"Anong kalokohan ba 'yang pinagsasabi mo, Israh?" singhal agad sa akin ni Tita Melissa. Sinabi ko kasi sa kaniya na ayoko na tumuloy sa kurso kong Nursing. Kaya nang sinabi ko 'to, inis na inis sa akin si Tita, at ayaw niya na ako kumuha ng iba pang kurso.
"Tita naman! Hindi naman po kalokohan 'yon," depensa kong sagot. Nakakainis hindi naman ako hihinto sa pag-aaral, mag shi-shift lang ako ng ibang course na mas gusto ko bukod sa nursing.
"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo, Israh? Mag shi-shift ka ng kurso, tapos ano?" galit na wika nito. Medyo tumaas nang kaunti ang tono ng boses niya, halatang galit na si Tita.
"Bakit ba kasi ayaw niyo? Ako naman 'yung mag-aaral at hindi naman kayo." Nagpapadyak na ako dito sa sobrang inis dahil ayaw pa akong payagan. Sinundan ko si Tita Melissa sa kusina dahil nagluluto siya ng tanghalian namin.
"Israh, alam mong hindi pwede ang gusto mong mangyari!" Humarap itong nakapamewang sa akin, at may hawak pa itong sandok sa kanan niyang kamay. Napalunok naman ako sa takot dahil nanlilisik na 'yung mata ni tita, baka hampasin ako ng hawak niyang sandok.
"Hindi ko maintindihan bakit ayaw niyong pumayag! Dahil na naman ba kay mama?" Napairap tuloy ako ng wala sa oras dahil naiinis ako sa mga desisyon nila para sa buhay ko! Ang tanda-tanda ko na, for God's sake! Hindi ba pwedeng ako naman ang magdesisyon para sa buhay ko?
"Ako tigil-tigilan mo 'ko sa pagmamaktol mo dyan, Israh, talagang mahahampas kita ng sandok. At hindi mangyayari 'yang mga gusto mo," walang ganang tugon nito. Ni hindi man lang ako sinulyapan kahit sandali, at talagang nakatuon ang buong atensyon ni tita sa pagluluto.
"Makinig muna kasi kayo sa akin!" sigaw ko.
"Ako huwag mo 'kong sisigawan, Israh, at talagang makakatikim ka sa akin. Huwag mo kong kausapin napipikon ako sa'yong bata ka, at baka hindi kita matantsa dyan." Pagkatapos niyang sabihin 'yon, sinamaan ba naman ako ng tingin.
"Tita," mahinahong anas ko. Hindi man lang nag atubiling lumingon sa akin, at hindi talaga ako pinansin.
"Tita naman pakinggan niyo naman ako," naiinis na tawag ko pa, pero hindi talaga ako nilingon. Dumiretso ito sa lamesa para maghiwa ng mga gulay pero hindi pa rin talaga ako pinapansin. Sinubukan ko siyang tawagin sa pinaka kalmado kong boses, pero wala pa ring kibo si tita.
Ilang minuto na akong nakatayo sa gilid niya para magpapansin pero ayaw pa rin ako bigyan pansin. Ilang beses ko pa tinawag si tita pero ayaw pa rin talaga ako sulyapan man lang.
Nagmamaktol na ako rito pero wala pa rin siyang naging tugon, gusto ko na maiyak sa sobrang inis. Tila tuloy akong isang bata sa kalye na inagawan ng candy.
Mas lalo akong naiinis, grrrr!
"Bakit ba kasi kayo nakikialam para sa buhay ko? Hindi ba pwede 'yung gusto ko naman ang masunod?" walang modong litanyan ko.
Napipikon na talaga ako dahil ayaw pa rin ako pansinin ni tita. Pinansin na niya lahat-lahat 'yung bunso kong kapatid pero hindi pa rin talaga ako kinakausap.
"Bakit pinagbibigyan ka naman sa lahat gusto mo, ah?" Sa wakas nakuha ko rin ang atensyon ni tita. Napahinto ito sa paghihiwa ng gulay at masamang tinignan ako.
"Ayoko na po mag nursing sa next semester, Tita. Pakisabi kay mama after graudation, hindi na ako susunod sa kaniya sa Austria," direktang wika ko kay tita.
Ayoko na magpaligoy-ligoy pa, gusto ko na mag-aral sa Manila para sabay na kami ni Jameah pumasok sa iisang University. At matagal na rin buo ang desisyon ko para dito, kaya malinaw pa sa sikat ng araw na seryoso ako sa mga sinasabi ko.
"Pinagloloko mo talaga ako, Israh, no? Alam mong naka-plano na ang pagsunod mo sa mama mo sa Austria, after graduation mo. Tapos kung ano-anong kalokohan 'yang mga pinagsasabi mo sa 'kin, na ayaw mo na mag nursing? Hindi ba 'yon ang gusto mo? Kaya ka nga namin sinuportahan dahil alam namin na gusto mo maging nurse!" inis na giiit ni tita. Makikita mo na 'yung mga ugat niya sa leeg na galit na galit.
BINABASA MO ANG
The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)
Lãng mạnIsrah Lorielle Samonte admires Raizle Wallace Briones ever since high school. Israh really wants to be close to her all time favourite band. Just to get closer to her idols, she ventured to Manila to study at a popular and prestigious University whe...