It nice to be back. Pinilit ko talaga mag update hehe... ang lungkot kasi ng May ko eme!
Malapit na ang final exam namin at naging sobrang abala talaga ako sa pag re-review. Next school year third year na ako. Kami ni Jam at Primrose.
Buti na lang at hindi sumabay 'yung foundation namin sa final exams namin, give way daw muna namin ang mapayapang paghahanda para sa papalapit na exam. I agree. Dapat lang naman.
Isa lang naman ang katawan naming mga estudyante at hindi naman naming kayang hatiin para matugunan lahat ng mga gampanin namin bilang student.
"Israh, may binigay ba na pointers to review si Ma'am Mendoza?" si Jessy, kaklase ko sa isa sa mga major subject namin.
"Wala naman. Pero siguro may kinalaman sa business plan natin?" sabi ko.
"Okay, thanks! Grabe nakaka-stress may defense pa tayo sa kaniya. Gusto ko na lang maging hotdog sa freezer," aniya.
Natawa lang ako habang nag re-review kami sa student lounge. Kasama namin sila Elo at Dixie mag review. Ka-grupo ko sila sa business plan namin, kasalukuyan lang naming hinihintay si Tyron at Ghella.
"Beks, pang ilang kape mo na 'yan?" tanong ni Dixie kay Elo. Parehas silang scholar sa SU.
"Pangatlo ko na 'to, te! Mamatay na yata ako sa sobrang kaba sa papalapit na defense. Pwede bang mamatay muna?" mangiyak-ngiyak nitong sabi.
"I'll come with you, Elo! Pamatay na talaga ang second sem natin!" sang-ayon naman ni Jessy.
Si Jessy naman ay galing pa sa Davao, her dad is a Mayor in Davao. Wala pa 'yung dalawang mag jowa naming kagrupo, si Tyron at Ghella. Mga ka-grupo naming aesthetic, lagi nga silang inaasar ni Elo. Buti na lang at hindi sila pikon.
Well, mababait naman silang ka-grupo kahit anak mayayaman sila. Hindi naman lahat ng kaklase ko ay maaarte at mapang-mata. Karamihan mga anak sila ng mga negosyante dahil nga marketing ang kurso namin.
Mga taga pagmana pa ng kumpanya ang iilan. Sana all may negosyong ipapamana.
"Bili ulit tayo ng kape para mas masaya?" si Dixie.
"Pass na 'ko, bakla! Baka dumiretso ako pulinarya kapag uminom pa ako ng kape. Bukas naman," si Elo.
"Alright! Ikaw ba, Israh, you want coffee ba?" tanong ni Dixie.
Napahinto ako sa pagbabasa ko sa laptop ko since nirereview ko 'yung part ko sa business plan namin.
"Sure. Saan ba tayo bibili?"
Nag wave ng hand si Jessy. "No worries. My treat! Ayaw kong na-stress ang maganda naming leader."
Natawa naman ako. "Thank you, Jess!"
Yes, ako ang ginawa nilang leader. Dapat si Tyron dahil siya ang pinaka competitive sa amin. Pero ako ang binoto nila. Hindi ako leader type na tao, kung mayroon man, si Jam na iyon.
Kaso hindi ko naman kaklase si Jam dahil irregular ako. Tatlong subject lang kami magkaklase, tapos nag overload pa ako ng units para naman hindi sayang ang panahon.
"Ay, Jess! Libre mo pala. Sige bilhan mo na rin ako ng kape. Mamatay din naman!" pahabol ni Elo bago umalis sila Jess at Dixie para bumili ng kape.
"Gaga ka!" natatawang sabi ni Dixie.
Gusto ko na ring matapos itong final week namin at ng defense namin. Nasa bakasyon na iyong utak ko. Bakasyong-bakasyon na ako kasama si Raizle.
Hindi kasi kami palagi nagkikita ni Raizle sa school, mas naka focus talaga siya sa career niya. Pumayag na rin siyang mag home-school kaya hindi na siya palagi nasa school.
BINABASA MO ANG
The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)
RomansaIsrah Lorielle Samonte admires Raizle Wallace Briones ever since high school. Israh really wants to be close to her all time favourite band. Just to get closer to her idols, she ventured to Manila to study at a popular and prestigious University whe...