"Ang sakit ng paa ko," reklamo ni Jameah habang naglalakad na kami papunta sa elevator.Natapos na kasi 'yung freshies night, at mag a-alas dose na ng madaling araw. Hanggang ngayon hindi pa rin nag sink-in ang lahat ng nangyari kanina sa event. Para akong lasing na nahihilo at nakatulala lang sa kawalan habang naglalakad.
"Primrose, paki-alog na lang 'yung katabi mo dyan. Baka mamaya hindi na humihinga 'yan," puna naman ni Jameah.
"Are you okay, Israh?" nag-aalalang tanong naman sa akin ni Primrose. Tumango na lang ako sa kaniya. Sa totoo lang para akong nasusuka na nahihilo dahil sa mga kaganapan kanina.
Hindi naman ako uminom kanina pero feeling ko hilong-hilo talaga ako. Hindi pa rim talaga ako makapaniwala na narinig ko na mag perform ng live ang Algorithm. Hanggang sa makababa na kami sa ground floor hindi pa rin mawala sa isip ko kung gaano kagwapo at kaganda 'yung boses ni Raizle
Literal na parang nasa alapaap.
"Huy! Ano hindi ka magsasalita? Nakababa na tayo dito lahat-lahat, pero parang hindi ka makausap ng matino dyan."
Minsan talaga masarap bawian ng buhay 'yung mga kaibigan natin mahilig mangwasak ng momentum. Hindi niya ba nakikita na may after shock pa akong nararamdaman? Alam naman niya kung gaano ako ka fan ng Algorithm tapos may lakas pa ng loob mang-asar.
"Alam mo ayos lang naman ako, Jameah, kung hinayaan mo lang sana ako na makapag-isip pa ng mahaba," inis na sabi ko sa kaniya.
"Sungit! Nakita mo naman na si Raizle kumanta sa personal, kaya ikalma mo na 'yung buong sistema mo. Alam kong gusto mo na magwala dyan," sabi pa niya habang nauuna siyang maglakad sa amin ni Primrose.
Sa shortcut kami dumaan, sa mas malapit na gate kung saan doon madalas nakatambay 'yung mga taxi para maghanap ng pasahero. Ang dami pang kung ano-ano mga pinagsasabi ni Jameah na hindi ko na lang pinansin. Si Primrose naman ay tumawa lang sa tabi ko.
Siguro sa dorm na lang ako magwawala pag natulog na si Jameah, para hindi siya maka istorbo sa mga pag dadaydream ko kay Raizle.
"Hindi ka ba susunduin ng driver niyo?" tanong ko kay Primrose, habang naglalakad pa rin kami palabas ng school.
She shook her head. "I texted Kuya Jeff. Sabi ko huwag na niya ako sunduin dahil wala naman sila Mom and Dad sa bahay namin."
"Dalian na natin! Ang sakit na talaga ng paa ko! Wala man lang ako naupuan doon sa sobrang daming tao! Feeling ko ang haggard at ang baho na ng itsura ko, gusto ko na maligo!" nagsisigaw ba naman si Jameah. Tinawanan lang tuloy siya ni Primrose.
"Mauna ka na. Mag-abang ka na ng taxi."
She murmured something, pero hindi ko naman narinig dahil nauna na siya maglakad sa amin. "Hala! Nandito si Kuya Jeff sa school!" Nagulat naman ako kay Primrose.
"Ha? I thought hindi ka susunduin?"
She nodded. "Sinabi ko nga rin sa kaniya, eh! Hindi ko alam bakit niya pa ako sinundo," iritableng sabi niya.
"Nagpaalam ka ba? Baka pinagalitan ka ng parents mo dahil late ka na makakauwi sa inyo?" Ayoko naman mapagalitan si Primrose dahil sa akin. Baka isipin pa ng mga magulang niya bad influence ako.
I feel responsible for her safety. "Nasaan ba 'yung driver niyo? Hatid na lang kita sa kaniya. Baka pagalitan ka ng parents mo pag-uwi mo dahil late na masyado."
"He's in the parking area."
Primrose said that she informed her parents that she would be late for home. She just did not really know why her parents ordered their driver to pick her up. Wala naman daw 'yung parents niya sa bahay nila dahil nagpunta raw sa Palawan.
BINABASA MO ANG
The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)
Lãng mạnIsrah Lorielle Samonte admires Raizle Wallace Briones ever since high school. Israh really wants to be close to her all time favourite band. Just to get closer to her idols, she ventured to Manila to study at a popular and prestigious University whe...