Kumurap pa ako ng ilang beses para kumpirmahin na si Raizle nga 'yong nasa loob ng Music room. Habang takip ng dalawang kamay ko ang aking bibig ang kasabay ng kabado kong paglunok ng ilang beses.
Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit nanginginig ang aking mga tuhod at nanghihina. What's wrong with me? Every time I see new thing about him that I admire him I easily get nervous like this! Why? Am I in love with Raizle?
Hindi na dapat maging bago ito sa akin dahil matagal ko naman na siyang hinahangaan. Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko kapag maglalapit kami ng landas.
While he was playing piano, I couldn't help but to look at him with amazement. It was like I had to memorize every move he made, every angle he had right now. He looks so fucking good! It seems like I desire him even more because of the talent he shows.
Sa bawat pag lapat ng mga daliri niya sa keyboard ng piano mas lalo akong nakakaramdam ng paghuhumerentong ng puso ko. Hind ko na halos mabilang kung ilang beses na ako lumunok ng sarili kong laway.
Hindi ko magawang maalis ang mga mata ko sa gwapo niyang mukha habang nakapikit itong tumutugtog ng piano. Sobrang talented talaga niya! Alam ko na marunong siya mag piano base sa mga videos na napapanuod ko tungkol sa kaniya, pero hindi ko inaasahan na ganito pala siya kagaling.
Muntik na akong mapatalon sa mismong kinatatayuan ko nang bigla siya dumilat at nagtama ang aming mga mata.
Hala lagot na! Baka kung anong isipin niya kung bakit ako nandito at pinagmamasdan siya tumutugtog ng piano. Anong idadahilan ko sa kaniya?
Umisip ka ng magandang alibi, Israh!
Aalis na lang ba ako o papasok sa loob mismo ng Music room? Pero hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa dahil sa sobrang abot-abot na nerbyos dito, tila ako nanghihina.
Bahala na nga! I have to act normal as if nothing happened. Sasabihin ko na lang na napadaan lang ako at hinahanap si Haidee Mendez. At totoo naman na si Haidee Mendez ang hinahanap ko at hindi naman siya. Kaya bakit ako kakabahan, 'di ba?
Tumikhim muna ako at malalim na huminga bago napagdesisyunan na pumasok na sa loob. Alam kong sa akin naka baling ang atensyon ni Raizle, dahilan ng paghinto niya sa pagtugtog ng piano.
"Hello, Raizle! Nandito ba kanina si Ms. Haidee Mendez?" agap ko na bago pa siya mauna magsalita. Kahit papaano nabawasan ang tensyon na nararamdaman ko ngayong kaharap ko na siya.
A puzzled look came across his face. "You know her?" matigas na ingles nito.
I shook my head. "Nope. I just need to meet her for some business."
Nagtaas ang isa niyang kilay at humalukipkip. "I see. Hindi ko siya nakita rito," he instantly replied.
"Sige," tipid kong sagot. I feel like ang awkward naming dalawa. This is not what I expected of him.
"I wonder. What kind of business do you have with her?" he asked. Napalitan ang itsura niya sa pagiging interesado.
Sasabihin ko ba sa kaniya na gusto kong sumali sa Music Club dahil sa kaniya? Ayoko naman kung ano ang isipin niya sa akin, baka isipin pa ni Raizle i-stalker niya ako. Mas mabuti na kay Haidee Mendez na lang ako lumapit, tutal mukhang close naman sila ni Bjorne. Magagawan naman siguro ng paraa iyon.
I blink multiple times. "A-ano k-kasi... magpapatulong lang sana ako sa kaniya..." mautal-utal kong sambit sa kaniya.
Tumayo ito mula sa pagkaka-upo niya sa harap ng piano. "What kind of help? Maybe I can help, too?" My mouth couldn't open.
I lost my word. I don't know what to say! Parang lumakas yata 'yung aircon dito sa Music room at giniginaw ako ng sobra. Tumataas ang mga balahibo ko! Hindi ko alam kung dahil pa bas a lamig o dahil sa presensya ni Raizle.
BINABASA MO ANG
The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)
RomansaIsrah Lorielle Samonte admires Raizle Wallace Briones ever since high school. Israh really wants to be close to her all time favourite band. Just to get closer to her idols, she ventured to Manila to study at a popular and prestigious University whe...