Chapter 24

5.2K 133 45
                                    

Lance looked up at Brenda's house. Naroroon silang dalawa ngayon sa labas ng bahay ni Brenda sapagkat sinabi niya na hindi siya maniniwala sa rebelasyon na sinabi nito sa kaniya kanina kung hindi makikita mismo ng dalawang mata niya ang tinutukoy nitong anak niya.

It had been so long since he had seen the house again. "Dito ka pa rin pala nakatira?" he asked her, as if he were teasing her.

"Yes, but it doesn't mean that your memories still remain here." Walang emosyon na sagot sa kaniya ni Brenda kung saan ay hindi man lang siya nito binatuhan nang tingit nauna nang naglakad patungo sa loob kaya sumunod naman siya agad.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Lance ay agad na bumungad sa kanya ang batang babae nasa living room kasama ang isang matandang babae na halatang kasamabahay ng bahay na 'yun.

"Ma'am Brenda," agad na bati nito.

"Mom—"

"That's Chelsea, your daughter. And Chelsea, this is your father, Lance," she said coldly.

"M-mommy?" Nakita ni Lance ang pagkagulat sa ekspresyon ng bata.

"He's your dad," malamig na saad pa rin ni Brenda sa kaniyang gilid.

He went closer to Chelsea, who was now staring at him. Lance was about to grab her shoulder, but he stopped himself because he wasn't sure if Chelsea was really his daughter.

"I want to have a DNA test first," seryosong wika niya. Alam naman kasi niya na hindi naging seryoso ang pagsasama nilang dalawa noon para sa dalaga, ayaw man niyang isipin na baka pinaglalaruan lang siya ni Brenda ay mas maganda na ang makasiguro lalo na at may bata nang involve sa kanilang dalawa.

"Alright, kung iyan ang gusto mo. We can do the DNA test."

Nasa hospital na sila habang kinukuhanan sample sa DNA test na isasagawa. Lance looked at Chelsea na may pag-aalinlangan. Hindi niya gusto ang ideya na baka ginagamit lang ni Brenda ang bata upang makuha nito ang sariling kagustuhan. Kaya naman nang matapos siya na makuhanan ng sample ay agad niyang hinila si Brenda sa may gilid kung saan ay hindi sila makikita ni Chelsea. Isinandal niya ito sa may pader at tiningnan nang masama.

"If she really is my daughter, then why did you hide her from me all those years?" he asked while holding her wrist tightly.

"I don't want you to know about her at that time. At saka, nalaman ko lang din naman na buntis na ako matapos kong makipaghiwalay sayo. But now, I want you to take her from me. I don't want to see her anymore. Sa tingin ko ay sapat na ang ilang taon ko na pag-aalaga sa kaniya, kaya it's your turn now."

Agad na kumunot ang noo ni Lance habang nakatingin kay Brenda. Hindi niya maiwasan na magulat sa kaniyang narinig. Pakiramdam niya ay isang bagay lang ang bata para kay Brenda na pwedeng ipahiram o ipamigay ano mang oras na gustuhin nito. "W-what?"

"I don't want to see her anymore. Seeing her every time makes me miserable.Naaalala ko lahat ng past memories ko sa t'wing nakikita ko ang pagmumukha niya. She was just a mistake."

Walang kaalam-alam ang dalawa na naririnig sila ng kanilang anak na katatapos lang din na makuhanan ng sample para sa DNA.

"Wala ka bang puso?"

"What?" kunot-noo na tanong sa kaniya ni Brenda.
"Bakit basta mo na lang siya ibibigay kung anak natin ang batang iyan?" tanong pa niya dahil hindi niya talaga maintindihan ang takbo ng utak ni Brenda.

"Hindi ko naman siya basta-basta ibibigay kung kani-kanino lang. Anak mo siya kaya sa'yo ko siya ibinibigay. And please, you don't know anything, Lance. I want her out of the house; I don't want to see her, as simple as that."

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon