Advance Happy birthday to you, @obnoxiouspips This chapter is dedicated just for you... Love you!
"Lori, late na ako makakauwi sa condo. May meeting kami sa club," si Jam.
Nagkita kami rito sa may café na malapit sa school. Hiniram niya 'yung laptop ko, kailangan daw kasi niya mamaya para sa presentation nila. Nauna kasi siyang pumasok sa school, ako pa nga ang nag drive kay Sydney dahil tinatamad daw siya mag park ng sasakyan.
Ewan ko ba sa kaniya kung bakit kinalimutan niya ang laptop niya sa condo. Pati pag park niya ng sariling sa sakyan niya ay kinatatamaran niya rin. Sana talaga humaba pa ang pasensya ko kay Jam.
"Sige. Huwag mong iiwan 'yong laptop ko sa locker mo. Isabay mo na pauwi, kailangan ko rin yan bukas," sabi ko sa kaniya.
"Yes, boss. Basta late nako makakauwi, ikaw na muna magpakain kay Wanwan."
Si Wanwan ay ang alaga niyang aso. Isang buwan na si Wanwan sa amin, binili niya iyon sa kaklase namin na mahilig mag breed ng mga iba't-ibang lahi. Pomeranian ang aso na binili niya.
"Pabilin mo na lang kay Kuya Clarence, baka may meeting din kasi kami sa club."
Kapag wala kami sa condo pareho ni Jam, may inuutusan naman si Jam para mag-alaga at magbantay kay Wanwan.
Sumipsip muna siya ng binili niyang frappe bago lumapit sa akin at bumulong. "Bakit magkikita ba kayo ni Raizle mamaya?"
Nagkibit-balikat ako. "Baka? Hindi siya pumasok kanina may photoshoot siya ngayon," mahinang sabi ko.
"Susunduin ka? O magkikita kayo mamaya?" tanong niya.
"Magkikita lang kami saglit, nag promise kasi siya na babawi siya sa akin."
Bago ako pumasok sa shift ko ay magkikita kami. Nagtext ako sa kaniya kanina na may meeting sa club kaya itetext ko na lang din siya kapag tapos na 'yung meeting namin.
Ilanga raw na rin kasi akong hindi nakakasama sa meeting, buti hindi naman nagagalit si Janice. Naiintindihan naman daw niya dahil working student ako.
Si Cole na muna ang acting club president habang busy si Raizle sa mga photoshoot niya. Kinuha ulit kasi siyang ambassador ng isang brand, tapos siya 'yung ginawang cover magazine ng Cosmopolitan, irerelease na iyon next month.
"Sana lahat bumabawi. Ikaw na talaga ang nasa healthy relationship!" aniya.
Araw ng biyernes ngayon, kapag biyernes ay nagiging abala talaga si Raizle. Kung wala siyang photoshoot, nag prapractice naman sila for rehearsal. Twice a week na kasi ang gig nila, tapos sa iba't-ibang lugar na rin sila dumadayo para mag perform.
Plus, ang dami pa niyang tinatanggap na trabaho. Sabi ko nga sa kaniya ay magpahinga muna siya. Panay nga ang sorry sa akin dahil wala na raw siyang time sa akin. Lagi niyang sinasabi na babawi talaga siya sa akin at magbabakasyon kaming dalawa.
May kontrata pa ang banda nila kaya hindi pa nagiging maluwag ang schedule ng Algorithm. Pero sa kanilang lima, mas busy talaga si Raizle. Minsan nga ako na talaga ang gumagawa ng task niya sa mga school requirements niya.
Sinasabihan na rin siya ng manager niya na mag homeschool na lang, kaso ayaw niya. Sa akin ayos lang naman iyon para mas maging focus siya sa trabaho niya, tsaka busy rin naman ako sa buhay ko at sa trabaho ko rin sa store.
Ang katwiran niya, iyong pagpasok na lang niya sa Southdale ang nagiging way niya para mas madalas kami magkita. Nagagampanan pa rin naman niya ang pagiging mabuting boyfriend.
Tinutupad niya ang mga pangako niya kapag sinabi niyang babawi siya. Madaming date na rin kasi ang naudlot dahil sa trabaho niya. As a girlfriend, nauunawaan ko naman siya. Hindi naman namin pinag-aawayan ang bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)
RomanceIsrah Lorielle Samonte admires Raizle Wallace Briones ever since high school. Israh really wants to be close to her all time favourite band. Just to get closer to her idols, she ventured to Manila to study at a popular and prestigious University whe...