VOCAL #19

132 2 0
                                    

"Mama..." my voice is shaking.

Na-estatwa na ako sa kinatatayuan ko kaya wala nang ibang salita ang lumabas sa bibig ko.

"Welcome home, honey. Bakit mukhang kauuwi mo lang din?" sakrkastikong sabi ni Mama.

Hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan kay Mama ang lahat. Hindi ko kasi sinasagot ang mga tawag at text niya sa akin. Masama kasi talaga ang loob ko sa hindi niya pagpayag sa akin na mag-aral sa Manila.

At dahil ako nga ang sopresa sa pag-uwi niya ng Pilipinas, mukhang wala na akong choice kundi sabihin sa kaniya ang totoo. Bistado na. Huli pero hindi kulong.

"Ma, magpapaliwanag po ako—"

"Magpapaliwanag ka? Sa mga pagsuway mo sa mga utos ko? Sa tingin mo ba hindi ko malalaman na hindi ka rito sa Cebu nag-aral? Hindi ako tanga, Israh!" sigaw niya.

Kitang-kita ko ang mga ugat ni Mama sa kaniyang leeg. Sobrang namumula si Mama sag alit. Ngayon ko lang siya nakitang galit na galit, maski ang mga mata niya ay nag-aalab.

"Melanie, huminahon ka. Pinayagan ko si Israh. Kasalanan ko naman, sa akin mo na lang ibuntong ang mga galit mo," sabat ni Tita Melissa.

Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Tila ako napako sa kinatatayuan ko. Habang si Mama naman ay prenteng nakatayo pa rin at matalim ang mga titig sa akin. Wala akong balak kumibo kasi alam kong may kasalanan ako.

"Kasalanan mo talaga, Ate Mel! You tolerated her childish action! Ikaw ang nandito, pero pinabayaan mo lang siya sa mga bagay na gusto niya!"

Umiling-iling ako. Nagbabadya nang umagos ang mga taksil ko luha. Gusto kong ipagtanggol si Tita sa lahat ng masasakit na salitang pinagsasabi ni Mama sa kaniya. At gusto ko na rin lumipad pabalik sa Manila para hindi ko na muna makita si Mama, para takas ang lahat ng 'to.

Lumapit si Tita Melissa sa pwesto ni Mama at hinawakan siya sa magkabilang braso. Pinapakalma niya si Mama para hindi na sumigaw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Walang gustong lumabas mula sa bibigg ko. Gusto ko na lang tumakbo. Ayokong harapin si Mama.

"Kaya nga humihingi na ako ng depensa sa'yo. Hindi ko lang kasi matiis si Israh na makita siyang malungkot. Pinagbigyan ko na kasi gusting-gusto niya na lumuwas sa Manila para mag-aral doon—"

"Shut up! You have no right to do that because she's not your daughter. I'm her mother and I know what's best for her!"

"Melanie..." nanginginig na sabi ni Tita.

"Well, what else can I expect from you, Ate? You have never experienced being a mother; so, it's easy for you to tolerate my child!"

Paano niya nagagawang sabihin iyon sa nakakatanda niyang kapatid. Wala siyang respeto, wala siyang karapatan pagsabihan si Tita ng ganon. Anong karapatan niya para sigawan ang taong nag-alaga at kumupkop sa mga anak niya!

Sa kapatid niyang walang ginawa para alagaan kami. Wala siyang utang na loob sa kapatid niyang nagparaya para lang makapag-aral siya ng walang kahirap-hirap. Hindi na siya nag-asawa para alagaan kami.

Samantalang siya nagpapaka sarap sa pera ng kabit niya. Nagawa niyang iwan ang pamilya niya para sa ibang lalaki!

Nagpantig ang dalawa kong tainga nang marinig ko iyon. Kitang-kita ko kung paano bitawan ni Tita ang hawak niya kay Mama. Namuo ang mga luha sa gilid ng kaniya mata.

Hindi ko kayang tignan si Tita Melissa ng ganoon. I love her so much. Si Tita Melissa ang mas tinuturing kong ina kaysa sa sarili kong ina. Yes, she is just my mother. But she never became a mother to us.

The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon