Fancy's Point Of View.
Today is saturday, kakauwi ko lang sa bahay galing sa hospital. Nag treatment kasi ako ngayon, sabi ng doctor medyo nag o-okay naman na daw ako. At syempre natuwa naman ako. Pagopen ko ng gate ang ine-expect kong tao sa bahay si Devie kaso si L pala.
"Oh Fancy, hi!" Sabi niya at nag wave sakin. Myungsoo is a nice guy. Myungsoo kasi yung real name niya eh.
"Hello." Sabi ko at ngumiti. Dumiretso ako sa loob.
Wala nga pala si Devie pati si Bam, pinasyal niya kasi yung kapatid niya eh. Inaantok ako, kaya dumiretso ako sa kwarto ko. Malapit na pala yung camp namin.
Myungsoo's Point Of View.
Ang ganda talaga ni Fancy. Nandito ako sa garden nila na mukhang tangang nakangiti. Napagdesisyunan ko nading pumasok, wala si Fancy at mukhang nasa taas siya. Pinasok ko yung kwarto ni Fancy. Ewan ko ba kung bakit ako pumasok, nadatnan kong tulog si Fancy. Hayst, bat ba ang ganda-ganda ne'to? Nakakainis lang kasi di niya na ako naaalala. Namimiss ko na yung kulitan namin. Hayst.
Fancy's Point Of View.
Nagising ako ng mga bandang 6:00 pm. Grabe antagal ko palang natulog, nagulat nalang ako dahil nakatakip na sakin yung kumot. Sino kayang nagtakip ne'to? Bumaba na ako dahil nakaramdam ako ng gutom. At sakto! May nagluluto sa baba. Wahaha! Ang bangooo!!!
"Hi." Halos magising yung diwa ko ng makita si Myungsoo sa kitchen. Siya nagluto?!
"H-Hi, asan si Devie?" Oo nga! Antagal naman nila.
"Sabi niya sa monday nalang daw sila uuwi." Monday?! WTF! Anu yon iiwan nila kami ni Myungsoo dito?!
"Ganon? Ano bayun." Iritang sabi ko.
"Kain kana oh, halatang di ka kumain kanina." Sabi ni Myungsoo sabay lagay ng plates sa table. Nagluto siya ng kare-kare. Wow! Amoy palang mabubusog kana. "Tara." Mahinahong sabi niya sabay hila niya ng upuan para sakin.
"Thanks." Sabi ko at ngumiti.
"Do you like it?" Nakangiting sabi niya nung sumubo na ako.
"Ammm. Yes!" Sabi ko, grabe it taste good!
"Hahaha. Buti naman akala ko kasi di mo magugustuhan." Sabi niya at ngumiti nalang. "And by the way im sorry." Sincere na sabi niya. Huh? Para saan?
"For what?"
"Yung ginawa kong pambabastos. Sorry." Alam kong sincere siya sa sinasabi niya.
"Nah! Its okay."
Natapos na kaming kumain, aakyat na sana ako pero bigla niya akong tinawag at pinaupo sa couch.
"Why?" Tanong ko nung nakaupo na ako.
"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" Malungkot na tono na sabi niya.
"Huh? What do you mean? Eh ngayon lang naman tayo nagkakilala."
"H-huh? Umm never mind." Nasabi nalang niya.
Myungsoo's Point Of View.
Nakakainis na nakakalungkot, bat hindi na niya ako nakikilala? Nakalimutan naba niya yung samahan namin? Kaylan ba kasi balak sabihin ni Devie?! Shit! Di ko alam kung anong gagawin ko... natapos ng mag hugas ng pinggan si Fancy. Agad naman 'tong umakyat. Matapos ang ilang mga oras na pagmumuni-muni nakaramdam nadin ako ng antok kaya umakyat na ako. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Nahihilo ako na ewan. Papasok na sana ako sa kwarto ko pero nakita kong nakauwang ang pintuan ni Fancy kaya pumasok ako sa loob ng kwarto niya.
"Fancy?" Sabi ko kahit alam kong hindi niya ako maririnig. Hinaplos ko yung maamo niyang mukha. "Fancy, bat moko kinalimutan?" Malungkot na sabi ko habang hinahaplos yung mukha niya. "Fancy, andami nating memories na masasaya. Natatandaan mo pa ba yung dati? Yung mga time na ako nagcomfort sayo. Fancy ako kahit kelan di kita kinalimutan. Andaya mo talaga kahit kelan." Sabi ko sakanya at marahan na tumawa. Para akong tanga dito na nagsasalita. "I love you." Sabi ko sabay halik sa noo niya at umalis na.
Pumunta na ako sa kwarto ko, ewan ko pero feel ko magkakasakit ako. Sakit lang talaga ng ulo ko, ambigat pa ng pakiramdam ko.
Nagising akong sobrang bigat ng mata parang ang hirap dumilat. Masakit din yung ulo ko, hindi ko alam kung makakatayo pa ba ako. Sakit lang talaga. Napapaungol ako pag kumikilos ako sobrang sakit lang talaga.
"Myungsoo?" Hindi ko makita kung sino yung taong yon pero kilala ko siya--Si Fancy.
"F-F-F-Fancy." Halos hindi ko mabigkas yung pangalan niya. Ang sakit ng ulo ko nahihilo talaga ako.
"Myungsoo?! Anung nangyari sayo?!" Natatarantang sabi ni Fancy at lumapit sakin.
"Ans-sakit n-nang... u-ulo ko. Nilalagnat ata ako?" Nakapikit na sabi ko. Sinapo naman niya agad yung leeg at noo ko.
"Oo nga. Ang init mo sobra!" Sabi niya sabay punta sa Cr. Bumalik siyang may dalang basin at towel. Pinunas niya yung towel na basa sa noo ko. "Gagawa lang ako ng food mo tas iminom kana ng gamot mo ha?" Sabi niya tapos ngumiti. Pinilit kong dumilat para makita ko siya. God! I really want to kiss her pink lips. "Myungsoo bababa lang ako ah. Promise babalik ako." Sabi niya at umalis na. After ng mga ilang minutes bumalik na din siya na may dala-dala na siyang tray. "Eto na oh." Sabi niya sabay lapag nung tray sa bedside table.
"Mainit mamaya na." Tinatamad na sabi ko.
"Dont worry. Ibo-blow ko naman." Sabi niya at ngumiti. Napanatag naman ako. "Ahh." Sabi niya sabay harap ng kutyara sakin.
Natapos ako kumain at uminom ng tubig nandito padin sa tabi ko si Fancy. Natutuwa ako kasi di niya ako iniwan dito. At inalagaan niya pa ako. That's why i really love her SO MUCH.
"You okay?" Sabi niya sabay hawak sa noo ko.
"Kahit papaano um-okay na ako. Thanks to you." Sabi ko.
"Hahaha. Welcome." Sabi niya at ngumiti ulit.
Fancy's Point Of View.
Natutulog na ngayon si Myungsoo, nandidito ako sa baba at gumagawa ng chicken soup para sakanya. Natutuwa ako kasi magiging okay na siya. Maya-maya habang nag hihiwa ako nag ring yung cellphone ko. At pag tingin ko...
"YOUNGMIN?!" Sobrang saya ko kasi tinawagan na niya din ako. Simula kasi nung pagtangkahan ako ni M hindi ko na siya nakita at hindi ko nadin siya nakausap.
"Fancy?" Malungkot na boses yung narinig ko kay Youngmin."Why so sad?"
"Ammm, Im just tired. Sorry." Sabi niya."Its okay. Papasok ka na ha." Mahinang sabi ko.
"Yes papasok na talaga ako. I miss you." Ewan ko bakit parang kinikilig ako dito."A-ah. Ako namiss mo? Hehe." Sheeet! Bat ganon? Kinikilig ako.
"Hey! Kinililig kaba?" OMG! Napansin niya ba?"Hindi no!"
"Hahaha! Namiss mo din ako eh. Sige na po byebye, mwuah mwuah chup chup." Pagkasabi niya non in-off niya na yung cellphone. Hayst.
BINABASA MO ANG
Im A Secret BITCH (FT. Kpop Boyfriend)
FanfictionIm FANCY LOUISE DELACORTE Gorgeous Fabulous Fashionista BITCH SUPER BITCH A SECRET BITCH! I can make all the boys FALL INLOVE WITH ME. Wala akong pakeelam kung sino yung landiin ko. I dont care if i flirt a guy who's in a relationship. Bakit? Kasi d...