VOCAL #21

130 4 0
                                    

Hello! Maraming salamat sa pagbabasa sa story ko na ito huhuhu feel free to comment to express your feeling regarding on my story. Salamat ng marami po, na-appreciate ko po kayong lahat! Love lots! ❤️😘

Umuusok ang dalawang butas ng ilong ni Jameah nang makauwi ako sa condo. "Ginamit mo pa talaga si Sydney para makapag date kayo ni Raizle!" singhal niya sa akin.

Nakapamewang niya akong sinalubong at nakataas ang isang kilay.

Gusto ko mangatwiran dahil hindi ko naman ginusto iyon. Si Raizle ang may kasalanan at hindi ako.

"Hindi ko naman ginusto iyon, wala naman akong magawa," sagot ko.

"Ang sabihin mo, marupok ka lang! Tinatawagan kita pero naka-off ang phone mo, hindi ka man lang nag reply sa mga text ko!" sermon niya pa.

Napahawak ako sa batok ko, daig pa ni Jameah si Tita Melissa kung maka-sermon sa akin. Lalo lang sumasakit ulo ko kapag naririnig ko ang mga lintanya ni Jameah, mas nanay ko pa siya kaysa sa totoo kong nanay.

"Sorry na, Jam... Nagulat na lang kasi ako nandoon na si Raizle sa may parking lot. Tapos ayun, wala na akong magawa dahil kinuha niya ang susi ng sasakyan mo."

Kitang-kita ko ang frustration sa mga mata ni Jam na napapapikit.

Nanlilisik ang mga mata niya sa akin. "Hay nako! Dinamay mo pa si Sydney ko! Pasalamat ka at hindi kita kaklase sa second period class mo!" sigaw niya bago ako lagpasan.

"Pasensya na, Jam..." habol ko.

Grabe kinabahan ako kay Jam, kulang na lang itakwil niya ako bilang kaibigan niya. Hindi naman siya galit na galit sa akin, naiinis lang siya dahil hindi ko siya nireplayan at nakapatay ang phone ko.

Ayaw na ayaw niya kasi na hindi ako agad nag rereply sa mga text niya. Hindi rin naman galit si Jam sa pagtakas ko kay Sydney, hindi naman siya madamot. Kabisadong-kabisado ko na ang kaibigan ko, kaya naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang pagka-inis niya sa akin.

Shuta kasi si Raizle! Nabudol ako sa mga galawan niya kanina, may explanation pa siyang sinasabi. Sana talaga tantanan na niya ako dahil nag dududa ako sa mga sinasabi niyang, 'I won't bother you anymore." na iyan!

Dati nga parang nagseselos siya kay Martin, bakit hindi ko raw siya pinapansin. Tapos narinig kong tinawag niya pa akong 'babe' Malandi rin talaga si Raizle, base sa mga galawan niya.

At ako naman, may kalahati sa isip ko na parang kinikilig din ako. Hindi ko malaman sa sarili ko kung maiinis ba ako, o kikiligin!

Pagtapos ko mag-isip ng malala, nag-asikaso na ako para sa duty ko mamayang alas-otso. Susuyuin ko ng malala si Jam pagtapos ng shift ko. At mukhang kailangan ko ulot maligo para mahimasmasan.

Sana magkaroon na ako ng peace of mind para hindi na ako gambalain pa ni Raizle. From now on, magiging fan girl na lang niya ako sa malayo katulad noong nasa Cebu pa ako.

Mas maayos buhay ko noon, kaysa ngayon na naging malapit na ang mundo ko sa kaniya. Nakakasira ng mental health itong mga kaganapan sa buhay ko sa Manila. Well, hindi naman ako nagsisi na sa Southdale ako nag-aral, masaya naman ako.

MUNTIK na akong ma-late sa trabaho ko kanina, sobrang dami kasing magpagawa ng mga prof namin ngayong week, sabay-sabay pa talaga sila kung magpa-assignment. Nag usap-usap siguro silang lahat para ma-stress kaming mga estudyante?

Kung bakit kasi ngayong week lang sila pumasok! Last week ang luwag-luwag ng schedule namin dahil walang prof masyado ang pumapasok dahil first week of classes daw for this second sem.

Katwiran pa nila, marami pa raw silang hindi naasikaso at hindi pa raw encoded lahat ng subjects na ituturo nila. Okay lang naman kung ganoon, kaso bakit sabay-sabay pa? Pwede naman isa-isa lang dahil mahina ang kalaban.

The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon