit bigo siya.
Kasunod na hinanap ng kaniyang mata ang homeroom teacher, pero wala na rin 'yun doon. Napagpasyahan niya na puntahan ito sa may faculty at habang naglalakad, bigla siyang may nakabungguan sa sobrang pagmamadali niya.
BINABASA MO ANG
"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)
RomanceMust read! #4 in confession 02.25.2023 Bookcover by: MissTerious Luna Blurb: A couple separated due to infidelity and misunderstood. She left her husband without letting him know that she was carrying a baby in her tummy. They parted ways, and five...