Pagkatapos ng performance ko ay bumaba na agad ako sa stage at hindi tinapunan ni isang tingin si Raizle. Dire-diretso lang ako pababa sa stage, mabilis ang bawat lakad ko dahil sobra ako nakaramdam ng Kahihiyan kanina sa performance ko.'Yung mga titig ni Raizle hindi ko maatim. Sobra talaga akong kinakabahan habang pinagmamasdan niya akong kumanta kanina sa stage. Wala naman ibang sinabi bukod sa tatawagan na lang daw kung pasado o hindi. Hindi ko naman na iyon pinansin dahil alam kong official member na ako.
Palabas na ako ng Musical Hall nang bigla akong hinarangan ni Miss Haidee. "Israh, alis ka na ba?"
Tumango ako. "Opo, sumama po kasi bigla 'yung pakiramdam ko. Pwede na po ba umuwi?" Pinakita ko sa mukha ko ang hindi maipintang mukha para talaga magmukha akong hindi okay at masama ang pakiramdam.
"Pwede naman. Tapos ka naman na mag-audition." Ngumiti ito sa akin.
"Sige po. Salamat po, Miss Haidee."
"No problem. Official member ka ng Music Club. Congrats ulit! Tinapik niya ako sa aking balikat. Umalis na ako agad pagkatapos namin mag-usap ni Miss. Haidee.
Sabi niya i-tetext na lang daw niya ako kapag may meeting kami sa club o kung may gagawin ba kami. Panigurado ay may gagawin agad sa Music Club dahil ang daming events sa Southdale, sunod-sunod pa naman ang mga ganap sa school.
Mauuna ang Southdale Fair bago ang foundation namin. At marami rin mga pa games at activities sa ibang mga club kaya sobrang magiging abala ang lahat.
Wala naman na akong balak gawin sa school. Kaya uuwi na agada ko para maaga makatulog dahil inaantok na rin ako dahil wala pa akong maayos na tulog simula noong nakaraang linggo.
"Huy! Tulala ka na naman dyan!" sigaw ni Jameah sa akin. Halos masampal ko siya dahil sa gulat ko. "Hindi," maiksing sagot ko at umiwas ng tingin.
"Sus! Kanina pa kaya ako nagsasalita sa tabi mo pero hindi ka kumikibo dyan." Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang lakas ng boses ng kaibigan ko. Pag nag-asawa si Jameah sigurado ako mabunganga ito sa asawa niya.
Nakaklumbaba ako rito sa table ng coffee shop malapit sa school. Naging tamabayan na talaga naming ito. "Bili mo na lang ako ng iced coffee," malambing kong sabi sa kaniya.
Napangiwi ito sa sinabi ko. "Tsk! Nakakapanibago ka. Hindi ka ganyan! May sakit ka ba?"
"Wala! Anong pinagsasabi mo?" pagtanggi ko. Nagulat naman ako ng bigla niyang nilagay ang likod ng kamay niya sa leeg ko, tinitignan niya siguro kung may lagnat ba ako o kung ano.
"Wala nga akong sakit, Jameah! Tinabing ko ang kamay niya at hinampas iyon ng mahina. "Bili mo na ako, dali na."
Atomatikong nagkasalubong ang mata niya at tinignan ako ng masama. Akala mo may ginawa akong krimen sa reaksyon ng mukha niya. "Pera?" Inabutan ko siya agad ng limang daan.
"Libre mo na rin ako, ah," sabi niya bago umalis sa harap ko para pumunta sa counter.
Sobrang stress ko nitong mga nakaraang araw dahil sa acads at sa mga ganap sa Music Club. Hindi na yata kakayanin ng Time management ko lahat i-balance sa sobrang puno ng schedule araw-araw.
Hindi pala madali pagsabayin 'yung acads at club. Kaya bilib talaga ako kay Jameah kung paano niya nagagawang i-handle ng sabay iyon, knowing na isa pa siya sa mga officers. Aaminin ko na sumali talaga ako sa Music Club para araw-araw ko masilayan si Raizle tuwing may meeting kami o kung kailangan kong pumunta sa headquarters.
Hindi naman kasi ako mahilig sumali sa mga organization o kung anong mga extra-curriculum na 'yan. Mas gusto ko talaga maging normal na estudyante na pumapasok lang para sa acads. Hindi rin ako matalino kagaya ni Jameah. Honor student naman ako pero hindi ako matalino. Masipag lang talaga ako mag-aral.
BINABASA MO ANG
The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)
DragosteIsrah Lorielle Samonte admires Raizle Wallace Briones ever since high school. Israh really wants to be close to her all time favourite band. Just to get closer to her idols, she ventured to Manila to study at a popular and prestigious University whe...