"Raizle!" sigaw ko pa nang tuluyan siyang nalingon sa gawi ko. Nagtinginan ba naman lahat ng mga tao sa akin, siguro dahil sa pagsigaw ko. Pero hindi ko na lang sila pinansin dahil wala naman akong pake sa kanila kahit tumingin pa sila sa akin, at least napansin ako ni Raizle nang tinawag ko siya.
Confirmed si Raizle nga! Sayang hindi ko dala 'yung poster niya, papa-autograph sana ako. Magpapicture kaya ako sa kaniya? Kaso baka pagkaguluhan lang siya pag nakita nila akong nagpapicture kay Raizle.
"Raizle!" tawag ko pa sa kaniya, pero mabilis itong umiwas ng tingin at isinuot na niya ang hoodie sa ulo niya, tsaka ito naglakad ng mabilis.
Siguro nagulat siya sa pagtawag ko sa kaniya? Bakit ko pa kasi siya tinawag, baka nainis siya dahil tinawag ko ang pangalan niya sa maraming taong nakapaligid. Gusto ko sana siyang habulin, kaso huwag na pala, baka mamaya magmukha pa 'kong stalker.
Aaminin ko, medyo tanga ako sa part na 'yon. Nakikita ko sa peripheral vision ko na may mga iilang tao pa ang mga tumitigin sa akin. Iniisip siguro nila na baliw ako or palengkera dahil nagsisigaw ako sa hallway ng Southdale.
Mas mabuti pa siguro pumila na lang ako sa registrar para ipasa 'yung mga requirements ko, malamang baka nandoon na si Jameah at hinihintay ako sa pila.
"Hoy! Nandyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap doon sa pila." Nagulat naman ako nang may kumalabit sa likod ko. Si Jameah lang pala.
"Jusmiyo marimar! muntik na 'kong atakihin sa'yo! Akala ko kung sino 'yung kumalabit sa'kin!" pagrereklamo ko sa kaniya. Napahawak pa 'ko sa dibdib ko sa sobrang gulat.
"Ay, pasensya ka na, akala ko kasi nawala ka na kaya hinanap pa kita dahil wala ka naman doon sa pila ng registrar," sarkastikong sambit niya.
"Naligaw kasi ako, hindi ko na alam kung paano pumunta doon," pangangatwiran ko pa.
"Anong naligaw? Galing lang tayo doon kanina. Tsaka bakit nandito ka sa building na 'to? Ang layo naman ng narating mo."
"Ay, sorry naman. Ang laki kasi masyado nang Southdale kaya siguro ako naligaw, no?" saad ko pa at sabay inirapan siya.
Gusto ko sana sabihin kay Jameah na nakita ko si Raizle, kaso mamaya ko na lang sasabihin sa kaniya. Tsaka isa pa, baka isipin niya nababaliw na 'ko at asarin pa ako ng bongga kay Raizle. Parang hindi ko naman kilala ang kaibiigan ko kung mang-asar.
"Tara na kaya? baka hindi pa tayo makapag enroll dahil anong oras na, malamang mas marami nang mga taong nakapila doon." At hinigit na niya ako papunta sa registrar.
Hindi ko na siya kinontra dahil baka nga hindi na kami makapag enroll. Sinundan ko na lang siya maglakad papunta doon, mamaya kasi mawala ako o maligaw na naman, edi mas lalo akong inaway ng babaeng 'to.
Doon ko napagtanto na ang tanga ko na naman dahil nadaanan ko na pala 'yung registrar, at malapit lang pala kumpara sa mga nilalakad ko kanina, nagkaligaw-ligaw pa 'ko at kung saan-saan napadpad. Pumila na kami ni Jameah sa may College of Business Administration registrar window.
Mabilis lang pala ang pila dahil marami naman ang mga naka-open na windows. Magkasunod lang din naman kami ng pila ni Jameah kaya hindi naman ako mahihiwalay sa kaniya. At ayoko rin maligaw ulit, hindi ko pa kabisado 'yung buong Southdale. Siguro kapag mya oras pa kami magpapasama ako kay Jameah na makapagoikot-ikot man lang or makapag tour.
Nakauwi na kami sa dorm ni Jameah at sa wakas enrolled na rin kami for this coming semester. Goodbye nursing na talaga ako, medyo nalungkot ako ng slight dahil naging pangarap ko rin naman maging nurse someday. Pero siguro nga nagbabago talaga ang isip ng tao, maaaring gusto mo siya ngayon, pero bukas baka hindi na, baka iba na 'yung gusto mo.
BINABASA MO ANG
The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)
RomanceIsrah Lorielle Samonte admires Raizle Wallace Briones ever since high school. Israh really wants to be close to her all time favourite band. Just to get closer to her idols, she ventured to Manila to study at a popular and prestigious University whe...